Chapter 35 - Chapter 35

Now playing: Dandelions by Ruth B.

Jennie

Kahit na inaamin kong namimiss ko pa rin ang presensya ni Lisa, pinilit ko ang aking sarili, na kahit ngayong araw lamang ay hindi ko na muna ito isipin.

Pinipilit ko na alisin at iwaksi ito sa aking isipan sa tuwing biglang makikita ko ang mukha nito.

Hindi pwede.

Mula ngayon, kailangan ko nang sanayin ang aking sarili na wala siya.

Mula ngayon kailangan ko nang sanayin ang aking sarili na hindi siya ang palaging makakasama at mas lalong kailangan ko na ring tanggapin na siya at ako ay isang imahinasyon lamang na hinding-hindi mangyayari pa.

Kailangan kong paulit-ulit na i-remind ang aking sarili na si Lisa, na best friend ko ay para sa kuya ko lamang at ako ay hanggang kaibigan lamang nito kahit na ano pa man ang mangyari.

Ayoko na ring isipin pa at paulit-ulit na alalahanin ang mga sinabi nito noon na mahal din niya ako at gusto ako nitong makasama.

Alam ko naman na naguguluhan lamang talaga siya at hindi talaga kami kailanman magiging parehas ng nadadaramdaman.

Bakit ko pilit na ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong may minamahal nang iba? Kung pwede naman akong maging masaya sa ibang tao na totoo at hindi lito sa kanyang nararamdaman talaga.

Katulad na lamang nitong si Nami.

Kahit noon pa man na hindi pa ako maganda sa paningin ng mga tao, kahit noon pa man na ang panget-panget ko kaya madalas akong laitin at i-bully ng mga tao ay gusto na talaga niya ako.

Nakakapagtaka man kung ano ang nakita nito sa akin, thankful pa rin ako dahil may mga kagaya pa rin ni Nami ang nag-e-exist sa mundo.

Iyon bang kahit na pinagtatawanan ako at mukha akong tae para sa lahat, para sa kanya isa akong dyamante na na hinahangaan pa rin niya sa kabila ng totoong itsura ko.

Minsan nga iniisip ko baka nabubulag lamang si Nami eh.

O kaya naman, minsan hindi ko mapigilan ang hindi matakot dahil baka pagdating ng araw-- katulad din pala siya ng iba at lalabas din ang totoong pakay nito.

Kaya lang kasi, alam ko at palagi kong ramdam ang sinseridad nito para sa akin, na kahit na madalas ay maloko siya at pagyayabang lamang ang ipinapakita nito, sa kanyang puso, mayroon siyang kabutihan na hindi niya madalas na pinapakita.

O baka nga sa akin lamang siya ganito.

Sa totoo lang, kung wala si Lisa?

Baka nahulog na rin ako kay Nami noon pa man.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa isang malambing, maalaga at napakagandang katulad niya?

Nahihiya na rin nga ako sa kanya at sa sarili ko eh.

Kasi ang daming tao ang nagkakandarapa sa kanya, habang ako, heto, hindi alam kung alin ba talaga siya sa puso ko. Hindi na nga nga number, hindi pa number two, o maging pangatlo. Dahil kahit na anong number pa, palaging si Lisa lamang iyon.

Hays!

Frustrated na napasabunot ako sa aking buhok!

Lisa na naman! Inis na saway ko sa aking sarili.

"Alam mo bang mas gumaganda ka kapag nakikipagtalo ka sa sarii mo." Komento ni Nami bago naupo sa tabi ko at inabutan ako ng isang basong juice.

Agad naman na kinuha ko ito mula sa kanya.

Dinala ako nito sa isang private beach na pagmamay-ari ng mga magulang ni Miyuki. Hindi pa masyadong open ang lugar para sa lahat dahil marami pang kailangang ayusin rito at tanging iilang kilalang tao pa lamang ng kanilang pamilya, ang pwedeng pumunta at pwedeng makapasok rito.

"T-Thanks!" Utal na pasasalamat ko habang hindi makatingin sa kanyang mukha. nahihiya kasi ako sa biglang pagyaya na i-date niya ako.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay napatitig lamang ito sa mukha ko bago napahinga siya ng malalim.

