Hindi marunong magpaligoy ligoy ang isang justine villafranca .Kung may kelangan sya sasabihin nya ito agad.
Muntik syang masamid sa sariling laway ng marinig ang sinabi ng dalaga.
" Right.. I didn't mean to do that. " Deretso ang tingin na turan nito.
" Don't worry ,next time pag nanaginip ka sasampalin na kita."
Pauna na ni angela sa kanya.
" I have a question.I hope you dont mind" seryoso ang mukha nito.
" Okay."
"Your not afraid to have sex ,right?..
Because if yes, I want to know why?"
Uminit ang buong mukha nya ..
" Ewan" nagugulohang sagot ni angela, "teka bakit ba?"
" Just answer me."blanko ang ekspresyon ng mukha nito.
"I don't know" , nagugulohang sagot ni angela
" We need to know. "Tumayo si justine at lumapit sankanya
"Lets find out kung san ka komportable..
All you have to do is to trust me."
"Pwede ba ,wag mo ko pag eksperimentohan !" , banta ni Angela.
"Okay hindi kita hahawakan , then I let you touch me, can you do it ?"
Casual na sabi ng binata ,walang bahid ng pagbibiro ang tono at ekspresyon ng mukha nito
Nanlaki ang mata ni angela at mas lalo itong namula.
"You can't,So let me do it, I will be very gentle. I wont hurt you , and you can tell me if I need to stop, or if Im hurting you. I will be very careful."
Seryoso lang ang ekspresyon nito pero may bahid ng pangungumbinsi.
Inilahad ni Justine ang kamay sa kanya ,
" Come on ,give it a try"
Nang ayaw iyon abutin ng babaeng nakaupo ay nagkusa ng lumapit ang binata at aktong bubuhatin ito pero pinigilan sya
" N-no"Inunat ni Angela ang dalawang braso upang hindi lumapit ang lalaki.
Napatuwid ng tayo ang binata.
" Why?" He ask.
" Period"
" Huh?" Kumunot ang noo ng binata ,
" Okay ..I get it. You have a period?"
Hindi makaapuhap ng isasagot ang dalaga ,kaya kung ano ang unang naisip ay yun na ang sinabi nya..
" Ah ,yes. First day!"
" You better be telling the truth." Umarko ang makapal na kilay ng lalaki.
'ser may puging lalake ho don sa git , jek daw ang pangalan. papasoken ko daw po sya" pasintabi ng kasambahay nila.
Nanlaki ang mata ni justine ,
'Oh hell.Go up.." agad na hila nya sa asawa.
Nagugulohang tumayo si angela at sumunod dito. Sa kusina sya nagtungo.Samantalang sinalubong naman agad ni justine ang pinapasok na bisita ng kasambahay..
"Hey man! This is a nice place.."bungad ni jake na nakatayo sa harap ng pinto.
"Just how did you get in here?" justine spurted ..
"You don't look happy that I'm here,hindi nanaman maganda ang gising mo...Anyway napadaan lang ako kasi na-c cr ako. "natatawang sita ni jake at dumiretso sa pinto..
Walang nagawa si justine kundi papasukin ito.. pero nakasunod sya dito. Nang lumampas ito sa pinto ng Cr at papunta na sa kusina ,pinigilan sya ni justine sa pamamagitan ng paghawak ng tshirt nito sa likod..
" Dito ang cr ,jake" untag ni justine, sabay bukas ng pinto ng cr. Pag pasok dun ng kaibigan , agad pumunta si justine sa kusina,naroon si angela at nakaupo sa likod kitchen island counter.
"Do me a favor , wag ka magpakita kay Jake.Got that?" He told her in a low tone.
Nagugulohang nag thumbs up si Angela, at nanatili sa pwestong yun.
"hey bro, what are you doing there?" tanong ni jake na kalalabas lang ng banyo.
" Nope. " patay malisyang harap ni justine sa kanya.
"kelan ka lumipat dito? galing ako last night sa villa nyo,sabi ni Papi V, nandito ka daw kasama ni Angela.Na curious ako , thats why I drop by, anyway anong gagawin ng maganda mong kinakapatid dito? Andito sya last night?" sunod sunod na tanong ni Jake.
"Why exactly are you asking about her?" magkasalubong ang kilay na wika ni justine.
"Because she's interesting, "harap ni jake sa kanya...
"heee anyway, you don't have a taste in women, your an android. A cold stupid asshole.Hindi ka maka relate.aalis na ko" jake shrugged and went straight to the front door.
"She's married,besides he is not interested on you." Deretsa ni justine.
" Aww, wala kang tiwala sa karisma ko?"
Nasasaktang wika ni jake.
" Whatever , just get the hell out of here." Taboy ni Justine dito ,he is literally escorting him out to the gate.
