Chereads / Bullets of Past / Chapter 2 - Elle Sophia Interior

Chapter 2 - Elle Sophia Interior

Tumatakbo ako ngayon sa tabing dagat. Puti at malamig ang nangingiliting buhangin sa aking mga paa. Sa harap ay ang perpekto at napakagandang sunrise.

Tanging hampas lamang ng alon ang gumagawa ng ingay sa buong lugar.

Muli akong tumakbo hanggang sa napansin ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Naka pa maywang ito at tila pinanunuod din ang sunrise. Wala itong pang itaas na saplot at kitang-kita ang pagkislap ng makikisig nitong dibidib na tinatamaan ng sinag ng araw.

Kung pagmamasadan ay masasabi kong napakaganda ng pagkakatono ng katawan nito. Mula sa biyak sa kanyang balikat pababa sa mas pinarami pang kurbada.

Nakatitig ito sa kawalan. At dahil sa papausbong na liwanag, hindi ko maaninag ang mukha nito.

Nagpasya akong lumapit. Gumawa ako ng ingay gamit ang bibig.

*PSTTT!*...

Ngunit bago pa ito makalingon ay biglang naging blangko ang buong paligid at ang sumunod na nakita ko ay maraming baril na nakatutok sa akin.

Mabilis ring naglaho ang sandaling pangitaing iyon at narinig ko ang nakakaakit na boses ng aking Kuya.

"Princess, Wake up" si Kuya Luke habang tinatapik ang aking kaliwang pisngi..

I moved a bit.

"Princess.... Ma-le-late ka na" pag uulit nito sa isang iritadong tono

Unti unti kong iminulat ang isang mata. Male-late? Saan?

Teka ano ba ngayon? 17?

Oh my georgina! Oo nga pala!!!

Unang araw ng pasukan ngayon. Hindi ako pwedeng malate. Lalo na at bago rin ang aking papasukang eskwelahan.

Bumangon ako ng marahas at biglang nauntog sa isang matigas na bagay.

"A-Aray!!" mariin kong sigaw nang magkauntog kami ni Kuya.

Nanuot ang sakit sa aking noo. Dahilan para matanggal ang aking antok.

"What the..." reklamo ni Kuya Luke habang hinihimas ang kanyang makinis na panga. Kaagad namang dumaan sa aking iling ang amoy ng shaving cream.

"Kung di ba naman kasi mahaba yan eh..." pang-aasar ko pa bago bumangon para ayusin ang mga unan.

"Ano? May sinasabi kang babae ka?" inis na wika nito, iniinda parin ang sakit sa kanyang panga.

Hinawi ko ang kumot para sana ayusin. Pero hindi ako nagtagumpay dahil sa kapatid kong naka sitting pretty parin sa aking kama.

"Bakit ka ba kasi nandito sa kwarto ko?!... Trespass yan" wika ko

Tumayo si Kuya wearing his irritated face. Nakapamaywang ako nitong tinitigan. There he goes again.

"Tsk! Ano bang pinagsasa sabi mo?! Malamang andito ako dahil kakain na! Napaka childish mo talaga, palibhasa spoiled ka---" Mabilis na tumaas ang aking presyon at kaagad itong pinutol

"OO na! manahimik kana Mens King! Lumayas kana sa kwarto ko at mag-aayos ako!!" iritado kong utas. Hindi ko parin naiwasang hindi matawa sa sariling ibinansag. Paano ba naman kasi ang aga-aga may sayad.

"What? Say it again." Ang mga mata nito ay nagbabanta.

"WALA! Sabi ko umalis kana at magaayos pa ako!" I rolles my eyes.

"Tsk! Kung di lang kita kapatid. You'll be as cold as dead right now" sabi ni Kuya

"Grabe ka naman KUYA!!! Aba gusto ko pa makasama ng matagal si Ate Elle!!" si Max sabay takbo at yakap sakin. Nanlalaki ang aking mga mata hindi dahil sa gulat, kundi baka dahil narinig ng aming nakababatang kapatid ang aming pag-uusap kaya pumarito sa aking kwarto.

Tumingin ako kay Kuya at nakita kong kumuyom ang mga kamay nito bago tumalikod at naglakad palabas ng pinto.

Muli ay binalak kong inisin ito.

"Goodbye Mens king----" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil in just a second ay nakalapit na agad ito sa akin. Para pagsalitaan ng mga nakakatakot na salita.

"Stop calling me that in front of our youngest brother" pabulong niyang sinabi ang huling salita.

