Now playing: Before it sinks in by Moira Dela Torre
Lisa
Pumayag ako sa kagustuhan ni Brent na lumabas kaming dalawa sa weekend dahil gusto kong sulitin ang oras na pwede ko siyang masolo.
Gusto ko kasing sulitin na makasama ito na kami lamang na dalawa.
Hindi ko na kasi kaya pang saktan si Jennie. Hindi ko na kaya na nagtatalo kami palagi dahil sa bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa para sa kanya.
Sa totoo lang, naiinis na rin ako sa sarili ko.
Ang simple-simpleng bagay lang naman kasi ng hinihiling niya, hindi ko pa magawa. Ayaw ko lang din naman kasi na pabigla-bigla sa desisyon ko. Isa pa, si Brent pa rin ito, ang taong masasaktan namin pareho.
Minahal ko pa rin 'yung tao at hindi pa rin maaalis ang katotohanang nag-ca-care ako para sa kanya.
At hindi lang ako basta curious sa nararamdaman ko ha! Lilinawin ko lang sa inyong lahat.
Mahal ko si Jennie.
Hindi dahil sa may nakukuha akong benefits sa kanya. Atsaka isa pa, hindi lamang sex lahat ng ginagawa namin. We made love. Nandoon ang love sa tuwing ginagawa namin ang bagay na iyon. At hindi ko 'yun gagawin sa kanya kung hindi ko siya mahal.
Hindi ako basta nalilito lang sa aking nararamdaman or nag-e-explore lamang.
Kundi gusto ko lamang talaga na maging maayos ang paghihiwalay namin ni Brent. Lalo pa kung malalaman nito isang araw na ang kanyang kapatid pala ang akin ding napupusuan.
I just wanna make sure na magiging maayos ang lahat sa aming dalawa dahil importante pa rin siyang tao sa akin.
Mahal ko si Brent, oo. Pero hindi iyon kasing lalim ng pagmamahal na nararamdaman ko para kay Jennie. Masaya ako kay Brent, pero iba pa rin ang nararamdaman kong saya sa tuwing si Jennie ang kasama ko.
Dahil wala nang mas masasaya pa sa tuwing kasama ko si Jennie.
Wala na.
Alam kong may mali rin talaga ako. Hindi kasi ako nagpapakatotoo masyado sa nararamdaman ko para kay Jennie.
Hindi ko ipinapakita at mas lalong hindi ako vocal sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ang akala nito ay wala lamang sa akin ang lahat, at balewala lamang siya sa akin.
Nag-iingat lamang din ako.
Pero iyon nga, Jennie's right about what she said that night, na nagmumukha lamang siyang sex toy sa akin.
Hindi niya lang alam kung gaano ako nasaktan sa mga sinabi niyang iyon. I can't believe na naisip niya ang bagay na iyon sa akin, lalong lalo na sa kanyang sarili.
Dahil hindi ko naman talaga nakikita ang mga bagay na iyon sa kanya. I made love with her, because I love her. At wala nang iba pang dahilan or rason, kundi ang mahal ko siya.
*Flashback*
Habang tahimik na nakalublob ako sa tubig ng pool ay pansin ko na nakakailang bote na ng beer si Brent.
Dinala ako nito sa isang exclusive at expensive resort kung saan walang masyadong tao ang nandirito.
Ang perfect nga eh!
Kasi napaka-romantic ng dating at ang galante ngayon ni Brent ha? Ilang linggo kaya niyang pinag-ipunan ang ipinangbayad niya rito? Hehe.
Napahinga ako ng malalim at tuluyang umahon na sa tubig. Agad na naupo ako sa kandungan nito at marahan na hinaplos ang kanyang mukha.
"Hey, what's wrong? Are you alright?" Concern na tanong ko sa kanya dahil pansin ko rin na mukhang malalim ang iniisip niya.
Napatango ito.
"Mhmmm." Pag hmmm niya. Marahan na hinalikan ko ito sa kanyang labi ngunit iyong dampi lamang bago umalis sa kanyang kandungan at naupo sa upuan na nasa kanyang harapan.
"Tell me hon, what's happening? Mukhang malalim ang iniisip mo eh." Pangungulit ko pa.
Binigyan lamang ako nito ng isang mabagal na ngiti bago na patikhim habang mataman na nakatitig sa mukha ko. Iyong titig na nakakailang at alam mong mayroong ibig sabihin ngunit hindi ko naman mabasa kung ano.
