- - - Chapter 4 - - -
- Lake's POV -
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang titigan si Faith. Masyado syang weird. Minsan mabait, minsan savage, minsan may topak na parang si Ryan, minsan matapang na ewan.
Tsk! Ang weird na ng mga tao ngayon!
Noong napatingin ako sa kanya kanina ay parang ayoko nang alisin ang paningin ko sa kanya. Tapos parang gustong kong magtatatalon noong nalaman kong makakatabi ko sya. Hanggang sa bigla nya kaming pagsabihan na parang close kami sa kanya.
Tapos binigyan nya kami ng cookies tapos---
"Ano ba, Lake? Tutunawin mo ba ako sa pamamagitan ng iyong mga titig. Paumanhin ngunit hindi ko gugustuhing matunaw dahil hindi ako isang surbetes na iniwan sa labas ng bahay habang tirik na tirik ang araw." Saad ni Faith at nagpabalik sa akin sa tamang huwisyon. Ilang segundo ko syang tinitignan at nagulat ako ng bigla nyang lagayan ng chocolate na kinakain nya ang bibig ko. "Gwapo ka sana muhka ka lang unggoy." Saad nito at nginitian akong parang nang-aasar. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya.
Maya-maya ay ibinalik ko ang tingin sa kanya at napatitig nanaman ako sa kanya dahil tumatawa na sya ngayon.
Ang ganda nya kapag tumatawa sya. Siguro kung wala syang pimples at nag-aayos sya ng sarili nya, maganda siguro sya.
"Boy, matutunaw na yan." Bulong ni Ian sa akin. Inirapan ko lang sya.
"Tsk. Hindi ko naman sya gusto, ahh." Bulong ko din kay Ian.
"Bro, wala akong sinabi. Masyado kang depensive." Natatawang saad nito.
"Tangina, manahimik ka na nga lang." Saad ko at bumalik na sa pagkain ko. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla kaming napatigil dahil biglang tumunog ang phone ni Faith. Brent ang nakalagay doon.
Sya yong lalaki kanina. Yung nagbigay kay Faith ng cooler.
Lahat kami ay tahimik hanggang sa magsalita si Faith. "Hello? Ahm... Yes. Bakit ngayon lang nila sinabi? Wala pa akong nagagawa. Oo. Hindi. Pero diba next week pa yon? Kaya nga... Sige. Mamaya ko tatapusin. Oo. Ikaw muna bahala doon sa building. Pero bakit kasi ngayon lang sila nagsabihing sa isang araw na ang kasal nila? Ahh talaga?" Biglang naging malungkot ang aura nito. "Sana hindi nalang sya nag-abala." Mahinang saad nito at may namuong luha sa mga mata nya. "Paki sabi nga Thank you. Thank you for the trust." Saad ni Faith saka tumulo ang luha nito. "Sige, babye." Paalam ni Faith tapos pinatay ang tawag. Saka ito sumubo habang mahinang humihikbi.
"Are you ok?" Tanong ni Ivy at inalo si Faith.
"K-kasi... Yung kuya ko... N-ngayon lang s-sya nagbig-gay ng trust sa akin. N-natutuwa l-ang ako." Saad nito at ngumiti ng nakakasilaw.
Bagay sa kanya yong braces nya.
"Wag ka nang umiyak. Congrats nga pala." Saad ni Ivy at ngumiti kay Faith.
"Ano ba yon? Anong building?" Naguguluhang tanong ni Ashley.
"Yung sinasabi kong building ay kainan yon. Tyaka may boutique sya sa loob. Pwede kayong kumain doon mamayang uwian sama kayo sa akin. Kain tayo doon." Masayang saad ni Faith tumango-tango naman si Ashley. Biglang tumingin sa amin si Faith. "Maganda doon sa building na yon. Pwede nyong dalhin mga date nyo doon." Saad nito at nginitian kami.
"Sige punta tayo mamaya." Saad ni Leon at may tinawagan. Pagtapos ay bumulong ako sa kanya.
"Sino tinawagan mo?" Tanong ko.
"Si Roxx." Sagot nito at bumalik sa pagkain.
"Kinan-cel mo date nyo?" Gulat kong tanong. Tumango lang sya.
Hmm... Good idea nga yon.
Kinuha ko ang phone ko at di-nial ang number ni Mika. Nagring ito ng tatlong beses at saka nya ito sinagot.
"Hi, babe. Miss me?" Malanding saad nito.
"Kinakan-cel ko na ang date natin." Saad ko at pinatay ang tawag saka ko blinock ang number nya. Bumuntong-hininga naman ako dahil sa katangahan kong ginawa.
