Isang linggo na ang nakalipas ng bumalik si angela at makauwe sa bahay nilang mag asawa.
What even made her surprised is when she finds out na pumapasok na sila sa isang kompanya..
Tahimik na nakatingin si justine sa tv pero wala dun ang utak nya..
Sooner or later kelangan na nyang umalis at gampanan ang tungkulin nya..
Pero bago yun kelangan muna nyang siguraduhin na ligtas at nagdadalang tao ang asawa bago tuluyang iwanan ito.
"una na ko sa taas.." tayo ni angela saka humihikab na naglakad palayo..
Tinapunan nya ito ng tingin..
Ilang minuto lang ang lumipas ay sinundan nya rin ito sa taas..
Pagpasok nya sa kwarto nagulat ang dalaga dahil nagbibihis ito ng bigla syang pumasok...
Nakatapis lang ito ng twalya at nagsusuot pa lang ng underwear habang kagat nito ang twalya para matakpan ang dibdib ..
Nang makita sya ni angela ay agad itong napatalikod sa kanya habang mahigpit na napahawak sa twalya na tanging harap lamang nya ang natatakpan kayat sigurado syang malaya ngaung nakikita ng binata ang likod nya at ang kulay puti nyang panty hanggang sa mga hita nya ..
"pwede ba nagbibihis pa ko!?" pasigaw na wika ng dalaga .. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya..
Narinig nya ang paghakbang ni Justine ,akala nya ay aalis ito pero hnd bumukas ang pinto bagkus naramdaman nya ang pag hawak nito sa magkabilang dulo ng twalya at ipinulupot sa kanya.
Pero hindi ito agad lumayo naramdaman ni angela ang paglapit ng hininga nito sa balikat nya at napa pikit sya ng mariin sa kaba..
"smells good.." halik ng binata sa batok nya.. Bago ito tuluyan umalis at pumasok na muna sa banyo .
Sinamantala iyon ni angela upang makapag bihis agad.
Paglabas ng binata sa banyo , nakita nya agad ang nakahigang dalaga sa kama.
Nakasuot ito ng pajama at tshirt .
Alam nyang nagtutulogtulogan lang ito,dahil sa halos tatlong buwan nilang magkasama alam nyang hindi ito nakakatulog agad ..
Pumwesto sya sa tabi nito at kinalabit ito,
" Alam mo ba kung ano ngayon?"
Pagka kwan ay wika ng binata..
Hindi umimik ang dalaga at nanatiling nakapikit.
" okay , you must be tired.Bukas nalang siguro,total its your off." he added,saka umayos na ng higa ipinikit ang mga mata.
Pero maya maya ay binalingan uli ang dalaga..
"Angela " ngunit hindi pa rin kumilos ang babae..
"whatever , alam kong naririnig mo ako. I just want to tell you ,Im actually willing to wait ,hindi naman ako nagmamadali .Naiintindihan kita ,believe it or not."
Ayaw nyang saktan ito.Siguro kung nagkakilala sila sa ibang sitwasyon ,iisipin nyang hindi sila bagay ng dalaga.Hindi sya ang lalaking karapatdapat para dito.
She deserve someone better,not a hard headed bastard like him.
She deserve to be taken care of.
Her purity and innocence deserve to be kept well until the right one comes along.
And one thing is for sure, He is the bad guy.
" When the right guy comes.. You 're free ,you can actually leave me alone."
He stated.
He gave her a final glance.
Mukhang tulog na nga ito talaga.
He turned off the lights.
She heard everything .
Pinagmasdan nya sa dilim ang matipunong likod ng lalaki.
May kung anong kurot sa puso syang naramdaman dahil batid nya sa sinabi ni justine ang tuno kung saan parang nasanay na ito sa kalungkutan at pag iisa.
Parang gusto nya itong yakapin upang iparamdam na hindi nito kelangan maramdaman yun.. Pero natatakot sya, pano kung kaya nya iyon nasasabi dahil wala naman talaga itong nararamdaman para sa kanya?
Worth it ba tumaya sa umuusbong na magulong damdaming ito para sa lalaking katabi nya?
