Chapter 13
- Jaylen's POV -
"Ano?" Sabay na tanong namin ni Dad. Sabay din kaming lumingon sa isa't isa pero may masamang tingin.
"Oo nga. Yang Daddy mo ang lagi mong kaaway simula nung bata ka pa" nakangiting saad ni Mommy. Animong parang nanonood ng isang palabas sa tv.
"Simula nung nagka-anak ka, para kang batang laging inaaway ang kalaro nya." Natatawang kwento ni Lolo. " May kakambal ka pa, kaso nung ipinanganak kayo ay nagkaroon ng komplekasyon ang Mommy mo kaya kailangang mamili sa inyong tatlo. Pero bago pa makapili ang Daddy mo. Lumabas na ang kapatid ko kaya nakahinga kaming lahat ng maluwag. Pero ng paiyakin ng paiyakin ng doktor ang kapatid mo, wala silang natanggap na tugon. Yun din ang dahilan kung bakit di na pwedeng magkaanak ulit ang Mommy mo dahil masyadong naapektohan ang matres nya. " Malungkot na kwento ni Lolo. Napatingin naman ako kay Mommy at nakita ko syang malungkot na nakatingin sa akin. Napatingin naman ako kay Daddy na nangingilid ang luha pero pinipigilan lang ang pagbagsak.
"Bakit di nyo sinabi sakin?"
"Dahil magagalit ka." Kaswal na sagot ni Daddy.
" Bakit namab ako magagalit? " Saad ko at tumingin sa kanya pero nag-iwas sya ng tingin ng biglang may tumulong luha sa mga mata nya.
"Dahil sa nangyaring yon ay di kana namin nabigyan ng kapatid. Alam naming malungkot ang mabuhay ng walang kapatid kaya nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. " Malungkot na saad ni Daddy.
" Magagalit ako pero maiintindihan ko." Kaswal kong saad, napatingin naman silang lahat sa akin. "Oo, pasaway ako. Pero kaya kong intindihin ang bagay na yan kahit gaano pa kahirap yan." Tiningnan ko sila isa-isa at tumigil ang tingin ko kay Daddy. Nginitian ko sya. "Kahit sino bata ay maiintindihan yan. Kahit batang 9 years old ay maiintindihan yan. Sana bago nyo pinangunahan ang takot nyo, inisip nyo muna ang mararamdaman ko. " Saad ko at ngumuti ulit. " Nakakainis kayo kasi di nyo sinabi. Nagalit tuloy ako sa inyo kasi wala akong kapatid. Akala ko nga dati ampon ako eh. Haha! But let's forget the dark past. We're here in the present. Have a good night, everyone." Nakangiti kong saad at tumayo na.
Nagpahinga muna ako ng dalawang minuto at naligo. Pagkabihis ko ay naupo ako sa gilid ng kama ko at napangiti dahil naalala ko ang mga nangyari ngayong araw. Yung maganda kong gising, yung masarap na agahan, yung date namin ni Angel, at yung confession nila sakin. Ang sarap lang sa pakiramdam. Nakangiti akong humiga at paglipas ng ilang sandali ay nakatulog na ako.
- Angel's POV -
Nakangiti akong naglakad papasok sa loob ng bahay at napahinto dahil lahat sila ay nasa sala at nakaupo, nakaharap sa pinto.
"It's 9:47 pm. Ms. S!" Galit na sigaw ni Janine. "Akala ko ay di ka na uuwi! Ano bang ginawa nyo ni Jaylen? Anong ginawa nyo sa mall?!" Galit parin nyang sigaw. Napahalukipkip naman ako.
"Nagdate kami." Nahihiyang saad ko at biglang ngumiti na parang tanga.
"Jusko! Totoo na ba yan? Wag mong paasahin yung tao!" Galit parin sigaw nya, pero may awa para kay Jaylen.
"Ang plano ay sabihing may gusto ako sa kanya. And beside, tapos na yon! Matagal ng tapos! " Depensa ko naman.
" Naku! Umayos ka talaga, ha! Mapapatay kami ni Big Boss dahil sayo!" Naggagalaiti nyang saad natawa naman ako ng bahagya. Kumaway lang ako sa kanila at dere-deretsong umakyat ng kwarto ko.
