Chereads / Love Made In Heaven / Chapter 9 - Chapter 9 Hundred Billion Dollar Worth of Paradise

Chapter 9 - Chapter 9 Hundred Billion Dollar Worth of Paradise

"Chairman, your dinner meeting with Mr Soliven is about to start at the private  Cafe' of this hotel" pagreremind Ng kanyang secretarya pagkalapit nito.

Tumingin ang binata sa wristwatch nyang relo na  Audemars Piguet.

"Then let's go, did you bring the necessary papers?

"Yes,chairman, it's all in this folder" sabay pakita ni Camila sa hawak na folder.

"Good let's go" at lumakad na ang dalawa patungo sa venue Ng dinner meeting.

Tatlong tao ang nadatnan ni Miguel sa venue Ng meeting at iisang babae,malamang ay secretary  sa loob loob loob nya.

"Mr Soliven,' sabay kamay Ng binata sa may edad na lalaki at current chairman ng Bellarocca Hotel and Resort.

"Nice to meet you, Chairman Monteagudo have a sit" nakangiting sagot nito at isenenyas ang kabisera ng upuan.

"I never thought that the present chairman of the Monteagudo Chain of Hotels and Resorts is very young and dashing" dagdag nito pagkaupong pagkaupo ng lahat sa conference table.

"You don't have to be polite Mr Soliven, let's go straight to the acquisition process of the Hotel" pormal at seryosong  sagot ni Miguel Alvaro sabay senyas kay Camila upang ilabas ang mga papeles.

Totoo pala ang naririnig nya na may pagka suplado  ang bagong chairman ng Monteagudo Chain of Hotels and Resorts. Sa loob loobng may edad na chairman.

"We have only one request if is it possible and I hope it would be granted"

Maya maya ay sambit ng chairman ng Bellarocca habang binabasa ang huling pahina Ng acquisition documents sabay tingin sa mga kasamang Hotel's president at sa secretary.

"Then say it Mr Soliven"

"If possible, please retained all the employees of the Bellarocca" walang paligoy ligoy na sagot nito sa kaharap na  walang makikitang emosyon.

"I'm not in the position to decide or guarantee their retention, it's the job of my company's  Human Resource Management Office, the only thing I can assure you is that all employees from top to bottom will be evaluated based on their work peprformance,then that's the time I will decide" Miguel Alvaro resolutely replied to the request of the chairman of the Bellarocca.,sabay tingin sa kanyang  secretary  na katabi upang itake note ang gusto nyo mangyari sa mga staffs ng hotel.

Now he  truly believed that the current chairman of the Monteagudo Chains of Hotel and Resort is really cold blooded person, He thought.

"That will be fine then" instead he replied.

After the acquisition documents had been signed, everyone made a handshake, sabay na nagtayuan ang lahat na nasa table.

Hatid tanaw na lang ang nagawa ng chairman ng Bellarocca at ng hotel's president sa bagong nagmamayari ng Bellarocca Hotel and resort.

Napabuntung hininga na lang ito, plano Sana muna nila itong makasalo  after the signing  the documents, pero hindi na ito nangyari.

Sa presidential suite, agad nag alis Ng kanyang coat si Alvaro, tumungo sa wine bar,nagsalin sa wine glass ng scotch on the rock at lumakad patungo sa glass window ng suite habang sinisimsim ang alak,gumuhit sa lalamunan ang init nito.

What a paradise! May paghanga Nitong bulong sa sarili habang enjoy na enjoy sa nakikita sa labas Ng hotel. Kay gandang pagmasdan ng mga palm trees at ibat ibang klase ng bonsai na mga puno na sumasabay ang mga dahon sa bawat dampi ng ihip ng  hangin, lalo itong pinatingkad ng ilaw na ginamitan Ng makabagong teknolohiya.

Dagdag pa dito ang kulay asul na napakalawak na infinity pool na ang dulo ay nakaharap sa nangangasul na tubig dagat. Kung hindi siya nagkamali lampas na na tatlongpu ang mga nakahimpil dito na mga naggagandahang mga yate na pag aari Ng hotel. Sulit ang dalawang bilyong dolyar sa pagkakabili nya sa Bellarocca, tunay itong paraiso.

"Mr chairman..'' si Camila

Napalingon si Miguel sa tinig ng secretarya.

"Yes Ms Alawi?"

"It's dinner time  chairman, the rest are about to leave going to the hotel's restaurant." Ang the rest na sinasabi nito ay ang mga presidente Ng mga companya ng Monteagudo Group na matatagpuan sa ibat ibang panig ng mundo na nag attend sa Bellarocca ng three days World's Business Summit.