"Can we talk hon?" Tanong nito sa akin. Awtomatikong napataas ang kaliwa kong kilay.
"Well, we're talking right now." Pamimilosopo ko sa kanya ngunit agad na tinignan ako nito ng masama.
Mabilis naman akong napa-peace sign sa kanya with matching puppy eyes pa.
Sinusubukan ko rin kasing kalmahin ang aking sarili dahil sa totoo lang, parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
Hindi ko rin kasi alam kung papaano sisimulan ang mga dapat kong sabihin sa kanya.
"I'm serious." Seryoso ang boses na sabi nito sa akin at habang naka tingin din ng diretso sa mga mata ko.
"O-Okay." Utal na sagot ko sa kanya. Inayos ko ang aking pag-upo at tinignan din siya ng seryoso this time.
May ilang segundo itong mataman lamang na nakatitig sa mukha ko. Habang ako naman ay hinihintay ko lamang din na simulan nito ang gusto niyang sabihin.
"Lisa, let's break up." Seryoso ang mukha na sabi nito sa akin at hindi man lamang kumukurap ang mga matang nakatingin sa akin.
Awtomatiko na napanganga ako sa gulat. Inaamin ko na hindi ko inaasahan na maririnig sa mula sa kanya ang mga katagang iyon.
May kung anong kirot din dibdib ko ang agad na gumuhit ngunit kasabay din noon ang hindi maitatangging kaligayahan na umusbong sa aking damdamin.
Iyong tila ba nabunutan ako bigla ng tinik sa aking lalamunan.
Masama ba ako kung nararamdaman ko ito ngayon?
At noong sandaling marinig ko ang mga katagang iyon mula kay Brent, walang ibang pumasok kaagad sa aking isipan kung hindi si Jennie.
Kahit konti man lamang sana Lisa makonsensya ka naman. Paalalang saway ko sa aking sarili.
Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang kamay ni Brent na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Brent, w-what's happening?" What a stupid question Lisa. "I-I mean, why? Why of all sudden? In the middle of our---"
"Lisa." Putol nito sa akin. "My sister has loved you for a long time. At hindi ako manhid para hindi makita 'yun." This time, awtomatikong napabitiw ako sa pagkakakapit sa kanya.
I lost for words. Ni hindi ko na nga magawa pang maibukas ang aking mga labi. A lot of thoughts keeps running on my mind ngunit wala sa kanila ang gustong kumawala sa mga labi ko. Literal na na-speechless ako.
He knew?
Does he also know that I have been having feelings for his sister for a long time?
Hirap na napalunok ako ng mariin.
Napangiti ito ngunit alam mong may pait at lungkot sa kanyang mga mata.
"I also know how many times you guys have fucked behind my back." Mapait na sambit nito. "Pero nagtiis ako. I pretended I knew nothing. Because I love you both and I see you are happy with what you two are doing."
Dahil sa sinabi nito ay doon na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.
He knew everything. Pag-ulit ko sa aking sarili.
"Masyadong madaling mabasa ang kapatid ko. Kung kailan siya masaya, kung kailan siya naiinis, kung kailan siya malungkot, at mas madali kong makita ang lahat ng emosyon na iyon kapag nandiyan ka." Sabi nito sa akin ngunit hindi na makatingin pang muli sa mga mata ko.
"She's obviously fallin' deeper." Dagdag pa niya. "Please, don't hurt her." Brent's voice cracked as he said those words. At the same time tears were dripping from his eyes.
Tatayo na sana ito para tumalikod sa akin nang mabilis rin akong tumayo atsaka lumapit sa kanya para siya ay yakapin.
"I-I'm so sorry, Brent." Buong puso na paghingi ko ng tawad sa kanya.
Ngunit marahan na tinanggal nito ang pagkakayakap ko sa kanya at marahan akong hinawakan sa magkabilaan kong pisngi. Hinalikan ako nito sa aking noo pagkatapos ay pinahid ang luhang kumalat sa pisngi ko.
"Bakit ba kasi niligawan pa kita? Eh alam ko naman noon pa na gusto ka ng kapatid ko." Natatawa na tanong nito. Hindi ko alam kung para ba sa akin o sa kanyang sarili.
