"Welcome to Bellarocca Hotel and Resort sir , ma'am" sabay na bati nina Aaliyah at Kristel sa mga bagong dating na ma guests Ng hotel kasabay nito ang pagsasabit Ng kwentas na sampaguita sa leeg Ng mga ito.
Sa kilos at itsura mahahalata mo na mga foreign guests ang mga ito,saloob loob ni Aaliyah liban sa isang male guest na matiim na nakatingin sa kanya, Sanay na si Aaliyah na matitigan Ng matagal Ng mga male guests dahil sa kakaibang taglay nyang ganda na pinaghalong asian americandahil sa pagka chinita nyang mata at mala krema niyang kutis, maninipis at natural na mapupulang Labi, at ang kanyang kataasan na hindi normal sa isang female asian, dagdag pa ang kanyang malalantik na pilikmata. Medyo nailang siya sa pagkatitig Ng lalaki na Parang tumatagos sa kanyang pagkatao ang mga misteryoso nitong mga mata.
Naramdaman nyang siniko siya ni Kristel.
"We...Welcome sir at Bellarocca Hotel and Resort" nauutal na sambit ni Aaliyah at sabay akmang isasabit ang hawak na kwentas na bulaklak sa leeg Ng lalaki.
Matangkad na siya sa taas na 5'6 dagdag pa na naka 2 inches high heels siya pero kinailangan pa nyang tumingkayad upang maisabit sa leeg Ng lalaki ang bulaklak.Marahil lampas 6 feet ang taas Ng lalaki na binagayan Ng malapad na balikat at matipunong pangangatawan.
Ramdam nya ang sobrang kabog Ng dibdib nya dahil medyo yumuko ang lalaki upang maisabit nya Ng maayos ang bulaklak na kwentas. Parang mawawalan siya Ng ulirat sa bango na naamoy nya sa lalaki, lalaking lalaki at natural na natural Parang amoy Ng pinaghalong amoy Ng hamog sa gubat at sabon na irish spring.
Natitigan nya ito Ng malapitan na halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa mukha nya, pinaghalong Brendan Fraser, Brad Pitt at mga mata na tulad Ng kay Tom Cruise,mabilis na rumehistro sa isip ni Aaliyah.
Nakatalikod na ang male guest na mukhang na amuse sa reaction ni Aaliyah kasabay Ng ibang guests sa loob ng Hotel pero nakatayo pa rin si Aaliyah.
"Hoy besh ano nangyari sayo? di ka na nasanay eh lahat Naman na mga male guests natin ang gugwapo, lalo na mga foreign male guests" kinikilig na sambit ni Kristel pero hindi nya pinahalata dahil as female front desk personnel kailangan nya maging professional sa kilos.
"Hah?,wala!" sagot ni Aaliyah, "halika na, masama tingin ni ma'am Llorca pag lingon satin" sabay lakad ni Aaliyah patungo sa front desk.
Sumunod na rin si Kristel sa kaibigan, nahihiwagaan siya sa actuation nito,First time nya makita na maging ganun ang reaction ng kaibigan sa isang male guest..
6:12pm Uwian
" Asan na si Joshua? " sabay tabi ni Aaliyah sa kaibigang si Kristel sa Shuttle bus Ng Hotel.
"Pinag straight duty ni Ms Tiger", ang Ms Tiger na sinasabi ni Kristel ay ang kanilang front desk officer na si Ms Llorca.
"Pero nadaanan ko siya male locker room na pumasok para magpalit Ng hotel uniform,na late lang ako umakyat dito sa shuttle bus kase may nagpatulong na guest sa baggage nya"
"Kaya pala wala ka pa dito pag akyat ko dito" narinig ko kausap ni Ms Tiger, dahil late nagsabi ung kapalitan natin sa duty na male staff sa front desk na di makakapasok, ayun nakita ko di maipinta mukha ni kolokoy , napapangiting paliwanag ni Kristel
"Ah, wala siya choice, Kasama un sa Hotel policy na pinirmahan natin na Memorandum of Understanding na hindi pede magkulang Ng staff sa front desk, need mag straight Ng isa kung absent ang kapalitan" sagot ni Aaliyah.
"Hi Aaliyah!" bati Ng isang hotel staff, si Jeffrey na naka assign sa IT department na halatang matagal na may gusto sa kanya sa madalas nito pagpapa cute.
Napatingala si Aaliyah at tipid na ngumiti sa binata, gwapo Naman ang binata pero wala itong dating sa kanya, kaya binabalewala Niya ang pagpapa cute nito.
"Kawawa Naman si Joshua" imbes ay sambit nito kay Kristel na noon ay busy mag scroll sa CP.
Napatingin si Kristel kay Aaliyah at nangingiting bumaling Ng tingin sa kaibigan.
"Mahal mo na? Uuuy!" pag aasar Ng kaibigan
"Sira, okey ka lang? kaibigan natin ung tao, saka hellooo wala ako nararamdaman sa tao noh purely friendship lang"
"hahaha joke lang eh bakit defensive ka?
Hindi na lang pinatulan ni Aaliyah ang pang aasar Ng kaibigan, kilala nya ito the more na patulan pang aasar nito hindi ito titigil Ng pang aasar.
"uhmmm alam ko kung sino Mahal mo?" patuloy ni Aaliyah
"Sino Naman?" sinakyan ni Aaliyah ang sinabi nito.
"Si Mr Miguel Alvaro Monteagudo" sabi nito.Nabasa kanina ni Kristel sa database Ng itinerary of reservation Ng hotel ang name Ng male guest..
"Sino yun?" nagtatakang ganting tanong ni Aaliyah.
