Chereads / Behind of Ms. Picture Perfect (Tagalog) / Chapter 15 - 15 Chapter 14

Chapter 15 - 15 Chapter 14

Chapter 14

- Angel's POV -

"Where are you?" Tanong ni Mommy sa kabilang telepono.

"Im here at my mission." Sagot ko.

"Take care little princess. Magbabakasyon tayo sa Scotland. Kailangan nyo ng magpakita sa mga tao dito baka magtampo na sila. Ok byee. See you in monday. " Saad ni mommy at pinatay ang telepono napabuntong-hininga naman ako. Sana ay walang mangyari sayo. Di ko kayang mawala ka, mahal na mahal kita, Jaylen.

Tapos na ang oras na ibinigay ni Big Boss sakin kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Alas-singko na rin ng madaling araw, wala pa akong tulog. Tinanaw ko muna ang bahay nila saglit at saka ako sumakay ng kotse ko pauwi sa bahay.

Dahil sa tawag ni Mommy ay doon ko lang naalalang may 1 month vacation kami. Sa una, exciting pero nung bigla kong maisip na hindi ko mababantayan si Jaylen ay bigla akong nalungkot.

Mabilis na lumipas ang mga araw at nandito ako ngayon sa sasakyan papunta ng airport. Nang huminto ang sasakyan ay isa-isa silang bumaba. Ako naman ay bumuntong-hininga muna bago ako bumaba ng kotse.

Kahapon ay di ko nakausap si Jaylen. Umalis silang lahat kasama ang mga magulang, lolo, at mga kamag-anak nila. Di ko alam kung saan, di ko naman magawang itrack sya dahil wala naman akong nailagay na GPS sa kanya. Kaya ang bigat sa pakiramadam.

Siguro ay nasa probinsya sila. Ang dami nila ehh. Mahigit 10 van ang dala nila. Saan kaya ang punta nila? Bakit di sya nagpaalam? Naaalala nya kaya ako? Mahal nya pa kaya ako? May iba na ba sya? Hindi! Mahal nya ako! Mahal na mahal, kaya mahal ko din sya!

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumunog ang phone ko. Bigla akong napangiti ng makita kong si Jaylen iyon. "Hi, baby!" Masayang bati ko sakanya.

"Hi, baby! I miss you! Nasaan ka ngayon?!" Masayang tanong nya.

" Nasa airport po." Sagot ko.

"What coincidence! We're here too. Wait. Nandito na ba kayo sa loob? " Tanong nya sakin.

" Wow. Nasan ka na? Gusto kita makita bago kami pumunta ng Scotland." Nagpalinga-linga ako at napangiti ako ng makitang naglalakad na sya papalapit sakin. Nang makalapit sya ay niyakap nya ako agad. Muntik ko pang mabitawan yung cellphone ko.

"I miss you, baby!" Masiglang saad nya tapos ay binaklas ang pagkakayakap nya sakin. "Saan kayo punta?" Parang batang tanong nya.

" Sa Scotland nga. Ehh, kayo? "

"Sa Germany, gusto kasi ni lolo na magbakasyon doon." Nakangiti parin saad nya. Nag-uusap lang kami hanggang sa dumating na ang mga eroplanong sasakyan namin papunta sa paroroonan namin.

Malungkot ako habang nasa byahe. Kahit na parang sobrang bagal ng oras nung kasama ko si Jaylen. Ganon naman kabilis nung hindi na. Lumipas ang ilang oras ay nakarating na kami roon at ayon na ang mga libo-libong taong sumalubong sa amin.

- Jaylen's POV -

Masaya akong makita ang babaeng mahal ko sa airport ngayon. Pero kahit anong saya ay biglang may kirot akong naramdam ng paalis na kami papunta ng Germany. Kung pwede lang ako sumama sa kanya, gagawin ko. Kaso bawal ehh.

Palabas na kami ng airport ng biglang akong natigilan. Napakaraming tao. Sobrang dami.

"D-dad? What's happening?" Utal kong tanong. Ngumiti lang sya. Maya-maya pa unti-unti na kaming nakakalapit sa mga tao ay mga kumakaway na sila. Ang daming taong nasaharapan ko.

