Chereads / Love Made In Heaven / Chapter 10 - Chapter 10 Another Storm To Bear

Chapter 10 - Chapter 10 Another Storm To Bear

"Wui! Besh! Bakit ang tahimik mo? Pagsakay ko pa lang dito sa shuttle bus sa bayan ganyang ka na"

"Inaalala ko kse ang inay, Parang may iniindang sakit sa katawan,ayaw Naman magsabi Ng totoo kung ano nararamdaman sa katawan" malungkot na sagot ni Aaliyah.

"Eh baka Naman talagang wala, baka masama lang pakiramdam, ikaw lang ung paranoid"

"Sana nga,pero kilala ko ang inay,hanggat maaari hindi un nagsasabi"

"Kung masama pa rin pakiramdam mamaya pag uwi mo ipa check up mo na kse may edad na rin si nanay, saka wag mo na isipin un, last day Ng event mamaya sa hotel, cheer up gurl!"

"Buti di ka sinama ni ma'am sa exhibition team na gagawin nina Brian mamaya" dagdag ni Kristel sa kaibigan at pag iiba ng usapan.

"Kaya nga eh, malamang magkakalat lang ako, pag ganito iniisip ko kalagayan Ng inay"

"Asus, if I know you are expert in exhibition, nung college natin ikaw inilalaban sa HRM dept natin sa regional competition"

"Uu na,kaibigan nga kita, pero that was before, baka sumablay na ako sa paghagis ng bote ng alak paitaas saka Ng baso, magkalat pa ako"

"Tumigil ka besh,kahit nga yata pilot mata mo nasasalo mo ung pag hagis mo ng bote at baso eh"

"OA Naman, un Naman ang hindi ko na kaya" ngiting sagot ni Aaliyah.

"Oh Ayan eh di ngumiti ka rin"

Thankful si Aaliyah at may bestfriend siya na tulad ni Kristel at Joshua.

"Speaking of Joshua, kawawa Naman ung kaibigan natin first date Nila Ng Girlfriend nya napurnada pa"

"Hayaan mo siya,marami Naman ung dinidate di yun gaano affected" natatawang sagot ni Kristel.

"Loko ka, eh kay Daphine pa Naman yun mukhang seryoso"

"Duh,hahaha seryoso ka dyan, flavor of the month lang yun ni Joshua, para Namang hindi mo kilala ung kaibigan nating un, college pa lang tayo ganun na yun" tawang komento ni Kristel.

Pagdating Ng Hotel...

"Oh David asan na si Joshua? Si Kristel

"Nag out agad, Ten minutes before my official time nagmamadali na mag out, antok na raw siya, Buti nga dito ako natulog sa quarters ko kagabi" mahabang sagot nito kay Kristel.

"Eh san sumakay? Eeh kadarating lang Ng shuttle bus kung saan kami naksakay?" Sabat ni Aaliyah

"Sumabay sa yacht ng sinakyan ng mga foreign guest papunta sa tres Reyes island for island hopping,magpapababa daw sa town proper ng Gasan."

"Tsk Tsk Tsk maparaan ang loko ah" natatawang sambit ni Kristel habang nag aayos Ng make up sa mukha.

"Buti si Harold ang pilot Capt Ng yacht kaya malakas loob" dagdag ni Dave

Ang Capt pilot na sinasabi nito ay naunang na employed sa hotel na naging ka close nito.

.....

" Attention our most valued guests and participants,any moment from now the main event is about to start the hotel prepared for you as sense of gratitude for choosing Bellarocca Hotels and Resorts as your second home to stay"

The voice over  of an energetic and spontaneous voice of a customer service representative echoed in the entire  hotel.

Its very festive ambiance on the last day of World Business Summit. Exhibition activities are simultaneously perform in different parts of the hotel. Many young guests and family members enjoying the  double olympic sized infinity pool. There are buffet Of oriental and mediterranean foods in every sides of the hotel. Many handsome hotel's male staffs are roaming around serving high end wines. Most of the foreign guests are enjoying in sunbathing on the beach and the rest went in island hopping at tres Reyes islands.

Brian and his team is already preparing their exhibition as the hightlight of today's event.

"Where are the others?" Ms. Llorca, asked Brian excitedly.

"Nag seset up na ma'am sa Tabing dagat, then iyong iba nasa may swimming pool na"   replied brian to their front desk manager.

