Chapter 4 - 4

Chapter 4

- Zara's POV -

Pagkagising ko ay sumuka nanaman ako, tapos natulog ulit kagaya ng ginawa ko kahapon. Nang magising ulit ako at naligo ako at nagbihis tapos kumain ng tanghalian at pumunta ng clinic.

Nang makabalik kami ay pagod na pagod kami pareho. Si Sally at nakatulog na habang ako ay nandito sa kusina, kumakain ng ice cream. Biglang may pumasok na bata at nanlaki ang mata ng makita ako.

Nagulat ako ng biglang tumakbo palabas kaya naman dali-dali ko syang sinunda. Nang sundan ko sya at nakita ko syang umiiyak sa may sala. Paglapit ko ay mas lumakas ang iyak nya.

"Mommy, wag po! Hindi na po ako magpapasaway!" Umiiyak nitong sigaw. Ako naman ay parang hinaplos ang puso ng makita ko syang umiyak.

"Hindi naman kita sasaktan." Mahinang sabi ko at niyakap sya. Noong una ay nagpumiglas pa ito pero tumigil din ng mapagod. Hanggang sa mawala na ang hikbi nya.

"M-Mommy, w-wag nyo na po akong saktan. Hindi na po ako mag-iingay." Mahinang sabi nito.

"Hindi naman kita sasaktan...." Mahina ko ding sabi tapos niyakap ulit sya. Maya-maya pa ay natahimik na ito at binaklas ko na ang pagkakayakap ko parang tignan sya. "Ok ka na?" Tanong ko, tumango naman sya. "Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong ko. Nakangiti naman syang tumango tapos inakay ko na sya papunta sa kusina.

Nang makarating kami doon ay agad ko syang kinuhaan ng ice cream na agad naman nyang nilamutak. Habang kumakain kami ay napaisip ako kung bakit ganito nalang ang takot ng batang to sa ina nya.

"Mommy, ahh!" Nakangiting sabi nito, susubuan ako. Agad ko namang isinubo ang ice cream at nginitian sya. "Mommy, ano po yung nasa tyan nyo? Magkakaroon na po ba ako ng kapatid?" Nakangiting tanong nito.

"Oo." Pilit ko syang nginitian.

- Gavin's POV -

Pagdating ko ng bahay ay nakita ko agad si Ara na tumakbo habang hinahabol ni.... Zara?! Dahil sa nakita ko ay agad akong naging alerto. Dali-dali kong binuhat ang anak ko nang marating ang kinaroroonan ko.

"Daddy? You're home na!" Masayang sabi ng ank ko at niyakap ako.

"Hayyyyy.... Grabe ka. Bakit mo ba ako pinatakbo? Mommy is pregnant." Hinihingal na sabi ni Zara. Ibinaba ko si Ara para kausapin si Zara.

"Are you ok? Bakit ka ba kasi tumakbo? Buntis ka nga, diba? Paano kung mapano ang anak natin?" Tanong ko na may pagkainis.

"Daddy, don't be mad na po. Me and Mommy is having fun po. Kanina po ginawan nya ako ng pancake." Nakangiting sabi ng anak ko.

"Pasok na tayo. Gabi na, baka mahamugan na kayo." Seryosong sabi ko. Nang makapasok kami ay pinaupo ko agad silang dalawa.

"Yaya, gusto ko po ng milktea. Yung gawa po ni Mommy." Nakangiting sabi ng anak ko.

"Nag-dinner na ba kayo?" Tanong ko.

"Opo. Tapos na po." Sagot ng anak ko tapos uminom ng milktea. Nakisipsip naman si Zara sa kanya. "Mommy, sabay po tayong maligo?" Tanong ni Ara.

"Sige." Mabilis na payag ni Zara.

"Wag mo nang patakbuhin ulit ang Mommy mo, ha? Baka mapano si Baby." Seryosong sabi ko at hinawakan ang tyan ni Zara. Nagpaubayan naman ito.

"Opo." Nakangiting sagot nito.

"By the way, ok lang ba ang pakiramdam mo?" Baling ko kay Zara.

"Ok naman. Pero medyo nahihilo ako."