Hayts. Karne na naging bato pa.
- Chantal's POV -
EXAM
EXAM
BREAK
EXAM
EXAM
UWIAN
Nag-aayos na ako ng gamit ng may biglang humila ng buhok ko. "Letse kang malandi ka! Inagaw mo pa sa akin si Lake! Malandi kang babae ka!" Saad ng babaeng humuhila sa buhok ko. Para bitawan nya ako ay bigla kong inapakan ang paa nya. Ganon nga ang nangyari. "Ang sakit!" Sigaw nito habang masamang nakatingin sa akin.
"Sino bang tanga? Bat ka ba nananabunot? Gusto mo ba ng ganitong buhok? Akin na. Kakalbuhin kita tapos ikukulot ko tapos i-shoe-shoe glue ko sa anit mo para matibay." Mayabang kong saad.
"Ayoko ng buhok mo, tanga! Marami kang lices like ew!" Maarteng saad nito.
"Ako may kuto? Baka ihampas ko sayo tong mabango kong buhok at isakal ko sa malibag mong leeg." Mayabang kong saad.
"Tsk! That's not the issue here. Ang issue dito ay malandi ka!" Saad ng babaeng nasa harap ko. Doon na nag-scan ang personality scanner ng glasses ko.
Sya si Mikayla Romero. 17 years old. Isa syang spoiled brat na akala nya maganda. Masama ng ang ugali nya at iba pang hindi magandang makikita ko sa ibang tao.
"Ako? Ako lalandi? Ano ako? Ikaw?" Mayabang kong saad. "Pwede ba? Gusto mong samahan kita sa Phycologist? Kasi parang baliw ka na, ehh. You're brain is not working right." Mayabang kong saad. "Tsk. Tingin mo ba magugustuhan ako ni Lake? Paki ko sa gonggong na tinuturing nyong hari? Gusto nyong tanggalin ko kayong lahat sa school na to? Ano? Damay-damay na para masaya." Saad ko at kinuha ang mga gamit ko.
"Wag mo akong hamunin. Di mo ako kilala." Pananakot nito sa akin. Napatigil naman ako sa pag-aayos ng gamit at humarap sa kanya.
"Mas hindi mo ako kilala. Ikaw ang mag-ingat. Baka itakwil ka ng buong pamilya mo dahil mali ang kinalaban mo." Makapangyarihang saad ko. Tapos humarap ako sa mga kasama ko. "Mga gonggong, mga maldita, tara na. Baka may mapadugo akong ilong." Saad ko at tumingin pa muna sa babaeng muhkang coloring book at inirapan ito saka lumabas ng classroom.
Naglakad ako palabas at nang makalabas ako ng building namin ay saka lang akong lumingon sa likod ko. Paglingon ko ay nandoon ang mga kasama ko, nakasunod sa akin.
"Grabe, una si Ashley. Ngayon naman si Mika. Grabe, ang tapang mo, Faith." Namamanghang saad ni Ryan.
"Tigilan mo nga ako sa kakulitan mo, Ryan. Baka ikaw sapakin ko, ehh." Masungit kong saad at inirapan sya. "Tara na. Kaninong sasakyan gagamitin natin?" Tanong ko.
"Sakin!" Sabay-sabay na sagot ng apat na gonggong.
"Ganito nalang. Antayin nyo ko. May kukunin lang ako." Saad ko at nag-simula na akong maglakad. Pero napatigil ako ng biglang mag-salita si Ivy.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito na nakapagpatigil sa akin. Humarap ako sa kanila at naglakad pabalik.
"Wala. Aalis sana ako pero wag nalang. Tatawagan ko nalang si Brent." Saad ko at tinawagan si Brent.
"Hello, Fay?" Tanong nito.
"Pumunta ka dito." Saad ko.
"Why?" Tanong nito.
"May pupuntahan kami ng mga classmates ko. Sama ka na sa akin, mag-d-dinner tayo." Saad ko at pinatay ang tawag. Paglipas ang ilang minuto ay dumating na si Brent at may dala syang van.
"Ang talino mo talaga." Saad ko at yumakap kay Brent. "Pakiss nga." Saad ko at hinalikan sya sa pisnge.
"Tsk. Stop it, please. You're making me fall for you." Saad nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ano?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Saad nito at binuksan ang pinto ng van. Humarap naman ako sa mga kasama ko.
