Buti na lang hndi natagalan sa labasan si Aaliyah at agad na dumaan ang shuttle bus Ng hotel dahil Parang lumalakas ang ulan
Agad nya natanaw na nakatayo sa waiting shed sa town proper si Kristel Kasama ang ibang hotel staff na nakatayo sa pick up point Ng shuttle.
"Akala ko besh di ka papasok eh kse masama panahon" agad nitong sambit kay Aaliyah pagkaupong pagkaupo sa tabi nito.
"Alam mo namang hindi Tayo pede mag absent dahil maraming guests ang hotel, kaya rain or shine need natin pumasok" sagot ni Aaliyah.
"Nakita ko si Pamela kagabi, pagkagaling ko sa mananahi, paluwas ng Manila" pag iiba ng usapan ni Kristel.
"Ano balita kay Pamela?" tanong ni Kristel na nakapikit ang mata sa pagkakasandal sa upuan Ng bus halatang inaantok pa.
"Ayon, sa isang hotel din sa Manila nag tatrabaho, pero di kami gano nakapag kwentuhan kase umalis agad sila Ng itay nya para ihatid sa pier at mahabol last trip Ng biyahe Ng barko" sagot ni Kristel.
Hindi na nagreact si Aaliyah,halos magdadalawang taon na nga pala na hindi sila nagkaka bonding Ng ibang mga kaibigan mula Ng matanggap Silang tatlo nina Joshua at Kristel sa Bellarocca.
.......
Tulad Ng inaasahan dagsa ang mga foreign guests Ng araw na iyon na halos ay mga businessmen around the world upang mag attend Ng yearly World Business Summit.
Paroon at parito ang lahat ng VIP mini bus upang sunduin ang mga guests sa airport,maging ang mga private yacht ay walang tigil ang pagdaong sa Isla kung saan nakatayo ang Bellarocca.
Eksaktong 4pm nagdeclare ang Hotel Ng Fully book from this moment up to the next 3 days. Meaning the hotel can no longer accept guests both physical and online accommodation because it's already reached the full scale capacity of the hotel.
"Calling the attention of Mr Stuart and company please proceed to the coffee shop besides the infinity pool of the hotel, I repeat....thank you"
"Mr and Mrs Stephen Smith please proceed at the VIP lounge"
Non-stop ang malambing na voice over Ng customer service Ng hotel umaga pa lang. Walang tigil din ang pag aasikaso Ng mga hotel staff sa mga guests.
"Excuse me where's the Malindig Pavilion?" tanong Ng isang foreign guest sa isang male hotel's ground floor staff.
"This way ma'am, cross that garden, walk straight and then turn left" magalang na sagot Ng staff may ngiti sa Labi.
"Thank you dear" pasasalamat Ng guest.
"It's my please ma'am" yoko Ng staff.
"Nakakapagod besh", sambit ni Kristel sa kaibigan na noon ay nag aayos ng database Ng mga VIP guest para iprint.
"Buti nga at lahat Ng ating guest ay online booking at advance check-in of itenerary kaya hindi Tayo ganun ka ngarag, kung hindi ewan ko na lang" sagot ni Aaliyah sa kaibigan habang nakatayo at walang tigil sa pagdo download sa computer Ng list of guests Ng Hotel.
Walang tigil pa rin ang ulan sa labas Ng hotel na medyo may kalakasan Ng hangin, Mukhang kahit signal no.1 lang sa kanilang lalawigan ay may kalakasan pa rin ang bagyo lalo at dagat ang nakapalibot sa hotel sa lob loob ng dalawa.
"Mukhang hindi Tayo makaka uwi besh" sabay tingin ni Kristel sa Malaking wall clock Ng hotel. "lampas alas singko na, wala pa rin tigil ang ulan sa labas oh saka lumalakas na hangin"
"Kaya nga eh," sabay sulyap ni Aaliyah sa labas Ng hotel,Kita sa dingding ng salamin ang madilim na paligid kahit pass 5 pa lang Ng hapon dahil sa sama Ng panahon.
May sasabihin pa sana si Aaliyah ng may lumapit na isang babae at lalaki na may edad na at sa itsura Ng dalawa ay mahuhulaan mo na mag asawa. Aninag sa mukha Ng dalawang matanda ang pagod.
"How can I help you ma'am" magalang na may ngiti sa Labi na tanong ni Aaliyah..
"Iha may bakante pa ba kayo room?" tanong Ng matandang babae kung sa Tagalog na lenguwahe.
"Ito na kase ang huling hotel na hindi namin napupuntahan iha upang mag check,lahat Ng hotel sa paligid nyo ay fully book na dahil sa event na magsisimuka bukas" dagdag Ng matandang lalaki.
Nag aalalang napatingin si Aaliyah sa kaibigan.
"Ma'am,sir,.." We regret to inform you that Bellarocca is already fully book up to the next 3 days" pinagpalit palit Ng tingin ni Aaliyah sa pagod na mukha Ng dalawang matanda.
"Ganun ba iha, " napatingin ang matandang babae sa asawa.
Maging si Kristel ay hindi alam ang gagawin sa sitwasyong iyon lalo at masama ang panahon.