" Anyway punta ka sa saab 8 , pag di ka pumunta susunduin kita dito."pahabol ni jake bago lumbas ng gate.
Nang masigurado ni angela na wala na ang bisita lumabas na ito sa kusina ,naabutan nya si Justine at lalang may binibilin ata ang lalaki dito. Hindi nya iyon narinig ,kaya binalewala nalang iyon at bumalik sa harap ng Tv.
Maya maya ay pumasok na si justine,pero dumiretso ito sa taas,si lalang naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa sa labas.
Nang mabagot ay lumabas na si angela upang tulungan ang kasambahay sa pagsasampay ng damit.
"Lang, ano pala sabi ng kuya Justine mo kanina?" Nagtatakang tanong ni angela.
" Ah sabe ,dili daw papasokin yung jek dito sa sunod te ..sayang ang pugi nun te noh?" Nanghihinayang na wika ng babae
Natawa naman si angela..
" Oo nga , pero kaibigan nya yun.. tingin ko mabait naman din.."
"Oo te, parang binanggit nung jek yung pangalan mo ,hinahanap ka ata...iwan baka nabungol lang ako.."
Mga Bandang ala sinco naligo si Justine dahil pupunta sya ng maaga sa saab 8, ayaw nyang magpa gabi dahil may kelangan pa syang tapusin at may pasok din sya sa trabaho bukas.
Tiningnan nya ang sarili sa salamin sa sala . Nakasuot sya ng sweatshirt at black pants.
Mayamaya ay bumaba si Angela naka bihis ito at mukhang may lakad din.
"Where are you going?" Tanong ni Justine.
" Ah sa mall lang ,mag-grocery tapos siguro dadaan ng watsons. Mag c-commute nalang ako ." Sagot ni angela.
She was wearing a puffed sleeve cream floral dress .
" I'll come with you but before 7 we should be home,kasi dadaan pa ko ng saab 8."
" Okay" sagot naman ng dalaga.
Nakakapagtaka at sinamahan pa sya ni Justine . So ang ending sinamahan sya nito sa watsons hanggang sa grocery.
Nasa beverage section sila ng may cute na batang lalake ang pilit umaabot ng box ng full cream milk.
Napangiti si Angela at tinulungan ito.
"Thank you " ngiti ng bata nasa 4 years old siguro ito.
" Your welcome " magiliw na sagot ni Angela.
Nang makuha ang gatas ay tila may hinahanap na luminga linga ang bata .
" Ma?" Mejo naalerto ito ng di makita ang hinahanap.
" What's your name? Lets find your mama.." ngiti ni angela dito dahil mukhang naiiyak na ito..
" I am Cross Belmonte wolfe, I am 4 years old.My fathers name is Crixan wolfe."
Derederetsong wika ng bata na tila memorize ang linyang iyon.
Natutuwang kinarga ni angela ang bata.
" Ang healthy mo naman, your so heavy"
Maya maya ay sumulpot si Justine may dalang malalaking Lays at lumapit sa asawa.
" Who's that?" Nagtatakang tanong ni justine.
" Nawawala sya eh , hanapin natin yung mama nya.." sagot ni angela.
" Seriously? Not now ... Ibaba mo na yan"
Wika ni justine.
" Mauna ka na , magcocommute nalang ako pauwe ,Don' t worry kaya ko na to" she assured him para di na ito maistorbo.
Di makapaniwalang pinanlakihan nya ng mata ang babae,
" Bakit ba ang tigas ng ulo mo ?"
Kinuha nya ang bata dito pero ayaw nito ibigay..
" He is heavy ako na ang magbubuhat, ano bang ginagawa mo?"
Nang bitawan iyon ni angela ,ay itinaas ni justine iyon sa balikat
Tuwang tuwa naman iyon ,that way mahahanap daw nila agad ang mama nito.
Matangkad si justine kaya nakakangalay tingalain ang mga ito.
Nang malapit na sila sa cashier..
" Mom!" Sigaw ng bata
Napalingon si angela sa dereksyon na tinitingnan nito ,pati si Justine ay tumingin dun.. Isang babaeng maputi at mukhang foreigner ang lumapit sa kanila...
"Oh my gosh , Cross! Where did you go ??" Naiiyak na wika ng babae.
Agad na ibinaba ni Justine ang bata.
" Angela?" Tila tumigil ang oras para sa kanila.
" Villafranca?" Di makapaniwalang sambitla ng babae.
Nagpalipat lipat ang tingin ni angela sa dalawa. Angela din ang pangalan ng babae??
" Thank you for taking him with you ,I am with my husband .We have to go..I'm sorry.." paumanhin ng babae.
" Wait-" pigil ni Justine..
Pero hinila na ng babae ang bata , nag wave ng kamay ang chikiting para mag b.bye sa kanila..
" You know her? " Nagtatakang tanong ni Angela.