"You can all proceeds, I will follow I'll just wait the call from the old man"

Hindi na nagsalita pa si Camila sa sagot Ng batang chairman, ang ama nito ang sinasabi nitong old man, ang kakaretiro lang na chairman ng Monteagudo Chain of Hotels and Resorts. Si chairman John Miguel Monteagudo.

....

Pabagsak na inuupo ni Aaliyah ang katawan sa di kalakihang sofa sa kanilang bahay.

Ngayon siya nakaramdam Ng pagod sa daming inasikasong mga guest sa hotel,dagdag pa ang pagpopower trip Ng hambog na yun.

"Ang inay? Tanong ni Aaliyah sa kapatid habang nag aalis ng stockings

"Nasa room nya te"

Nagtataka na napatingin sa relo si Aaliyah, 7:30 pm pa lang Ng gabi. "Bakit ang aga Ng nanay matulog"

Umiwas ng tingin si Kevin sa kapatid, at nahalata nya iyon. Kilala nya ang kapatid kapag nagsisinungaling. Saka hindi nagpapahinga ang nanay nya hangat wala siya galing sa trabaho, unless magsabi siya na may pupuntahan  after Ng work.

"Halika ka nga, Bakit ang aga Ng nanay matulog?

Kakamot kamot sa ulo na lumapit si Kevin,halata mo namang hindi talaga nangangati ang ulo.

"Eh te ang nanay na lang kaya kausapin mo, yano Naman oh!" Medyo may pagmamaktol nitong lapit sa kapatid.

Iyong lapit ni Kevin na yun ay bigla nito hinawakan ng mahigpit ang tenga nito.

"Di mo sasabihin hah?" At  Anyo nitong pipilipitin

"Aray te, hahaha," sigaw nito na tumatawa habang inalalayan sa pag hawak ang tenga nya na hawak Ng kapatid. 

"Ano di ka magsasabi"

"Uu na sasabihin ko na te, toh Naman si ate oh ginagawa ako bata, gang ngayon pinipingot pa ako" natatawang tugon ni Kevin sa kapatid.

" Ano nga? isa..." Ambang pipingotin uli ang kapatid.

"Masama pakiramdam Ng nanay, kanina pa umaga pag alis mo, Hindi lang pinahalata sayo, alam mo Naman nanay ayaw ka nun na nag aalala,sabi nya wag ko daw sabihin sayo na masama pakiramdam" paliwanag ni Kevin.

"Pano masama pakiramdam?"

"Puntahan mo kaya sa kwarto te, kase kanina pag uwi ko galing school naabutan ko ang nanay dito sa sala, hinihilot hita pababa, kaya hinilot ko, saka konte lang kinain kanina bago ka dumating" muling sagot Ng kapatid.

"Samahan mo ako sa kwarto Ng nanay, tara!"

"Ikaw na lang te,alam mo Naman ang nanay pag nalaman nya sinabi ko sayo kahit masama pakiramdam nun,babangon un kahit masama pakiramdam para mangurot" sagot ni Kevin sabay isod sa  upuan upang bigyan daan ang kapatid patungo sa silid Ng ina.

Mahinang kumatok sa kwarto Ng ina si Aaliyah, pinakiramdaman ito kung gising pa, Ayaw din nya itong maistorbo kung sakaling natutulog na ito.

Aalis na Sana sa harap ng pintuan si Aaliyah ng marinig ang mahinang tinig ng ina sa loob ng kwarto. "Pasok"

Dahan dahang binuksan ang pintuan at lumapit sa inang nakakumot hangang dibdib,sinalat nito ang sentido ng ina.

"Bakit anak? Tanong Ng ina

"Masama daw pakiramdam mo sabi ni Kevin?

"Bata talagang iyon,wala ito anak napagod lang ako siguro sa gawaing bahay, bukas wala na to" pangungumbinse ng ina sa anak.

"Sigurado ka nay,uminom ka na Ng gamot?"

"Uminom na ako anak ng pain reliever, kumain ka na ba?

"Kadarating ko lang nay, dito na ako dumiretso kse nagtaka ako ang aga mo magpahinga"

Ngumiti ang  ina sa anak. "Wag ka mag alala anak at bukas ay wala na to,Hala kinain ka na at ng makapag pahinga ka natin alam ko pagod ka" pagtataboy nito sa anak.

Alanganin na tumalima si Aaliyah. "Good night nay, "

Tumayo na sa pagkakaupo sa kama Ng ina si Aaliyah "Pakipatay mo na anak ang ilaw" pahabol nito.

Pinatay na ni Aaliyah ang ilaw at lumabas na sa silid Ng ina.