- - - Chapter 10 - - -
- Chantal's POV -
Pagpasok ko ng bahay ko ay naligo ako at nagbihis. Tanghali parin pero parang gusto ko nang matulog. Tumanggap na ako ng trabaho at marami-rami din iyon lahat.
Pagkatapos kong tumawag ay naligo na ako at nagbihis para pumunta ng trabaho ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng biglang tumunog ang phone ko.
Leon the kuting:
I'm home. Be careful, BabyFaith.
BabyLake:
Hey, nasa bahay na ako. Kumain ka na ng lunch, ok?
BabyRy:
Hi, BabyFaith. I miss you na agad. Hope I can see you now.
Mr. Sungit:
Nakauwi na ako. Ingat ka dyan sa bahay nyo.
"Hayts. Ang hirap pag masyadong maganda. Hayts. Kasalanan to nila Grandma and Grandpa. Masyado nilang pinaganda ang lahi namin." Saad ko sa sarili ko habang umiiling-iling.
Inayos ko na ang suot kong damit at bumaba na ng kotse ko. Pagbaba ko doon ay sumakay na ako ng kotse ko. Isinuot ko ang Bluetooth device ko dahil baka may biglang tumawag.
Pagdating ko ng office ko ay doon ko binabad ang sarili ko sa kakatrabaho at wala akong ibang ginawa kung hindi iyon lang. At ng makauwi ako ay shempre, pagod ako. Nakahiga ako ng biglang tumunog ang phone ko.
BabyLake:
Hi? Good evening, Faith.
Faithful:
Haha. Good morning!
BabyLake:
Evening palang, Faith.
Faithful:
Alam ko. Hahaha.
BabyRy:
Hi, BabyFaith.
Faithful:
Hi, BabyRy.
BabyLake:
Ang weird mo naman ngayon.
BabyRy:
Kumain ka na ba?
FaithFul:
Tapos na.
BabyLake:
Oyy, nagdinner ka na ba?
FaithFul:
Oo, tapos na.
"Shuta, ayoko na!" Sigaw ko at pinatay na ang phone ko. "Ayoko na maging maganda!!" Sigaw ko. Nagtaklob ng unan sa ulo at makalipas ang ilang oras ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
A Few Days Later. . .
Lunes na ngayon at naging busy talaga ako nitong nakaraang araw dahil sa trabaho ko. Kahit busy ako ay nagagawa ko paring kausapin ang mga kaibigan ko kahit sa telepono lang.
"Good Morning, Ma'bitches!" Sigaw ko at tumawa. Napatingin naman sa akin ang apat na ulupong at lahat ng mga kaklase namin.
"Ang yabang porket katabi nya ang Four Kings." Bulong ng isang estudyante.
"Oo nga. Muhka naman syang paa." Saad pa ng isang estudyante.
Baka pagtinanggal ko ang bangs, salamin, at pimples ko magulat kayo mga inggitera. Pwe!
"Hoy, tumigil nga kayo." Saway ni Ryan sa mga kaklase naming nagbubulongan.
"Bayaan mo na nga yan beb! Mamatay naman sa ending yan." Saad ko at tiningnan ang kaklase kong nagulat sa sinabi ko. "Haha. Jok lang." Saad ko at saka tumawa. "Good Morning, Boyz." Saad ko at hinalikan sila sa isa-isa sa pisnge.
"Wala ka bang paki kung patayin ka ng mga fans namin sa kakahalik mo sa pisnge namin?" Tanong ni Lake sa akin.
"Haha. Wala. Ipapatanggal ko sila dito sa school. Haha." Natatawang saad ko.
"Hi, BabyFaith." Tawag sa akin galing sa likod. Pagharap ko ay nakita kong sila Ivy iyon.
"Grabe, ang aga-aga ni lalandi mo mga lalaking yan?" Tanong ni Ashley.
"Hoy, Hindi sya ganon Ashley ha?" Depensa sa akin ni Ryan.
"Oo. Sige na. By the way, penge akong cake, Faith." Saad ni Ashley.
"Sige, mamaya. Meron ako doon sa locker ko." Saad ko at lumapit sa kanila. Niyakap ko sila at hinalikan sa pisnge. "Namiss ko kayo." Malambing kong saad.
"Namiss ka din namin." Saad ni Ivy.
"Kami? Hindi mo ba kami na miss?" Tanong ni Ryan habang nakalabi.
"Hindi. Kausap ko kasi kayo palagi." Saad ko at natawa ng mahina.
"Ang sama talaga ng ugali mo, BabyFaith." Saad ni Ryan. Lahat kami napalingon dahil may biglang pumalakpak.
"Magaling. Magaling. Ang landi mo talaga, ehh, no?" Saad nito.
"So? Gusto mong gayahin? Diba ikaw yon? Yung walang originality?" Saad ko habang nakataas ang kilay.
"Akala mo kaya mo ako? Pasalamat ka at hindi kita pina-drop out dito." Saad ni Mika.
