Chapter 41 - Chapter 41

Now playing: All Of Me by John Legend

Jennie

Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nang maging official girlfriend ako ni Nami.

Naging smooth lang ang lahat sa amin, masaya, punong-puno ng excitement at adventure ang aming relasyon sa loob ng dalawang buwan.

Ipinakilala na rin ako nito sa kanyang Auntie at Uncle, which means mga magulang ni Miyuki.

Sa kanila rin ako nag-spend ng New Years Eve. Himala nga at pinayagan ako ng mga magulang ko, lalo na si mama na gustong-gusto si Nami para sa akin.

Yes, legal na rin kami sa aking mga magulang. Matagal na rin naman daw kasi nilang alam kung ano ang gusto ko, at iyon ay hindi lalaki kundi babae. Bagay na labis na ipinagpapasalamat ko sa Maykapal dahil ang buong akala ko ay hindi nila ako matatanggap sa kung sino ako.

Nami is planning to go to Japan with me upang makilala ako rin ang kanyang mga magulang, lalo't higit sa kanyang lola na pumanaw na.

Gosh! I couldn't me more excited to meet her parents, especially her Grandma. Lalo na at matutuklasan ko kung kanino ba siya nagmana, sinong kamukha niya at anong klase ng pamilya siya nagmula.

Hindi naman talaga mahirap mahalin si Nami. Everything about her is perfect! Wala ngang tapon dahil lahat halos nasa kanya na.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ilang araw na rin yata na parang may hinahanap ako. May isang bagay na parang nawawala sa akin na hindi ko mawari kung ano.

Para bang may kulang.

Para bang may nawawalang isang bagay sa akin na kahit gaano pa kasaya ang relasyon na meron ako ngayon, eh 'yung nag-iisang bagay lamang na iyon ang makakabuo sa akin.

Kaya naman naisipan kong pumunta sa isang tahimik na lugar ngayon. Iyong wala akong ibang maririnig kundi huni ng mga ibon, pagaspas lamang ng mga dahon at walang ibang malalanghap kundi sariwang hangin.

I think this would be a perfect place for me para makapag-unwind at makapag-reflect sa mga bagay-bagay.

Masyadong stressful na rin kasi ang school ngayon dahil malapit na ang aming pagtatapos sa Senior High.

Gosh! Sobrang excited na ako sa susunod na yugto ng aking buhay.

Ang maging isang college student!

Pagdating ko sa lugar na sinadya ko pa talagang puntahan ay hindi ko mapigilan ang hindi kiligin.

Ang sarap kasi sa feeling na wala akong ibang natatanaw kundi ang nagbeberdihang mga punong kahoy sa paligid, simoy ng sariwang hangin, at ang pag-agos ng ilog na ngayon ay nasa akin ng harapan.

Pwede rin naman palang pumunta rito nang ako lang mag-isa. Aniya ko sa aking sarili.

Hindi ko naman na pala kailangan pa ng makakasama. Dagdag ko pa.

Dahil alam kong safe ang lugar na ito at walang ibang makakapasok na ibang tao kaya naman, agad na hinubad ko ang suot na damit at short hanggang sa tuluyang naiwan na lamang sa aking katawan ay underwear at bra.

Lulusong na sana ako sa tubig dahil gusto ko ng damhin ang malamig na tubig sa aking katawan nang napahinga ako ng malalim.

Oh sige na nga, huhubarin ko lang lahat ng saplot sa katawan. Sa tingin ko pa dahil mas nakaka-relax iyon, right?

Isa-isa ko na tuluyang hinubad ang naiiwang saplot sa aking katawan bago tuluyang iniluglog ang aking sarili sa tubig.

"Hmmmmm." Ang sarap lang sa feeling. Hindi ko maiwasang mapapikit habang dinadama ang lamig ng tubig.

Pumunta ako sa may hanggang leeg ang lalim, at doon nanatili sa may medyo kalakihang bato nang may marinig akong parang mayroong ibang tao bukod sa akin.

