Chapter 12
- Jaylen's POV -
Nandito ako ngayon sa upuan ko. Hinihintay ko sila Angel. Umalis kasi sila kaninang lunch break at hindi pa bumabalik. Nag-aalala ako dahil baka mapagalitan sila kapag nahuli sila sa klase ng terrior teacher namin.
Ilang minuto nalang ay dadating na ang lecturer namin pero wala parin sila. Pero nakahinga ako ng maluwag ng maluwag ng pumasok sila dito sa classroom namin, kasunod ang terrior teacher namin.
Nakatingin ako habang isa-isa silang umupo sa upuan nila. Nakatingin lang ako kay Angel at tinitignan ang reaksyon ng muhka nya. Di ko ma-imagine yung babaeng nakita ko sa library. Parang ang layo-layo ng babaeng yun sa girlfriend ko.
"Good afternoon!" Malakas na sigaw ni Miss San Antonio.
Tumayo kaming lahat bago sumagot. "Good afternoon, Miss San Antonio!" Bati din namin. Habang paupo ako ay pasimple akong tumingin sa gawi nila Angel. Palihim akong napangiti dahil sobrang ganda ng ngiti nya.
Di ko lubos maisip na may side sya na nakakatakot. Parang di sya ang Angel na nakilala ko simula nung grade 1. Pero napangiti ako ng maalala ko ang mga oras na kasama ko sya. Ang sarap sa pakiramdam. Tumingin na ako sa harapan para makinig sa lesson namin ngayon.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISMISSAL
Nandito ako ngayon sa may labas habang inaantay kong lumabas sila Angel. Nang makalabas sya sa pinto ay agad-agad ko syang nilapitan.
"Hey, baby" malambing kong bati. Gusto kong matawa dahil halis mapatalon sya sa gulat, di nya ata ako napansin.
"Hello, baby" bati nya sa akin ng makabawi sya sa gulat.
"May gagawin ka pa ba?" Tanong ko habang nakangiti.
" Wala naman. Wala namang assignments, kaya wala akong gagawin. Weekend na din bukas. Himala ngang wala silang binigay na assignment ehh. " Parang nag-pro-protesta nyang saad. Natawa naman ako ng bahagya.
"Tara? Date tayo..." Nakangiti kong yaya. Masaya din syang tumango.
"Saan tayo pupunta?" Parang inosente nyang tanong. Napangiti naman ako palihim.
"Sa Mall. Kagaya ng dati." Nakangiti kong sagot sa tanong nya. Magkahawak-kamay kaming naglakad. Di pa muna kami nakapunta sa mall dahil nagpaalam pa muna sya sa mga kaibigan nyang di sya makakasabay.
NANDITO na kami ngayon sa mall at magkahawak-kamay parin. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko habang nakaharap ng bahagya sa kanya. Nakangiti naman syang sumagot.
"Kahit saan. Basta ikaw lang ang kasama ko." Nakangiting banat nya at may mapanuksong tingin pa. Natawa naman ako ng bahagya.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko, nakangiti parin.
" Kahit saan nga. " Malambibg nyang saad. Nag-usap pa kami saglit dahil wala na kaming makainan. Halos lahat kasi ng restaurants dito sa mall nakainan na namin.
"Anong gagawin natin pagkatapos kumain?" Naglalakad parin kami ngayon. Nakangiti nya akong nilingon.
" Pagkatapos nating kumain, maglalaro tayo sa arcade." Nakangiti nyang saad, nakangiti naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa gusto nya.
Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa madaanan namin ang McDonald's. Napag-desisyonan naming doon nalang kumain. Masarap din naman doon.
Pagpasok namin ng entrada ay pinaghanap ko sya ng upuan para samin. Ako naman ang pumila sa counter para um-order ng makakain namin. Pagkatapos kong um-order ng pagkain ay hinanap ko sya at nakita ko sya sa may gilid.
Nakangiti akong umupo at tumingin sa labas. Ang upuan na pinili nya ay yung makikita ang mga tao sa labas. Nandito kasi ang McDonald's sa ground floor at makikita ang mga taong naglalakad sa labas ng mall.
Nakangiti syang tumingin sa akin at tumingin sa pagkaing in-order ko. Natawa ako ng bahagya dahil mabilis nyang kinuha iyon at inamoy. Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi nya at kinurot iyon ng marahan.
"Ang cute mo." Malambing kong saad, nakangiti.
" I know. " Mataray nyang saad, sabay naman kaming natawa. Tapos ay kumuha sya ng isang fries at isinawsaw sa ice cream. Natawa ako dahil sa ginawa nya. Para syang bata at dahil sa ginawa nyang yon ay may ice cream na naiwan sa may ibabaw ng labi nya.
Kumuha ako ng tissue at pinunadan iyon. Pagkatapos ay matagal ko syang tinitigan. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na halikan sya pero pinipigilan ko lang. Ngumiti sya ng matamis kaya ganon nalang din ang ginawa ko.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa arcade pagkatapos naming kumain. Sobrang lakas ng boses nya dahil parang kung ano-ano lang isinisigaw nya.
