napahiyang ibinaba ni pregesis ang kamay niya ng umabot ng mga ilang segundo na hindi tinanggap ni black ito. yumuko nalang siya at hindi na umimik.
parang naramdaman ng ama ang pagkahiya ni pregesis kaya tinignan niya ang anak na may matutulis na tingin na para bang pinagsasaksak nya ito. kung nakakamatay lang ang tingin ay marahil na kanina pa namatay si black.
walang sabi na nagsimulang maglakad si black pabalik sa taas, patungo sa kwarto niya nang hindi man lang nagsabi niisang salita sa mapapangasawa niya.
nagsimulang umugong ang mga usap-usapan sa paligid at mas lalong iniyuko ni pregesis ang kanyang ulo dahil sa kahihiyang natanggap niya. bumuntong-hininga nalang ang supremo at hinarap si pregesis na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin dahil sa nangyari. randam ng supremo na sinusubukan ng dalaga ang magpakatatag at pigilan ang sarili na lumuha at umiyak.
"pasensya ka na pregesis at naging ganun ang trato sa'yo ng aking anak sa una pa lang na pagkikita niyo. mabait naman yun. pasensya ka na." paghihingi ng patawad sa kanya ng ama ng mapapangasawa niya.
ngumiti si pregesis at umiling. "okay lang po iyon. i understand him. biglaan po kasi ang kasal and i know he just needed time.." sagot nito.
tumango ang supremo. kahit na nag-aalala siya ay wala na siyang magagawa. parang tama rin na si pregesis ang kanilang napiling ipakasal sa kanilang unico hijo sapagkat may busilak na puso ito at maintindihin. kahit na parehas sila ng pinagdadaanan ni black, mga parehong napilit sa kasal na ito, hindi siya nagreklamo. sa halip ay tinatagan pa ang sarili nito at intindihin nalang ang sitwasyon ng kanyang magiging groom.
"o sya. dito ka muna maninirahan pregesis. the butlers will guide you to your room. alam kong pagod ka sa byahe kaya nararapat ka ng magpahinga." sabi ng supremo at tumango naman ang dalaga bilang tugon sa sinabi nito. "saka bukas, dadating yung mga kaibigan ni black dito para makita at makilala ka nila. isa doon ang mag-aasikaso sayo a day before and during the wedding. hindi naman pwede na diretso kitang ipapakasal sa anak ko nang hindi mo pa nakikilala ang mga kaibigan niya-"
"hon," putol sa kanya ng asawa ng supremo, ang ina ni black. "pagpahingahin mo na ang daughter-in-law natin. kararating niya lang at andami-dami mo ng sinasabi sa kanya."
napakamot nalang sa batok ang supremo nang napagtanto niya na tama ang kanyang asawa. inagaw ng ina ni black si pregesis at tinignan ang dalaga na may ngiti na nakaguhit sa labi. "wag mo ng pansinin ang dad mo. ganyan talaga siya 'pag excited. o sya, magpahinga ka na iha. you have a long flight earlier." sabi nito saka humarap sa mga butlers na dala-dala ang mga bagahe ni pregesis. "ihatid niyo na ang madam niyo sa silid niya para makapagpahinga na." utos nito.
"masusunod, lady supremo." sagot ng mga ito at nagsimulang luminya at hinintay si pregesis. isa sa mga ito, ang head ata nila, ang lumapit at nagbow sa harap ni pregesis bago ito gumilid at nagtaas ng kamay na parang iginigiya si pregesis sa dadaanan niya.
"this way ma'am pregesis.." the head butler said with full of politeness in his voice.
ngumiti si pregesis at tumango. pero bago siya lumakad, nilingon niya muna ang supremo at ang asawa nito.
"una na po ako." pagpapaalam niya rito bago lumakad at sinundan ang gabay ng mga butlers.
•❅─────✧❅✦❅✧─────❅•
inip na inip na naghihintay sina russel, gray, at neon sa waiting area ng Cloud Airlines. isa sa pinakasikat na airlines sa buong mundo na pagmamay-ari na ngayon ng kaibigan nilang si cyan cloud. ngunit hindi nakasabay ang may-ari kina neon sapagkat may emergency daw ito sa bahay na kailangan na kailangan niyang atupagin muna. kaya sina russel at gray nalang ang isinama ni neon.
ala una na ng umaga at parehong inaantok ang tatlo sa kahihintay. sinabi kasi ni rex sa kanila na baka dadating sila ng mga banda hatinggabi ngayon at nag-ala una na ay wala pa rin, nianino ng binata ay wala.
inis na ginulo ni russel ang kanyang buhok. "tangina naman. ala una na oh! wala pa rin! sigurado ka ba pre na hating gabi at hindi hating araw?" he asked out of frustration in no one in particular.
napasapo nalang sa noo si gray at binalingan ng tingin ang kaibigan. "bonak ka russel! may salita bang 'hating araw' eh wala naman!" sagot nito.
"bonak bonak ikaw ang bobong anak!" sabi ni russel sabay batok sa kaibigan. napahimas tuloy sa batok si gray. "syempre may 'hating araw' na word! ayan kasi, english-english pa. mag-aral ka muna siguro ano?"
"aba malay ko ba! saka di naman siguro tayo napunta dito kung hindi sigurado si neon sa narinig niya diba! bonak!" bulyaw ni gray bilang tugon sa sinabi ni russel.
sabay na binatukan ni neon ang dalawa. "would. you. two. stop. arguing?!" paputol-putol na sabi ni neon sa kanila. inilingkis ni neon ang kaliwa't kanang mga bisig nito sa leeg ng dalawa at inilock iyon.
pilit na kumawala si russel sa nakalock na mga bisig ni neon sa leeg niya sabay sabing, "ack!". ganoon na rin ang naging reaksiyon ni gray.
"if you two stop bickering like an old married couple, then i'll let you go." saad ni neon.
"eww!" russel said in disgust despite in his difficult situation. "no homo bro.. n-no homo!"
umirap nalang si neon bago hinigpitan ang kapit sa nga leeg nila saka sila pinakawalan. parang nasa drama na umubo ang dalawa at umiyak pa na parang sila yung bida sa isang pelikula.
"pinagkakaisahan niyo ko mga hayop kayo!" neon hissed. unentertained expression was then written in his face.
gray suddenly stopped in his drama as his face lit up. "bro!" he shouted, calling at someone as he waved his hand.
nagtaka ang dalawa sa tinawag ni gray. sinundan nila ang tingin nito at nakita nila ang kararating lang na rex kasama ang pamilya nito sa likod. tinignan ni neon ang relong pambisig at nakasaad doon na ala una y media na pala ng umaga.
hayop ah! sabi hating gabi tapos ala una?, pagrereklamo ni neon sa utak niya.
lumapit na sila sa kaibigan at parang loko-lokong niyakap ito. ngumiwi si rex na parang nandiri. "kadiri kayo pre! bumitaw nga kayo!"
tumawa naman sila pagkatapos nun.
"ba't pala kayo natagalan?" tanong ni gray.
"may traffic daw sa ere. ewan ko. buti nalang naka-private jet kami at hindi pa mas natagalan." sagot nito at kinusot ang mata. "saka may jetlag pa 'ko. uwi na muna tayo siguro no?"
tumango nalang ang tatlo at hindi na nakipag-away pa. tinulungan nila ang pamilya ni rex sa nakahintay na kotse sa labas ng airport at saka na pinaharurot ang sasakyan pauwi.