"Jennie?"

Mabilis na napamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses na iyon. Kasabay ang awtomatimong pagtibok na mabilis ng aking puso.

Hindi pa rin talaga nawawala ang epekto nito sa akin sa tuwing babanggitin nito ang pangalan ko.

Oo, kahit na hindi ako lumingon kilalang-kilala ko na kung kaninong boses ito.

Dahan-dahan na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses niya kung saan siya nakatayo at nagtataka ang mga matang nakatingin ng diretso sa akin.

Hindi ko pa mapigilan ang mapasinghap noong muling magtama ang aming paningin.

Sa loob kasi ng dalawang buwan, ngayon lamang hinayaan ng tadhana na muling pagsalubungin ang aming paningin.

Kapwa kasi iniiwasan talaga namin ang isa't isa.

No Christmas greetings, no New Years messages. Hindi katulad ng nakasanayan namin.

"Lisa." Pagbanggit ko sa pangalan niya bago may pagkaalanganing napangiti at nag-peace sign. Nanatili lamang ako sa pwesto ko dahil wala akong kahit na anong saplot sa katawan.

"S-Sorry, hindi na ako nagpaalam na pumunta rito kasi---"

"It's alright." Mabilis na putol nito sa akin. "You're my family." Dagdag pa niya. "Pwede kang pumunta rito anumang oras mo gusto."

Ito kasi 'yung ilog sa farm ng lolo at lola niya na pinuntahan din namin noon at madalas naming puntahan noong mga bata pa kami.

Nahihiya at awkward na napaiwas na lamang ako ng tingin.

Mukhang wrong timing na pumunta ako rito dahil nagkaabutan kami.

"Can I join you?" Straight forward na tanong nito sa akin.

Muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya, pero laking gulat ko nang makita ko itong naghuhubad na rin ng kanyang damit habang nakatingin lamang ng diretso sa akin.

Wait, nababaliw na ba siya?

"Lisa, put your clothes on!" Utos ko sa kanya atsaka mabilis na napaiwas ng tingin.

Narinig ko itong napatawa.

"Relax, I won't do anything with you unless you want me to." Para bang chill na chill lamang ito hanggang sa wala na rin itong saplot naiwan sa kanyang katawan.

Mabilis na nang init ang buong mukha ko noong maisip na wala na rin itong saplot kagaya ko. Kahit pa yata malamig ang tubig ng ilog, at nakababad ako mula rito ay pinagpapawisan na agad ako.

Sa lahat ng pagkakataon bakit ba ngayon pa?

Hindi ito lumapit sa akin. Pinanatili niya ang distansya sa aming dalawa. Sa halip ay pumwesto ito sa harapan ko na mayroong dalawang dipa ang pagitan, habang mayroong nakakalokong ngiti at tingin sa kanyang mga labi.

Sumupil ang ngiti sa aking labi bago siya tinignan ng masama.

Hindi ko alam kung magtataray ba ako o matutuwa dahil nagkasama kaming muli ngayon.

"Stop looking at me like that. And stop smirking!" Napapairap na saway ko sa kanya ngunit pinagtawanan lamang ako.

Hindi maitatanggi na sobrang na-miss ko siya. Sa loob ng dalawang buwan, pinigilan ko ang sarili na makialam at alamin lahat ng bagay na nangyayari sa buhay niya. Pinigilan kong makipag-communicate dahil committed na ako kay Nami.

Si Nami na ang naging priority ko.

Napatikhim akong muli at inayos ang sarili. Hindi ako pwedeng pumunta sa mas mababaw dahil makikita niya ang dibdib ko.

Hmp!

"K-Kumusta ka?" Hindi ko mapigilang itanong dahil hindi naman pwede na hindi kami mag-usap na dalawa. Kami lang kaya ang nandito.

