Chapter 10
- Jaylen's POV -
Sobrang saya ng araw ko dahil sinagot na ako ni Angel. Matapos ng ilang buwan na niligawan ko sya ay sinagot na rin nya ako.
- Flaskback -
Biglang tumakbo ang kaklase naming nagbigay ng signal na nandyan na si Angel. Nakita kong nagtaka sya sa nakita nya dahil biglang kumunit ang noo nya pero may ngiti parin sa labi. Dahan-dahang tumingin sya sakin pero ganon parin ang nangyari. Ngumiti ako at nagsimulang kumanta.
(Now Playing: 10 000 hours)
Do you love love the rain? Does it
make you dance?
When your drunk with your
friends at a party?
What's your favorite song? Does it
make you smile?
Do you think of me?
Nakangiti akong kumakanta habang sya naman ay namumula na sa hiya.
I'd spend 10, 000 hours and
10, 000 more
Oh, if that's what it takes to learn
that sweet heart of yours
And i might never get thete but
I'm gonna try
If its 10, 000 hours or the rest
of my life
I'm gonna love you
Nagpatuloy lang ako sa pagkanta hanggang sa matapos ko iyon. Humihikbi parin sya habang nakangiti sa akin. Natawa ako ng bahagya dahil muhka syang tanga habang umiiyak at tumatawa sa sobrang saya.
"Angel... I know, im not the perfect kind of a guy... But, i want to be a perfect one just to make you happy. Baby, i want to see your smile every single day. I want to prove to everyone that, a guy that they call 'playboy' is happily in a relationship with a wonderful girl. I hope you forgive me because of my actions before. I didn't mean to hurt you. But, if that's the only way, i will do it. Para lang di mo mahalatang may gusto ako sayo" saad ko at biglang tumawa. " Im happy that you gave me chance to prove myself to you. So, now i only have one question, Angel.... Will you be my girlfriend? " Naluluhang tanong ko at sya naman ay lalong humagalpak ng iyak at tumango-tango patakbo naman akong lumapit sa kanya at niyakap sya.
- End Of Flashback -
Nakangiti ako ngayon habang nakatingin sa gawi nila Angel. Masaya silang nagkwe-kwentuhan habang nakamasid lang ako sa girlfriend ko. Nakangiti akong naglakad papunta sa gawi nila habang nagtatawanan sila.
"Guess who's behind you, Gel." Mapanuksong tanong ni Janine. Dahan-dahang lumingon si Angel at ng magtama ang paningin namin ay nginingitian nya ako.
"Hi, Baby" nakangiting bati ko sa kanya.
" Hello, Baby" malambing nyang saad.
Naupo ako sa bakanting upuan at humarap sa mga kasama nya. "Kanina pa kayo tawa ng tawa, kumain na ba kayo?" Nakangiting tanong, isa-isa naman silang tumango sa akin.
Bumaling naman sa akin si Sammy. "Ikaw ba, bro?". Umiling naman ako. Kunot-noo namang humarap si Angel sa akin.
"Di ka pa kumakain?" Seryosong tanong nya, nakakunot pa ang noo. Umiling naman ako.
"Bakit naman? Dapat sumama ka na sa amin kanina kung magpapagutom ka lang din pala kakatingin sa amin mula sa malayo" pasiring nyang iniwas ang tingin, nagtatampo. Bigla ko naman niyakap ang baywang nya.
"Sorry na? Wag ka ng magtampo... Kakain nalang ako tapos subuan mo ako." Nakangiting saad ko habang nasa malambing na tono.
"Tsk! Wag kang papalipas ng gutom, ok? Masama yan..." Malambing nyang pangaral sa akin. Nakangiti naman akong tumango. Nagring na ang bell, hudyat para magsipasok na kami sa room namin. Naglalakad kaming sabay ni Angel habang nakamasid sa mga estudyanteng naglalakad habang pumapasok sa mga kapwa nila silid-aralan habang kami ay parang di alintana ang pagkakagulo nila.
"May gagawin tayo mamaya... Saan tayo? Sa bahay namin o sa bahay nyo? " Seryosong tanong nya.
" Sa inyo nalang muna.... Bukas sa bahay na... " Nakangiti kong suggestion. Tatango-tango naman sya habang naglalakad. Sumakay kami sa kotse kasama ang teammates ko.
"Lahat ba kayo ay don nakatira?" Tanong ko habang nakatingin sa kanilang lahat.
"Oo. At nandon din ang parents ni Angel kaya maghanda ka!" Biglang sigaw ni Janine. Walang namutawing salita sa aming lahat hanggang sa makarating kami sa dorm nila. Pero nagulat ako dahil sa itsura ng dorm nila. Ang laki non at parang mansyon kung titignan.
"Dorm ba talaga to?" Tanong ko na namamangha parin.
" Tsk! Makareak akala mo di pa nakakakita ng mansyon! Ehh, ang laki-laki ng bahay nyo! " Biglang sigaw ni Janine galing sa likod ko.
Taka naman akong lumingon sa gawi nya. Sya naman ay naglakad habang tinatarayan ako. Lumapit naman ako kay Angel. "May galit ba sakin si Janine? Kanina pa ako binabara ehh" taka kobg tanong kay Angel habang nakay Janine at Lance ang paningin ko.
"Mainit lang talaga ang ulo nya lagi..." Saad nya habang nakatanaw din sa dalawang kaibigan.