"Edi SALAMAT." Saad ko na may diin ang salitang salamat. "Paki ko naman kung ma-drop out mo ako? Hindi ako natatakot dahil alam kong mas malakas ang kapit ko." Saad ko.
"So... Totoo pala ang sinasabi nilang Kabit ka ng Dean?" Nakangising tanong nito. Tumawa naman ako ng walang buhay.
"Kung makagawa ka naman ng story, wagas! Gusto mo atang matalo sila CeCeLib, sila Maxinejiji dyan sa paggawa mo ng story, ehh. Isulat mo yan sa wattpad malay mo matalo mo sila." Mayabang kong saad.
- Lake's POV -
Nagulat kami ng biglang hilahin ni Mika ang salamin ni Faith at bigla itong itapon dahilan para masira ito. Ilang sigundong napatitig doon si Faith na parang hindi makapaniwala at bigla itong tumingin kay Mika.
Bakas ang galit sa muhka nya at parang kakainin nya ng buhay si Mika dahil sa ginawa nito. Nagilat kaming lahat, kahit si Mika ay napaatras dahil ang kulay gray na mata ni Faith ay biglang naging kulay pula tapos dahan-dahan itong lumapit kay Mika.
"Alam mo bang isang taon kong ginawa ang salamin nayon tapos babasagin mo lang?" Tanong ni Faith habang dahan-dahang lumalapit kay Mika. "Kaya mo bang gawin yon? Diba, hindi? Inaano ba kita, ha? Wala naman akong ginawang masama sayo pero bakit ganyan ka?" Saad ni Faith habang kami ay pilit sya pinipigilan lapitan si Mika.
"Mang-aagaw ka kasi!" Nakapikit na sigaw ni Mika. Natatakot na sya.
"Mang-aagaw? Wala akong inagaw sayo. Lahat ng gusto ko, kusa nalang yong lumalapit sa akin. Kahit nga hindi ko gusto nilalapitan ako." Saad ni Faith. Tapos tumigil noong malapit na sa labas ng pinto si Mika. "Umalis na kayo ng mga alipores mo. Baka pigain ko mga leeg nyo." Saad ni Faith at dahan-dahang naglakad at naupo sa upuan nya at doon mahinang umiyak. Nilapitan naman namin sya.
"Faith, ok ka lang?" Tanong ko habang hinahagod ang likod nya.
"Basagin ko kaya cellphone mo, ok ka lang?" Sakrastiko pero humihikbing saad nya. "Ano ba kasi problema ng walking coloring book nayon? Parang tanga lang, ehh. Hindi naman inaano, dadamay pa sa---"
"Faith?" Tawag sa pangalan nya at nang tignan kung sino ang nandoon ay si Dean ang naroon. "Ano nangyari?" Tanong nito.
"Binasag ni Mika yung salamin ko!" Saad ni Faith at mas lumakas pa ang iyak. "Ninong, Isang taon kong ginawa yon tapos binasag nya lang? Pasalamat sya hindi ko binasag bungo nya." Humihikbing saad parin ni Faith. "Tapos sabi nya pa, kabit mo daw ako. Ehh, muhka nga syang social climber na mahilig sa mga mayayamang madaling mamatay."
"Haha. Sige na. Wag ka nang umiyak. Sasabihin ko nalang to, sa parents mo." Saad ni Dean.
"Ninong, wag!" Saad ni Faith. "Ipapatanggal kita, sige ka." Saad nito. At parang natakot naman si Dean.
"Ok, hindi na." Saad nito at ginulo ang buhok ni Faith tapos naglakad na palabas.
"Ninong, ikamusta mo ako kay Tita Gladez. Paki sabi pupunta ako sa sabado!" Pahabol nito.
"Ok!" Sagot ni Dean ang pinakita ang hand sign na OK. Tapos noon ay pumasok na si Ma'am Gordon sa loob ng classroom.
"Anong nangyari? Bakit pumunta dito si Dean?" Tanong ni Ma'am Gordon.
"Kasi po sinugod ni Mika si Faith." Saad ni Ivy.
"Ayos ka lang ba, Faith?" Tanong ni Ma'am Gordon. Tumango lang si Faith.
"By the way. May Acquaintance Party pala tayo in the end of school fest. So... Kanya-kanyang gimik kayo next month. Good luck." Saad ni Ma'am Gordon at saka sya nagsimulang magturo.
- Chantal's POV -
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
LUNCH BREAK
Naglalakad na kami papunta ng cafeteria ng bigla naming makasalubong si Beana.
"Hi, kuya Lake. Pwede ba ako sumabay sa inyo?" Tanong nito kay Lake pero sa akin sya nakatingin.
"Ano tinitignan mo sa muhka ko? Kahit naman titigan mo ako, hindi na matatanggal ng pimples ko." Mataray kong saad.
"So, taray." Saad nito ay inilingkis ang braso nya sa braso ko.