" Never mind. Tara na ." Walang ano anong turan ng lalake at nauna na.
Nagtatakang tiningnan naman sya ni Angela.
Matapos mag grocery ay deretso na syang hinatid sa bahay , tapos ay umalis muli ito papunta ng saab 8
" What ?!Nakita ni Angela si Angela?
As in Si Angela Belmonte??" Mulagat ni Rod.
Tiningnan sya ng masama ni Justine.
" You mean, your ex??" Bulong ni Rod.
Walang ganang tumango si Justine.
"What the hell... Alam ba nya ?"
Di makapaniwalang wika pa nito.
" I dunno. " Hindi interesadong sagot ni justine saka tumayo ..
Sya namang dating ni Jake..
" Hep hep hep .. Not so fast, san ka pupunta?" Pigil nito kay justine.
May kasama itong babae ..
Sanay na sila Rod kay Jake , kung sino sino lagi ang kasama nito.
" Justine, I want you to meet Angeline.
Angeline ,this is justine."
Tumango si Justine.
Ngumiti ang babae at inilahad ang kamay sa kanya , nakabulsa ang mga kamay ni Justine, at hindi ito kumilos .Blanko ang ekspresyon na tiningnan lamang ang babae.
Napailing si Rod sa gilid na natatawa...
Kahit naman talaga noon ,walang hilig sa babae si Justine , hindi ito basta basta nagkakagusto lang kung kanikanino..
Palihim na Siniko ni jake si Justine.
Awtomatikong tinapunan iyon ni Justine ng masamang tingin..
" Tumabi ka jan, naiihi na ko" daan ni justine sa harap nila.
Nang makalayo na ito..
Humingi ng pasensya si jake sa babae .
Saka hinayaan na itong umalis.
" Anong problema nun,badtrip nanaman?.. tatandang single yun pag di nagbago" puna ni Jake kay justine saka pumwesto sa tabi ni rod.
" Balita?" Tanong ni rod.
" May Nobyo ba si Angela? Di ba bestfriend kayo ni justine.. di nya ba nakwento sayo??"usisa ni jake.
" Wag mo na tangkain. " Babala ni Rod.
" Bakit naman, ano namang masama?" Pilit ni jake.
" Kinakapatid ni Justine yun ," paalala ni rod.
" O kinakapatid, hindi kapatid at mas lalong hindi girlfriend.Kaya bakit hindi, di ba?" Giit ni jake.
" Bahala ka jan , subukan mo para malaman mo." Kamot ni rod sa ulo.
Matapos mag banyo ay agad nagcheck ng cellphone si Justine, as if nanaman may mag t.text sa kanya.
Mag aalas 9 na ng gabi.. siguro ay dederetso na syang umuwe.
Lalabas na sana sya ng saab 8 , nang may humarang sa daraanan nya.
Isang babaeng may hawak ng drinks..
" Hey , wanna grab some drink?"
Tumigil si Justine at umiling sa babae,
" Sorry , but I'm good.."
Aalis na sana sya ng biglang may humablot sa balikat nya ,pag harap nya ay kwenelyohan sya ng lalaki.
" Hoy ikaw di mo ba alam na syota ko yan?!"
Tiningnan ni Justine ang kamay nito na nakahawak sa kwelyo nya at tinabig yun..
" I don' t give a fuck.."
Saka badtrip na nilampasan ang lalaki.
Walang ano ano ay bigla nalang kumilos ang lalaki at akmang hahampasin ng bote sa ulo si Justine ,Ngunit agad na nakaiwas ito. Tumama sa mesa ang bote at nabasag iyon.
Ayaw pumatol ni Justine lalo na sa lasing, at isa pa may pasok sya kinabukasan kaya ayaw nya makipag basag ulo ngayon..
Walang emosyon na tinalikuran nya lang ito . Na mas lalong kinainit ng ulo ng lalake kaya't sinugod nito si justine gamit ang basag na bote ,mabilis na nailigan iyon ni Justine ngunit bigla itong naglabas ng balisong hindi iyon inaasahan ng binata kaya nadaplisan sya nito sa tagiliran, tuluyang nagising ang halimaw na pilit kinakalma nya mabilis nyang hinablot ang kamay ng lalaki at buong pwersang binaliktad.Tumilapon ang balisong kung saan ,at halos balian nya ito ng braso ,mabuti na lamang at umawat na ang mga nasa paligid.
Mabilis na nakauwe si Justine , di na sya nakapag paalam pa sa mga kasama . Kinapa nya ang tagiliran at napamura ng makita ang pagdudugo nun..
Ayaw nyang makita sya ni Angela na ganun, kaya naman ekspertong inakyat nya ang veranda sa 2nd floor para dumiretso sa kwarto ..nakita nya na nasa ibaba pa si angela kaya naman sinamantala nya ang paglinis ng sugat at paggamot nun..