Nagulat ako nang sa pangalawang subject ko ay kaklase ko parin ang katabi kong lalaki na napaka misteryoso at ang tatlo mula sa sampu kanina.
Hindi ko alam kung bakit dito pa pinili ni Kuya Asher na pag-aralin ako. Pakiramdam ko kasi ay ito na ang pinaka worst na school na napasukan ko. Hindi ko rin alam kung anong plano nila ni Dad. But one thing for sure... I will tell them that the school can't control their students' attitude. They are letting those wild boys do what ever they wanted to. That's not healthy specially sa akin na nasanay na sa magandang environment ng past school ko. Well, we can't say kung ganito ba talaga magpamalakad ang iskwelahang ito. Beside I'm just a new one and wala pa akong alam about the environment of this school.
Nang mag dismissed ng klase ay kaagad akong dumiretso sa cafeteria. Nakasalubong ko ulit ang mga lalaking kanina ay nasa hagdan. Ganoon parin ang dating nila. Napaka misteryoso.
Kaagad akong sinalubong ni Pristine at ng kanyang squad na sila Ana, Jane, Ericka, Irish at Joy.
Sila ang unang nag-approach sa akin kanina at sila rin ang nagsabi sa akin na tuwing snack ay magkita-kita kami sa cafeteria. Sa squad nila ay mas nangingibabaw si Pristine. Bukod sa ganda at puti ay mas matingkad ang kabutihan nito. Sa pagkakaalam ko ay isinasabay niya ang pagmomodelo habang nag-aaral.
Mabilis kaming pumunta sa counter at pumila.
Nang makuha na namin ang kanya-kanyang order ay kaagad na kamng dumiretso sa isang wooden table.
Sa kalagitanaan ng aming pagkain ay ang biglang pagtahimik ng mga tao sa loob ng cafeteria. Luminga-linga ako at napagtantong naka tuon ang kanilang mga atensyon sa double door.
Pumasok ang mga kalalakihan na may malalaking katawan. Madami sila at sa tingin ko ay nasa bente ang lahat. Panghuling pumasok ang mag-isang lalaki na ngayon ay mas gumulo ang buhok. Siya iyong katabi ko.
Napansin kong mas malamig at mas matindi ang aura nito kumpara sa mga kasama niyang pumasok na mga naka bad boy smile.
Ni hindi manlang ata ito marunong ngumiti at ang alam lang yata ay ang magalit sa mundo.
Nagulat ako ng tumingin siya sa aking mata. Malamig at matulis. Nakakapangilabot. Mas lalong kumunot ang kanyang mga kilay at kaagad na nag-iwas ng tingin.
Narinig ko ang biglang pag tili ni Joy sa tabi ni Pristine. Hinampas siya ni Jane kaya natahimik.
Muli kaming bumaling sa aming hapag kainan. Naririnig ko parin ang pag halakhak ni Joy.
"Ba't ka kinikilig?" tanong ko na agad naman niya sinagot.
"Tumingin kasi sa gawi natin yung si--- ahh!!!" kinikilig na sinabi ni Joy habang tumitili-tili
"Ano naman nakakakilig dun?" matabang na tanong ni Ana
Tiningnan ko si Ana na ngayon ay walang pakealam sa nangyayari.
"Sus! kunwari pa si Ana. Kahit hindi mo aminin sa amin na gusto mo siya eh alam ko namang tinitingnan mo rin siya sa malayo" tumatawang wika ni Joy habang binabalatan ang saging na hawak niya.
Natawa na lang ako at kinain ang crema de fruta na nasa aking harapan.
Kumakain ako nang biglang naalala ko ang masalimuot na nangyari sa akin 13 years ago.
Palabas na kami ni Mommy ng mall nang mapansin ko ang isang lalaki na sumusunod sa amin. Nang makalabas kami ni Mommy sa pinto ay napansin kong huminto 'yong lalaki at may tinawagan sa kanyang telepono.
