Now playing: We and Us by Moira Dela Torre
Jennie
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito sa labas ng gate ng aming bahay. Nakatunganga lamang ako sa gate ng bahay nina Lisa, inaabangan itong lumabas kahit na alam kong disoras na ng gabi.
Kanina buong araw akong hindi makapag-concentrate sa klase. Buong araw akong wasak dahil sa mga narinig ko. Buong araw kong tinatanong ang worth ko, ang halaga ko bilang Jennie sa buhay ni Lisa, bakit ganoon lamang niya ako kabilis sukuan.
Ni hindi pa nga nagiging kami.
Ano pa bang gusto niyang patunayan ko pa para sa kanya?
Kaya ngayon, heto, inaabangan ko ang taong imposible naman na lalabas at susulpot na lamang bigla sa harapan ko.
Inaantok na rin ako sa totoo lang. Gusto ng pumikit ng mga mata ko, dala na rin yata sa alak na nainom dahil hindi ako heavy drinker. Kahit konting beer lang naman ang nainom ko, pakiramdam ko isang case na ng alak ang nalaklak ko.
Hindi ko rin alam bakit ako umiiyak. Sakit na sakit pa rin ako sa puntong hindi man lamang ako binibigyan ni Lisa ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili ko sa kanya.
Hindi ko rin mapigilan ang mainis at hindi makaramdam ng tampo.
Pero bakit kahit na gano'n? Kahit na pinamimigay at pinagtatabuyan na ako nito mahal ko pa rin siya?
Wala pa rin akong makitang rason para hindi siya mahalin at tuluyang ayawan na?
Nasasaktan ako ng sobra dahil nakakayanan niyang balewalain ako, samantalalang ako, heto, parang baliw na umiiyak sa may gilid ng kalsada, habang nakaupo sa labas ng gate ng aming mga bahay nang dahil sa kanya.
All I know is that, this is not me anymore!
Pero dahil kay Lisa nagkakaganito ako.
Kung alam ko lang na magiging ganito kapakla ang umibig, sana noong unang natikman ko ang tamis ay iniluwa ko na agad. Hindi na sana ako umasa na magiging ganoon pa rin ang lasa nito sa huli.
Nakita kong bumukas ang ilaw sa may terrace ng kanilang bahay kaya awtomatikong napatayo ako.
Ang lakas-lakas din bigla ng pintig ng puso ko. Hindi ko maintindihan kong masaya ba ito dahil si Lisa ang natatanaw ko ngayon o mas nasasaktan lamang ako dahil alam kong ipagtatabuyan pa rin ako nito.
Hindi pa man ito nakakapagsalita ay mabilis na niyakap ko na siya ng mahigpit at agad na nagsumiksik na sa kanyang leeg noong makalabas na ito ng kanilang gate.
Hindi naman iyon nagtagal nang kumalas ako sa yakap at tinignan siya sa kanyang mga mata. Patuloy lamang sa pag-agos ang aking mga luha.
Hindi na siya nagulat noong makita ako. Marahil alam nito na kanina pa ako nandirito.
"I-I keep asking myself, why? I want also...I want also to ask you why? W-Why did you give up so fast? You didn't even try for the two of us, sumuko ka na lang kaagad." Umiiyak na tanong ko sa kanya habang tinitignan siya sa kanyang mga mata.
Ngunit nakayuko lamang ito at tila ba walang balak na kausapin ako.
"Gusto kong malaman ang totoo. 'Yung totoong sagot at dahilan mo galing dito." Sabay turo ko sa kaliwa nitong dibdib kung nasaan ang kanyang puso.
"S-Siguro deserve ko namang malaman, hindi ba? Please, don't do this to me na para bang hindi ako naging importanteng tao sa buhay mo oh!" Nagsusumamo at pakiusap ko pa.
Ngunit ang inaasahan kong kasagutan ay malabo ko yatang makuha noong dahan-dahan na tinignan lamang ako nito sa aking mga mata.
Wala pa rin akong mabasa na kahit na anong emosyon mula rito. Ni hindi rin siya nagsasalita kaya mas lalo akong naiyak.
Para lang kasi akong tanga rito na nagsasalita mag-isa.
"Mag salita ka naman oh!" Pakiusap ko. "Huwag naman ganito, Lis. Please naman oh!" Mas lalo pang dumadami ang pagpatak ng aking mga luha. Nahihirapan na akong huminga dahil ang sakit-sakit na rin ng dibdib ko, sobra.
"You're drunk." Iyon lamang ang tanging nasabi niya. "You shoud sleep, Jennie." Tipid na dagdag pa niya at tatalikuran na naman sana ako noong mabilis ko siyang hawakan sa kanyang braso.
"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap---"
Ngunit natigilan ako nang bigla ako nitong tignan ng masama, dahilan upang muli akong mapabitiw sa kanya.
Napailing ito at basta na lamang na pumasok sa loob ng gate ng aming bahay. Agad na sinundan ko siya.