"Nakakainis! Dapat mas ginalingan ko pa para nakuha ko yung maraming ticket!" Animong napipikon nyang sigaw habang nakakuyom ang kamao sa harapan nya, parang manununtok.
"Dito naman tayo" malambing nyang saad at umupo sa isang upuan doon. Nakangiti naman akong umupo at nilaro ang gusto nya.
NANDITO kami ngayon sa may crane ng mga teddy bears at gusto ni Angel na makuha iyon malaking teddy bear. Tatawa-tawa naman akong nakatingin sa kanya dahil kating-kating na syang makuha ang teddy bear.
Kinalabit ko sya para maagaw ko ang atensyon nya. Inosente namin syang tumingin sakin at sinenyadan ko syang tumabi. Kumurap-kurap pa muna sya at tumabi. Naghulog ako ng token at iginalaw ang token. Ginawa ko ang ipinagbabawal na technic at napatakip ng tenga.
Biglang nagsisisigaw si Angel sa galak. Pagtapos nyang sumigaw ay hinawakan ang kamay ko at pinakatitigan iyon.
"May powers ba ang kamay mo?" Animong namamangha nyang saad habang malaki parin ang mga mata na parang namamangha.
"Sadyang mahal lang talaga kita. Kaya kinuha ko na yung teddy bear." Makangiti kong saad. Kaya ko iyon kinuha dahil para na syang batang biglang uupo sa sahig at magkukumahog sa pag-iyak.
Nakangiti kaming pumunta ng counter para ipabilang ang lahat ng ticket namin ni Angel. Sa sobrang dami non ay umabot iyon ng 2800+. Nakangiti sya habang naglalakad kami palabas.
Pinalagay ko sa isang card na ni-recommend nila. Pwede daw naming magamit iyon para sa mga token at tickets. Hawak nya ang malaking teddy bear habang papunta sa parking lot. Nang makapasok kami sa kotse ay humarap ako sa kanya habang nag-su-suot ng seatbelt.
"Nag-enjoy ka ba?" Masayang tanong ko sa kanya. Parang bata naman syang tumango habang di parin mawala ang ngiti. Natawa naman ako dahil sa inasta nya. Ang cute nya talaga! Nandito na kami ngayon sa bahay nila at di na ako nag-abalang pumasok.
"Are you sure? Ayaw mo talaga?" Nakangiti parin nyang tanong. Tumango naman ako. "Ok. See you. Bye-bye ka na sa daddy, Jangel." Nakangiti nyang saad tapos ay ikinaway ang kamay ng teddy bear.
"Jangel?" Kunot-noo kong tanong, nakangiti.
" Yes! Jangel! Jaylen + Angel! Jangel! " Nakangiti nyang sagot, proud na proud. "Take care, ha?"
"Yes. Of course. Papakasalan pa kita." Nakangiti ngunit may mapanukso ko syang tinignan. Napabungisngis naman sya, kinikilig.
"Ok. Ingat ka ha? I love you" malambing nyang saad. Umakto naman akong oarang tinamaan ng bala at parang nasarapan sa sinabi nya.
"Ang sarap sa pakiramdam! I love you more!" Sigaw ko at kumaway sa kanya habang pasakay ng kotse. Nang pumasok syang ng bahay nila ay saka lang ako tuluyang umalis doon. Pag-uwi ko ay nadatnan kong nasa hapagkainan sila mommy at daddy. Kasama si Lolo.
"Ganyan ba ang uwi ng matinong estudyante? Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang? " Tanong ni Daddy.
" Galing po ako sa Mall, nakipag-date po. " Saad ko habang nakatayo parin. Lumapit ako kay Mommy at hinalikan ko sya sa pisngi. Lumapit ako kay Lolo para magbless. Tapos ay umupo sa upuan katabi ni Mommy.
"Kumain ka na ba, apo?" Tanong ni Lolo. Nakangiti naman akong tumango.
"Muhkang masaya ka, ahh? Sinong ka-date mo?" Tanong ni Daddy.
" Girlfriend ko po. " Kaswal kong sagot pero agad na bumaling kay Mommy. Natataranta akong kumuha ng tubig para inumin nya.
"G-girlfriend?" Parang nabi-bigla paring tanong ni Mommy. Tumango naman ako.
"Sino naman ang maswerteng babaeng to?" Masayang saad ni Lolo.
" Si Angel po" masaya kong tugon.
"Buti di sya nag-alinlangan sagotin ka, ehh babaero ka." Sakrastikong saad ni Daddy. Inis naman akong tinignan sya.
"Good boy na ako." Masamang tingin lang ang iginanti nya.
"Alam nyo para parin kayong mga bata." Saad ni Lolo. Inis naman akong nilingon sya.
--- To Be Continued ---