Chapter 10
- Irish's POV -
"Sasama ka?" Tanong ko sa kanya. Kumakain kami ngayon at kaming dalawa lang ang nandito ngayon.
"Saan?" Balik nito sa akin ng tanong. Inirapan ko naman sya.
"Sa party ni Mommy." Saad ko.
"Ahh... Doon ba? Oo. Pupunta din kasi doon si Mommy." Saad nito.
"Good. Akala ko hindi ka papayag. Nagmumuhka akong kawawa doon." Saad ko at inirapan sya.
"Bakit ang sungit mo ngayon?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.
"Red days." Saad ko at inirapan nanaman sya.
- Theo's POV -
"Una na kami." Saad ni Neil.
"Sige, ingat, bud." Saad ko at tinapik ang balikat nya.
"Kayo din. Ingat." Saad nya at tinapik din ang balikat ko saka sila umalis. Umalis na sila at ako naman ay naiwang mag-isa sa sala. Inaantay ko pa kasing bumaba si Irish. Umalis na din si Ate kasama si Ethan. Umakyat na ako ng hagdan dahil ang tagal talaga ni Irish.
"Irish? Tara na." Saad ko at pumasok ng kwarto nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko. Napakaganda talaga nya ngayon na parang gusto ko na syang angkinin.
"Ok na ba ako?" Tanong nya at parang nahihiya pa.
"A-ang ganda mo." Saad ako at lumapit sa kanya. Napakunot ang noo ko. "Bakit namang ganito ang dress mo? Bakit nakalabas ang balikat mo?"
"Pwede ko namang takpan yan ng jacket. Ayan, ohh." Saad nito at may itinurong jacket sa may upuan. Dinampot nya iyon at saka kumapit sa braso ko. "Let's go." Saad nito at nauna pa sa akin.
NASA BYAHE KAMI PERO hindi ko parin maalis sa isip ko ang magandang bini-bining kasama ko. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa kanya at sa daan habang nasa byahe kami. Hanggang sa dumating kami sa bahay nila ay hindi ko parin sya inaalis sa tabi at paningin ko.
"Happy birthday, Mommy." Saad ni Irish at may binigay na regalo. Saka ko naman binigay ang regalo ko.
"Buti dumating na kayo. Nandito na ang pamilya nila Theo. Pati mga friends nyo." Saad ni Tita. Naglakad ito papasok at habang papasok kami ay nakasalubong namin si Mommy.
"OMG!! Ang gwapo mo naman." Saad nito at yumakap sa akin. Napatingin naman ako kay Irish na nakangisi lang sa akin.
"Tsk. Mommy's boy." Saad nito at mahinang natawa. Napasimangot naman ako.
"Boyfriend mo naman ako." Saad ko at inirapan sya.
"Alam nyo, ang sweet ng lambingan nyo." Saad ni Mommy. "I miss you, baby boy." Saad pa nya.
"Mommy, hindi na po ako baby. Wag nyo na po akong tawaging baby boy." Saad ko.
"Nagka-girlfriend ka lang ng matino, naging ganyan ka na? I can see that my baby had a good changed." Saad nito na puno ng pagmamalaki.
"Mommy, pinapahiya nyo na talaga ako." Napulang saad ko. Sobrang init na ng buong muhka ko.
"Pumasok na nga tayo. Kayo nalang ang hinihintay namin dahil masyado kayong pa-special." Saad ni Tita at saka kami pumasok.
Ang party ay simple lang. Pamilya at friends lang ang invited. Pamilya namin, family nila, friends namin, si Ethan, at wala nang iba. Tapos hindi din sya masyadong pormal kasi halos magkakakilala ang mga nandito.
"Grabe, di ko alam na Mommy's boy ka pala." Pang-aasar ni Irish ng makaupo na kami.
"Tigilan mo nga ako. Hindi naman, ehh." Nakangusong saad ko. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang pisnge ko habang mahinang tumatawa.
"Ang cute mo." Saad nito at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. "Ang cute mo, Theo. Ang sarap mong balatan ng buhay." Saad nito at parang nanggigigil na naiinis.
"Correction, It's handsome. Not cute. You're offending me." Saad ko at hinawakan din ang pisnge nya.
- Third Person's POV -
"Ayan ba ang walang relasyon? Parang mag-asawa talaga sila." Nakangiwing saad ni Ethan.
"What do you mean, Ethan?" Tanong ng Mommy nila Irish.
"Wala pong relasyon ang dalawang yan. Kung maka-acting, wagas." Saad ni Ethan habang nakatingin parin kila Irish na nagsusuboan na.
"Mamaya, mag-aaway na ang dalawang yan." Saad ni Trisha.
"Napaka-pasaway talaga ng babaeng 'to. Akala ko pa naman, magkaka-boyfriend na talaga sya ng matino." Saad ng Mommy nila Irish at napailing-iling pa.
- Theo's POV -
"Alam mo, ang sarap mo isubsob dyan sa spaghetti. Para kang timang, ehh." Pang-aasar ko.
"Weh? Kanina nga, nung nakita mo ako, kulang nalang tumulo yang laway mo at pasukan ng langaw 'yang bibig mo sa sobrang pagkagulat mo, ehh." Saad nito.