"Si male guest kanina" pinapakiramdaman ni Kristel ang magiging reaction nya.Buti na lang at tumatakbo na ang shuttle bus Jaya busy ang lahat Ng sakay na pang umaga Ng staff Ng hotel at busy sa panonood Ng magandang tanawin sa labas Ng shuttle na madadaanan nito.
"Baliw! Ms Kristel Serdoncillo tumigil ka na ha"
"Okey,Fine! tumahimik na si Kristel kilala nya ang kaibigan kapag ganung binanggit na buo nya pangalan, ang kasunod noon ay pingot pag di pa siya tumigil.
"Kawawa Naman kolokoy, sobrang Dami pa naman nating inasikasong guest Ng hotel kanina" ang tinutukoy nitong kolokoy ay ang kaibigan nilang si Joshua"
"Kaya nga eh, Opening Day kse Ng Business World Summit sa isang araw kaya ang daming businessmen foreign guest na nag check in sa Bellarocca para sa 3 days event.
Napili ang kanilang Mahal na lalawigan upang pag dausan Ng yearly World Business Summit sa taong yun, Malaking tulong ito sa turismo Ng kanilang alalawigan, Malaking bagay na kababayan Nila ang Speaker of the House upang mangyari ang ganitong pambihirang event na dadaluhan Ng mga businessmen around the world.
Nalibang si Aaliyah sa pagtingin sa dinadaanan Ng shuttle bus Ng hotel, nakakawala Ng pagod ang magandang tanawin na nakikita nya, tanaw sa labas mula sa kinauupuan nya ang tubig dagat na kahit nag aagaw na ang dilim at liwanag ay tanaw nya ang sinag Ng papalubig na araw na humahalik sa asul na dagat, na may maraming bangka na may mga sinding ilaw. Dagdag pa ang mga berdeng puno na iba iba ang laki na Mayabang na nakatayo sa bulubundukin na kanilang nadadaanan..
Kalat na ang dilim ng makarating ang shuttle bus makalipas ang isang oras na paglalakbay sa town proper.
"Kuya sa tabi lang,!" sabay para ni Kristel sa driver.
"Malayo pa ang sa inyo behsy ah!" nagtataka na tanong ni Aaliyah.
"Pinapadaanan, Ng inang ung pinatahi nyang damit dito sabayan, nagtext ako sa mananahi na antayin ako,mag tricycle na lang ako pauwi, ingat ka besh," sabay beso sa kaibigan at bumaba na Ng shuttle.
"Ingat ka din besh, di na kita masamahan ang pagod eh,maaga pa Tayo tom."
"No worries besh" at tuluyan Ng bumaba Ng shuttle si Kristel..
Makalipas ang ilang minuto nakababa na rin Ng shuttle sa harap Ng subdivision si Aaliyah.Agad siya sumakay Ng tricycle na laan sa mga residente papasok Ng subdivision.
"Mano po nay" pag bukas na pag bukas Ng pinto ay agad nagmano si Aaliyah sa ina.
"Kaawaan ka ng Diyos anak, Hala nagbihis ka muna at sabay na kayo Ng kapatid mo kumain Ng hapunan" sagot Ng ina.
Hinubad lang ni Aaliyah ang blazer at scarf na nasa leeg at pinatong sa sofa Kasama ang shoulder bag at anyong didiretso sa kusina.
"Asan po nay si Joshua"tanong ni Aaliyah.
"Nasa kwarto nya nagbibihis,, Joshua andito na ate mo sabay na kayo kumain" sigaw Ng ina.
"Hi teh!" sabay upo sa dining table paharap sa kapatid.
"Nay ikaw po? tanong sa ina habang naglalagay Ng pagkain sa plato.
"Nauna na ako, alam mo Naman anak may iniinom akong maintenance" sagot nito sa anak. "Hala kumain na kayo Ng kapatid mo, oi Joshua pagtapos nyo kumain hugasan mo na pinagkainan nyo" sabay talikod upang manood Ng TV sa sala.
"Opo" sagot ni Joshua.
"Aba,ang bait ah, Bakit kaya, kinakabahan ako ah" sabay tingin ni Aaliyah sa kapatid.
"Hahahaha alam! ate nga kita" tawa ni Joshua.
"Sabi ko na nga ba eh, sabi agad ano kailangan? tanong ni Aaliyah.
"Eh" napapakamot sa ulo na sagot nito.
"Ano nga?" bahala ka mag bago isip ko,
"Eh te sira na kse rubber shoes ko eh,"
"Sige, iwan ko kay inang bago ako umalis bukas pagpasok sa work, alam ko tanghali ka na nagigising dahil alam panghapon klase mo."
"Thank you te,the best ka talaga"
"Uhmp, bolero, ayusin mo pag aaral mo ha lalo at third year college ka na Joshua"
"Uu Naman, idol yata Kita teh" sagot nito sa kapatid.
"Anak papasok ka ba bukas, may bagyong parating bukas Ng umaga," sigaw Ng ina mula sa sala.
"Opo nay, hindi Naman direkta dito sa province natin tama Ng bagyo nay, hindi ako pede mag absent dahil maraming guests ang hotel."
"Pero signal no.1 Tayo ayon dito sa balita" sagot Ng ina.
"Carry lang nay, saka may shuttle naman.
"ok kaw bahala, basta kung lalakas sa bandang hapon anak sa hotel na ikaw sa quarter nyo matulog"
"Opo nay" sagot ni Aaliyah para mapanatag na lang ang ina.
...
Kinabukasan mahinang ulan at may kasamang hangin ang sumalubong kay Aaliyah pagbukas Ng pinto Ng bahay.
"May payong ka ba anak? eto mag jacket ka.
"Alis na ako nay, pumasok ka na po nay sa loob at baka mabasa pa kayo Ng ulan" pero hinintay muna makasakay Ng tricycle ang anak bago pumasok Ng bahay..