Chapter 10 - 10

Finale

- Zara's POV -

"Kuya, hold on, wag mo akong iiwan!" Sigaw ko habang umaandar kami papunta sa O.R. "Kuya! Please! Wag mo akong iwan!" Umiiyak ko pang sabi. Hawak-hawak ko ang kamay nya hanggang sa makarating kami sa may pinto.

"Ma'am, bawal na po kayo sa loob." Sabi ng nurse. Wala na akong nagawa kaya tumigil na ako sa pag-lakad at binitawan na ang kamay nya.

"Kuya, wag mo ko iwan! Nandito lang ako!" Sigaw ko pa bago sya ipinasok ng O.R. Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng simbahan, nagdadasal.

"Lord, iligtas nyo po ang kuya ko. Mabait po syang tao kaya kung pwede po hayaan nyo syang mabuhay. Hayaan nyo po akong makasama sya. Please po, gusto ko pong makasama pa ang kuya ko. Wag nyo po syang pababayaan. Nagmamakaawa po ako sa inyo, wag nyo po syang kunin sa akin." Umiiyak kong dasal. Makalipas nanaman ang ilang minuto ay natagpuan ko nanaman ang sarili ko sa harap ng O.R.

Patuloy lang ako sa paghihintay at sobra-sobrang kaba ang nararamdaman. Maya-maya lang ay lumabas na ang mga doktor na tumingin sa kanya. Napakunot ang noo ko dahil sa ekspresyon ng muhka nila.

"How's my kuya?" Tanong ko.

"I-I'm sorry, Mrs. Furi but we did all our best. But your brother did fight, mas pinili nya pong bumitaw kanina palang. Dead on arrieval na po sya. Condolences po, Mrs. Furi." Malungkot na sabi ng doktor habang ako ay nakaawang ang labi at parang hindi makapaniwala.

"Hindi...." Mahinang sabi ko habang umiiling-iling pa. "Please, save him. Save my kuya, please. Please, I'm begging you! Please! Save him! Please! Save him, please!" Umiiyak kong sigaw.

"Mrs. Furi, tama na po. Buntis ho kayo." Parang naaawang sabi ng mga doktor tinutulungan akong tumayo.

"No! Please! Save him! I want him back! Please, please, please!!" Nagmamakaawang sabi ko.

"I'm so sorry po talaga." Sabi ng isa pang doktor at lahat sila yumuko. Lalo naman akong naluha. Para akong nanghihina, parang hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

Parang isa itong bangungot na parang gustong-gusto ko nang magising pero ang totoo ay nangyayari talaga ito sa reyalidad. Patuloy lang ako sa pag-iyak, walang pakialam kung may mga nakatingin sa akin.

Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata ko, hinihiling na sana nananaginip lang ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko, baka sakaling magising ako, magising sa bangungot na ito.

Patuloy lang ako sa pag-iyak ng biglang may yumakap sa akin. Alam kong si Gavin iyon kaya may inilabas ko ang iyak ko. Mas inilabas ko ang sakit na nasa puso ko. Pero parang gumuho ang mundo ko ng makitang si Angel iyon.

"Angel? Nasaan si Gavin?" Takang tanong ko. Sa tanong ko palang ay parang kinakabahan na ako. Lalo na nung nagsimula na syang umiiyak.

"Tinawagan kami n-ni.... Ni.... Ni Jaylen... Sabi nya dinala daw si Gavin at kuya Aljon sa ospital... Pagdating namin, nandito ka, nakaupo at umiiyak. Sabi nya h-hindi mo pa alam. S-S-Sabi nya muntik ka daw mabaril ni Kuya pero si Gavin daw ang s-sumalo." Naiiyak nyang sabi.

"N-Nasaan na sya? Ok na ba sya?" Tanong ko at pilit na tinatago ang kaba sa dibdib ko. Pero lumalabas iyon ng hindi lang sya ang lumakas ng iyak, lumakas din ang iyak ng mga kasama namin.

"Wala na sya." Mahinang sagot ni Angel at agad na tumingin sa mga palad nyang nasa mga hita nya. Ako naman ay napatingala pero tumulo parin ang mga luha ko.

"H-Hindi..." Mahinang sabi ko. "Hindi!!" Malakas kong sigaw at marahas na umiiling. "Hindi! Hindi!!!! Hindi... Hindi nya ako iiwan.... Mahal na mahal nya ako, ehh. Nagbibiro ka lang, diba?" Tanong ko kay Angel.