"God! I love you, pero mahal ka rin ng kapatid ko. And I want you both to be happy together." Dagdag pa niya. "Alam ko naman na mahal mo rin siya."
"Brent---"
"Yes. I know. Kasi 'yung mga pag-aalala mo sa kanya, hindi normal. 'Yung mga tinginan mo when Nami and Miyuki are with her and when they are around her, are not normal. You look like a jealous girlfriend everytime." Ngingiti-ngiti na sabi niya pagkatapos ay napatingala sa itaas.
"M-masyado ba akong obvious?" Tanong ko sa kanya. Napatango siya.
"Alam ko rin plano mo na akong hiwalayan ngayon kaya ka pumayag na lumabas tayo. Didn't you?" Natigilan ako. "Kaya inunahan na kita. Mas masakit sa part ko kung ikaw pa ang gagawa no'n. Hehe."
Iyon naman kasi talaga ang plano ko. Pero masyadong matalino si Brent para hindi mahalata iyon. Kaya walang nagawa na napayuko na lamang ako habang napapatango.
Marahan na hinawakan ako nito sa aking baba at iniangat iyon dahil para muling salubungin ko ang kanyang mga mata. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa, nang bigla niyang inilapat ang kanyang labi sa akin.
As he slowly moved his lip, I also realized that the excitement was really gone when we kissed. I can no longer feel butterflies in my stomach. Hindi na katulad ng dati. Hindi kagaya na kapag hinahalikan ko si Jennie, na para bang buong mundo ang nagsasaya sa tuwing magkalapat ang aming mga labi.
Hindi nagtagal ay pinutol nito ang paghalik sa akin atsaka napatawa ng mahina habang inilalayo ang kanyang mukha sa akin.
"See? You are not just confuse about what you feel." Sabi nito. Napakunot ang noo ko sa ibig nitong sabihin.
"I know Jennie is on your mind while I'm kissing you, and you're not happy anymore...with me." Pagpapatuloy niya.
"B-Brent." Muli na namang pumatak ang luha sa mga mata ko.
"Don't worry, we will spend this night together. And tomorrow morning, uuwi na tayo. Alam kong miss mo na siya." Pabiro naman na sinuntok ko ito sa kanyang braso ngunit iyong mahina lamang.
"I love you!" Natigilan akong muli sa sinabi niya.
"As a friend hahahaha!" Dagdag pa niya kaya naman mabilis na itunulak ko ito sa pool habang tumatawa pa rin siya.
So, ganoon nga ang nangyari. No hard feelings! Sinulit namin ni Brent ang oras namin na magkasama, na para na lamang kaming mag-tropa.
Pero masaya.
Masyado akong nagpapasalamat dahil masyadong bukas ang isipan at puso ni Brent para matanggap agad ang nangyari. At nakikita ko naman na hindi siya mahihirapang hanapin ang babaeng para talaga sa kanya. I mean, look at him!
He is so gorgeous! And a good person.
Kaya natitiyak ko na ngayong single na siya, mas marami pa ang magkakadarapa sa kanya. Bagay naman na mas lalo akong naging masaya para sa kanya. Sa aming dalawa. Baka meant to be tropa lamang talaga kaming dalawa.
Well, kung hindi dahil sa kanya, hindi namin madi-discover ni Jennie ang matagal na naming pagtitinginan na nakatago lamang dahil walang nag-ti-trigger.
Kaya ngayong malaya na ako ng tuluyan?
Thanks to this handsome guy, Brent. Mas magiging open pa ako lalo kay Jennie and swear, araw-araw kong ipaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
---
Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe ni Brent pauwi.
I couldn't hide the excitement on my face.
Gustong-gusto kong yapusin agad ng yakap si Jennie at sabihin sa kanya ang good news na matagal na namin parehong hinihintay.
Ngunit tila ba ang lahat ay isang napakalaking joke lang nang makita ng dalawang mga mata ko kung paano namin sila maabutan ni Nami na ganoon kasaya.
At kung paano niya inilapat ang kanyang mga labi kay Nami.
It was like my heart was squeezing in pain because the woman I loved had kissed someone else right in front of me.
'Yung excitement na nararamdaman ko ay awtomatikong naglaho at nawalan na rin ng gana pa dahil sa aking nakita at nasaksihan.
Hindi ko maitago ang sakit sa mga mata ko nang tignan ko si Jennie ng diretso. At pagkatapos ay mabilis na nag-walk out.
