Chereads / Love Made In Heaven / Chapter 11 - Chapter 11 Being Closed To You

Chapter 11 - Chapter 11 Being Closed To You

Laking panlulumo ni Aaliyah ng wala siyang makitang naligaw na tricycle sa labasan pababa ng town proper.

Ano Naman gagawin Ng tricycle dito eh hindi Naman simpleng hotel ang Bellarocca na pede pasyalan anumang oras na gustuhin ng simpleng tao. Sa loob loob ni Aaliyah.

Either sakay ng kani kanilang private chopper or yacht ang mga guests Nila, or susunduin ng VIP shuttle bus ang mga ito sa airport.

Wala siya choice lalakarin na lang nya ang papuntang town proper, upang doon sumakay ng jeep papuntang provincial hospital ng kanilang probinsiya.

Limang minuto pa lang naglalakad si Aaliyah pero nanakit na ang sakong at binti nya, sa pagmamadali hindi na nya napalitan ang stilleto shoes nya.

Kahit gusto na maiyak ni Aaliyah pinigilan nya ang sarili kahit samot sari ang emosyon na nararamdaman niya.

Biglang napalingon si Aaliyah ng may maramdaman sa likod na paparating na sasakyan. Napagilid sa Tabing daan ang dalaga. Nagulat siya ng tumigil ito sa tabi nya.

"Get in" buo at may diin sa tinig ng lalaki sa driver seat ng Jaguar na sasakyan.

Kinailangan pa niyang yumuko sa nakababang  powered window ng sasakyan upang tingnan kung sino ang magmamay ari ng sasakyan.

Kahit  ito nakatagilid  at diretso ang tingin ng lalaki sa unahan ng sasakyan kilalang kilala nya ito, kahit pa yata nakatalikod ito ay hindi pedeng hindi nya makikilapa ang lalaking ito.

At kahit siguro pikit siya,  maamoy nya lang ang male perfume na gamit nito na pinaghalong amoy ng irish spring at hamog sa gubat ay makikilala Niya ito. Ito lang yata ang nag iisang lalaki na nagmamay ari ng ganitong amoy.

"Are you going to stare at me until the sun set or are you going to get in the car?" Sa unahan pa rin ito nakatingin,hindi man lang ito sumulyap sa dalaga.

"No thank you, Mr Monteagudo, lalakarin ko na lang po," brute! nag aalok nga pero hindi man lang ako tinitingnan,sa loob loob ni Aaliyah.

"Fine! As you wish, " at nirelease ng binata ang clutch at inapakan ang gas ng sasakyan,

"Sandalii! Biglang sigaw si Aaliyah bago pa tuluyang makalayo ang sasakyan.

Sumilay ang pilyong ngiti sa mga Labi Ng binata, alam nyang magbabago isip nito.

Mabilis na tumakbo ang dalaga sa humintong sasakyan ng binata. Wala siya choice kailangan nyang makarating ng provincial hospital para sa ina. Baka abutin siya ng lubog ng araw  bago siya makarating sa town proper ng Buenavista at baka wala na siya maabutang last trip Ng jeep patungong Boac kung saan matatqlagpuan ang provincial hospital.

Nagtataka man kung saan pupunta ang guest Ng Bellarocca wala na siya pakialam kailangan nya makarating sa bayan.

"T..thank you Mr Monteagudo" nahihiya nito sambit sa binata pag kaupong pagkaupo nya sa unahan ng sasakyan na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Conceited chauvinist pig,sa loob loob ni Aaliyah, nagpupuyos ang kalooban ng dalaga,  dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.

Sa tamang buhay nya ngayon lang siya hindi tinapunan ng tingin ng isang lalaki, kahit Naman galing siya sa isang pobreng pamilya, biniyayaan Naman siya ng kakaibang ganda. Kahit  anak ng governor at mga anak ng mga kilalang businessmen sa kanilang lalawigan ay nagka interes na siya ay ligawan at gawing nobya. Di ba nga at may isang talent scout na naging interesado na siya ay kuning modelo sa Manila.