Napansin ko rin ang pagbilis ng lakad ni Mommy nang matanaw ang itim na BMW sa di kalayuan. Nagtataka kong nilingon si Mommy na ngayon ay may tinatawagan sa kanyang telepono at tila hindi mapakali.
Mahigpit ang hawak ni Mommy sa akin hanggang sa makasalubong namin ang body guard. Mabilis akong pinapasok ni Mommy at agad din sumakay.
"Bilisan mo" pasigaw na sinabi ni Mommy sa driver/body guard namin
Napasandal ako nang humarurot ang aming sasakyan.
Nalilito kong nilingon si Mommy na ngayon ay kausap si Daddy.
"Lance! may sumusunod sa amin...Oo....Naka BMW--...Oo--.. kanina pa sa Mall" natatarantang sinabi ni Mommy sa kabilang linya.
Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ko nalang ang Toblerone na binili ni Mommy at kinain nalang.
Nililingon ko si Mommy habang kinakain ang tsokolate. Panay parin ang tingin niya sa likod ng sasakyan kaya nilingon ko na rin.
Dalawang itim na BMW.
Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.
Muling tinawagan ni Mommy si Daddy.
"Lance dalawa na ang nakasunod sa amin---of course we are not safe!--"
Habang kinakausap ni Mommy si Daddy ay bigla nalang may malakas na putok akong narinig at kasabay non ay ang pag gewang ng aming sinasakyan.
Isa pang malakas na putok ang muli kong narinig kasabay non ay ang pag tilamsik ng dugo sa aking damit mula sa direksyon ng driver. At pagkatapos non ay sunud-sunod na putok na ang aking narinig mula sa lahat ng direksyon. Nabasag ang lahat ng salamin sa gilid kasabay non ay ang paglagpas ng bala sa aking braso mula sa likuran. Nahilo ako at napasadlak sa baba kasabay nang pagbungad sa aking paningin ng pag tagos ng bala mula sa likuran ni Mommy at ang pagtilamsik ng mga dugo sa aking mukha. Nakita ko rin ang pagtama pa ng ilang bala sa kanyang katawan mula sa kung saan-saang direksyon at ang pagbagsak ng kanyang katawan sa aking direksyon at ang pagtama ng aming sasakyan sa puno.
Wala ni isang luha ang pumatak sa aking mga mata. Mulat na mulat ito sa lahat ng nangyari.
Sandaling natahimik ang paligid kasabay non ang pagbukas ng pinto sa may driver's seat. Narinig kong may nagsalita mula roon. Pumikit ako at umaktong walang malay nang ang sumunod na binuksan ay ang pinto sa seat ni Mommy.
"Buhay pa ba? Nadali ba natin?" tanong ng isang matigas na boses
"Sir, wala dito 'yong target" sagot ng nagbukas ng pinto
"Huh! eh sino ang mga 'yan" galit na tanong ng boss ata nila
"Asawa't anak na babae po, Si-"
Isang malakas na putok nanaman ng baril ang aking narinig na tiyak na pumutol sa sinasabi ng lalaki.
"Sir, Andyan na po sila!"
Muli nanamang nabuhay ang malalakas na putok ng baril at ang pagpapalitan mula sa kabila.
Niyugyog ko si Mommy.
"Mom? wake up....Mom! andyan na sila Dad!.. M-Mom" hindi ko napigilan ang panginginig ng aking boses.
Hinawakan ko ang pisngi ni Mommy at pinalo-palo.
Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw kaya napawi ang kaba na aking nararamdaman.
Pinilit niya dumilat at ngumiti.
"I love you, anak-" tanging katagang lumabas sa labi ng aking ina
Nawalan siya ng malay. Nanlamig ang buong katawan ko habang patuloy siyang niyuyugyog.
"Mom! no, Mom. No. Please. No. No" paulit kong sinasabi ang lahat ng 'yon.
