Chapter 9 - 9 Chapter 8

Chapter 8

- Jaylen's POV -

Naglalakad na ako ngayon papunta sa anghel ng buhay ko. Nakangiti ako habang iniisip ang maganda nyang muhka pero agad akong napahinto ng makita kong nandon si Baduy. Nakasimangot akong lumapit kay Angel.

"Anong ginagawa nya dito?" Tanong ko kay Angel. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang. Dahil ang ganda nya pa din kahit nagugulat.

"A-Ahm... K-kaborder ko sya." Namumulang saad nya. Taka naman akong tumingin sa kanya.

"Border? Sa bording house ka nakatira?" Tanong ko.

" Oo. Bakit?" Tanong nya.

"Wala naman." Malungkot kong saad tapos ay nag-iwas ng tingin at tinulongan sya sa ginagawa nya.

"Alam ko yang iniisip mo." Mahinahong saad nya dahilan para tumingin ulit ako sa kanya. "Di ko sya pinipili. Wala akong mapili sa inyo. Parehas kayong deserving. Tsk!" Malakas na singhal nya. Mapait naman akong ngumiti sa kanya.

"Sana ako nalang ang piliin mo." Malungkot kong saad.

" Mapipili din kita. Kung ipapakita mong karapat-dapat ka talaga... Tandaan mo sa inyong dalawa, ikaw ang gusto ko. Di porket makakasama ko na sya palagi, sya na ang pinipili ko. Marunong akong kumilatis ng taong dapat at hindi dapat. Kaya dapat ang ipakita mo lang na karapat-dapat ka. Kasi kung tutuusin, ikaw ang pipiliin ko kung makita kong ganon ka. Kaya don't give up. Panghawakan mo yung sinabi ko sa lahat, 5 years ago. " Ngumiti sya at tinapik ang balikat ko. Ngumiti nalang din ako sa kanya at tinulungan sya sa mga ginagawa nya. Maya-maya pa ay dumating na sila Fready. Tumulong din sila dito pero maya-maya pa.

"Angel, pwede ba dito nalang kaming apat?" Tanong ni Isaac.

" Sure... " Mabilis na sagot ni Angel. Ngumuti sya at tumingin sa akin. Wala sa sariling ngumiti din ako sa kanya. Ang booth namin ay mini- restaurant kaya medyo malaki di tulad ng iba. Pinagsama-sama namin ang mga alam naming luto at yun ang nilagay sa menu.

"Yan ba lahat?" Tanong nya habang nakatingin sa mga nakalistang pagkaing ihahanda namin.

"Lahat na yan." Sabay-sabay naming sabi.

"Sama na din kay natin yung lahat ng nasa menu nyo, Angel. Diba sayo naman lahat recipes yon? " Tanong ni Janine, tumango naman si Angel bilang tungon.

"Marunong kang magluto?" Tanong ko.

"Oo." Lumapit sya sa akin at hinawalan ang kwelyo ko. "Namana ko sa mommy ko." Dagdag nya sabay kindat. Sandali akong natigilan pero tumingin ako kay Seven na may pagmamalaki.

"Wag mo ko yabangan, Mr. Smith. Kanina pa sya clingy. " Mayabang na saad ni Seven kaya uminit ang ulo ko. Unfair!

'Panghawakan mo sinabi ko sa lahat, 5 years ago'

Pero napangiti ako ng maalala ko ang sinabing iyon ni Angel. Maya-maya pa ay pumunta na kami sa mini-kitchen ni Angel at tinulungan sya ihanda lahat ng rekados. Pagkatapos nyang ayosin ang mga gagamitin nya ay tumulong na sya sa paghiwa.

Lahat kami ay namangha dahil sa bilis ng kamay nya sa paghiwa. Para syang isang sikat na chef na makikita mo sa isang tv show. Habang naghihiwa ng napakabilis ay kaming lahat ay nakatingin lang sa kanya. Pero tumulong narin kami. Mamayang gabi na ang simula ng mga events, so maraming dadayo dito. Ngayon ay nag-uusap kami about sa mga gagawin namin.

"Ganto ang gagawin. Kami ni Justine ang chef sa loob ng kitchen. Kayong tatlo. " Turo nya kay Sammy, Harry, at Fready. " Kayo ang tagahugas. Meron kayong schedules kung sino ang maghuhugas. So, yung ibang di tagahugas, taga serve kayo. " Tapos ay humarap kay Janine. " Ikaw ang cashier at kasama mo si Lance. " Tinuro nya si Mr. Joker. Tapos ay humarap sa aming dalawa ni Seven. " Kayong dalawa naman ang mamimigay ng flyers. Kasi sikat kayo dito kaya, kayo ang dapat mamigay." Saad nya at binigyan kami ng kung anong papel at pumasok na sila ni Mr. Tigyawat sa kitchen. Sabay naman kaming lumabas ni Seven sa Booth namin at naghiwalay ng landas.

2 hours passed... Nakabalik na kami pareho ni Seven at parehong ubos ang flyers na binigay sa amin ni Angel. Ngayon ay nakupo kaming lahat sa may gilid dahil wala pang pumapasok. Well, di pa kasi nagsisimula. Kaya siguradong madaming dadaan mamaya pag nag start na ang main events. Biglang lumabas si Angel kasama si Justine na may buhat na pagkain.