"Ganyan ba talaga pamilya nyo? Mahilig lumingkis?" Bulong ni Ivy. Nagkibit-balikat lang ako tapis sumagot.
"Baka namana nya sa akin." Saad ko at humagikgik.
"Why are you laughing?" Tanong ni Beana habang nakataas ang isang kilay.
"Bakit ako tumatawa? Malamang, kasi hindi ako umiiyak." Mataray kong saad.
"Para kang si ate Chantal. Ang sarap nyo pag-untugin." Saad ni Beana.
"Ikaw nga parang Bato, tapos sabaw laman ng utak mo. Wow! Stone soup." Saad ko at inirapan sya.
"Ugh! You're so mean." Maarteng saad nito.
"Ugh! You're so mean mo muhka mong muhkang talampakan." Pang-gagawa ko sa sinabi nya habang nag-ma-make face.
"Wag ka nang makipagtalo dyan, Beana. Hindi ka mananalo sa impaktang yan." Saad ni Ashley.
"Makaimpakta ka. Palibhasa ako ang pinakapanget sa inyong lahat, ehh." Saad ko.
"Yuck! Look, ohh. Beana is with that nerdy freak." Maarteng saad ng isang estudyante pagpasok namin.
"Yuck! Everyone, look, ohh. This bitch is look like my ass." Panggagaya ko sa kanya saka ko hinila si Beana paupo sa table namin.
"You know what. Para ka talagang si Ate Chantal. Lagi akong inaaway non pero pinagtatanggol din ako at the same." Saad nito.
"Wala akong paki. Parang lang, sis. Maganda ate mo. Ako muhkang impakto." Saad ko habang dinuduro-duro ang muhka ko.
"Tsk. Whatever." Saad ni Beana at inikot ang mga mata nya.
"Wag ka na kasi magsalita. Ganyan talaga yan sa mga bagong kakilala nya. Maliban kay Ivy." Bulong ni Lake kay Beana.
"Sana oil." Bulong din ni Beana.
"Hindi ba kayo o-order?" Tanong ko.
"Pagwala kang salamin, ang ganda mo." Saad ni Ryan.
"Yeah, and pigs can fly." Saad ko at umirap sa hangin.
"Haha. Im serious here, BabyFaith." Saad nito habang inipisil ang pisnge ko. Nagulat sya ng bigla ko iyong tanggalin.
"Tangina, makapisil ka parang pisnge mo, ahh. Pisnge mo? Pisnge mo?" Sakrastikong tanong ko habang tinuturo ang pisnge ko.
"Alam mo. Pareho talaga kayo ng personality ni Ate Chantal. Pero sakin lang sya ganyan kasi wala naman syang friends, ehh." Malungkot na saad nito. "Alam mo bang kaya sya pinag-home study kasi ikinahihiya sya nila Tito at Tita dahil mas matalino pa raw sa kanya yung 7 years old nya kapatid."
"Wala akong paki." Saad ko at umirap.
"Alam mo ang sarap mong hampasin." Pikong saad ni Beana.
"Ikaw din. Ang sarap mo ding sampalin, pinipigilan ko lang. Wag ka na ngang magsalita, naaalibadbaran ako sayo. Baka hindi na ako makapagpigil at masampal na talaga kita." Saad ko at inirapan sya.
"Pag-malaman kong ikaw si Ate Chantal. Isusumbong kita kila Grandma." Bulong nito pero narinig ko parin.
"Sumbungera ka pala? Ano namang magagawa ng Grandma mo?" Sakrastiko kong tanong.
"Pwede kang ma-drop." Saad ni Beana.
"Paano kung ayaw ng may-ari?" Mayabang kong tanong. Bigla naman itong ngumiti na parang nanalo sa lotto. "Ano nginingiti mo dyan? Wag mong sabihing nato-tomboy ka sa akin?" Saad ko habang nakakunot ang noo.
"Wala. I just throw a bait and someone bit it." Saad nito. Inirapan ko lang sya.
Kasalanan ko bang masyado akong inosente sa mga bagay na walang kaugnayan sa utak? Charr.
"Omu-rder nalang kayo. Ang dami nyong dama." Saad ko.
"Pwede bang sumabay?" Tanong ng kung sino. Napalingon naman kami sa may likod ni Beana.
"Pwede. Pero kailangan mo munang magpasapak sa akin." Saad ko.
"What? Ano to? Fraternity?" Sakrastikong tanong ng kuya ko.
"Hmm." Umakto akong parang nag-iisip. "Pwedeng ganon." Saad ko. Pinaupo naman na sya nila Lake. Magkatabi ngayon si kuya at Beana.
"Ano? Kumagat ba?" Bulong ni kuya kay Beana pero narinig ko parin.
"Oo. Kumagat sya." Saad ni Beana.
Tsk... Kailangan ko na mag-doble ingat ngayon.
- - - To Be Continued - - -