Hindi ito kumikibo at tahimik lamang na pinagbuksan ako ng pinto. Noong makapasok na kami pareho sa bahay, ay nauna rin itong naglakad patungo sa aking kwarto.
Muling sinundan ko siya hanggang sa tuluyang makarating kami sa loob. Naupo ito sa pahabang sofa at tahimik na pinagmamasdan ako.
"You should sleep." Muling sabi nito sa akin. "I won't leave."
Napalunok ako. Hindi na ako umiiyak pa pero nararamdaman ko pa rin ang bigat ng dibdib ko. Ang bawat pagkabog nito na para bang mabibingi na ako sa lakas.
"P-Pwede bang tumabi sa'yo?" Parang bata na tanong ko sa kanya. "I wanna sleep with my best..." Napalunok akong muli. "With my best friend." Para bang hirap na hirap akong banggitin ang mga words na iyon.
Iniisip ko lang kasi na hanggang doon na lamang talaga kami, parang pinipino ang puso ng paulit-ulit sa sakit.
Nagulat na lamang ako noong bigla itong tumayo at naupo sa tabi ko sa kami. Hindi pa rin siya kumikibo.
Tinignan ako nito sa aking mga mata bago napamusyon sa higaan.
Noon naman na-gets ko ang ibig niyang sabihin kaya dahan-dahan na akong nahiga. Kahit na gustuhin ko pa mang maghugas ng katawan, aminado akong hindi ko na kaya dahil antok na antok na rin talaga ako ng sobra.
Hindi nagtagal ay nahiga na rin ito. Tuwid ang katawan at ang mukha na para bang natatakot na lumingon sa direksyon ko.
"S-Sorry, ang baho ko." Paghingi ko ng tawad pero hindi siya muling kumibo. "Pero...pwede ba kitang mayakap?" Paghingi ko muli ng pahintulot.
Hindi nakaligtas sa akin ang paglunok nito. Hindi pa man siya umu-oo ay inilapit ko na ang aking katawan sa kanya, pagkatapos ay ipinulupot ang aking braso sa kanyang beywang.
Isiniksik ko rin ang aking mukha sa gilid ng kanyang leeg.
Hanggang sa hindi ko na lamang namalayan na tuluyan na akong nakatulog, dahil sa pakiramdam ko, para akong dinuduyan ngayong nasa tabi ko na siya.
Ang sarap sa pakiramdam...
---
Lisa
For the very first time ngayon lamang ako lumiban sa aking mga klase ng straight tatlong araw.
Oo, tatlong araw hindi pumapasok at sinadyang mangyari 'yon dahil hanggang ngayon iniiwasan ko pa rin si Jennie.
Ayaw ko siyang makita sa dahilang kapag nandiyan na siya, nanlalambot ako. Kapag nandiyan na siya, awtomatikong nawawala ako sa aking wisyo at nakakalimutan kong hindi ko nga muna pala siya dapat pinapakisamahan.
Sa totoo lang, pati ako naguguluhan na rin sa aking sarili.
Ay hindi.
Natatangahan na nga rin pala. Alam ko lahat maiinis sa ginagawa ko pero mas masasaktan ko lang siya kapag ganitong gulong-gulo ako sa sarili ko at pakikisamahan ko siya.
Pero sa ginagawa ko ngayon, habang sinasaktan ko si Jennie ay nasasaktan ko na rin ang sarili ko.
Ang tanong ko, ito ba talaga ang gusto ko para sa aming dalawa?
Paano kapag tuluyan siyang nahulog kay Nami?
Paano kapag hindi ko na siya mabawi?
Pero agad ko ring naiisip na paano kapag mas magiging better kapag aayusin muna namin ang aming mga sarili?
Hays!
Naguguluhan na rin ako.
Nagulat ako at natigilan sa aking malalim na pag-iisip noong biglang lumapit at tumabi sa akin si mommy habang nakaupo rito sa terrace ng aking kuwarto.
Napalunok ako at hindi man lamang nag-abalang tignan siya.
Nararamdaman ko ang mga tingin nito sa akin hanggang sa inabot nito ang kamay kong nakapatong sa magkabilaang hita ko at hinawakan iyon.
"Your Principal called me." Panimula nito kaya dahil doon ay lumakas ang kabog ng dibdib ko. "It's not you, kilala ko ang anak ko. I won't scold you either, because whatever your reason is I know I can understand." Dagdag pa ng aking ina dahilan para magbaling ako ng aking paningin sa kanya.
"So, I won't ask you why you missed three days from your classes. But you'll tell me why you don't seem to be talking to Jennie anymore." Noong marinig ko ang pangalan niya ay mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko.
Hindi ko mahanap ang aking boses at kung ano ang tamang dapat sabihin sa aking ina.
I am not ready yet to come out.
So, pinili ko na lamang ang manahimik at binawi ang aking paningin. Hindi rin naman niya maiintindihan kahit pa ina ko siya. Kahit pa sabihin niyang maiintindihan niya ang rason ko sa tatlong araw.