"Sorry, wala akong ibang ma-offer na drinks sa'yo." Paghingi nito ng paumanhin. "Ayoko naman na bigyan ka ng beer or kahit na anong alak, ano?" Dagdag pa niya. Dahil doon ay natawa na lamang ako ng disoras.

"Sira! Okay lang 'no?" Nangingiti na sabi ko sa kanya.

"Ikaw ba naman kasi ang yayain ng biglaang date? Tss!" Pagtataray-tarayan nito kunwari.

Mataman na napatitig ako sa maamo at maganda niyang mukha.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko bago napanguso. Kunwaring nagtatampo.

"Of course, I want!" Mabilis at agad naman na sagot niya. "Sino ba naman ang hindi? Eh 'yung taong gusto ko na mismo ang nagyayang makipag-date sa akin, lugi pa ba ako?" Lalo tuloy akong natawa dahil sa mga sinasabi niya.

"Yan! Ganyan ka lang palagi." Biglang sumeryoso ang mukha nito.

Napakunot naman ang noo ko.

"What do you mean by that?"

Napailing ito ngunit nasa akin pa rin nakatutok ng diretso ang kanyang mga mata. Iyong mga titig niyang nakakailang na halos kulang na lang matunaw ako na parang kandila sa init ng mga tingin nito sa'kin.

"I mean, you should smile more. Mas maganda at bagay sa'yong tignan." Wika nito. "Lalo rin tuloy lumiliwanag nag mundo ko." Dagdag pa niya na ikinakamatis ng mukha ko dahilan upang mapayuko ako.

"Bolera!" Bulong ko.

"Nope! I am not!" Depensa nito sa sarili. "I told you, hindi ako marunong magbiro at palagi akong seryoso pagdating sa'yo!" Dagdag pa niya habang unti-unting lumalapit sa akin mula sa pag-upo.

"Ops! H-Hanggang d'yan ka lang!" Sabay tayo ko at mabilis na lumayo sa kanya. Agad naman itong napa-pout!

"Can you swim?" Biglang pag-iiba niya ng usapan.

Ang bilis namang magpalit ng mood niya! Ang totoo? Reklamo ko sa aking sarili habang maingat na inilalapag ang hawak na baso sa lamesa.

Muli akong napaharap rito bago napatango.

"Yup!" Sagot ko sa kanya.

Katulad ko ay napatayo na rin siya habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang labi.

Wait, kinikilig na siya?

"Why are you smiling?" Kunot noo na tanong ko. Napailing siya pagkatapos ay napanguso sa may unahan.

"Do you know how to ride that one?" Napalingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

"Kayak?" tanong ko at pagkokompirma na rin noong wala akong ibang makita na tinitignan nito kung hindi ang dalawang kulay dilaw na kayak na nakalagay sa may gilid ng pangpang.

Napatango siya!

"Oo naman 'no?" Proud na sagot ko sa kanya.

"Really?" Parang amazed na amazed na tinignan naman niya ako sa aking mukha.

Gosh! She's so pretty!

Inaamin kong mas lalong nagiging maganda sa paningin ko si Nami kapag ganitong ang saya-saya niya!

Para bang...para bang nakakataba ng puso ang pasayahin ang isang Nanami takeda!

Kaya dahil dito ay hindi nagdalawang isip na hinawakan ko si Nami sa kanyang braso at basta na lamang hinila patungo sa kayak.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong nito sa akin.

Kagat labi na napatingin ako sa kanya upang pigilan ang sarili na matawa.

Mukha kasi siyang natatakot na kinakabahan at hindi ko maintindihan.

"Alam mo kung natatakot ka, hindi na lang natin itutuloy---"

"Please!" Putol na pakiusap nito sa akin.

"I just want to try it with you." Dagdag pa niya. "Masaya ba 'yun?" Pigil muli ang ngiti na tinignan ko siya.

"Ikaw ba eh marunong lumangoy?" Tanong ko. Kasi baka mamaya siya pala itong hindi marunong lumangoy at parehas pa kaming mapahamak dahil hindi ko alam paano siya ililigtas kahit pa sirena ako.

Napa-cross arms ito habang nakakunot ang noo.

Nagmamaldita pa po siya.