"Zara, busy ka kasi sa kuya mo, ehh. Hindi ka namin makausap. Kaya hinayaan ka muna namin..." Paliwanag ni Janine. Lalong lumakas ang iyak ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa gusto ko. Ito kasi ang pinaka masakit na nangyari sa akin, nawalan ako ng dalawang taong mahal na mahal ko. Ang kuya ko at ang asawa ko.

"Gavin!!!!" Sigaw ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Wife... Wife... Wife..." Mahinang tawag sa akin. Dahil doon ay iminulat ko ang mga mata ko. Agad na tumambad sa akin ang asawa at anak ko na makikitaan mo ng pag-aalala.

"Mommy, why are you crying?" Parang naiiyak na ding tanong nito.

"Nightmare again?" Tanong nito.

"Yeah, it's still in my head. Can't help." Sagot ko at pilit na ngumiti. Napangiti ako ng biglang punasan ng anak ko ang pisnge ko.

"Mommy, wag ka na pong umiyak. I want you to be happy. Because when you're sad, I'm going to be sad too. I want this birthday to be happy because we are visiting Tito." Nakangiting sabi nito.

"How's your sister?" Tanong ko.

"She's still sleeping po. I'm taking good care of her." Nakangiti at proud na sabi nito.

"Dapat lang. Madadagdagan nanaman tayong isa, ehh. Dapat marunong ka na kasi ikaw din ang mag-aalaga sa future brother or sister mo." Sabat ni Gavin.

"I want a brother, dad." Nakangiting sabi nito.

"Then, pray for that. Just like last time. Get up na, wife. Maaga tayong pupunta doon kasi pupunta dito ang mga kaibigan ko." Sabi nito na agad ko namang sinunod.

NANG makarating kami ay shempre, iyak ako ng iyak. Ganito ako palagi kapag bibista kami. Naalala ko nanaman ang nangyari noon, ang pinakanakakabaliw na nangyari sa buong buhay ko.

- Flashback -

Nasa kalagitnaan kami ng pag-iyak ng may biglang lumapit sa aming nurse.

"Ma'am, Sir. Si Mr. Furi po..." Mahinang sabi nito.

"What happened to my husband?" Tanong ko.

"Ok na po sya." Nakangiting sabi ng nurse.

"Really?" Tanong namin. Nakangiti naman syang tumango. Dahil sa sinabi ng nurse ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi ay dalawa na ang paglalamayan at pagluluksaan ko.

- End of Flashback -

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!" Masayang kanta naming lahat.

"Make a wish muna, Ate!" Sigaw ni Gavin habang busy kakakuha ng video. Pumukit ito at mahinang hinipan ang kandila dahilan para hindi ito mamatay.

"Blow muna, Sarah. Kanina mo pa yan gustong i-blow, diba?" Natatawang sabi ni Ara. Mas nakakatuwa pa ay pilit na inihipan ni Sarah ang kandila pero hindi nya ito mahipan dahil sobrang hina pa nito.

"Yehey!" Sigaw ng lahat at pumalak pa. Si Ara na kasi ang umihip ng kandila dahil hindi talaga mahipan ni Sarah ang kandila. Dahil sa palakpakan ng mga tao ay tuwang-tuwang pumalakpak din ang isang taong gulang na isa Sarah.

Ang lahat ay kumain na at may sari-sariling pwesto din silang lahat. Ang bahay ay nahahati sa tatlong bahagi. Nasa gilid ang mga magulang at ang mga bata naman ay nasa maluwag na bakuran namin.

Kaming mga magulang ay nasa isang mahabang table. Nasa kabilang dulo ang mga tatay, at nasa kabilang dulo ang mga nanay. Lahat kami ay nahahati sa tatlo.

Ang natutunan ko ay ang love story ay hindi lang about sa pagmamahalan ng dalawang tao. Nang isang lalaki at babae. Sometimes it's all about family, friends, and love ones.

May mga bagay na nakakalimutan natin pero alam nating sa tamang oras ay maaalala din natin iyon. Sa mga may pagsubok sa buhay, keep on fighting because kahit feeling mo mag-isa ka, hindi iyon totoo.

Dapat isipin mong kaya mo. Na kaya mong labanan, dahil pagsubok lang yan.

- The End -

(Sat, May 7, 2021)