isang linggo na ang nakalipas magmula ang "wedding of the year" at parang walang naganap na kasalan sa mansyon na iniregalo ng satan family sa bagong kasal. hindi masyadong nagkikita ang dalawa dahil sinimulan ng asikasuhin ni black ulit ang mga konektadong negosyo ng mga satan at pumapasok naman ito ng mga alas singko ng umaga at nauwi naman ng hating gabi at lasing pa.
si pregesis naman ay nililinisan ang bahay. siya na rin ang nagluluto, naglalaba ng mga damit, at nagdidilig ng halaman. mano-mano siya sa bahay. nag-suggest ang mga manugang sa kanya na padalhan siya ng mga katulong pero tinanggihan niya ito. ayaw niya kasing makaabala ng ibang tao. nirespeto naman ang desisyon niya at pinabayaan nalang.
kinasal nga ang dalawa pero nakahiwalay ang kwarto nila sa bahay. kaya na rin siguro hindi sila masyadong nagkikita. pilit namang hintayin ni pregesis ang asawa niya sa living room pero sa tuwing pumapatak ng alas dyes ang oras ay inaantok na siya at natulog nalang sa kanyang silid.
alas otso na ng gabi at katatapos niya lang kumain. pumunta muna siya sa living room at kinuha ang iPad sa table at nagsimulang magscroll sa newsfeed ng social media niya. kalat pa rin ang kasal niya kahit isang linggo na ang nakalipas. narindi na siyang basahin ang laman nito. alam niya rin naman kung ano ang tunay na nangyari dahil siya naman ang ikinasal at wala namang espesyal doon. there's no love involved in that wedding.
nagbukas nalang siya ng isang blangkong dokumento at kinuha ang stylus pen kalakip sa iPad niya. nagsimula siyang magdrawing. hindi niya alam anong idradrawing niya pero hinayaan niya nalang ang kamay niya na magguhit ng kung ano.
lumipas ang oras at wala pa rin si black. kinukulayan niya nalang ang naiguhit niya na kabayo. tinatapos niya nalang ito at para ipost niya sa opisyal na account niya sa social media. naverified na rin kasi ang account niya at sumikat siya sa pinagguguhit niya. hindi niya rin naman pinansin ang mga komento sa mga naging fans niya dahil gumuguhit lang siya kung kailan niya gugustuhin. tinanggihan niya nga rin ang mga nagtangkang magbayad sa kanya ng pera. para sa kanya, hobby lang ang pagguguhit at hindi niya ito tinatanaw na bagay na pwedeng pagkakitaan.
ipopost niya na sana iyon nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang medyo magugulo-gulong buhok ni black na nakasuot pa ng itim na suit. tumayo si pregesis at bahagyang nilapitan siya.
"maaga ka atang umuwi?" komento nito sa kararating lang na lalake. "i have some leftovers. i can heat them for you.." offer niya.
walang reaksiyon ang lalake at nakablangko pa rin ang mukha. "no thanks. kumain na'ko." sabi nito saka nilagpasan siya at dumiretso sa kwarto nito.
lasing ba siya?
inamoy ulit ni pregesis ang natirang amoy sa sala at nakumpirma niyang tama nga siya. uminom nga ito, ulit. napabuntong hininga nalang siya at kinuha ang iPad. inilock niya nalang ang bahay bago siya pumasok sa silid niya para matulog.
even until now, di niya pa rin tanggap na ikinasal siya sakin..
•❅─────✧❅✦❅✧─────❅•
hinubad na ni black ang kanyang mga damit at naligo sa bathroom niya. habang naliligo siya ay napapaisip siya.
oo, inaamin niya na iniiwasan niya nga ang asawa niya. kaya siya maagang pumapasok at hating gabi ng nauuwi dahil ayaw niyang makita ito at baka may magawa pa siyang masama, gaya ng ginawa niya bago ang kasal.
pinapatay pa rin siya ng konsesya sa nangyari at hindi niya pa rin kayang tanggapin na kasal na siya. hindi naman siya nagloko at tinutok ang atensyon sa trabaho pero hindi niya pa rin maiwasan ang uminom. although, some girls still wanna flirt with him but the latter refused them. parang ang laki rin na pinagbago niya simula nung ikinasal siya.
