Chapter 16 - 16 Finale

Finale

- Jaylen's POV -

Nagbibihis na ako ng biglang may kumatok sa pinto.

"Jaylen, anak? Can i come in?" Mahinhin ngunit may siglang saad nya. Tsk! Natural lang yan kasi ikakasal na ang anak nya sa isang linggo. Yes, sa isang linggo na ang kasal. Ganon sila ka-excited.

"Come in, mom!" Bumukas ang pinto at pumasok nga si Mommy. Lumapit sya para halikan ang pisnge ko.

"You're very handsome, my prince. I can believe that you're going to be married next week." Malambing nyang saad.

" Yeah, me too. Di din ako makapaniwalang ikakasal na ako sa hindi ko kilala at hindi ko mahal. " Malamya kong saad. Bumuntong-hininga sya at inayos ang medyo magulo ko pang tie.

"Anak, believe me. Papasalamatan mo pa kami pag nalaman mo kung sino ang papakasalan mo." Ngumisi si Mommy at pag ganon ay alam kong nanunukso sya. Mapait nalang ako ngumiti. Bumuntong-hininga ulit sya.

"Just let us, baby. Promise, hindi ka namin papabayaang maghirap. I don't want to see you're life miserable. So don't be sad. I love you, baby. " Malambing ulit na sabi ni Mommy. Hinalikan nya ulit ang pisnge ko at nagpaalam na. Nang sumara ang pinto ay nag-ayos pa muna ako bago lumabas.

Pagbaba ko sa hall ay marami ng tao. Di ko alam kung bakit ako naiilang. Siguro ay mga mahahalagang tao ang nakatingin sa akin ngayon.

"Please welcome, the prince of Germany. Prince Jaylen Justin Cruz Smith. " Pagpahayag ng emcee sa pagdating ko at ang mga tao naman ay nagpalakpakan. Wala akong ibang tinitignan ko di ang mga kasama ko. Nang makalapit ako ay kinausap ako ni Daddy.

"You look tired, bro? What's wrong?"

"Im just not in the mood, Dad." Pagtapos non ay tumahimik na sila. Maya-maya pa ay biglang tumayo si Daddy at sinundan ko sya ng tingin. Sa pagsunod ko ng tingin kay Dad ay may nahagip na pamilyar na tao ang mata ko.

Tiningnan ko pa ito ng matagal hanggang sa mapagtanto ko na di lang ako namamalik-mata. Lalapitan ko na sana sya ng biglang magsalita si Daddy sa harapan.

"Good evening, everyone. Thank you for coming and tonight we're gonna announce the marriage between my son and mr. Scott's daughter. " Nakangiting panimula ni Daddy. Napatulala naman ako sa kanya.

"And everyone. I want you'll meet the couple of Germany and Scottland. Please welcome. Prince Jaylen Justin Cruz Smith and Princess Angeline Charmaine Tyler Scott." Saad ng Daddy nya at sinenyasan ako ni Daddy na lumapit. Wala sa sariling naglakad ako papalapit kay Angel at niyakap sya.

"Akala ko mamamatay na ako kasi iba papakasalan ko. Ikaw lang pala." Saad ko habang nakayakap parin sa kanya.

"Akala ko din ehh. Ayokong masaktan ka kaya ikaw kaagad ang naisip ko ng sinabi nilang magpapakasal ako sa prinsipe ng Germany. Akala ko kung sino ikaw lang pala. " Biro nya tatawa naman akong bumitaw at inalalayan syang maglakad.

"Nung una nga ay akala ko ay ikagugulat ko na prinsipe ako ng Germany pero mas nagulat ako ngayon. Haha! " Biro ko din. Nagkatinginan kami at napahagikgik pareho. Pareho kaming nakangiti ng makaakyat sa taas ng stage. Pagkaakyat namin ay pumalakpak ang mga tao. Lumapit kami kila Daddy at maya-maya lang ay di ko napansing nakasunod na pala sila Mommy at Mommy ni Angel.

"Kayo ha... Pinagkaisahan nyo kami..." Panukso ni Angel. Parang kasing edad nya lang akong mga ito.

"But thank you." Sabat ko. "Totoo nga sinabi nyo, dad, mom. Magiging masaya nga ako kapag nalaman ko kung sino pakakasalan ko. " Saad ko ng may pagmamalaki.

" Nako! Di mo pa kilala masyado yan si Angel! Baka iwan mo yan pagnalaman mo pinakatatago nyang sikreto. " Sabat ng Daddy ni Angel. Taka naman akong tumingin kay Angel. Nag-iwas sya ng tingin pero di nakaiwas sa paningin ko ang pamumula ng pisnge nya.

"Ano yon?" Nakangiting tanong ko. Bumuntong-hininga naman sya. Ilang saglit pa ay di pa nagsasalita ulit si Angel. Bumuntong-hininga ulit sya pero akmang magsasalita na pero naunahan na sya ng mga kasama namin.

"She's a secret agent!" Sabay-sabay na bulong ng mga magulang namin. Gulat naman akong napatingin kay Angel.

"Really?" Tanong ko ng may pagkamangha.

" Y-yes... " Nahihiyang saad nya.

"That's cool, baby! I can't imagine that from you" pagsisinungaling ko. Pilit iyon pero bigo ako. "Fine. I know." Malamya kong saad.

"Y-you know?" Gulat na tanong ni Angel. Tuamngo lang ako. "O-okay lang?" Tanong nito ulit.

"Ok lang. Basta wag ka lang seseryoso kasi nakakatakot ka ehh." Medyo nanginginig kong saad. Natawa naman nya.

LUMIPAS ang isang linggo at ngayon na ang kasal namin ni Angel. Ngayon ay nag-aantay ako sa harap ng altar at sya naman ay naglalakad na papalapit sa kanya. Maluha-luha akong nakamasid sa babaeng pinangarap ko. Biglang nagflaskback lahat sakin nung makita ko sya ten years ago. Ang mga palihim kong pagtingin sa kanya. Sa edad kong yon alam kong may kakaiba akong nararamdaman sa kanya.

Nung araw na nagconfess sya ako na ata ang pinakamasayang lalaki. Kasi gusto din ako ng mahal ko. Di lang ako nagpapahalata at inaamin kong masyado akong nagiging torpe pagdating sa kanya. Sa ibang babae ay walang hiya ang matatagpuan ko sa katawan pero pagdating kay Angel ay natatameme ako.

Nakangiti pero naiiyak kong inilahat ang kamay ko sa kanya. Naiiyak pero nakangiti rin nyang inabot iyon. Niyakap ko sya at pinatahan. Nang tumahan na sya ay saka kami naglakad papalapit sa priest.

Nagsimula na ang siremunyas at kami naman ay masayang nakinig. Hanggang sa umabot na sa pinakainaantay naming lahat. Ang ianunsyo ang pagiging mag-asawa natin.

"And now i pronounce you, husband and wife." Nakangiting saad ng pari. "You may now kiss your bride." Walang sabi-sabing itinaas ko ang belo nya at walang sabi-sabing hinalikan sya.

- The End -