"Pero kung mararapatin nyo pede kayo magpalipas Ng magdamag sa quarter ko sa hotel na ito, hindi ko hahayaang umalis kayo Ng hotel sa ganitong kasamang panahon" mabilis na tugon ni Aaliyah sabay tingin sa labas Ng hotel na sa pakiwari nya ay lalong lumalakas ang hangin at ulan sa labas base sa galaw Ng mga puno na Makikita sa salamin na dingding ng hotel.
"Maraming salamat iha, nakaalis na kse ang service na naghatid samin dito sa pag aakalang may makukuha kaming bakanteng room sa hotel na ito" Parang nakahinga Ng maluwag ang dalawang matanda sa pag alok ni Aaliyah sa quarter nito na kanilang tutluyan sa magdamag.
Sinamahan ni Aaliyah ang mag asawa sa kanyang quarter.
"Pagdamutan na po nyo ang aking quarter pero makakasigurado Naman po kayo na magiging komportable kayo sa magdamag" sabi ni Aaliyah pagka bukas Ng pinto Ng kanyang quarter"
"Maraming salamat iha", Ano pangalan mo? sabay tingin sa name plate na naka kabit sa hotel uniform nya, hawak sa dalawang kamay nagpasalamat at tanong ng matandang babae kay Aaliyah.
"Wala pong anuman ma'am,Aaliyah po, Aaliyah Romeroso" sagot ni Aaliyah. " kung may kailangan po kayo, puntahan nyo lang po ako sa front desk" iyon lamang at lumabas na Ng silid si Aaliyah
Bago dumiretso Ng front desk pinagbilinan nya ang isang male staff na dalhan Ng hapunan ang kanyang panauhin sa kanyang quarter.
"Besh sa quarter mo ako matulog ha," paalam ni Aaliyah pagkabalik sa front desk.
"Sureness" sagot ni Kristel.
Sabay Ng tinungo Ng magkaibigan ang quarter, Pagtapos pagbilinan ni Aaliyah ang kapalitan sa front desk na kapag may nag hanap sa kanya puntahan lang siya sa quarter ni Kristel.
Kinabukasan, Parang walang nagdaang bagyo Ng nakaraang gabi, payapa na ang paligid, wala Ng ulan at hangin. Paroon at parito ang mga guest sa function hall Ng hotel dahil anumang saglit magsisimula na ang opening Ng World Business Summit sa kanilang Hotel. Walang tigil Ng kakamando si Ms Llorca sa staff Ng hotel.
"Good morning girls, bati ni Joshua, Hindi ba kayo nakauwi kahapon? tanong ni Joshua
"Wow, nagbagong buhay ka na boi? hindi ka late ah," sagot ni Kristel.
"Eh pano may warning na kay ma'am kaya di na siya pede malate" susog ni Aaliyah na nakangiti.
"Grabe kayo Sakin," may himig tampo ni Joshua sa dalawang kaibigan, pero hindi nya ito sineryoso alam nyang nang aasar na Naman ang dalawang magagandang kaibigan.
Sasagot pa sana si Kristel pero dinagsa na Sila ng tawag sa front desk at ilang concerns Ng mga mga guest Ng hotel. Naging busy na sila sa mga sumunod na mga oras lalo pa at may ginagawang seminar sa Bellarocca.
After lunch na Ng medyo naging maluwag ang at walang gano concerns sila natanggap sa front desk.
"Iho I'm looking for Ms Aaliyah Romeroso?" tanong Ng matandang babae kay Joshua sa front desk. ito ay ang babae na pinatuloy ni Aaliyah sa quarter nya Ng nakaraang gabi Kasama ang asawa.
"Hello ma'am, she is on her coffee break," sabat ni Kristel na noon ay katabi ni Joshua sa pagkakatayo sa front desk.Agad sumagot si Kristel Ng makilala ang dalawang matanda.
"She is coming ma'am," sabay turo kay Aaliyah na noon ay palapit na sa front desk mula sa kanyang coffee break.
Naalala bigla ni Aaliyah na may pinatuloy nga pala siya sa quarter nya,nawala sa isip nya sa sobrang busy simula kanina na nag duty siya.
"I'm so sorry ma'am, nawala sa isip ko..." pero sumenyas ang matandang babae na itinaas ang kamay upang pigilan kung anuman sasabihin ni Aaliyah."
"No worries iha, thank you for your kindness" imbes ay sagot Ng matandang babae, "pagkagising namin nag attend kami Ng husband ko sa opening Ng seminar, magkano ang babayaran namin iha? tanong Ng matandang babae
"Wala po kayo babayaran ma'am, it's my pleasure na patuluyin sa akin quarter sa ganung kasamang panahon" magalang na sagot nito sa matandang babae sabay tingin sa asawa nito na tahimik sa tabi Ng babae.
"Salamat iha, empleyado ka pa lang pero alam mo na kung papaano mamahala Ng isang hotel, balang araw ay magmamay ari ka ng isang napakalaking hotel sa buong mundo" sagot Ng matandang babae.
Nangingiti lang si Aaliyah at hindi na sumagot sa tinuran Ng matandang babae na inakalang biro lang ang mga sinabi nito.
Pagtapos magpasalamat umalis na Ng hotel ang mag asawa