Chereads / This Girl (Tagalog) / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

- - - Chapter 8 - - -

- Chad's POV -

Kakaalis lang ng kapatid ko pero sya ang pinag-uusapan namin. Biglang nag-walk-out si Beana dahil pinahiya sya ng Mommy nya sa harap ng paraming tao. Nakakapagtaka lang na may kamuhka ang kapatid ko. Sobrang creepy dahil nakita po pa ang kamuhka nya. At gusto pa sya ng mga kaibigan ko.

Pero bakit parang may kutob ako na hindi Faith at sya si Fay? Bakit feeling ko iisa lang si Faith at si Fay.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ni Kuya Bert.

"Tingin ko. Iisa lang si Faith at Fay." Wala sa sarili kong saad. Nilingon naman ako ng lahat ng tao sa sala. "May pakiramdam ako na iisa lang ang kapatid ko at Faith na sinasabi nyo. Kasi sabi nyo matakaw sya. Minsan malambing sya. Minsan maangas. Kasi personality yon ni Chantal, ehh." Umiiling-iling kong saad. "Ano sa tingin mo, Dad? Alam kong naghihinala ka rin kasi hindi mo naman itatanong kung sino ang Brent na yon kung hindi ka naghihinala." Saad ko habang nakatingin kay Daddy.

Nagulat ako ng biglang pumitik si Ian. "Yung mata nya!" Sigaw nito at humarap sa amin. "Kulay gray ang mata... Teka... Kahapon... Naka-contact lens sya..." Saad nito na parang nawalan ng gana.

"Sir, may naghahanap po kay Ma'am Beana. Brent daw po ang pangalan nya." Saad ng isa naming katulong.

"Owemji!! Nandito si Papa Brent!!" Sigaw ni Beana at tumakbo papuntang kwarto nya.

"Papasukin mo na, Yaya." Saad ko na agad namang sinunod ng katulong namin. Nagulat kami ng biglang tumayo at apat na lalaki(Four Kings) habang nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo dito, Brent?" Tanong ni Lake.

"Pati ba naman dito sinusundan nyo ako?" Mayabang na tanong ni Brent tapis lumapit sa amin. "Good afternoon po. Ako po si Secret Agent Brent. At hinahanap ko po si Chantal." Saad nito.

"Bakit may ginawa bang kasalanan si Chantal?" Tanong ni Mommy. Bigla namang natawa si Brent.

"Hindi po. May ibibigay lang po ako sa kanya. Wala kasi sya sa apartment nya kanina. Kaya akala ko nandito sya." Saad nito.

"Pati ba naman si Miss Chantal, papatusin mo?" Tanong ni Ian.

"Ano bang paki nyo? Kahit maglupasay pa kayo sa harap ko, hinding hindi kayo magugustuhan ni Faith kasi akin sya." Mayabang na saad ni Brent.

"Kung Faith nga ba ang pangalan nya." Sabat ni Lolo. "Wag kayong mag-away dahil sa iisang babae. Lumaban kayo ng patas, hindi yung puro kayo dada." Saad ni Lolo. "Brent, hijo. Paki sabi sa lolo mo nagustuhan ko ang regalo nya." Saad ni lolo.

"Opo, Chairman." Saad nito at yumuko. "Aalis na po ako." Saad nito at mabilis na umalis sa harap namin.

"Lo, naghihinala ka narin ba?" Tanong ko.

"Oo." Sagot nito. "May tinatago sa atin iyang kapatid mo. Kailangan nating malaman kung sino ba talaga sa dalawang dalagitang sinasabi nyo ang totoo. Pwede si Faith talaga ang apo namin o pwedeng si Chantal." Saad ni Lolo.

"Anong sinasabi nyo?" Tanong ni Lake.

"Ang sinasabi ko ay maaaring isa sa dalawa ang nagkukunwari pero... Apo ko parin ang dalagitang iyon." Saad ni lolo habang nakatingin sa picture ni Chantal.