"Tumahimik ka nga. Kumain ka nalang." Saad ko at sumubo ng spaghetti.
"Tita, alam nyo po ba si The--- hmm." Tiningnan nya ako ng masama dahil hindi natapis ang sinabi nya dahil bigla ko syang sinubuan.
"Napakadaldal mo. Kumain ka nalang." Saad ko at sumubo ulit ng spaghetti. Nakaramdam ako ng parang marami ang nakatingin sa akin at nagtaas ako ng tingin. "What?"
"Wala. Ang harot nyo lang. Buti hindi kayo nagkaka-cavity." Saad ni Ethan.
"Whatever." Saad ko at nagpatuloy ulit sa pagkain.
"Nanggugulo parin ba si Ace sayo, Irish?" Biglang tanong ni Tita na ikinabahala ko.
Baka biglang umiyak ang babaeng to dito.
"Thank god, hindi na. Baka na-realize nya na nagsasayang lang sya ng oras. Tyaka, wala naman na syang babalikan, ehh." Saad ni Irish.
"Tsk! Pasalamat ka dahil nandyan na si Theo. Hindi na kita pipilitin sa gusto ni Ace." Saad ni Tita.
"Tsk!" Singhal ni Irish at humarap sa akin. "Salamat." Saad nito na ikinagulat ko.
"H-huh?"
"Pasalamat daw ako, ehh. Fine, salamat, Theo." Saad nito at yumakap sa akin na mas ikinagulat ko pa. "Wag ka ng umalis, ha?" Saad nito. Tango lang ang naisagot ko. Napaigtad ako ng bigla nyang hawakan ang tabi ng labi ko. "Tsk! Kalalaking tao, ang dumi kumain." Natatawang saad nito at bumalik ulit sa pagkain. Habang ako ay nakatulala parin at hindi parin makapaniwala sa mga nangyari.
Tapos na kaming kumain lahat ngayon ay nandito kami sa sala. Nandito din ang mga kapatid ni Irish kadama namin
"Malapit na sya manganak." Saad ni Kuya Ivan.
"Alam ko. Hindi ko nga lang alam kung kailan. Basta ang alam ko ay malapit na." Saad ni Irish. "I think na patawad ko na din sya. Kahit naman ganon sya, best friend ko parin naman sya." Saad pa nito.
"Tsk!! Parang hindi mo ako best friend, ahh!" Usal ni Ethan.
"Tumahimik ka nga." Saad ni Irish at inirapan si Ethan.
- Ace's POV -
Huminga ako ng malalim at saka ako lumabas ng kotse ko. Kinakabahan akong pumasok dahil nandito si Sophie. Nandito sya sa isang apartment na binigay para sa mga hindi kayang umupa ng apartments o bahay.
"T-tulong--- ahh!! Tulong!!" Sigaw galing sa loob.
Parang si Sophie 'yon, ahh?
"Tulong!!! Aray--- ahh!!" Sigaw nito. Dali-dali akong tumakbo at pumasok ng bahay. Pagpasok ko ay nasa kwarto si Sophie na sumisigaw sa sakit.
"Sophie!" Sigaw ko at nilapitan sya. "A-anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ace, tulungan mo ako! Manganganak na ata ako. Sobrang sakit!!" Sigaw nito at pilit na kumakapit sa akin.
"Kaya mo bang tumayo?" Tanong ko habang hawak ang ulo nya at tyan nya. Wala na akong choice kaya bibuhat ko nalang sya. Sa una ay mabigat pero mabilis din naman naming narating ang kotse ko. Isinakay ko sya sa passenger's seat at sinuotan ng seatbelt. Habang wala parib syang tigil sa pagsigaw.
"Malapit na ok? Hold on. Wag mo dito ilabas si baby." Saad ko at hinalikan sya sa noo. Tapos saka na ako nag-drive papuntang ospital.
"B-bilisan mo!! Ang sakit na talaga!!" Sigaw pa nito habang nakahawak sa likod ng passenger's seat.
"Oo... Oo... Malapit na." Saad ko at hinawakan ang isa nyang kamay.
"Ahh!!! Bilisan mo na!!" Sigaw pa nito habang naghahabol ng hininga. Nang makarating kami ng ospital ay agad kong ihininto ang kotse ko at mabilis ko syang bihunat papasok ng ospital.
"Emergency dito! Manganganak po ang asawa ko!" Sigaw ko at agad namang tumalima ang mga nurse.
"Ace, wag mokong iwan. Natatakot ako." Naiiyak nitong saad habang hawak ang kamay ko.
"Hindi kita iiwan, Sophie. Dito lang ako. Sige na, kaya mo yan." Saad ko at nginitian sya. Ngimiti sya at mas humigpit pa ang hawak sa kamay ko. Biglang akong hinarangan ng isang nurse.
"Sir, dito nalang po kayo." Saad ng nurse. Tinapunan ko sya ng tingin at saka ko binalik ang tingin kay Sophie.
"Sophie, dito lang ako! Hindi kita iiwan!" Sigaw ko para marinig nya saka na sya ipinasok sa Delivery Room.
- To Be Continued -