Chapter 7
- Angel's POV -
KINABUKASAN...
Maaga akong nagising. Half day lang kami ngayon dahil next week ay School fest na. Pagbaba ko ay sumalubong agad sa tenga ko ang boses nila Janine at Lance. Dali-dali akong bumaba para awatin sila. Pag baba ko ay nakita kong umiiyak si Janine habang nakaupo sa sofa at pinapatahan ni Lance.
"Babe... Lasing lang tayo pareho di naman natin alam..." Nagmamakaawang saad ni Lance.
"Pano nga kung mabuntis moko?! Ha?! Di ka kasi nag-iisip! Pano na yung pangarap ko?!" Sigaw naman ni Janine.
" Anong mabubuntis? Ehh, nakita mo namang andaming gamit na condom sa sahig... " Parang di makapaniwalang tanong ni Lance.
"Bakit di ba ako mabubuntis non?" Baling ni Janine kay Justine.
" Ehhh, gaga ka naman pala ehh... Nagwawala ka, ehh, nagcondom naman pala! " Inis na sigaw ko. Si Janine naman ay tumungo at pinunasan ang mga luha nya sa pisnge tapos ay humarap kay Lance.
"Sorry! Akala ko nilalagay lang yun para mas masarap. Protection pala yon... I'm Sorry, Lance. Inaway kita tapos wag mo ko kausapin ang hapdi ng ginawa mong puke ng ina ka!" Biglang sigaw ni Janine.
" Buntis ka na ata, ehh. Mood swings agad"
" Masakit lang talaga... " Mabilis nyang saad. Nagpatulong sya kay Lance na pumunta sa kwarto. Pumasok na din ako sa kwarto ko at paglabas ko ay nasa baba na silang lahat.
"Masakit pa ba?" Tanong ko at ngumiti sya sakin.
" Di na. Ok na. " Sagot nya. Nagpatuloy kami sa pagkain at sabay-sabay umalis. Pagdating namin doon ay nandoon si Jaylen na parang may inaantay. Nang makita nya ako ay agad na lumapit sa akin.
"Good morning." Bati nya.
"Good morning din." Nakangiting bati ko. Tinulungan nila kami ngayon at natapos na namin lahat. At pauwi na sana ako ng bigla akong makatanggap ng text galing kay Big Boss.
Captain Dragon... Here's the list of your new members.
Team Alpha
Eagle - Justine Lopez
Snake - Lance Lopez
Captain Dragon - Angel S
Lion - Janine Rasui- Lopez
Koala - Karinna Delos Santos
Owl - Harry Perez
Monkey - Sammy Diaz
Chameleon - Jayson Torres
Lahat sila ay nandyan lang din sa school nyo and pare-parehas kayong Third Year. So pwede mo na silang makausap here's the numbers of your new members.
0956*******
0921*******
0909*******
0956*******
Kinuha ko ang chip-device ko at dial lahat ng number nila kasama na ang kila Janine. Nang sagotin nila ay nagsalita agad ako.
"Headquarters. 12Mins. Move!" Nagmamadali kaming apat pumunta sa kotse at ng nasa kotse na kami ay agad akong tinanong ni Janine.
"Ano bang nangyayari? Natataranta ako ha?!"
" Code Orange. " Sagot ko. Ilang minuto lang ay narating na namin ang headquarters. Pagdating namin doon ay naupo agad kami. Maya-maya pa ay dumating na sila isa-isa.
"Angel?" Tanong ni Sammy. "What are you doing here? Is your boyfriend, know that you are here? " Dagdag pa nya.
" Di ko sya boyfriend. So... Shall we start? " Nakangiting tanong ko at tumango silang lahat. Ako naman ay pumunta sa nasa gilid para hubarin ang uniform ko. Paghubad ko ay tumambad sa kanila ang uniform ko sa S.A. Inipitan ko ng messy hair ang buhok ko at seryosong tumingin sa kanila. Nakita ko naman ang takot sa kanila.
"Guys show them, your real identities." Seryoso paring saad ko. Nakatingin parin sila sa akin na para bang kakainin ko sila ng buhay. Ganon din dati sina Janine, Ate Karen, Justine, at Lance ng una akong maging Teammates nila.
"Let me introduce myself first. Im Angeline Charmaine Santos Tyler S." Tapos inabot ang kamay ko sa kanila at mabilis nilang inabot. "But im Captain Dragon too." Pahabol ko.
