Chereads / Behind of Ms. Picture Perfect (Tagalog) / Chapter 12 - 12 Chapter 11

Chapter 12 - 12 Chapter 11

Chapter 11

- Jaylen's POV -

Nakatingin parin ako sa kanila pero kahit na sinong tignan ko sa kanila ay kay Angel lang ako nakatingin. Parang di ko kilala ang Angel na nakikita ko dahil sobrang nakakatakot ang aura nya.

"Team Alpha, we are here today to discuss our new mission. This mission is a very dangerous one." Tumingin sya sa mga taong kasama nya. Ano daw? Team Alpha? Mission? Dangerous?

"We have to force ourselves on our limitations. Because this time our enemy is very powerful. Kakaiba na ang modus nila ngayon. Sa schools nila ginagawa ang mga transactions nila kaya delikado lahat ng mga estudyante. In short, we're in danger. Their using our school as their hidden place. So, we have a visitor.... Gusto mo bang sumali sa meeting namin? " Nakakatakot nyang saad. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi nya paano nya nahalatang may nakatingin sa kanila? Maya-maya ay naglakad sya at biglang may hinila sa may gilid. Nakatanaw lang ako habang sya naman ay sobrang nakakatakot ang aura. May hinila syang lalaki sa may gilid nya at ang lalaki nyang hila-hila ay nangangatog sa takot.

"Anong kailangan mo?" Makapangyarihang saad ni Angel.

" N-nakita ko lang kasi s-sila Sammy pumasok dyan kaya sinundan ko sila. S-Sorry A-angel." Nangangatog sa takot ang lalaking yon. Dahil sa pamilyar na boses ay pinag-aralan ko ang muhka nya. Si Eddie!

"Di magandang nakikinig ka sa usapan ng may usapan, ok?" Nakataas ang kilay nya, nagtatanong. Tumango-tango naman si Eddie habang nangangatog parin ang katawan. Binitawan nya na ang damit ni Eddie at dali-dali namang tumakbo si Eddie at halos madulas pa sa sobrang karipas nya ng takbo.

"So... Madami na akong nakalap na mga information sa mga ibang agents. Nagtulong-tulong kaming makakalap ng information na magagamit namin. So, dapat ay makinig kayo. Ang sabi ni Big Boss ay nakikipagtulungan tayo sa may-ari ng school na to. " M-may-ari? Si Lolo?

"Ngayon na natin gagawin ito dahil masyadong lalaki ang mga makakalaban natin. So.... Let's go! " Saad nya ng pasigaw.

- Angel's POV -

Naglalakad kami ngayon papunta sa office ni Dean. Kailangan namin ng pahintulot nya para makausap ang Chairman. Nandito na kami ngayon sa Dean's Office at nakaupo sa harap ng Daddy ni Jaylen.

"So... Everyone? What brings you here? May nambubully ba sa inyo? May nanakit nanaman ba sayo Angel? " Seryosong tanong nya sa amin, sakin.

"Nandito po kami para kausapin si Chairman." Magalang kong saad.

" Oww... Pwede kayong pumunta sa office nya sa itaas. But i have to check the Chairman first." Nakangiting saad nya saka may pinindot sa may telecon nya. Pagkatapos ibaba iyon ay nakangiti syang bumaling sa akin.

"The Chairman is not busy. Pwede na kayong umakyat don. Have a good day everyone! " Masayang bati nya. Dali-dali kaming nagsitayuan at nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag. Sa Chairman's Office. Kumatok ako at binuksan ang pinto. Nakangiti kaming lumapit kay Chairman habang sya naman ay seryosong nakatingin samin.

"Hi, Chairman!" Masayang bati ko sa kanya.

" What bring you here, everyone? " Seryoso paring saad nya. Nakangiti kaming nagkatinginan at tumango sa isa't isa. Sumeryoso kami ng muhka at nakitaan ko sya ng takot habang nakatingin sa akin.

"We came here to have a deal to you, Chairman. Kailangan mong makisama dahil school mo ang nakataya at kaligtasan ng mga estudyanteng nandito. " Seryoso kong saad.

" B-bakit? Anong maitutulong k-ko?" Nauutal nyang tanong.

" May mga illegal transactions na nagaganap sa loob ng school mo, Chairman. Balak naming puksain yon at at kailangan ng tulong mo. Ang maitutulong mo ay manahimik at magtiwala sa gobyerno. Shempre, samin din. " Seryosong kong sagot. Tumango naman sya.

"T-tutulong ako. Gagawin lahat wag lang masira ang school ko." Sinsero nyang saad. Nagkatinginan naman kami ng teammates ko at saka kami lahat ngumisi.

"Dahil pumayag kayo ay protektado na ng S. I. ang pamilya nyo. Ako ng bahala sa apo nyo. " Seryoso kong saad pero nagawa ko paring kumindat. Pinaliwanag namin lahat ng mga bagay na maaaring mangyari kapag di napigilan ang mga ito. At sinabihan din syang wala syang pagsasabihan dito kahit sa pamilya nya. Matapos naming makausap ang Chairman ay nakangiti kaming lahat na lumabad ng gusaling yon. Bigla kong naalala si Jaylen. Ahhh! I miss you, baby!

"Baby!" Sigaw ng pamilyar na boses na nagpabalik sa akin sa huwisyon ko. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya.

"Hi, baby!" Sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya. Hindi na ako nagsayang oras, niyakap ko agad sya ng makalapit sya. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap!

"San kayo galing?" Tanong nya at sumulyap sa mga teammates ko.

"May dinaanan kami kanina. Naglunch ka na ba? " Tanong ko. Nakangiting tumango naman sya.

"Gusto mo bang sumabay sa amin?" Tanong ko. Ngumiti naman sya ng pagkatamis-tamis. Tsk!

"Ok lang ba?" Tanong nya habang nakatingin sa mga kasama ako, tumango-tango naman silang lahat. Tumingin ako sa kanilang lahat at napansin kong pilit ang ngiti ni Seven, naiilang sya.

"Ahh... Seven ayos ka lang ba? Kanina ka pa maputla..." Nag-aalalang tanong ko.

" I'm fine. " Malamyang saad nya.

"Are you sure?" Tanong ko sabay hawak sa noo nya. Unti-unting namuo ang pag-aalala sa loob ko dahil sobrang init nya. Kaya pala parang ang lamya nyang gumalaw kanina pa.

"Let's go. Dalhin natin si Seven sa clinic... At wag ka ng magreklamo!" Naiinis kong saad at nagpatiunan maglakad. Maya-maya pa ay narating na namin ang clinic. Sandali syang chineck at pinagpahinga muna sya. Kami naman ay pumasok na sa mga silid-aralan namin, sabi ng clinic nurse doon ay babalikan nalang namin sya pagkatapos ng klase naming lahat.

- Jaylen's POV -

Masaya akong makita ang girlfriend ko habang tumutulong sa ibang tao. Sobrang bait talaga ng girlfriend ko. Pero di parin maiwasang magselos, nakakaselos yong ginawa nya, pero di nalang ako nagpaapekto.

"Sabay ka ba sa amin, bro?" Biglang tanong ni Sammy para maibalik ako sa tamang suwisyon. Matagal ko syang tinitignan at umiling. Lumapit ako kay Angel pero niyakap ko sya agad ng akmang magsasalita sya.

"Ingat ka... Mahal na mahal kita..." Madamdamin kong saad. Di ko alam kong saad ko nakuha ang lungkot na iyon. Baka dahil sa nangyari sa amin ni Daddy kanina. Hay! Naalala ko nanaman ang nangyari kanina! Bw*sit!

--- To Be Continued ---