"Good, any moment from now the exhibition activities  will start, mag ready na kayo" iyon lang at tumalikod na ito.

Maya maya pa nagsimula na ang exhibition na inihanda ng grupo nina Brian at ng kabilang grupo na kinabibilangan ng mga mahuhusay na hotel males ang females staff.

Ipinakita Ng bawat isa sa grupo ang husay sa bar tending at pag halo halo ng ibat ibat klase ng alak sa baso. Aliw na aliw ang mga guests Ng hotel sa panonood,

Andun iyong ihahagis ang bukas na  bote ng alak paitaas ng hindi matatapon ang laman o silid kaya ay sabay na ihahagis Ng baso at bote ng alak paitaas at sasaluhin ng walang matatapon na alak.Palakpakan ang mga quests.

Sa front desk hindi inaasahan ang isang tawag.

"Bellarocca, good afternoon how can I help you..."  Sagot Ng customer service representative pagkatapos ma connect ang tawag.

Hindi gaano marinig Ng babae ang nasa kabilang linya dahil sa garalgal nitong boses..

"Come again sir...? Tanong muli nito sa nasa kabilang linya. " Just a moment I'll connect the line"

"Front Desk..." Matamlay na sagot ni Aaliyah..

"A..ate.." garalgal na boses Ng kapatid sa kabilang linya.

"Kevin?…oh Bakit? Saka Bakit umiiyak ka?

Napatingin sa Kristel sa kaibigan dahil medyo napalakas ang boses nito.

"Sige,sige magpapaalam ako... diretso na ako diyan" pinipigil ni Aaliyah ang mapaiyak, mabigat ang dibdib na ibinaba ang cordless phone Ng hotel..

"Bakit besh anong nangyari?" Nag aalalang Tanong ni Kristel sa kaibigan, alam nitong hindi basta tatawag ang kapatid nito kung hindi emergency.

"Ang inay, nawalan ng malay" pinipigil ni Aaliyah wag maiyak lalo at nasa front desk siya.

May pag aalala na napatingin dito ang kaibigan"Bakit anong nangyari?"

"Hindi ko alam ang buong detalye,sabi lang ni Kevin bigla na lang daw bumagsak at nawalan ng malay ang inay"

"Eh musta na raw si Aling Julie"?

"Isinugod ni Kevin sa Provincial Hospital, Buti nga at hindi nabagok ang ulo Ng inay  sa semento naagapan ni Kevin at Buti na lang din  at wala siya pasok"

Balisa at hindi mapakali si Aaliyah.

"Beshy mag undertime ako, kailangan ko puntahan ang inay sa ospital,kayo muna dito ni David"  baling ni Aaliyah sa kaibigan at kay David na noon at may pag aalala sa mukha nito.

"Kaya lang ano sasakyan mo pababa? Sa bayan ka pa makakasakay Ng jeep papuntang ospital"

"Papahatid ako sa service Ng hotel gang bayan besh ikaw na bahala magsabi kay ma'am Llorca,pakisabi emergency" desidido si Aaliyah na makapunta agad Ng ospital.

"Sige sige ako na bahala, umalis ka na at  ng makarating ka agad sa ospital alam mo Naman na 2 oras ang byahe mo papunta sa Provincial Hospital" sagot ni Kristel sa may pag aalalang tinig.

Walang inaksayang saglit si Aaliyah, bitbit ang shoulder bag at lumakad patungo sa parking lot Ng hotel kung saan nakahimpil ang mga service Ng hotel.

Ngunit laking panglulumo ni Aaliyah ng walang makitang nakahimpil na mga service Ng hotel, marahil may mga guests Ng hotel na nagpahid upang mamasyal sa bayan or mamili ng mga produkto ng kanilang lalawigan.

Gulo ang isip, Nagdesisyon siyang lakarin papuntang labasan, baka sakaling may maligaw na tricycle kesa bumalik siya sa hotel at ma stress sa pag iisip sa kalagayan Ng ina. Doon nya napansin na hindi na siya nakapagpalit ng flat shoes.

Isang pares ng mga mata ang kanina pa sa dalaga nakatingin at naaaliw ito habang pinagmamasdan  na dalaga na hindi alintana ang suot na high heels kung makapag lakad.

Si Miguel Alvaro Monteagudo.

Hindi alam sa sarili Ng binata kung Bakit nya ito sinundan Ng makitang palabas Ng hotel ang dalaga at Kita sa mukha nito ang labis na pag aalala.