"Ohh... Tikman nyo." Yaya ni Angel agad naman akong lumapit ng makita kong kumuha sya ng isang kutsara. Akmang isusubo na sana nya ang kutsara pero kinalabit ko sya at ngumanga.

"Ahhh..." Natatawang inirapan nya ako at isinubo sa sa akin ang pagkaing nasa kutsara. Nakangiti naman akong nginuya ang pagkaing isinubo nya. Napatingin ako sa kanya at sumandok sya at akmang susubuan ulit ako pero tinawag sya ni Seven.

"Ahh. Angel..." Agaw nya ng atensyon kay Angel. Napatingin naman si Angel sa kanya. "G-Gusto mo?" Naiilang nyang tanong. Ngumanga naman si Angel at isinubo sa kanya ni Seven ang kutsara. Tapos ay biglang sumandok ulit si Seven at mabilis na isinubo.

"Wow!" Sigaw nilang lahat at sabay-sabay na pumalakpak.

"Iba ka!"

"Grabe para-paraan ka!"

"Idol!"

"Sana may ganyan din ako! Jusko! "

Dahil sa mga narinig ko ay ay nag-init ang ulo ko.

"Tumahimik nga kayo!" Inis kong sigaw. Napatigil sila at biglang nagtawanan kaya mas nainis ako.

"Si Jaylen napikon. Mahina kasi! Hahahaha!" Biro ni Justine.

" Bwahahahahaha! " Tawa nilang lahat. Kahit si Seven ay humahagikgik din pero nakaisip ako ng katarantadohan. Walang sabi-sabing hinalikan ko si Angel.

- Angel's POV -

Pakiramdam ko ay gusto kong kainin ako ng lupa dahil hinalikan ako ni Jaylen sa harap nilang lahat. Sya ay nakapikit habang ako ay malalaki ang mata dahil sa gulat. Ilang sigundong ganon kami at bigla nyang nilisan ang labi ko na para bang napaso. Nakayuko sya ngayon at mapula ang buong muhka. Biglang pumalak si Isaac at sumunod ang lahat.

"Grabe si Jaylen parin talaga!" Sigaw nya pa. "Ang swerte naman mo naman, Angel! Ikaw first kiss ng Baliw na yan!" Dagdag nya pa, ako naman ay sikretong natigilan. Tumingin ako sa kanya at parang tumigil ang mundo ko dahil nakatingin na sya sa akin.

"S-Sorry" bulong ni Jaylen. Ngumiti lang ako. Maya-maya ay nagsimula na ang Main Events kaya may mga pumasok na sa booth namin pero di nagtagal ay biglang tinanggal ni Seven ang kurtinang nakaharang para di makita ang nasa loob pero di parin sapat para makita kaming nasa mini-kitchen.

Biglang dumagsa ang mga ibat ibang estudyante. Kaya naging busy kaming dalawa ni Justine. Maya-maya pa ay biglang pumasok si Ate Karen at tinulungan nya kaming magluto dahil marami na daw ang orders. Nandoon lang kami hanggang sa maghating gabi. Nang maghating-gabi ay isa-isa kaming nagpaalam kahit na nasa loob lang ako ng mini-kitchen ay masaya parin. Ngayon ay naglalakad na ako papasok ng kwarto ng biglang hawakan ni Seven ang siko ko.

"Can we talk?" Tanong nito.

"About what?" Tanong ko naman.

"About what happened earlier." Saad nya. Napaisip naman ako.

" Ano bang nangyari kanina? " Tanong ko sa kanya.

" Yung hinalikan ka ni Jaylen." Sagot nya at napatitig naman ako sa kanya. Anong problema nya don?

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Im jealous..." Pagpapakatotoo nya, ako naman ay napatungo. "S-sige pasok ka na..." Parang nanlulumong saad nya. Tango lang ang naisagot ko. Pagkapasok ko ay nilock ko agad ang pintuan at patungo na ang sa banyo pero napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko.

~-~ Jaylen is Calling ~-~

"Hi, Angel" mabilis na bungad nya ng sagotin ko ang phone call nya. "Anong ginagawa mo ngayon? Nakauwi ka na ba? Napagod ka ba masyado? Gusto mo bang puntahan kita at hilutin ang katawan mo? Angel? Angel? " Tanong sa kabilang linya. Di ko naman namalayang nakangiti na ako. Weird!

"A-Ahm. Nakauwi na. Ikaw?" Iyon lang nasagot ko dahil iyon lang ang natandaan ko sa mga tanong nya.

"Nakauwi na ako. Ahm... Matutilog ka na ba? Sorry kung tumawag pa ako. Gusto lang naman kitang i-check. Pero, dahil ok ka naman na... Good night... Sleep well... See you tomorrow... I love you... "

" Bye... See you..." Sagot ko at pinatay ang tawag. Bigla naman akong napahiga sa kama ko dahil di ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Maya-maya ay tumayo na ako at naligo. Nanghintay muna ilang minuto at ng matuyo na ang buhok ko ay natulog na ako, pero ang nakakapagtaka ay nakatulog ako nakangiti.

--- to be continued ---