"Try nyo suotin ang salamin ng Faith nayon. Para malaman nyo kung may grado ang mata nya. Dahil kung walang grado ang salamin, walang problema ang mata nya." Saad ko. "Try nyo din tignan ang mga kilos nya. Mahilig kumain ng chocolates at sweets ang kapatid ko." Saad ko pa.

"T-teka... Mahilig din sa sweets si Faith..." Saad ni Leon.

"Tingin ko niloloko tayo ni Faith." Saad ni Lake na madilim ang muhka. "Tingin ko ay pinaglalaruan tayo ni Miss Chantal." Dagdag pa nito.

"Pero wala namang bangs si Miss Chantal." Sabat ni Ryan.

"May isa tayong paraan para may makalap pa tayong impormasyon." Saad ko na ikinatingin sa akin ng lahat.

"Ano?" Tanong nilang lahat. Hindi ako sumagot pero tiningnan ko ang dalawang batang naglalaro ng Action figure at barbie sa may carpet.

"You mean tatanongin sila?" Tanong ni Ian. Tumango naman ako. Tumayo na ako at nilapitan ko ang mga bata.

"Bea, Chandler. Saan kayo nanggaling? May dalang chocolate si Kuya ohh." Saad ko.

"Ayaw ko na po ng chocolate. Ang dami ko pong nakaing ganyan sa bahay ni Ate."

"Bahay ni ate?" Taka kong tanong.

"Opo. Malaki po yon." Saad ni Chandler. "Sobrang ganda. Tapos may swimming pool na may slide tapos may movie theater tapos... Tapos... Ang dami po." Masayang saad ni Chandler.

"May elevator pa po doon." Saad ni Bea. "Tyaka nakipaglaro sa amin sila Ate Ivy, Ate Angel, at Ate Ashley." Masayang saad ni Bea. Tumayo na ako.

"See. Nandoon naman sila Ivy. Wala akong kilalang kaibigan ni Chantal at tingin ko may iba pa syang tinatago...." Saad ko at napatulala sa kung saan.

"Haha. Parang isang puzzle si Ate! Hindi mabuo! Haha!" Tama ni Chandler. Naikinagulat namin.

"Mom..." Bulong ko. "Sigurado kang 7 years old palang yan?" Mahina kong tanong.

"Bantayan nyo ng mabuti ang Faith nayan. Hindi lang magtatagal, mabibisto natin kung sino talaga sya." Saad ni lolo.

- Chantal's POV -

Maaga akong nagising kinabukasan. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso agad ako ng school. Pagkadating ko doon ay nandoon na sila Ivy pati na ang apat na gonggong.

"Good morning!!" Sigaw ko na napalakas kaya may ibang estudyante na lumingon sa akin. "Good morning, BabyRy." Masayang bati ko tapos yumakap sa kanya. "Hi, BabyLake." Saad ko at yumakap kay Lake. "Hi, Kuting." Tapos yumakap kay Leon tapis yumakap naman kay Ian. "Good morning, Sungit." Saad ko.

"Good morning, BabyFaith." Bati ni Lake.

"Haha. Baby ka dyan." Natatawang saad ko. "Good Morning, Babygirls." Bati ko kila Ivy.

"Good morning, BabyFaith." Saad nila tapos tumawa at nakitawa nalang ako.

"Pinagtri-tripan nyo ako ngayon, ahh?" Natatawang saad ko.

"Good morning, everyone." Bati ng Emcee. "Nandito tayong lahat dahil may mahalaga tayong announcement. So... Hindi na tayo magtatagal. Ang gusto ko lang sabihin ay.... Next Month na ang School fest!!" Malakas na sigaw nito kasabay ng hiyawan ng mga estudyante. "Yon lang. At kailangan nating ng representative para sa ating beauty contest." Saad ng emcee. "Limang Contestants for one section. So... See you next week!" Saad ng emcee at saka na nagpaalam saka na naglabasan ang mga estudyante.