Bahagya akong natakot sa tono ng pananalita nito.

He used to be so cool in front of other people, pero kahit papaano ay may kakaibang tikas ng bangis itong nakatatanda kong kapatid.

"Sorry na!" tumatawa kong isinigaw sa kanya.

Pangatlo ako sa aming apat na magkakapatid. Ako lang ang nag-iisang babae sa henerasyon ng aming pamilya kaya naman hindi ko maitatanggi na protective sila sa akin. Si Kuya Asher ang panganay sa aming apat. I heard meron siyang ipakikilala sa amin na babae. Siya rin ang isa sa may hawak ng kumpanya namin bukod kay Dad. Sumunod naman ay si Kuya Luke. Siya ang palagi kong tinatawag na Mens king. Ang sungit kasing masyado. Ang bunso naman ay si Max, 5 years old pa lang siya.

Actually, this year is going to be my last year in college.

Ilang taon ng wala si Mommy sa mundong ito ng dahil sa isang pangyayari. Ang pangyayaring ni minsan ay ayaw kong balikan.

Pakiramdam ko kasi ay ako ang may kasalanan ng lahat.

Sa ngayon ay masaya na kaming lahat kasama ang bagong tauhan sa buhay namin, si Mama Carmina. Ang ina ni Max. Ilang taon din kasing nangulila si Dad at buti nalang ngayon ay mayroon na ulit siyang inspirasyon.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate ng iskwelahan na pag-aaralaan ko. Hindi ko tanaw dito sa labas ang mga building. Siguro ay katulad ito ng amin na isang kilometro pa ang layo bago tuluyan marating ang pinaka building.

Bumukas ang gate at bumungad sa aking bintana ang mala paraiso at classic style ng paaralan.

Mabilis akong bumaba at naglakad-lakad. Napansin kong may grupo ng mga kalalakihan sa hagdan na aking dadaanan patungo sa palapag kung nasaan ang aking unang klase.

Masaya ang mga ito habang nagk-kwentuhan ngunit hindi ko maitatanggi ang masamang dating nila. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan at nakaramdam ng masamang aura nang tumingin sila sa aking direksyon.

Maluwang at malaki ang hagdan pero may parte sa aking sistema na nagsasabing masama ang aking papasukin kapag ipinagpatuloy ko ito.

Pilyong nakangiti ang mga ito habang kinakagat ang kani-kanilang mga labi na para bang bukod sa tingin na ibinibigay ay tila mayroon pa 'yong ibig sabihin.

Hindi ko sila pinansin at sa halip ay hinayaan ko lang ang aking mga paa na pumunta at dumaan sa mga daan na dapat daanan.

Ramdam ko sa aking paligid ang tahimik at misteryosong aura ng mga kalalakihan na nakasandal sa pader at naninigarilyo.

Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang mga oras na dumaan ako sa harap nila. Wala akong narinig na sinabi o ibinulong ng isa sa mga miyembro nila. May ilang mga pumipito at may ilan na matulis ang tingin sa akin.

Nalagpasan ko ang tila isa sa pinakanakakakilabot na minuto ng aking buhay at tuluyan nang nakapasok sa unang klase.

Matapos magpakilala ang katabi ko ay sumunod na akong tumayo para makapagpakilala na rin.

Magsasalita na ako nang biglang kumalampag ang pinto. Nagulat ang lahat maging ang guro namin na si Ma'am Olivia. Pumasok ang mga hindi pa naka unipormeng lalaki na nasa sampu ang bilang.

Ang panghuling lalaki ay lumagpas at umupo sa likuran ko.

Tumikhim ako at umayos ng tayo. Magsasalita na sana ulit ako ng biglang may isa pang lalaki ang pumasok sa pinto.

Matangkad ito katulad ng mga naunang pumasok. Maputi at may magulo ang buhok. Dumiretso ito sa aking direksyon. Noong una ay akala ko dadaan lamang ito at uupo sa likod pero nagulat ako ng umupo ito sa bakanteng upuan sa aking kaliwa.

Tumingin ako kay Ma'am Olivia na ngayon ay blangko ang ekspresyon. Tumikhim ako at itinuloy ang pagpapakilala.

"Elle Sophia Interior." matipid kong sinabi at kaagad na umupo.

Tumangging magpakilala ang mga kalalakihan na huling pumasok maging ang katabi ko na pinaglalaruan lang lapis at tila walang naririnig. Sinimulan na ni Ma'am Olivia ang unang subject.