"Tara na." Nakangiting yaya ko sa kanila. Tapos sumakay na ako ng van. Ngayon ay katabi ko si Ivy, nasa likod ko naman sila Angel at Ashley at sa dulo naman ang apat na gonggong.
"Ang sweet nyo ni Brent." Bulong ni Angel sa akin. Humarap naman ako sa kanya.
"Close kasi kami. Sanay na akong ganon sa kanya. Parang kuya ko na kasi sya." Saad ko at ngumiti.
"Tingin ko may gusto sayo yon." Sabat ni Ivy.
"Huh? Hindi, ahh. Wala yon. Palabiro lang talaga si Brent." Saad ko.
"Tsk. Ikaw bahala. Basta babantayan namin ang kilos ng lalaking iyon. Pati na ng apat na lalaki sa likod." Bulong ni Ashley at napahagikgik naman ako.
"Sige." Saad ko at humagikgik ulit.
"By the way, pwede ba kayong lumipat sa likod namin? Katabi ni Ivy? Gusto ko kasing magkakalapit lang tayo." Tanong ko.
"Pwede naman. Si Ashley na bahala don." Saad ni Angel.
"Hoy, mga gonggong! Saan tayo gagawa ng project natin? Shuta. First day, may project na? Ganito ba lagi? Pwede ba akong manuntok? Susuntukin ko kayo para mawala inis ko." Saad ko.
"Sa bahay nyo nalang." Sagot ni Lake.
"Lake, sa inyo nalang kaya?" Saad ko.
"Sa inyo na." Pag-pipilit nito.
"Hindi pwede." Saad ko.
"Sa apartment nalang namin." Saad ni Ian.
"Baka makagulo naman kami sa parents mo don." Saad ko.
"Kaming apat lang naman doon. Wala doon ang parents namin." Saad ni Ian. Napatango-tango naman ako.
"We're here." Saad ni Brent galing sa unahan.
"Ang bilis naman." Komento ko.
"Fay... Th. Malapit lang naman yung building. Pwede mo ngang lakarin, ehh. Nagsayang ka lang ng gas. Akala ko pa naman malayo ang pupuntahan nyo." Masungit na saad nito at lumabas na para buksan ang van.
"Nagtatampo ka ba?" Tanong ko at yumakap ulit sa kanya.
"Magagawa ko bang magalit kapag ikaw? Malakas ka sa akin, ehh." Saad ni Brent at niyakap ako. Nagulat ako ng biglang may nagsara ng pinto ng van. Malakas na parang galit.
"Pwede bang wag kayong maglandian sa harap ko? Ang sakit sa mata, ehh." Masungit na saad ni Lake at nauna nang maglakad.
"Pwede bang wag mo nang uulitin yung ginawa mo!? Hindi mo naman gamit yang van nayan pero kung makapagsara ka parang ikaw ang may-ari!" Sigaw ni Brent. Sinamaan ko naman sya ng tingin saka ko patakbong sinundan si Lake.
"Oyy, Lake. Sorry na. Gusto mo din ba ng hug?" Tanong ko. Nabigla ako ng biglang huminto si Lake sa paglalakad at bigla akong yakapin. Hindi pa ako nakakabawi ng bigla din syang bumitaw. Pumasok na sya sa loob at ako at tulala parin.
"Ohh, anong eksena yan, sis?" Tanong ni Angel.
"Ewan ko don..." Mahinang saad ko.
"Tara na nga." Saad ni Brent na madilim ang muhka. Naglakad na kami at sumunod na kay Brent.
"Oyy, Brent." Tawag ko sa kanya. "Oyy." Saad ko at patuloy paring naghahabol sa kanila. Huminto ako sa paglalakad dahil sa inis. "Ano ba?! Muhka kayong mga batang nag-aagawan sa isang candy! Tumigil na nga kayo! Hindi kayo nakakatuwa!" Inis kong saad. Lahat sila ay napatingin sa akin.
"Tara na, Faith!" Saad ni Brent at hinawakan ang kamay ko tapos bahagya akong hinila. Pero bigla akong napahinto sa paglalakad ng may biglang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko doon ay nakita kong si Lake pala ang nakahawak sa kabila kong pulso. Ilang minuto ako nagpalit-palit ng tingin sa kanila at pareho silang nabigla ng bigla kong hilahin ang pareho kong kamay.
"Ano ba? Hatiin nyo nalang kaya ako? Punyeta. Baka gusto nyong suntukin ko kayong dalawa?" Inis kong saad at nauna nang maglakad sa restaurant. Nang makapasok ako ay dumiretso ako ng upo sa isang table sa loob ng restaurant.
- - - To Be Continued - - -