Chereads / Must hate that gentleman / Chapter 5 - His after her (still)

Chapter 5 - His after her (still)

Artemis' POV

"Artemis!" Parang galing sa ilalim ng lupa ang boses nang tumawag sa akin. Biglang may kumalabog at napabalikwas ako ng bangon. Nilibot ko ng tingin ang paligid, nasa kwarto pa rin pala ako.

"Hoy! Tanghali na Timi!" Malakas na katok mula sa pinto ang nagpaigtad sa akin para tumayo sa higaan.

Basta na lang akong naghila ng damit sa aparador at matapos maligo ay bumaba agad ako upang sabayan si mama sa hapag.

"Himala tinanghali ka magbukas ng tindahan mo."

Oo nga eh walang hiya kasi 'yung panaginip ko may bwesit na lalaking bumalik sa buhay ko para pestehin lang ako.

"Si ate?" Nasaan na ang gaga na iyon don't tell me tulog pa siya? Sabi niya sasamahan niya ako sa tindahan.

"Ayun sinundo ng kuya mo pupunta raw ng library."

"Library ba talaga?"

'magdedate lang yung dalawang iyon'

"Bayaan mo 'yung dalawa na 'yun matanda na sila."

"Sige ma mauna na po ako," pagpapaalam ko matapos ko kumain. Tumango lang si mama.

Pagdating ko sa tindahan nabungaran ko si Arlene ngumiti siya ng makita niya ako.

"Kala ko sasamahan mo ate mo?"

"Sinamahan na siya ng asawa niya kaya mag-work ako today," sagot ni Arlene.

Mabuti naman may kasama pala ako ngayon. Wala naman masyadong customer kaya naman pinasya ko umidlip muna. Pero ilang saglit lang akong nakapikit narinig ko na naman ang boses na narinig ko sa panaginip ko kanina. Napatayo ako ng 'di oras pagtingin ko kay Arlene nakatingin siya akin na parang nahiwagaan sa kilos ko.

Samantalang dumiritso naman ako sa labas tuloy-tuloy ang lakad ko pero parang may mga matang nakasunod sa akin. Sinusubukan kong tingnan ang paligid wala namang nakitingin sa akin naparanoid na ata ako mula pa kaninang magising ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta hanggang sa may madaanan akong tindahan ng tusok-tusok.

"Manong pwedeng painit tapos dagdag mo na rin pala ito." Sabay turo ng sampung piraso ng chicken balls. Naalala ko bigla si Arlene paborito niya kasi ang chicken balls

"Magkano po lahat?" Sa dami ng binili ko na kikaim, fishball at kwek-kwek may chicken ball pa malamang aabot isang daan ito.

"Php. 98.oo lang ija," kinapa ko 'yung bulsa ko.

Namutla ako nang maalala ko na dumiritso nga pala ako kanina, kasi naman eh wala ako sa sarili ko. Nakakahiya naman medyo malayo pa man din ito sa tindahan.

"Palamig nga po dalawa. Ito po bayad kasama na po 'yung kanya," wika ng kung sinong biglang sumulpot. Biglang tumibok nang mabilis yung puso ko. Napapikit ako sa sobrang kahihiyan sigurado ako na si Jun ang katabi ko dahil kilala ko ang boses niya.

"Hindi ka dapat naglalakad nang tulala."

Paanong? Don't tell me sinusundan niya ako? Pero hindi ko naman siya nakita kanina.

"Pakibaso po 'yung sawsawan at pakiplastic na lang po ng items," saad ko kay manong.

"Sukli mo pala, Hijo." Iaabot na sana ni manong ang sukli pero tumanggi si Jun na kunin ang sukli niya sa 200-peso bill, ayon pa sa mukong ay keep the change na raw.

Hanep namimigay ng pera sayang din yung sukli niyang Php. 92. oo!

"Galanti naman ng boyfriend mo, Hija." Ngiting-ngiti si manong habang nakatingin sa aming dalawa.

Excuse me lang huh? hindi porket binayaran niya ang binili ko hindi ko na pwede itama ang mali.

"Hindi ko po siya boyfriend," nakangiti ako kay manong, napakamot lang ito ng ulo.

"Ay kung ganon malamang mag-asawa na kayo?"

Kakaiba rin ito maghinuha si Manong. Bigla akong naubo sa sinabi ni manong. Mag-asawa agad? Di ba pwedeng magkaibigan lang? toinks! Di nga rin pala kami magkaibigan let's say na strangers kami pero magkakilala.