Habang naliligo ako ay nakangiti parin ako. Sobrang kinikilig parin ako. Paglabas ko ng banyo ay napatingin ako kay Jangel. At lalo akong napangiti sa kanya. Nahiga ako sa kama at niyakap ang teddy bear. Dahil sa pagod ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN...
Nagising ako sa isang maingay na bagay. Nang imulat ko ang mga mata ko ay yung cellphone ko pala ang gumagawa ng ingay. Kinuha ko iyon at sinagot ang tumatawag doon.
"Yes? Who's this?" Malamyang tanong ko sa kabilang linya.
"This is me, Agent Dragon. Haha! Its nice to hear your lovely voice again. " Nakakainsultong saad ng nasa kabilang linya. Tinignan ko naman ang caller pero unregistered number iyon kaya itinapat ko ulit ang cellphone ko sa tainga ko.
"Who the f*ck are you?!" Naiinis kong saad.
" You don't know me in just a few days? Im so impressed to your brain!" Malakas nyang saad sabay palakpak. Napaisip naman ako dahil pamilyar ang boses nya. Si Bernard!
"Tsk! What do you want?!" Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa tawa nya.
"Easy... I call you to say... See you in hell! Hahaha! " Saad nya habang tumatawa-tawa pa. Inis naman akong binabaan sya ng linya at kinuha ang sim ko at binali iyon. Wala sa sarili naman akong tumitig sa pader at hinayaang maglayag ang isip ko.
"Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag ah?! Punyeta!" Malakas na sigaw ni Janine. Wala parin ako sa sariling tinignan sya. "Ano ba?! Tumayo ka na nga dyan!" Inis nyang sigaw. "G-gel... Oyy... Tayo na..." Mahinahon naman ang pagkakasabi nya. " Tayo na... Kinakabahan ako sayo..." Tila kinakabahan nyang saad.
" Tumawag si Bernard..." Wala sa sariling saad ako.
" Ha? " Gulat nyang tanong at umupo sa kama, sa harap ko. " Diba patay na sya?" Tanong ulit nya.
" Not yet. " Sagot ko habang umiiling-iling pa. Paglipas ng isang mahabang katahimikan ay tumayo ako kaya gulat din syang tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya dahil nagbibihis na ako ngayon ng uniform namin para sa S. I.
"Pupunta ako kay Big Boss... Magpapaalam ako dahil baka balikan nya ulit ang pamilyang muntik nyang masunog, three years ago. " Saad ko. Tumango ako sa kanya at bumaba.
Pagbaba ko ay nandoon na ang lahat. Nakaupo na sila, at handa ng kumain pero gulat silang tumingin sakin pagkatapos nila akong makita.
"My princess, where are you going?" Tanong ni Justine.
" Oo nga. Bakit nakaganyan ka? May mission ba tayo ngayon?" Tanong naman ni Sammy.
" My Angel, kumain ka muna baka magutoman ka. Wala dito ang boyfriend mong higad. " Sakrasmong saad nya. Tinignan ko naman sya ng nagtatakang tingin pero kibit-balikat lang ang itinugon nya.
"Seven is still jealous to Mr. S slash Jaylen. Hahaha! Pag-ibig nga naman!" Sigaw naman ni Harry habang tumatawa-tawa. Sinamaan ko sya ng tingin kaya parang nasamid sya do'n.
"Ehem! Ehem!" Kunwaring ubo ko at nagmamadaling naglakad papunta sa kotse ko. Pagdating ko don ay tinanggal ko ang takip na nakatakip sa kotse ko.
"Hey, baby... May gagawin ulit tayo." Pagkausap ko sa kotse ko at nakangiting sumakay. Ilang segundo ko pa muna pinainit iyon at saka pinatakbo iyon. Paglipas ng ilang segondo ay narating ko na ang paparoonan ko.
"Di ko hahayaang saktan mo ang mahal ko. Dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo masaktan ang taong mahal ko." Saad ko sa hangin habang bumababa sa kotse ko.
--- To Be Continued ---