"baliw na ata ako." natatawang komento niya sa sarili.
lumabas siya sa kanyang bathroom matapos maligo at sinuot ang night robe niya bago pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. matutulog na sana siya nang magring ang telepono niya.
kinuha niya ito at tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya. bumasa ito ng "white." nagtaka siya bakit tumawag ang kaibigan. sinagot niya nalang ito at umupo sa kama niya.
facetime pala ang tawag kaya lumabas ang mukha nito sa screen. "yo!" white greeted in a ear to ear smile. mukhang masaya ito.
"oi. ba't ka napatawag ungas?" pambungad na tanong ni black sa kanya.
sinagot ang binata ng isang tawa sa kabilang linya na naging dahilan para tumaas ang kilay nito. "tangina?"
"woah pre! chill! 'di ka pwedeng tawagan?"
blankong ekspresiyon lang ang itinugon ni black at nagsabing, "matutulog na'ko."
"alas nuebe pa, matutulog ka na?"
"oo. pakealam mo?"
"eh mga hating gabi ka na nga nauwi noong mga nakaraang araw."
napatahimik si black sa naging sagot ni white. kitang-kita ni white ang pag-iba ng ekspresiyon ng binata sa sinabi niya. ang dating natatawang white ay biglang sumeryoso.
"iniiwasan mo ba 'yang asawa mo black?" hindi sumagot ang binata. "asawa mo siya black. ikinasal kayo tapos ganyan trato mo sa kanya? na parang hindi siya nag-exist?"
"matutulog na ako." black answered. sadness was evident in the way he said his sentence.
"black naman. babae rin yun. ano nalang kaya ang iisipin nun na isang linggo mo na siyang iniiwasan-"
pinatay ni black ang tawag at nilagay ulit sa sidetable ang telepono niya. napapikit siya. tama si white. hindi niya nga dapat iniiwasan ang asawa niya. kahit pa ayaw niya sa ideya ng kasal, hindi rin naman ito kagustuhan ni pregesis na ikasal siya rito. pareho silang pinilit sa kasal na ito. pero di niya maiwasan na isipin na hindi niya mahal ang dalaga at naguguilty siyang tignan ito. dagdag pa sa nangyari noong nakaraan pang linggo. muntikan niya ng halayin ang dalaga ng walang permiso galing dito at sa mga masasakit na salitang binitawan niya. naguiguilty siya at sa tingin niya, hindi pa ata siya pinapatawad nito.
muling tumunog ang telepono niya. isang notification sa social media. kinuha niya ito at sinuri. galing ang notification sa komento ng kanyang kaibigang si yang sa isang post. naka-tag ata siya sa post dito o di kaya ay minention ng mga fans nila.
this.is.yangzz_✓: swerte naman ni black sa asawa niya. kegaling mag-drawing! sana ol drawer. agawin ko nalang kaya!
tumunog ulit ang telepono niya. isang notification na naman ang dumating. reply ito sa komento ni yang.
god_dionysus✓: hanap ka nalang ng iyo pre! yung painterist!
this.is.yangzz_✓: sana ol painterist!
natawa si black sa kagagaguhan ng mga kaibigan niya. he clicked the notifications to see the post he was tagged in. it was indeed his fans who tagged him. iniscroll niya pa para tignan ang puno't dulo ng mga komentong iyon.
pregesis.satan✓
graffiti
[image attached]
medyo sumilay ang ngiti sa mga labi ni black nang makita ang username ni pregesis. tinignan niya ang litrato. isang drawing art pala ng isang kabayo. sa may gilid ay may pirma ito ng asawa niya na nagsasabi na siya talaga ang gumuhit nito.
pinindot ni black ang username ng asawa at iginiya naman siya agad ng page sa official account nito. lahat ng nakapost ay drawing niya. puro magaganda ang mga ito na parang pinaglaanan talaga niya ng matinding effort at oras.
mahilig pala siya magdrawing?
napangiti naman siya sa ideyang iyon at nag-scroll pa. hanggang sa umabot siya sa selfie ng dalaga. nakalugay ito ng buhok at may suot na flower crown sa ulo, nakasuot ng flowery designed na off-shoulder na damit, at masayang nakangiti. pinindot niya ito at tinignan ang litrato ni pregesis.
"not bad."
he saved the picture and made it as his new lockscreen.
"not bad at all."