Hanudaw?

Ay ewan ko nababaliw na ata ako.

There's no point in explaining things, makabalik na nga lang sa tindahan.

"Babayaran kita sumunod ka sa akin," wika ko.

Pagkabalik ko sa tindahan kumuha agad ako ng 100 peso bill. Bago ko ibigay iyon kay Jun ay inutusan ko si Arlene na kumuha ng gagamitin naming plato. Para masiguro ko muna na wala sa paligid ang aking sales lady.

"Oh! bayad ko, sa'yo na iyang dalawang piso na sobra, hanap ka ng kausap mo." Iniabot ko ang pera sabay irap sa kanya.

"Hindi mo ba talaga kayang maging mabait man lang? after two years ngayon lang tayo nagkita ulit."

Nasobrahan na ata ako pakiramdam ko ang arte- arte ko hay ano ba ito. Pakiramdam ko kasi hindi ako komportable tuwing nasa malapit siya kaya naman nasusungitan ko siya.

"Gusto ko lang namang mapalapit----" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil naitakip ko kaagad ang isang kamay ko sa bibig niya nang marinig kong papalapit na si Arlene.

"Ito na ma'am, pwesto ko na." Bago pa man maiayos ni Arlene ay dumulas ang bitbit nitong platito mabuti na lang mabilis ang reflexes ni Jun agad niya itong nasalo.

"Thank you," pabebeng wika ni Arlene na sinabayan pa ng tinging malagkit.

"Hindi niyo po ata kasama ang girlfriend niyo?" wika ni Arlene na akala mo kaibigan lang niya ang kausap niya.

"Kambal ko iyon, I'm still single." Sumilay ang matamis niyang ngiti habang nakatingin sa akin pinandilatan ko siya ng mata.

"Sayang naman kung wala lang talaga akong Drake," pabirong wika ni Arlene.

"Break time na. Sir, bumalik na lang po kayo mamaya or kinabukasan."

Pinutol ko na ang usapan nilang dalawa. Naguguluhan man ay umalis rin siya nang pandiltan ko siya ng mata habang tinataboy ko na parang aso.

"Parang may something sa inyo, ma'am." Napadiin ang pagtusok ko ng stick sa kwek-kwek.

"Gutom lang 'yan," pagbabalewala ko sa sinabi ni Arlene.

"Ang gwapo ni sir akalain mo single pa pala siya."

Hindi ako naniniwala baka nga may girlfriend 'yun sa kung saan man siya galing. Gwapo naman talaga si Jun magkakandarapa ba naman ang mga bakla at babae sa unggoy na yan kung hindi 'yan gwapo!

"Gwapo ba iyon?" Nanguuyam ko na wika.

"Nasesense ko na may gusto siya sa iyo parang may iba sa tinginan niya sa iyo. Paano kapag niligawan ka niya ma'am?"

"Guni-guni mo lang iyan."

"Paano nga kung tama ako sasagutin mo ba siya, ma'am?"

"Syempre gaya ng dati hindi pa rin." Napasarap ako ng sagot gusto ko mang bawiin ang nasabi ko, wala na— it's too late.

Napatutop si Arlene ng bibig niya, "Kaya pala parang ang bitter mo ma'am, may past pala."

Hindi na ako sumagot pa dumiretso ako ng banyo at naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay payapa ko na isinandal ang likod ko sa upuan siya namang biglang pagring ng ang aking cellphone. Kahit na unregistered number ay sinagot ko pa rin ito kung prank man ay ibaba ko agad.

"Hello."

"Jane?"

"Yep."

Nakahinga ako nang maluwag ng masigurado ko na si Jane ang may ari ng numero. Kasalanan ko rin naman hindi ko agad ni-register ang numerong binigay niya bago ko naiwala ang calling card niya.

"Are you busy? If you don't mind, I want to invite you for lunch tomorrow."

"I don't mind at all." I should've said I'm busy.

"Great! thank you, see you at Sm north."

Gusto ko mang bawiin naisip ko na wag na lang. Sa tono niya kasi mukhang masaya siya na pumayag ako.

Hay pambihira mukhang hindi lang si Jun ang mangungulit sa akin. Pati itong kambal niya naku naman talaga!

Pero bakit parang naii-excite ako?!