"ayoko!" sigaw ni black habang nakakuyom ang dalawang kamao habang nakatingin sa kanyang ama gamit ang kanyang matalas na mga mata. "bakit niyo ba ako sineset-up sa mga arrange marriage na yan? ang pagpapakasal, pag-ibig 'yon! hindi pilit!" dagdag na bulyaw niya.
hindi nagpatalo ang tingin ng kanyang ama nang ginantihan niya rin ang anak ng kaparehang talas na tingin. "kailangan mong maikasal sa lalo't madaling panahon! saka sinabi ko na sa'yo ang dahilan. deal namin 'to ng ama ng mapapangasawa mo at pumanaw siya nang hindi natupad ang kanyang kahilingan. kaya to fulfill his last wish and to our deal, you have to get married to pregesis-"
"tignan mo nga! pangalan pa lang, ang bantot na!" pagputol ni black sa seremonya ng kanyang ama. "ayoko! pangit 'yon! ayoko makasal sa isang pangit!"
"edi hindi mo rin makukuha ang iyong mana. all your inheritance will be given to gray since he's a very obedient-"
"NO!" black intervened again. "kay gray pa talaga eh tsonggo yon! hindi mawawala ang mana ko at walang kasal na magaganap!"
unexpectedly, his father chuckled. para bang may mala-demonyong plano ang nangyayari sa utak niya nang ngumiti ito ng nakakaloko. ang kaninang tensyong paligid ay biglang nag-iba at naging mala-demonyo. "sa ayaw mo at sa hindi, mangyayari ang kasal! 2 weeks from now. kaya dapat maghanda-handa ka na. dadating dito si pregesis mga ilang araw mula ngayon. makaka-alis ka na," he said in a stern serious voice before focusing himself onto the papers that were on his office table.
galit na lumabas si black sa opisina ng dad niya at napasuntok nalang sa pader. isang luha ang tumulo galing sa mga mata niya. his heart was aching. it was still aching. he just can't accept the fact that he's gonna get married.
bakit?
tuloy-tuloy na tumutulo ang luha niya. puro paghihinakit at kalungkutan na matagal-tagal na rin nyang kinikimkim sa sarili.
hindi ko na kaya..
hindi niya na namalayan na may dugo nang tumutulo galing sa kanyang kamao na kani-kanina lang niyang isinuntok.
bakit mo ba ako iniwan..
"sir black? dumurugo na po ang kamao niyo!"
stylia..?