"Mag-pa-check-up ka na ba?"

"Oo. Ang sabi ng doktor, ok na daw naman sya, basta wag lang kakalimutan ang nga vitamins at iba pang kailangan para sa health nya." Dahil sa sinabi nya ay bigla kong naalala ang nangyari sa ospital nang gabing magising sya ulit.

- Flashback -

"Ahm... Gav, may pagkakamali kami." Biglang sulpot ni Aiden.

"Ano yon?" Kunot-noong tanong ko.

"The baby. It was a miracle. The baby is alive!" Masayang sabi nito. Kahit ako ay naging masaya din sa loob-loob ko. Iniwan ko sya sa office at saka ako nagtungo sa kwarto ng asawa ko.

- End of Flashback -

"Tara na po, Mommy!" Excited na sigaw ni Ara dahilan para bumalik ako sa huwisyon.

"Sige na. Sasama na ako." Nakangiting sagit ni Zara at saka sya tumayo at akmang bubuhatin si Ara ng bigla ko syang pigilan.

"Ako na." Sabi ko at binuhat si Ara.

NGAYON ay nandito kaming tatlo sa bathroom habang si Zara at Ara ay nasa loob ng bathtub at nagbabasaan ng tubig. Pareho silang nakahubad habang ako ay nakasando at short lang. Walang panloob dahil alam kong mababasa ako ng dalawang to.

"Ah! Mommy! Ayoko na--- Hahaha!" Tatawa-tawang sigaw ng anak ko dahil kinikiliti sya ng ina nya.

"Ikaw kasi, ehh!" Parang nanggigigil na sabi nito habang nakangisi at kinikiliti parin si Ara. Nagbasaan nanaman sila at ako naman ay basang-basa na din dahil sa kanilang dalawa.

"Ara, tama na. Magbanlaw na kayo." Sabi ko. Agad namang sumunod ang dalawa. Tinulungan kong magbanlaw ang anak ko at agad syang sinuotan ng bathrobe.

Tapos si Zara naman ang tinulungan ko. Parang bata pa itong nang babasa habang tinutulungan ko sya.

"Zara, stop it. Nababasa ako." Mahinang saway ko.

"Edi maligo ka nalang din." Sabi nito habang nangbabasa parin.

"Tama na kasi. Wag nang makulit para matapos na tayo."

"Ayaw." Parang batang nagpapacute nyang sabi.

"Tsk." Mahina kong singhal saka nag-iwas ng tingin. Nang matapos ay agad ko syang sinuotan ng bathrobe. Tatawa-tawa naman sya habang magkahawak ang kamay nila ni Ara habang palabas kami ng bathroom.

"Paano yan walang damit si Mommy dito?" Tanong ni Zara. "Magbibihis lang muna si Mommy tapos babalik ako, ok?"

"Ok po, Mommy." Nakangiting sabi ni Ara.

"Ako nang bahala kay Ara. Sige na, magbihis ka na." Sabi ko.

"Sige." Sagot nito. Nakangiting kumaway sya kay Ara na kinawayan din muna sya.

Ngayon, nalilito na talaga ako kung bakit nag-iba ka na, Zara. Wala na akong makitang pagmamahal sayo, habang ako ay parang nahuhulog na sayo...

"Daddy, bihis na po ako." Biglang salita ng anak ko na nagpabalik sa akin sa tamang huwisyon.

"Sige." Nakangiting sabi ko at tinulungan na syang magbihis. Saktong kakatapos lang ni Ara'ng magbihis ng biglang pumasok ng kwarto si Zara.

Napalunok ako ng makita ko ang suot nya, nakadress sya na hindi lumalagpas sa bewang nya at naka maikling short din, parehong kulay pula.

"Dito po ba kayo matutulog?" Biglang tanong ni Ara.

"Hindi pwede, ehh. Baka madistract ka ni Mommy, ehh." Sagot ni Zara. "Diti muna kami hanggang makatulog ka." Dagdag pa nya.

"Sige po." Nakangiting sabi ng anak ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa at pareho naman silang takang tumingin sa akin ng makahiga sila pareho.