"Welcome to Germany, Prince Jay." Saad ng isang lalaki sa likod ko. Napaharap naman ako kay Mommy at tumango sya ng nakangiting tingin. Unti-unti kaming naglakad papunta sa kotse at dahan-dahang lumapit sa mga tao.

Nakakahawa ang mga ngiti nila. Di ko nga namalayan nakangiti na ako. Nakangiti akong huminto sa harap ng pinto ng kotse at humarap sa mga taong nasa harapan ko. May nagbukas ng pinto habang ako ay kumakaway lang sa mga tao.

Nakangiti akong kumaway habang pasakay na sila at Mommy sa kotse. Nakangiti parin ako hanggang sa pagpasok ko sa kotse. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa malapalasyong bahay--- hindi! Palasyo talaga ito!

"Masaya ka ahh?" Tanong ni Lolo.

"Hehe. Ang daming tao ehh. Para akong artista." Namamangha ko paring saad.

" Di ka pa nasanay. Ehh, ang dami ngang babaeng nagtititili kapag nakita ka."

" Wala na kasing gumagawa nyan, Dad. Hanggang tingin nalang kasi sila. Alam nilang taken na ako!HAHAHAHA!" Biro ko.

" Manang-mana ka sa Daddy mo, Prince Jay." Saad ng isang babae sa likoran namin.

"Lady Anitha..." Nakangiting bati ni Mommy at yumakap sa babaeng nasa harapan namin. 50+ na ang aged nya, pero bata parin sya tignan. Maganda ang hubog ng katawan kahit medyo malaki ang leeg, braso, binti nya. Maya-maya pa ay may kasunod itong babae na maganda rin. Maputi din. Makinis. Katamtamang taas. Maganda din ang hubog ng katawan.

"Hi, Prince Jay." Malanding saad nito sa akin at akmang lalapit ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Bigla akong napangiti ng makita kong si Angel iyon.

"Excuse me, sasagotin ko lang po ang tawag ng girlfriend ko." Sinadya kong tigasan ang pagkakasabi ko sa huling salita. Maya-maya pa ay umalis na ako at sinagot na ang tawag.

"Hi, baby!!" Masaya kong bati.

"Hi! I miss you, Jaylen, my baby!" Masigla nyang tugon. Nag-usap pa kami ng nag-usap hanggang sa magpaalam na sya. Pagtingin ko sa paligid ay gabi na.

"What took you so long to talk to your mistress?" Saad ng babaeng nasa likod ko. " You look happy when you and your mistress is talking. Ugh! That's really a Yuck!" Maarteng saad nito.

" So? And don't you dare to call her my mistress because she's not! " Asar kong sigaw sa kanya. Nakita ko naman syang natigilan. Dali-dali akong naglakad papalayo sa kanya at nakasalubong ko si Daddy.

"You're so rude, Prince. Haha!" Biro ni Daddy. Napasinghal naman ako sa hangin.

"Dikit ng dikit ehh. Parang linta!" Inis kong sigaw ulit.

" Easy, bro. Do you know what's the real reason why we're here?"

" No. "

" You're going to marry the princess of Scotland." Tinitigan ko sya ng matagal para malaman kung nagbibiro lang sya pero lumipas ang ilang segundo ay di nya binawi iyon.

"W-what?" Naguguluhan ko paring tanong. "Why would i marry her?" Wala sa sarili kong tanong.

" Because you have. And besides, the whole Germany know that you have a girlfriend. "

" 'yon naman pala ehh? Bakit nyo pa ako ipapakasal, alam naman pala nila? " Inis kong tanong. Ngumiti lang si Daddy.

"Get ready, bro. And be the happy." Saad nya tapos ay tinapik ang balikat ko. Nagsimula na syang humakbang ay humarap ulit sya.

"Get ready. We're going to Scotland." Saad nya na nagdulot sa akin ng kaba. Hindi ako natatakot para sa kasal. Natatakot ako sa mararamdaman ni Angel.

NANDITO na kami ngayon sa palasyon ng mga Scott. Malaki ang palasyo nila mula sa labas. At ganon din sa loob. Sobrang laki ng hall nila. Mas malaki pa sa hall ng palasyo namin.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko habang maghihintay para mamayang gabi. Di ko alam pero mayroon sa aking na-eexcite pero at the same time na iinis din kasi di ko mapapakasalan ang mahal ko. This royalty life is so unfair.

--- To Be Continued ---