"Anak!" Isang matining na boses galing sa loob ng bahay nila. Biglang may lumabas na babae. Muhkang mid 40s na sya pero halata parin ang hubog ng katawan nya. Lumapit ito kay Angel at yumakap, hinalik-halikan sya ng ginang at natigilan ng magtama ang paningin namin.
"May bisita ka pala?" Nakangiting tanong ng ginang sa kanya.
"He's my... Boyfriend, mom." Halata sa boses nya ang pagmamalaki. Napaawang naman labi ng ginang at biglang nagtatatalon at nagsisisigaw. Nang tumigil sya ay hinawakan nya ang kamay ko peto nandon parin sa muhka nya ang saya.
"Please, take care of our Angel..." Masayang saad nya habang nakangiti parin.
"Honey! Why are you shouting?! What happ--- ohh... Who's this guy, ladies?" Mahinahong nyang tanong, malayo sa nerbyosong tono nya kanina. Nagkwentuhan na silang lahat at nakisali nalang ako. Nakikitawa ako minsan, pero madalas ay tahimik din ako. Ganon ang ginawa namin buong gabi habang ginagawa namin ang project namin. Di naman naging sagabal ang mga kaysap namin dahil nagdala pa iyon ng excitement sa amin habang gumagawa. Nang pumatak ang 10 o'clock ay napag-desisyonan ko ng umuwi. Inihatid muna ako ng daddy ni Angel hanggang sa bahay dahil wala akong dalang kotse at si Tito Rob naman ay may pupuntahan daw kaya sya nalang ang naghatid sa akin.
- Angel's POV -
KINABUKASAN... Nagising ako sa ingay na galing sa phone ko, dahil sa inis ko ay sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Ano ba?!" Inis kong sigaw sa kausap sa kabilang linya.
"Bakit ka sumisigaw?" Seryosong saad ni Daddy. Napatingin naman ako sa caller at nakita ko doon ang I. D. nyang 'Big Boss'.
"I-im sorry, Big B-boss." Napapahiyang saad ko.
" I call because I want to inform you that you have a new mission. And kaya ko kayo guguluhin is because... This mission is going to be a very dangerous. Isang malaking sindikato ang nasa likod ng mission nyo. So, lahat ng agents ay nasa kamay mo ngayon dahil ikaw ang captain ng highest ranked team. Magtutulungan tayong lahat at wala kang gagawin kung di ang sumunod sa akin maliwanag? " Seryosong tanong nya ulit.
" Yes, Big Boss" seryosong kong tugon. Tapos ay ibinaba na ni Big Boss ang telepono at ako naman ay napahilamos sa muhka ko. Tumayo na ako para maligo dahil papasok na kami ngayon. May tinext pa si Big Boss bago ako bumaba kaya binasa ko muna iyon. Pagbaba ko lutang parin ako. Di ko parin makuha lahat ng malaman kong impormasyon. Ano ba kasing nangyayari? Bakit ganon nalang ang kaba ko ng sabihin malaking sindikato ang nasa likod nito?
"ANGEL?!" Sabay-sabay nilang tawag sa akin kaya di ko alam kung saan ako babaling.
" Nakakainis ka ha! Kanina pa kami tawag ng tawag sayo, di ka man lang sumagot dyan! Lutang ka masyado, gurl!" Mauubusan ng pasensyang sigaw ni Janine.
"We have a new mission." Wala sa sarili kong saad.
"Ano naman? Mangha-hack nanaman ng computers? Magkukunwaring waitress? Ano? Sabihin mo! " Inis nyang sigaw. Napabuntong-hininga naman ako.
"Mamaya pa pag-uusapan. Ako nanaman ang hahawak sa lahat ng assets." Tulala kong paring saad.
" M-malaki bang misyong to?" Mas bumalatay sa muhka nya ng tumango ako.
"Di ko alam kung ano naman meron ngayon pero mamaya ay kakausapin kami ni Big Boss. "
" Kayo? Nino? " Sabat ni Justine.
" Mga team captains lang daw... Kami nalang daw ang magsasabi sa mga teammates namin." Pagtapos non ay natahimik na silang lahat maging ako ay naging tahimik din. Nagpapakiramdamam kaming lahat dahil di namin alam kung anong nararamdaman ng bawat isa.
- Jaylen's POV -
Papasok na ako sa campus ng bigla kong mapansing naglalanad si Angel. Late din sya? Naglakad ako papalapit sa kanya kaya napatigil sta sa paglalakad.
"Late karin?" Napakamot ako sa batok ko dahil obvious naman.
"Hmm. Tara na?" Masayang yaya nya. Sabay na kaming naglakad papunta sa class namin.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
BREAK TIME
Lalapitan ko na sana si Angel ng mabilis syang kumilos ganon din ang mga kaibigan nya. Taka naman akong napatingin sa nilabasan nila. Dali-dali akong nagligpit at sumunod sa kanila. Nakita kong may iba pa dumating bukod sa kanilang apat. May apat pang lumapit sa kanila at sabay-sabay na nagpunta sa library. Pwemisto sila sa pinakatagong bahagi ng library. Yung walang makakarinig sa kanila at walang makakakita. Nakangiti si Angel at nakitaan ko naman ng takot sila Sammy na kung ano ang dahilan ay di ko alam. Biglang tumalikod si Angel at nanlaki ko ng bigla nyang hubarin ang uniform nya.
--- To Be Continued ---