"Magbibihis lang ako, nabasa nyo kasi ako, ehh." Sabi ko. Natawa naman silang dalawa pero pinanliitan ko sila ng mata. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong pumasok ng closet at nagbihis at mabilis na bumalik sa kwarto ni Ara.

Pagbalik ko doon ay kinakantahan na ni Zara ang anak namin. Tumabi ako sa kanila at pareho naming inantay makatulog si Ara.

- Zara's POV -

"Sino ang Mommy ni Ara?" Biglang tanong ko ng makatulog na ang bata.

"I-Ikaw...." Mahinang sagot ni Gavin.

Ako?

"Bakit takot sya sa akin?" Tanong ko pa.

"Kasi binubugbog mo sya..."

'Kasi binubugbog mo sya.'

'Kasi binubugbog mo sya.'

'Kasi binubugbog mo sya.'

'Kasi binubugbog mo sya.'

'Kasi binubugbog mo sya.'

Nagpaulit-ulit ang huling salitang sinabi ni Gavin hanggang sa namalayan ko nalang bumubuhos na ang mga luha ko sa pisnge. Parang hindi ko matanggap ang narinig ko.

"Why are you crying?" Biglang tanong ni Gavin.

"H-Hindi ko alam." Mahinang sabi ko.

"Shh... Wag ka nang umiyak, ok lang yan." Nakangiting sabi nya. Ngumiti nalang din ako sa kanya at hindi ko na sya sinagot. Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ng kwarto ni Gavin. "Wag mo na isipin iyon. Ang mahalaga ok na kayo." Sabi nya pa at nginitian ako.

"Ok lang ako. Hindi ko labg talaga matanggap na ganon pala ang ginagawa ko kay Ara." Malungkot kong sabi. Lumapit sya sa akin at niyakap ako tapos hinalikan ang ulo ko.

"Wag mo na masyadong alalahanin iyon, baka makasama kay baby ang stress."

"Ok..." Maikling sagot ko at pumasok na ng kwarto ko at hindi na sya nilingon pa. Nang makahiga ay agad akong nakatulog.

Actually, kanina pa kasi ko inaantok, pinipigilan ko lang dahil ayokong matulog doon, hindi kami kasya ni Ara.

KINABUKASAN ng magising ako ay alam na, sumuka nanaman ako dala ng morning sickness. Nang makalabas ako ng bathroom ay nahiga ulit ako ng kama ko tapis biglang bumukas ang pinto.

"Good morning, Mommy!" Sigaw ni Ara. Napatingin naman ako sa kanya at kasunod nya si Gavin.

"Masama ata ang pakiramdam ng Mommy mo, ehh." Sabi ni Gavin habang may makikita kang pag-aalala sa mga mata nya.

Ahh... Ang sweet...

"Mommy, are you ok?" Tanong nito. Pilit ko syang nginitian at tumango.

"Hayaan mo munang magpahinga ang Mommy mo saglit. Masama ang pakiramdam nya, ohh." Pakukumbinsi ni Gavin sa anak nya.

"Pero gusto ko pong magkipaglaro sa kanya." Malungkot na sabi ni Ara.

"Mamaya na, ok? Tabihan mo nalang dyan ang Mommy mo, antayin mo syang magising. Aalis na si Daddy." Paalam nito at hinalikan si Ara sa noo pagkatapos ay ang tyan ko naman.

"Daddy, why did you kiss Mommy's tummy?" Tanong ni Ara.

"Because It means that I kiss your Mommy and our upcoming baby." Nakangiting paliwanag ni Gavin. Tatango-tango naman si Ara tapos humalik sa pisnge ni Gavin.

"Take care, Daddy, ha?"

"Yes po, Madam." Nakangiting sabi ni Gavin tapos bumaling sa akin. "Rest well. Sila manang na bahala sa inyo ni Ara."

"Hmm. Take care." Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. Ngumiti ulit sya a saka na lumabas ng kwarto. Si Ara naman ay nahiga sa tabi ko hanggang sa hindi namin napansing nakatulog na kami pareho.

- To Be Continued -

(Thu, May 6, 2021)