Rinig kong napahinga ng malalim si mommy. Naramdaman ko rin na hindi na ito nakatingin sa akin ngunit hawak pa rin ang kaliwang kamay ko.
"Alam kong busy ako palagi sa maliit nating negosyo, kami ng daddy mo. And you're a big girl now. You are in a Senior High School na at magtatapos na ilang buwan na lang." Sabi nito at sa totoo lang hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin.
Dahil sa totoo lang, ngayon lamang niya ako inupuan ng ganito na para bang handang-handa na makipag-usap sa akin ng masinsinan.
"But doesn't mean, I have no idea what's going on in your life. You are our only child, para hindi mapansin ang lahat na mga nangyayari sa'yo. Your daddy and I may always be busy, but we know you. Especially me, as your mother." Dagdag pa nito.
"I also know and have a strong hunch of what was behind your break up with Brent. So now, tell me. Will you just waste the opportunity Brent gave you? He set you free so that you could be with the person you really love." Dahil sa sinabi niyang iyon ay mabilis na muling nagbaling ako ng aking paningin sa kanya.
Habang nanlalaki ang mga mata at hindi maitago ang gulat noong muling tignan ko siya.
"M-Mom, how did you---"
She just smiled sweetly at me.
"You are my daughter." Pagkatapos ay hinaplos niya ako sa aking pisngi. "Busy lang akong tao, but I noticed everything when it comes to you." Dagdag pa niya.
Habang tinitignan ko ngayon ang aking ina, hindi ko mapigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.
Para bang bigla akong binigyan ng rason ngayon para maliwanagan sa lahat at maalalang...oo nga pala. Pinalaya ako ni Brent para kay Jennie. Tapos heto ako ngayon, pinagtataguan siya na nasa kabilang bakod lang naman ang bahay.
I mean, what's the point of me doing all this, right?
"Come, I'll give you a bear hug." Muling saad ng aking ina bago mas lumapit sa akin para bigyan ako ng yakap. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang mapaluha.
Ngayon, nagpapasalamat akong nandito si mama. Sa unexpected situation like this, doon ko talaga siya mas na-appreciate. Dahil akala ko, wala silang ideya sa mga nangyayari sa buhay ko, pero mali ako.
Habang hinahagod ni mommy ang likod ko ay hindi ko mapigilan ang hindi magsumiksik sa kanyang leeg. Para akong bata na kulang sa aruga at ngayon lamang nabigyan ng sapat na atensyon.
"Lisa, sometimes it's okay for us to get confused in our life decisions because that's where we learn. Our decision will not always be right, it is necessary because we need to stumble once, and have the courage to stand up to correct those mistakes and it's alright. We are all human." Muling paalala ni mommy bago kumalas pagyakap sa akin.
She is now smiling na para bang susuportahan ang anumang desisyon ko, mali man ito o tama dahil alam niyang doon ako matututo.
"You are brave and smart enough to make a right decision for yourself. Ako naman eh, nagpapaalala lang." Muling sabi nito bago ginulo ang buhok ko.
"T-Thanks mom. And I'm sorry." Buong puso na sabi ko sa kanya.
"Sorry for what?" Kunot noo na tanong nito sa akin.
"Sorry for who I am. Sorry for being a gay?" Hindi sigurado na sagot ko kaya naman napatawa ito.
"Oh, sweetheart, say sorry to yourself again and I'll slap you in the face." Biglang sumeryoso ang mukha nito. "You don't have to apologize for who you are. Never, ever apologize for who you are. I love you. You're my daughter, and swear, I will love you till the end." Mas lalo yata akong naiiyak ngayon sa mga sinasabi niya.
Ngayon ko lang napatunayan na ang swerte ko at ang blessed ko ng sobra dahil siya ang naging ina ko.
"Isa pa, to be Jennie's mother-in-law is not a bad thing." Pagbiro nito kaya napatawa ako.
"Mom!" Saway ko sa kanya habang nagpupunas ng luha sa aking pisngi.
"Stop crying and do something because maybe in these moments someone wants to take Jennie's heart. Hindi kita pinalaki para lang maunahan ng kung sino d'yan." Dagdag pa niya.
"Thank you mom, I really mean it. And I appreciate you for talking to me like this. It means a lot, swear." Buong puso na pasasalamat ko sa aking ina.
Ngumiti lamang itong muli sa akin, muling tumayo muka sa pagkakaupo at hinalikan ako sa aking noo.
"Good night, sweetie. Praying and hoping that you'll do something great decision for your future. Lalo na sa magiging daughter-in-law ko. Okay?" Pahabol na biro pa niya sa akin bago ako tuluyang tinalikuran na.
Pag-alis ng aking ina ay hindi ko mapigilan ang muling mapahinga ng malalim.
My mom's right. Hindi ko dapat sinasayang ang ibinigay ni Brent sa akin na opportunity to be with Jen.
Hindi dapat ganito.
Kaya tama lamang na ayusin at plantsahin ko ang gusot na ako rin mismo ang may gawa.
I have to talk to her tomorrow, no matter what it costs.