"Of course! What do you think of me?" Pagtataray nito sa akin kaya tuluyan na akong napatawa.

"Mabuti naman." Saad ko. Akala ko kasi ito na ang kauna-unahang makakaligatas ako taong nalulunod. Pabiro at pabulong na sabi ko ngunit alam kong rinig pa rin niya.

Hindi nagtagal ay nasa may medyo malalim na kaming parte nang dagat. Iyong sakto na natatanaw pa rin namin ang buhangin mula rito. Wala naman kasi kaming balak pa na lumayo.

Mabuti na lamang din at kalmado ang dagat ngayon. Walang alon. Dahil kung hindi, hindi talaga ako mag-aabala na samahan si Nami rito kahit na gusto pa niya.

Habang nasa kalagitnaan kami ay hindi ko mapigilana ng hindi mapayuko at paglaruan ng aking kamay ang tubig. Tahimik at nakangiti ko naman na pinagmamasdan ang mga isda mula sa ilalim ng tubig dahil sadyang napakalinaw ng tubig. Nakakagiliw silang pagmasdan.

"Jen." Pagtawag nito sa pangalan ko kaya muli kong sinalubong ang kanyang paningin, na hindi ko alam ay kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

"Hmmm?"

Napangiti ito ng dahan-dahan. Sinubukan nitong ibukas ang kanyang mga labi ngunit walang salita ang kumawala mula rito.

"Nothing." Pagkatapos ay napa-iwas ito ng tingin mula sa akin.

Napatikhim naman ako. Parang bigla kasing naging awkward ang paligid.

Hanggang sa hindi ko nabantayan ang biglang ginawa nito, dahilan upang mapatili ako at napaubo na rin noong agad na nakalunok ng tubig.

Bigla kasi itong tumayo at hinila ako, pagkatapos ay walang sabi na nagpahulog sa tubig dahilan para matangay ako.

Isang malutong na tawa naman ang kanyang pinakawalan noong makaahon ang kanyang ulo mulas sa tubig.

"You should see your face!" Tuwang-tuwa na sabi niya, habang ako naman ay hindi mapigilan na tignan siya ng masama.

Napapairap na lamang ako ng disoras!

"Kainis!" Sabay hampas ko sa kanyang braso, pero iyong mahina lamang. "Wala akong pamalit na damit!" Dagdag ko pa.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay tinignan lamang niya ako ng nakakaluko bago napataas baba ng kanyang kilay.

Tss!

---

"Sorry, failed ang second date natin." Nakanguso na sabi nito noong maihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng aming bahay.

Napatawa na lamang ako ng mahina.

"Ano ka ba! Ang saya nga eh!" Sabi ko sa kanya. "Thank you!" Dagdag ko pa habang nakatingin ng seryoso at diretso sa kanyang mga mata.

Isang matamis ngunit mabagal na ngiti naman ang iginawad nito sa akin. At hindi ko inaasahan ang biglang paghaplos nito sa pisngi ko.

"Take rest, okay?" Muling paalala niya kaya walang nagawa na napatango na lamang ako.

"T-thanks!" Muling pasasalamat ko sa kanya bago tuluyan nang ini-unlock ang aking seat belt at bubuksan na sana ang pintuan ng kanyang sasakya nang muli siyang magsalita.

"Wala man lang bang good night hug?" Iiling-iling naman na muli akong napaharap sa kanya.

"Heto na po." Sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya para bigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Agad din naman itong gumanti.

Ngunit noong kakalas na sana dapat ako ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Hindi ko alam kung pakiramdam ko lamang pa iyon pero parang naramdaman ko ang paghalik nito sa gilid ng leeg ko dahilan upang manigas ako.

"Good night." Muling sabi nito bago tuluyang inilayo ang kanyang katawan sa akin.

Mariin na napalunok ako noong mabasa ko ang sandaling pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata.

Dahil doon ay napangiti na lamang ako at walang sabi na binigyan siya ng halik sa kanyang pinsgi. bago tuluyan nang bumaba ng sasakyan.

Kagat labi at walang lingon likod na dumiretso na ako papasok sa aming gate.

"Ba't sa pisngi lang?!" Rinig ko pang sigaw nito habang nakalabas ang kanyang ulo sa bintana ng kanyang sasakyan.