Nagising si justine sa liwanag na naaaninag nya mula sa lampshade ng bed table na nasa kabilang gilid ng kama, nais nyang isa walang bahala iyon ngunit tila may dalawang pares ng matang nakatunghay sa kanya kaya naman kahit antok pa ay pilit nyang ibinukas ang mata ...
"Bakit?" Tanong ni justine sa babaeng nakahiga sa tabi nya ,gising pa ito nakahiga patagilid at nakatingin lang sa kanya..
He immediately notice her bare shoulders,Naka kumot ito hanggang dibdib..
Oh shit!
Mura nya sa isip,muntik na syang mapabalikwas sa kama ng marealize na tila wala itong damit ,because she never wear sleeveless shirts during bedtime lalo na pag magkatabi sila..
Umusog si angela palapit sa kanya,dahilan upang dumikit ang katawan nito sa kanya,
At dahil sanay syang naka boxer lang matulog at di nagkukumot ..
Awtomatikong nagreact ang katawan nya sa lambot at init na tumatagos sa tela ng kumot na tanging nakapagitan sa kanila
Nagugulohang tinitigan ni justine ang maamong mukha ng dalaga, gusto nya itong siilin ng halik,hablutin ngunit pinipigilan nya ang sarili na tila tinatansya ang magiging reaksyon ng dalaga ..
Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman .
pakiramdam nya ay nanginginig ang kalamnan nya sa pagkasabik na pilit nyang sinusupil sa sistema nya.
Ngunit itinaas ng dalaga ang kamay nito at hinaplos ang panga nya .
Mabilis pa sa alas kuwatrong umibabaw si justine rito at hinuli nya ang kanang kamay nito saka ipininid sa taas ng ulo nito.
"Don't you dare me woman" puno ng kontrol sa sarili na wika ni justine.
Ngunit tiningnan lang sya ng dalaga sa mukha pababa sa malapad nyang dibdib at pababa pa..
Thats it ,wala na syang pakialam kung magagalit ito at siniil nya ito ng halik.
Yumakap ito sa batok nya at tinanggap ng buo ang halik na ginawad nya,wala sa sariling humaplos ang kamay nya sa braso ng dalaga pababa sa bewang nito at pataas sa malambot na dibdib nito ..
Ngunit naputol iyon ng may isang malakas na tili syang narinig
"Ahhhhh!!..."
Awtomatikong nagmulat ng mata si justine ,madilim sa buong paligid.
Habol ang hiningang bumalik sya sa hwesyo, panaginip lang pala lahat.
Ngunit kasalukuyan syang nakayakap sa kanyang asawa,ang kanan na kamay ay nakadapo sa malambot na dibdib nito at buhay na buhay ang kanyang alaga na ramdam nyang tumutusok sa likod ng katabi.
Agad nyang binawe ang kamay at lumayo rito.tumihaya sya at habang nakatitig sa kisameng madilim ,pinakikiramdaman nya kung nagising ba ang katabi
Ngunit tahimik lang ito at hindi gumagalaw.
Muli nyang nilingon ito at inaninag kung talagang tulog ito , dahil kung sakaling nagising ito talagang masusuntok nya siguro ang sarili,dahil sa kalokohang nagawa nya.
Hindi naman sya manyakis ,at hinding hindi nya sasadyaing gawin yun kung nasa tamang katinuan sya.Nadala lang sya ng panaginip... At hinding hindi na mauulit
Pinilit nyang pakalmahin ang sarili, at ipinikit muli ang mata upang bumalik sa tulog...
Halos masuffocate si angela sa pagpigil ng hininga , hindi nya napigilan na mapasigaw ng maramdaman ang pagkilos ng kamay ng katabi ..
Naalimpungatan sya ng marinig itong nagsasalita ngunit hindi maintindihan ang sinasabi nito. Gigisingin nya sana ito dahil mukhang nanaginip ngunit naramdaman nya ang biglang pagyakap nito sa kanya ,hindi sya nakagalaw agad pero mas nabigla sya ng tumaas ang kamay nito at dumikit ang palad nito sa kaliwang dibdib nya,mas nanlaki ang mata nya ng gumalaw iyon para damhin ng buo ang dibdib nya ,napasigaw sya ng pisilin nito iyon.