Umaasa na susundan niya ako to explain everything.
But I was also wrong.
She didn't even follow me and just let my mind mess up. And that's where I hurt more. Lalo na noong kinabukasan na mukhang nag-enjoy pa ito sa company ni Nami na sa tingin ko ay dinala siya sa date.
Sinundan pa nang lalapitan ko sana siya noong lumakalat ang balita sa buong St. Wood dahil hiwalay na kami ni Brent. I was about to tell her everything dahil mas pinili kong iisantabi ang nararamdaman kong pain at tampo sa kanya, pero nilampasan lamang niya ako.
Grabe!
Hindi ko akalain na ang taong sobrang warm sa akin ay magiging ganoon ka-cold in one snap.
Natatawa at napapailing na lamang ako sa aking sarili.
Ang totoo, hindi naman talaga ako nasasaktan dahil sa break up namin ni Brent, dahil okay naman kami.
Nasasaktan ako dahil sa ginagawa ni Jennie sa akin ngayon.
I don't think I can handle this. So, I made up a decision.
Desisyon na alam kong pwede akong manalo at pwede rin akong matalo.
*End of flashback*
Alam kong darating at darating si Jennie kaya ako nagkulong sa bahay.
Alam na alam talaga niya kung saan ako hahanapin at pupuntahan.
Pero ang alam niya this time, nasasaktan ako dahil sa kuya pa rin niya. Pero ang totoo, nasasaktan ako nang dahil sa kanya.
"S-Sorry, pumasok na ako." Paghingi nito ng tawad. "Akala ko nga walang tao kaya---"
"Pwede bang diretsahin mo ako bakit ka nandito?" Mabilis na putol ko sa kanya pagkatapos ay tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.
Gustong-gusto kong yakapin siya. At sabihin sa kanya na masaya akong nandito na siya. Pero hindi pwede.
Matagal siya bago nakapagsalita, na para bang pinag-iisipan pa ang sasabihin. Kaya labag man sa loob ko ay agad na pumihit ako patungo sa entrance ng bahay. Hindi ko naman alam na sumunod pala siya agad sa akin.
"N-Nandito ako dahil nag-aalala ako sa'yo, Lis. Kaya ako pumunta rito dahil gusto kong malaman kung okay ka lang ba at kung maayos ka naman ba." Paliwanag nito sa akin. "I-I'm worried." Dagdag pa niya.
Napalingon ako sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Ayaw ko sanang gawin ito sa kanya, pero kailangan.
"Well, now that you've made sure I'm okay, at humihinga pa naman ako, pwede ka nang umalis!" Malamig na sabi ko sa kanya at mas binuksan pa ng malawak ang pinto.
Awtomatiko itong natigilan. Halatang nagulat sa sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha.
Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya ngayon, imahe nila ni Nami ang nakikita ko.
Nagagalit ako.
Nagseselos ako.
"L-Lis, 'wag ka namang ganito oh!" Pakiusap niya.
Ngunit muli ko itong tinignan ng diretso sa kanyang mga mata.
"Get lost, Jennie." Matigas na sabi ko sa kanya.
Please, sana naman maging enough na rason na ito para umalis na siya. Ayoko ng makabitiw pa ng masasakit na salita.
"Why don't you just leave me alone? Bakit hindi mo na lang puntahan si Nami?" Dagdag ko pa. I really can't hide the growing jealousy inside of me.
Magsasalita pa sana ito nang unahan ko siya.
"Go on, get lost!" Pag-ulit ko at mabilis nang tinalikuran siya.
Lihim na pinagmumura ko ang aking sarili pero wala akong choice kundi gawin ito.
I have to test her.
I have to.
"Oh, pakisara na lang pala ang pinto kapag nakalabas ka na. Salamat." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi ko na siya muling nilingon pa.
Binuksan ko ang TV at nag-pretend na hindi siya nag-e-exist sa harap ko. Until she finally leaves the house.
Masakit sa akin na umalis nga ito at hindi nanatili.
Napalunok ako at doon nagsimulang bumuhos ang aking mga luha. Natatakot sa susunod kong test na gagawin para sa kanya pero kailangan.
Alam ko kasi na sa mga sandaling ito, nalilito na siya sa kanyang nararamdaman para sa akin at kay Nami.
Kaya tutulungan ko siya.