Tatawa-tawa na lamang ako dahil sa kakulitan niya.

Ginawa ko lang talaga 'yun para naman kahit papaano, mapasaya ko siya bago umuwi.

---

Kinabukasan, maaga akong pumasok muli.

Katulad ng dati kapag iniiwasan kong makita si Kuya, maging si Lisa, dahil ayokong makakasabay ko sila sa pagpasok kaya inagahan ko na.

Kahit naman na alam kong mas maaga rin na umalis si Kuya ng bahay kanina, marahil dahil mayroon itong maagang training.

Pagdating pa lamang sa gate ng St. Wood, wala akong ibang naririnig na pangalan kundi Queen Lisa at King Brent.

Teka, ano bang meron?

Huwag mong sabihin na may proposal nang nangyari at hindi man lang ako na inform?

Awtomatikong nanikip ang dibdib ko nang biglang pumasok ang ideya na iyon sa aking isipan.

Hays!

Sa hindi malamang dahilan ay dumiretso na lamang ako sa pinakamalapit na CR at doon nagkulong sa isang cubicle.

Gusto ko lang talagang iwasan na marinig ang pangalan nilang dalawa ngayon.

"Guys, have you heard?" Tanong ng isang babae na sa kapapasok lamang ng CR. Sa tingin ko ay nasa tatlo hanggang apat sila na magkakasama.

"Ang alin?" Tanong ng kanyang kaibigan.

Tahimik na naupo ako sa bowl kahit na hindi naman talaga ako naiihi.

"That King Brent and Queen Lisa have already broken up?"

"WHAT?!/What?" Chorus na tanong ng mga kaibigan nito at pati na rin ako ay nakisabay sa kanila dahil sa gulat.

"Omg! Who is that?" Tanong ng isa sa kanila. Ngunit hindi ako sumagot kaya kumatok ang isa sa kanila mula sa cubicle kung nasaan ako.

"Ang tsismosa mo naman!" Pang-aaway ng isa.

Hay! Hindi na talaga nagbago ang mga estudyante rito!

"Girl, hayaan mo na 'yan. Anong nangyari? Bakit sila naghiwalay?"

So tuloy po ang tsismisan.

"I think because there is a third party? I don't know. I just heard they were at an exclusive resort this weekend and someone overheard their conversation." Maarte na paliwanag naman ng isa.

"At sino naman ang may third party?"

Hindi ko alam pero pabilis ng pabilis ang pintig ng aking puso habang nakikinig sa kanila. Hindi ko kasi nagugustuhan ang mga nangyayari.

Bakit sila naghiwalay?

Totoo ba talaga ang usap-usapan na ito?

"I heard that King Brent was the one who broke up with Lisa."

"Omg!!"

Noong marinig ko iyon ay daig ko pa ang binuhusan ng malamig na malamig na tubig.

Si Kuya?

But-- how?!

Parang kusang bumalik sa akin ang lahat ng alaala kahapon noong makauwi si Lisa at Kuya.

Pero bakit mukha naman silang okay?

Hindi.

Kailangan kong makausap si Kuya. Kailangan kong malaman ang totoong dahilan.

Mabilis na natigilan ang apat na babae noong makita nilang lumabas ako mula sa cubicle.

Hindi katulad ng dati ay haharangin nito ako o kaya ay pagtatawanan, ngayon ay sila na mismo ang napapayuko at magbibigay ng daanan para sa akin.

Pero sa ngayon, hindi iyon ang mahalaga.

Dire-diretso akong lumabas ng CR at mabilis ang mga hakbang na tinahak ang daan patungo sa Gym kung saan alam kong nandoon si Kuya.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang makasalubong ang tao na hindi ko inaasahan na makikita sa mga sandaling ito.

Si Lisa.

Halatang may lungkot sa mga mata niya. Pero hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang katotohanang nasasaktan pa rin ako dahil sa mga ginawa niya.

Alam kong nasasaktan siya ngayon kung totoo mang hiniwalayan siya ni kuya, pero mas nasasaktan ako para sa kanila.

I don't know. Ang gulo!

She was about to speak when I cut her off.

"I'm sorry but I need to find my brother." Pagkatapos ay agad ko na itong nilampasan.