Maramdaman naman nya ang pagtigil nito ,at ilang segundo ay bumitiw ito at lumayo sa kanya.
Pigil hininga na napapikit si angela , hindi sya kumilos o gumawa ng anomang ingay. Hindi nya alam kung gising ba o nanaginip si justine . Pero kung sinadya nito iyon ,isa lang ang masasabi niya...
Hindi pa sya handa para sa mga ganitong bagay at sa totoo lang sobrang natatakot sya sa twing iisipin nya na darating ang araw na kelangan na niyang ipaubaya ang sarili dito.
Kinaumagahan, nagising si angela na wala na ang katabi sa kama.
Mas nakahinga sya ng maluwag ..
Marahil ay maaga itong nagising dahil may pasok naman ito sa trabaho.
Dahan dahang bumangon sa kama ang dalaga at naglakad papunta sa kusina,
Justine was about to sip his coffee ng bumungad sa kanya ang rason kung bat bangag sya at walang tulog,
halos masamid ng mapaso sa iniinom na kape..
Angela stop as she saw the man wrapped in towel around his waist bagong ligo lang ata ito dahil basa ba ang buhok at tumutulo pa ang tubig sa balikat nito..
"Hi " wala sa sariling bati nya dito..
" Goodmorning " tila nasamid pa na sagot ng lalaki..
Imbes na tumuloy sa kusina ay umatras si angela at dumiretso sa sala , ini on ang tv at nag scan kunware ng channel na panunoorin..
Hindi naman nya gawaing manuod ng tv sa umaga , gusto nya lang siguro ibaling sa ibang bagay ang atensyon.
Maya maya, nang makataas na ang lalaki ay nagpunta si angela sa kusina upang makapagtimpla ng kape ,at magluto ng agahan ..simpleng itlog at hotdog lang ang niluto nya . Kaya mabilis lamang iyon habang nakasalang sa rice cooker ang kanin.
Pagbalik nya sa sala ay naroon na si justine at nanunuod ng tv.
" Magbreakfast ka muna bago pumasok " aya ni angela , akala nya ay may pasok ito sa trabaho pero hnd ito naka suit...
" Its my off."tugon lang nito.
" Oh .. sabay pala tayo?, O sya tara kumain na tayo.."
" Mauna ka na.."
Hindi na namilit pa ang dalaga , pumunta ito sa kusina at pagbalik ay may bitbit na itong mayonnaise,hotdog at loaf bread .
Naupo ito sa sofa at inumpisahang kumain ng hotdog.
" Sinong first bf mo? " Out of the blue question ni justine.
" Ha? Wala nga diba.. sinabi ko na yan sayo dati "
"Bakit?" Kunot noo na baling ni justine sa katabi.
"Because ..I dont know..
Baka kasi wala akong ginawa kundi mag aral ng mabuti dahil yun ang sabi ng daddy mo ,magaral ako ng mabuti at wag muna mag nobyo."
"So you've never been kiss and never been touched?"
Natigilan si angela sa pag nguya at nagiwas ng tingin...
"Bakit ganyan yung mga tanong mo?"
" Because I want to know more about you , you're living with me ..
You know a lot about me ,but I dont know you."sagot ni justine.
" So tell me ,sino ?"
Nakita nya kung pano nagiwas ng tingin ang babae na tila ayaw nito sagutin ang tanong nya.
Nagpatuloy lang sa pagnguya ng hotdog ang babae at di sya pinansin.
" Okay virgin mary..so you did it with someone else before." natatawang wika ng lalaki.
" Excuse me. You kiss me on our wedding day, and you touched me last night!"
Inis na sikmat nya sa katabi.
Natahimik si justine.Ilang segundo bago nag sink in sa kanya ang sinabi nito...
"Ah,maam ..Sir? baka may idadagdag pa kayo sa labahan?.." sakto ay pumasok naman ang kasambahay Para itanong kung may mga damit pang dapat ilaba sa kwarto ng dalawa..