"Nood kaya tayo ng movie?" Tanong ni Ryan habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Sige. Gusto ko yan." Nakangiting saad ko.

"Gusto nyo lang makasama si Faith, ehh." Saad ni Angel na parang nang-aasar.

"Haha. Gusto ko din naman sila makasama. Tapos kayo din. Haha. Bonding nalang tayo ngayon." Saad ko at yumakap kay Ryan pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Brent na papalapit samin. "Hi, Brent." Saad ko ng makalapit sya saka ako yumakap sa kanya. "Sama ka sa amin, Brent?" Nakangiting tanong ko.

"Saan ba ang punta nyo?" Tanong ni Brent.

"Sa motel." Saad ni Lake tapos hinila ako palayo kay Brent.

"Haha. Wag kang maniwala kay Lake, Brent. Pupunta kami ng mall manonood kami ng movie." Nakangiti kong saad habang lumalapit ulit kay Brent at yumakap ulit.

"Sige, sasama ako. Dala ko ulit yung van." Saad ni Brent at yumakap na rin sa akin. Magkayakap kaming naglalakad papasok ng van at nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Lake.

"Lake, alis." Saad ko habang pinapaalis sya sa upuan. "Si Ivy gusto kong katabi." Saad ko habang pilit syang pinapaalis.

"Ehh, ikaw ang gusto kong katabi." Saad ni Lake.

"Hmp!" Padabog kong saad at yumakap sa kanya. "Bahala ka. Basta si Ivy parin gusto kong katabi." Saad ko.

"Si Ivy gusto mong katabi pero ako yakap mo." Saad ni Lake. Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa pisnge.

"Ang dami mong angal. Ikaw na nga tong nang-agaw ng pwesto. Pwesto yan ni Baby Ivy ehh." Parang bata kong saad tapos nagpapadyak. "Oyy, Ryan. May dala ka bang chocolate?" Baling ko kay Ryan tapos ay binigay itong isang bar ng choco mucho.

"Ahm... Faith. Easy lang sa paglingkis kay Lake baka mag-inlove pa lalo yan." Saad ni Angel. Humarap ako sa kanya habang ngumunguya ng chocolate.

"Huh?" Nakangiting tanong ko.

"Sabi ko. Manhid ka." Saad ni Angel at mahinang natawa.

"Haha. Hindi naman ako manhid, ahh." Saad ko at medyo malakas kong sinampal ang pisnge ko. "Masakit naman, ahh." Saad ko.

"Ako sasampal, yung masakit talaga. Para may madama mo ang init ng pagmamahal." Saad ni Ashley at mahinang tumawa. Nakitawa din ako. Habang nagtatawanan kaming girls ay super tahimik ng mga lalaki.

"Wag nyo na ngang asarin ang apat na gonggong. Baka umiyak ang mga yan. Haha!" Biro ko at di ko na mapigilan ang malakas kong tawa.

"Oyy, Faith. Si Lake, gusto ka nang kainin." Saad ni Ivy at tinuro si Lake na nakatingin sa akin. Tumingin din ako kay Lake at meron syang emosyon sa mga mata nya na hindi ko ma-explain. Hinawakan ko ang mga pisnge nya.

"Ano bang iniiyak mo?" Natatawang saad ko at pinunasan ang mga mata nya. "Gusto mo ba ng choco mucho? Haha. Sorry ito na." Natatawang saad ko at kumuha ng piraso sa kinakain kong choco mucho tapos itinapat sa labi nya. "Ahh." Saad ko habang nakaawang ang mga labi.

"Ahh." Paggaya nya sa akin at doon ko isinubo sa kanya ang choco mucho.

"Sarap?" Nakangiting tanong ko. Nakangiti naman syang tumango tapos biglang tumingin sa mga kaibigan nya sa likod at inilabas ang dila na parang nang-aasar.

- - - To Be Continued - - -