Para akong nilulunod sa sakit tuwing maaalala ko iyon.
'Yon na ang pinaka masakit na pangyayari sa aking buhay. Ang makita kung paano nawala ang taong pinakamahalaga sa buhay mo. Ang makita kung paano siya naghirap. Ang makita kung paano niya parin nagawang ngumiti sa kabila ng madilim na pangyayari. Ang makita mo kung paano niya pinepeke ang sakit. At ang makita kung paano siya nawala sa 'yong mga braso.
"Elle.. huy... Elle!" sigaw ni Pristine sa akin
Bahagya akong nahiya dahil habang iniisip ko ang nakaraan ay hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng masama.
"H-HUh?? bakit?" tanong ko
Tinuro niya ang counter. Tinaasan ko siya ng kilay. Muli niyang tinuro ang counter.
Nilingon ko ang counter at ngayon ko lang napagtanto na may away palang nangyari.
Tumayo ako at tinanaw.
Nakita ko ang isang maangas na lalaki na kini-kwelyuhan si... yung katabi ko.
Kaagad siyang pinalibutan ng mga kaibigan ng katabi ko.
Nabitawan ng lalaki yung kwelyo ng kaklase ko.
"Sino 'yong kinwelyuhan?" tanong ko habang nakatingin parin
"Si Damon" matipid na sagot ni Ana
Ah Damon pala ang pangalan niya. Nakakakilabot naman. Pangalan palang iba na ang dating. Ang Unique na may pagka misteryoso. Kaya naman pala na in love sa kanya si Joy.
Who can deny that good girls love bad boys? Dangerous, strong and mysterious.
Inayos ni Damon ang kanyang kwelyo at tumingin sa mga kaibigan. Mabilis na hinawakan ng mga kaibigan niya ang braso ng lalaki. Sinubukan pa nitong kumawala nang biglang isang suntok ang lumipad sa kanyang labi.
Suntok na maging ako ay nagulat.
Mabilis na dumugo ang pangibabang labi ng lalaki. Isa pang suntok ang lumipad sa kanyang panga kasabay nito ang pagpapaulan ng sunud-sunod na suntok naman sa tiyan.
Hindi ko akalain na ganito pala si Damon. Yung tipong parang kahit sa babae ay magagawa niya ang ganyang bagay.
Ngumiti si Damon nang tumigil at sandaling nagpahinga. Ang akala ko ay tapos na siya nang muli nanaman siyang mag simulang sumuntok sa tagiliran ng lalaki. Bumuga ng dugo 'yong kakawang lalaki. Tumawa lang siya at nag patuloy.
Kinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. Nasaan na ba ang mga guards? Anong silbe nila kung hindi nila ito pipigilan. Anong klaseng paaralan ba itong pinasukan ko? Bakit ganito?
Binitiwan ng mga kaibigan niya ang kawawang lalaki at pinagsisipa bago tuluyang iwan. Umalis ang grupo ng kalalakihan. Tiningnan ko si Damon na ngayong ay hawak ang kanyang panyo at pinupunasan ang kamaong basang-basa ng dugo. Tumatawa lamang ito habang sinusundan siya ng kanyang mga kaibigan palabas ng cafeteria.
Lalapitan ko sana 'yong kawawang lalaki nang makita kong nilapitan siya ng grupo ng mga kalalakihan na kanina umaga ay nakatambay sa hagdan nang ako'y dumaan. Tinulungan siya nitong tumayo at makaalis sa loob ng cafeteria.
Nakakunot ang aking noo ng ako'y makaupo. Nawalan narin ako ng ganang kainin ang crema de fruta sa aking harapan.
"Masanay ka na simula ngayon.. Ganito talaga dito. May mas malala pa diyan." sabi ni Irish habang kumakain.
Tiningnan ko siya ng naguguluhan bago nagtanong.
"Who are they?" mariin kong tanong