"Im Justine Jayson Torres Lopez. Also Agent Eagle." Pagpapakilala nya tapos nakipagkamay sa kanila.
"We're Mr. And Mrs. Perez. Im Lance Laurence Perez Lopez. And also known as Agent Snake. Magpinsan din kami ni Justine." Pagpapakilala naman ni Lance.
" And I'm Mrs. Janine Jashena Rasui-Lopez. Also Agent Lion. " Tumango nalang sya dahil alam na nya ang mangyayari kapag nakipagkamay sya. Magseselos si Lance
"Im Agent Koala. Girlfriend ako ni Eagle. And my name is Karinna delos Santos. Karen nalang"
" Im Agent Owl. Harry Perez here. And cousin nyo din akong dalawa." Turo nya sa dalawang magpinsan.
" Im Agent Monkey. Ako si Sammy Diaz. "
" Im Chameleon. And Jayson Torres too. " Pagpaakilala nya.
" So pwede na ba tayong umuwi? " Nakataas na kilay kong tanong.
"O-oo. P-pero pwede wag kang masyadong seryoso. N-nakakatakot k-ka ehh. " Naiilang na saad ni Sammy.
" Umuwi na tayo." Tapos ay naglakad na ako palabas at hinayaan silang sumunod sa akin. Nasa iisang sasakyan na kami ngayon at nag-uusap kaming lahat.
"Basta walang magkakalat ng totoong identities namin ha?" Natatawang saad ko. Tumango naman silang tatlo.
"Grabe! Ang gwapo nyo pala?!" Di makapaniwalang sigaw ni Sammy kila Lance at Justine.
"Maganda kasi lahi namin! Hahahaha!" Sabat ni Harry.
" Doon na pala kayo titira sa tirahan namin." Bigla kong sabat sa kanila. Tumango lang sila. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay. Pagkababa ko ay sinalubong agad kami ni Mommy.
"May bisita kayo?" Tanong ni Mommy pagkatapos kaming bigyan ng beso isa-isa.
"New members po, Mom." Sagot ko. Nagpakilala na sila isa-isa at pumasok na kami.
"Nandito na pala ang team Alpha" biglabg salita ni Dad habang komportableng nakaupo sa sofa at nakapandekwatro.
"Big Boss?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo.
" Yes! And Angel is my daughter too. So, yeah! Ingatan nyo ang baby ko ha? "
" Daddy talaga, ang sweet" malambing kong saad at yumakap sa kanya.
"Sorry, ganyan talaga si Ate. Andaming nagmamahal pero di makahanap ng jowa" sabat ni Adrian. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"J-Joke lang" nagpeace sign sya at patakbong pumunta sa kusina. Kumain na kaming lahat at nanood muna ng kung ano-anong nasa flash drive ni Sammy. At pagkatapos ng tatlong movies ay nagkayayaan na kaming matulog.
2 Days Later...
Maaga palang ay nandito na kami sa school dahil aayusin pa namin ang ibang bahagi. Nasa kalagitnaan ako ng pagbubuhat ng boxes ng biglang tumunog ang phone ko.
Big Boss:
Captain Dragon. May isa ka pang member. Sabi ko ay puntahan ka nalang nya dyan sa school. His name is Seven Edkiel. Agent White.
Nakatitig parin ako sa screen ng phone ko dahil di ko parin ma absorb ang mga nabasa ko. Patay! Si Seven, member ko! Magseselos nito si Jaylen!
"Hi Angel" biglang bati ni Seven. Pinakita ko sa kanya ang phone ko at nakita kong nagulat sya.
"I-ikaw ang captain ko?" Di makapaniwalang tanong nya.
" Oo. Kaya wag kang masyadong magulo. Umayos ka! " Seryosong banta ko. Nakita ko namang natakot sya sa akin. Ganon ba talaga ako nakakatakot?!
"May tatanong lang ako? Kayo na ba ni Jaylen?" Parang nanlulumo nyang tanong. Umiling naman ako. At nakita kong lumiwanag ang muhka nya.
"Tulungan na kita" saad nya at binuhat ang iba ko pang dala. Hanggang sa magsimula na ang programs ay walang teammates ko ang umalis. Lahat sila ay parang mga ahas na laging nakadikit sa akin.
--- to be continued ---