Chapter 4 - 3

"babe? sa'n kana?" tanong ng isang babae sa teleponong hawak. she scanned the surroundings, aiming to find the person she was looking for but failed seeing no one. 

napangiti nalang si black sa likod habang pinagmamasdan ang babaeng pinakamamahal niya, hawak-hawak ang mga dilaw na mga rosas na bitbit niya sa kaliwang kamay habang ang isa naman ay sa telepono niya. 

"parating na'ko babe. sandali.." sagot ni black sa kanya bago binaba ang tawag. 

kitang-kita ni black paano mainis ang babae habang sinusubukang kontakin ulit siya. pinatay ni black ang cellphone niya para hindi mabulilyaso ang plano. muling nainis ang babae nang hindi siya sumagot. lumukot ang noo nito sa inis. 

dahan-dahan na lumakad si black sa likod niya, sinisiguradong hinding-hindi siya maririnig nito. kitang-kita niya parin na patuloy pa rin nitong sinusubukang kontakin siya. 

nang makalapit na siya, iginiya niya ang sarili sa tenga nito at bumulong, "miss me babe?"

parang mas mabilis pa sa kidlat na pumaharap sa kanya ito at tinignan siya ng may gulat na nakaimprenta sa mukha. 

"black?!"

black chuckled lightly and smirked. "ah first name basis na pala.." sabi niya bago niya inabot ang mga rosas dito. "for you stylia.."

nakangiting tinanggap ito ni stylia at mabilis na yumakap ito sa kanya. medyo napa-atras ng konti si black sa gulat pero maya't-maya ngumiti nalang siya at ginantihan si stylia ng yakap.

"black, i love you!"

black, i love you!

black, i love you!

black, i love-

"stylia!" napabangon si black sa kanyang kama habang hinahabol nito ang kanyang hininga. tulong-tulo yung pawis niya kahit naka-full blast yung air-con. 

nang makarecover siya, tinignan niya yung telepono at nakita ang milyon-milyong nakahilerang notifications na hanggang ngayon hindi niya pa nababasa. sa halip na basahin iyon, tinignan niya lang yung orasan at alas syete pa pala ng umaga. napabuga siya ng hangin.

tatayo na sana siya nang may kumatok sa may pintuan. 

"ano?!" tanong niya sa kumakatok. sa pagkakahula niya ay ito ata ang mayordoma ng satan household.

"sir black, andito na po si ma'am pregesis at hinihiling ng supremo ang agarang presensya niyo po sa baba." matandang babae nanggaling ang tinig na iyon. totoo ang kanyang hula na ang tao sa labas ay ang mayordoma mismo.

"sige. maliligo lang ako! sabihan mo sila na bababa rin ako maya't-maya!" pasigaw na sagot ni black bago ito tumayo at kinuha ang puting tuwalya niya na nakasabit sa isang rack.

"masusunod po, sir." sagot nito at umalis na.

wala ng nagawa si black. andito na yung mapapangasawa niya. it's now or never. kahit ayaw niya sa kasal at maikasal ay wala na siyang kawala. matapos siyang magrebelde kahapon, sinimulan ng padalhan siya ng mga bodyguards galing sa ama niya at kahit saan siya magpunta, kahit sa kwarto pa ay bantay-sarado siya. buti nalang at napapayag niya itong magbantay na lamang sa labas ng kwarto niya kundi mababaliw na siya sa biglaang kawalan ng privacy kung magbabantay pa ito sa loob ng kwarto niya. 

as he opens the shower and let out the water dripped onto his well-toned body, his dream came across on his mind again. a single tear dropped from his left eye.

"i miss you, stylia.." 

•❅─────✧❅✦❅✧─────❅• 

"nasaan na ba si black?!" malakas na sigaw ng supremo ng mga satan, ang ama ni black mismo. "hindi pwedeng paghintayin ng matagal ang magiging asawa niya sa kotse!" dagdag pa niya.