"Heto, miss ka." Diretsahang sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.

Pakiramdam ko awtomatikong umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.

"I know you miss me too!" Confidence na dagdag pa niya.

Hindi ko naman maiwasan na hindi siya sabuyan ng tubig sa kanyang mukha. Ang yabang lang! Hmp.

"Hindi kita miss, 'no? Asa!" Pagtatanggi ko at pilit na pinaseseryo ang mukha.

"Oh, really?" Tanong niya habang humahakbang ng dahan-dahan papalapit sa akin.

Hindi ko naman maiwasan ang hindi mataranta. But I stay in my cool!

"Yes!" Taas noo na tugon ko. Bago napalunok ng mariin dahil sobrang nakakapaso na yung mga titig niya.

"Hmmm. I doubt that. I know you're lying, Jen." Muling sabi niya habang patuloy pa rin sa pag hakbang, hanggang sa huminto ito sa harap ko, ilang inches na lang ang pagitan mula sa katawan ko, maging ang aming mga mukha.

Agad na napasinghap ako kasabay ng pagpikit ng mga mata ko noong marahan na haplusin nito ang braso ko.

"Now, tell me you don't miss me." Medyo pabulong nang sabi nito sa akin.

Nagpatuloy ang paghaplos nito pataas sa may collarbone ko.

"Tell me, you don't miss me." Pag-ulit nito sa kanyang sinabi. Naramdaman ko rin ang mas paglapit pa ng kanyang katawan sa akin.

Pakiramdam ko rin nanghihina na ang mga tuhod ko lalo na noong inilapit niya ang kanyang mukha sa may tenga ko at naramdaman ko ang mainit na hininga nitong tumatama sa balat ko.

"Tell me, you don't want me this time." Bulong nito sa akin. Naramdaman kong nasa may batok ko na nakakapit ang kamay nitong kanina lamang ay gumagapang mula sa braso ko.

Mariin na napalunok ako at buong lakas ng loob na muling iminulat ang aking mga mga mata.

Noon ko lamang na-realize na hindi lamang sobrang magkalapit ang aming mga mukha at katawan, kundi anumang segundo ay pwede na niya akong mahalikan.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ginawa nitong paglunok, dahilan para mapatingin ako sa mga labi niya.

Shesh! Sinungaling ako kung sasabihin ko paring hindi ko siya miss. Pero hindi ko pwedemg pairalin ang kahinaan ko sa kanya dahil may masasaktan na naman akong tao.

Si Nami.

Hindi ko inaalis ang aking paningin sa kanyang labi na para bang may magnet ito at hinihikayat ako na muling tikman at lasapin sila.

"Lisa, I-I..." Napapikit ako sandali. Pagkatapos ay ako na mismo ang lumayo ng aking katawan sa kanya.

"Hindi pwedeng maging ganito tayo kalapit sa isa't isa---" Ngunit natigilan ako dahil mabilis na hinigit ako nito sa aking beywang, dahilan para magdikit ng tuluyan ang aming katawan, dahilan din upang maramdaman ko ang pagbanggaan ng aming hinaharap, maging ng aming pagkababae. Lalo at pareho kaming walang kasaplot-saplot.

"Jen, tell me you don't miss me and I'll stop it right now---"

Ngunit hindi ko na ito pinatapos pa nang ako na mismo ang naglapat ng aking labi sa kanya para patahimikin siya.

I couldn't take it anymore. I kissed her with no hesitation, because I really miss her. I kissed her without even thinking sa consequences na pwedeng mangyari pagkatapos.

Hindi iyon nangtagal nang pinutol ko ang halik ngunit magkadikit pa rin ang aming mga labi.

"I really miss you..."

Then, finally. I let it out.

Nasabi ko rin.

"Oh, believe me. I know." She whispers between our lips.

At pagkatapos noon ay si Lisa na mismo ang muling naglapat ng kanyang labi sa akin na tinugon ko naman agad.