Nakita ni Miguel Alvaro sa kanyang peripheral view ang bahagyang pagsimangot ng babae. Being trained and exposed  in the business world since 15 year old, he has been very observant sa paligid nya kaya hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagsimangot nito.

"Is that how you show your gratitude? Bigla Tanong nito sa babaeng katabi sa unahan ng sasakyan.

"Huh? Gulat na napabaling ng tingin ang dalaga sa katabi,clueless sa Bigla nitong Tanong.

Sumulyap sa kanya ang binata at saglit na nagtama ang mata Nila.

Napasinghap si Aaliyah, napaka gwapo ng lalaking ito sa suot na sports shirt na royal blue at faded maong pants na halos pumutok sa mga mamasel nitóng mga hita at binti.

"Satisfied"? Tanong ng binata na may himig panunukso.

Nag init ang mukha Ng dalaga hanggang tenga,nahalata pala nito ang pag sulyap nya sa kabuuan nito.

Naaaliw ang binata sa pamumula ng babaeng ito sa maliit na panunukso nya.  Lalo na Ng makita Niya itong naglalakad sa kalsada na suot pa ang mataas na high heels.

"What do you mean this is how I shown my gratitude"? Pag iiba ng usapan ni Aaliyah to ease her emotion towards this guy.

Imbes na sagutin ito ng binata, sumeryoso ang mukha nito at nag focus sa pag drive.

Napapahiyang tumahimik na lang ang dalaga at tumingin sa dinadaanan Ng sasakyan. Somehow,mabuti na yung sumakay siya sa pag invite nito dahil kung hindi baka sa mga oras na iyon ay naglalakad pa siya. Ang mahalaga makarating siya sa paradahan ng jeep sa town proper.

Nagtaka si Aaliyah kung Bakit imbes na ibaba soya ng binata sa town proper ay nagdire diretso ang sasakyan.

"Sir you can drop me along the hiway may mga dadaan na pong jeep dito sa hiway" nagtatakang sambit ni Aaliyah.

Parang walang narinig si Miguel at nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho ng kanyang Jaguar.

"Can't  you just sit and relax" imbes ay sagot nito sa dalaga na hindi ito tinatapunan ng tingin.

Hindi na lang nagsalita si Aaliyah, pabor sa kanya para mabilis siyang makarating ng ospital.

Kinabig ni Miguel ang manibela pakaliwa sa makurbang daan, dahil hindi naka seatbelt ang dalaga,biglang humilig at dumikit ang katawan nya sa matigas na braso at balikat Ng binata.

"Ouch, dahan dahan Naman," kunwaring sambit ng dalaga upang itago ang pagkapahiya sa pagkakadikit Ng katawan nya.

"Ikaw itong humilig sa katawan ko, kasalanan ko ba kung di ka naka seatbelt? Sagot ng binata  sa seryosong tono.

Ng biglang tumunog ang cellphone ng dalaga saloob ng bag nito. Si Kevin ang kapatid nya,muli rumehistro sa mukha Ng dalaga ang pag aalala sa ina.

"Ate asan ka na?..agad na Tanong Ng kapatid pagkadikit sa tenga ng telepono.

Tumingin sa labas Ng sasakyan ang dalaga. "Dito na sa boundary ng Gasan" sagot nito sa kapatid,nasa isang oras pa  bago siya makarating sa Dr Damian Provincial Hospital.

"Musta ang inay?" may pag aalala sa tono nya.

"Natutulog te sa ward nya, binigyan ng pampatulog Ng dr para makapag pahinga Ng todo, ate nag aalala ako sa inay" gumagaralgal na boses Ng kapatid.

"Diyan na lang Tayo mag usap pagdating ko,bumalik ka na sa ward Ng inay" kinokontrol ni Aaliyah ang emosyon nya dahil ayaw nyang bumigay sa harap ng lalaking katabi na noon ay walang ekspresyon sa mukha na seryosong nagdadrive. Di mo nabasa kung ano iniisip nito.