"huminahon ka supremo. dadating din yun. maawa ka rin sa bata. this is an arrange marriage after all." sagot ng isang may edad na babae na nakaupo sa couch, kasama ang iba pa.

andito ang buong angkan ng pamilya ng mga satan at kapwa hinihintay ang presensya ng dalawang ikakasal. dagdag pa ang malaki nilang kuryosidad kung sino at kung anong klaseng babae ba ang mapapangasawa ng tanging heir ng satan family.

bumuntong-hininga ang supremo at pilit na kinakalma ang sarili. that's when suddenly, footsteps were heard from the stairs. they all looked up and saw black, along with his bodyguards, going down in the stairs. ang ikinagugulat lang nila ay mahinahon ito at nakapamulsa pa nga sa itim na above the knee shorts nito. 

"buti naman at hindi mo ito tinakasan!" sabi ng supremo, o sa madaling sabi, ama niya. 

black shrugged as soon as he stepped his foot on the huge living room. "i have no choice." he skirted his gaze around the perimeter and furrowed his eyebrows as soon as he saw how many people were there. 

"dad, ba't andaming tao? akala ko ba tayo-tayo lang ang sasalubong sa kanya?" tanong agad ni black. 

his father chuckled before putting his arm onto his son's shoulder and smiled. "son, this is a very important day! of course, kailangan makita ng buong pamilya ang mapapangasawa mo." black secretly rolled his eyes. "at ngayon at nandito ka na, ilabas na ang magiging asawa ng anak ko!"

agad naman sinunod ng mga butlers ang utos ng supremo at binuksan na ang pintuan ng kotse na pinagsakyan ni pregesis. lumabas ang napakaganda at kaakit-akit na babae mula sa kotse. kutis palang ay nakakahalina na sa mala-gatas nitong kulay. lumiliwanag siya na para bang isang mamahalin at pinakabihirang brilyante sa tuwing natatamaan ang balat niya ng sikat ng araw. she was wearing an off-shoulder flowing dress and she absolutely looked ravishing in her look.

agad-agad na pinayungan siya ng mga butler habang ang iba naman ay dala-dala ang kanyang mga bagahe sa likod. lumakad siya sa mahabang daanan ng satan household hanggang sa nakaabot siya sa entrance ng mansyon.

ang kanina pang nababagot sa kahihintay na mga bisita, ngayon ay manghang-mangha na nakatingin sa dalagang kakapasok lang. lumapit ang supremo at ang asawa sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"welcome home, pregesis! buti naman at maayos kang nakarating!" sabi ng ina ni black matapos itong yakapin. 

"thank you po, ma'am-"

"aish don't call me ma'am iha. call me mom or mommy since magiging pamilya narin man tayo!" magiliw na suway ng ina ni black kay pregesis.

pregesis looked down and smiled awkwardly. "uhm, opo mom." 

"there!" black's mother smiled. "that's my daughter!"

supremo held pregesis' hand in a gentle and chivalrous way. "the whole family is here to welcome you. feel at home pregesis. and don't forget to call me dad!"

ngumiti lang si pregesis at tumango. hindi na nagsalita ang supremo at marahang hinila siya nito papunta sa isang lalaking medyo magulo-gulo ang buhok na parang uling sa itim, nakasimpleng itim na damit at itim na above the knee shorts na may nakatatak sa gilid na "balenciaga". kahit nakasimple lang ang ayos nito ay malakas pa rin ang appeal na pinapalabas ng katawan niya. mas gumagwapo pa nga siya sa ayos niyang 'yon na naging isa sa malaking rason kung bakit pinagpipyestahan siya ng mga kababaihan. he was looking like those hot gods that people used to imagine for. 

"pregesis," tawag sa kanya ng supremo. "ito ang anak ko at magiging asawa mo. si black."

inosenteng tinignan muna ni pregesis ang pinakilalang lalake bago siya nag-abot ng kamay dito.  

"hi black. i'm pregesis," pagpapakilala niya sa sarili na medyo nahihiya at nanginginig.

ngunit sa halip na makipagkamay ang lalake sa kanya, hindi nito tinanggap ang kamay niya. he just looked at her plainly with no excitement or awe written on his face at all.