Sam's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay. Pauwi na sila Kuya at inihahatid ko sila sa sasakyan nila. Si Albert naman ay hindi na sumama sa paghahatid para magkaroon pa kaming magkakapatid ng oras na mag-usap-usap.
It's already 11 o'clock in the evening, pero ngayon lang sila aalis. Napasarap kasi ang kwentuhan at asaran namin. At nagulat ako kasi mas matagal nilang nakausap si Albert kaysa sa akin, they talked about business and politics. They also talked about our childhood days, especially about me na para bang hindi nila ako kasama at hindi ko sila naririnig.
I'm glad na madali nilang nakapalagayan ng loob si Albert. Noong ipakilala ko sa kanila si Sherwin hindi sila relax na tulad kanina. Ni hindi nga rin nila nakakakwentuhan ng matagal si Sherwin.
Hindi pa sana talaga aalis ang mga kapatid ko kung hindi lang sila tinawagan ng mga pinsan namin. May lakad kasi sila, at matagal nang hinihintay ng mga pinsan namin ang mga kapatid ko.
"Thank you sa pagbisita. At thank you rin sa pagtanggap kay Albert." sabi ko sa kanilang lima.
"We like Albert for you. Kita rin namin na kahit hindi pa malalim ang relasyon n'yo eh inaalagaan at inaasikaso ka niya." sabi ni Kuya Steve.
"Since we were in college until now, wala akong nabalitaan na naging girlfriend n'ya or fling. He is not a playboy. Noong college kami wala siyang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral, napakadalang niyang um-attend ng party or any gatherings. And now that he is a businessman, pumupunta lang siya sa mga party and gatherings kapag kailangan lang talaga niyang um-attend.
"And he may be a strict workaholic businessman but he still knows how to get along. Unlike your ex na ang gusto eh siya ang pakikisamahan at kami lang ang mag-a-adjust." mahabang paliwanag ni Kuya Kurt.
"Thank you pa rin. Akala ko talaga magagalit kayo."
"Alam naman kasi namin na hindi ka mapapasama kay Albert. Kaya bakit kami magagalit?" wika naman ni Kuya Alex.
"Do you really have to go? It's almost midnight, dito na alng kaya kayo matulog? I'm sure Albert won't mind."
"We love to stay, na-miss kaya namin ang pinakamaganda naming kapatid. But today is the third Saturday of the month. Alam mo namang every third Saturday eh may boys night out kami with our cousins." sagot ni Kuya Brent.
"Lagi na lang akong hindi kasama."
"Huwag nang magtampo. Next month sama ka namin pati si Albert. At kung papayag asawa mo dito kami matutulog pati mga pinsan natin." pang-aalo sa akin ni Kuya Ralph.
"Promise?"
"Promise. Ikaw pa ba, eh ikaw ang pinakamaganda naming kapatid." natatawang wika ni Kuya Brent.
"Kanina ka pa ah. Talaga namang ako ang pinakamaganda ninyong kapatid kasi ako lang ang babae sa atin." nakalabi kong turan.
"Eh di, pinakamaganda na lang sa ating magpipinsan." natatawa ring sabi ni Kuya Steve.
"Eh ako lang din ang babae sa ating magpipinsan, mother side man o father side." sagot ko na ikinatawa nilang lahat.
"Sige na, Princess, pumasok ka na. Kailangan na naming umalis at kanina pa text ng text sila Gab." sabi ni Kuya Ralph na ang tinutukoy eh pinsan namin.
Madalas akong tawaging 'princess' ng mga kapatid at pinsan ko. Ako daw kasi yung nag-iisang babae sa aming magpipinsan kaya ako ang prinsesa nila. But my brothers sometimes call me with other endearments lalo na kapag naglalambing sila o nagpapalambing.
"Goodnight, Sweetheart." sabi ni Kuya Kurt tapos ay niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Sweet dreams, Darling." sabi naman ni Kuya Steve na tulad ni Kuya Kurt ay niyakap din ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Sleep tight, Precious." sumunod namang yumakap sa akin at humalik sa noo ko ay si Kuya Alex.
"Nighty night, Honey." humalik din sa noo ko at yumakap sa akin si Kuya Ralph.
"Hope you had a wonderful dream, Munchkin." si Kuya Brent ang huling yumakap sa akin at humalik sa noo ko.
"Ingat kayo." paalam ko sa kanila bago ako pumasok sa bahay. Alam ko kasing hindi sila aalis hangga't hindi ako nakakapasok.
Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa bintana at sinilip ang mga kuya ko. Kumaway sila sa akin bago sila sumakay sa kotse at umalis.
Nang hindi ko na matanaw ang kotse nila ay pumunta na ako sa kwarto namin. Naabutan ko do'n si Albert na may ginagawa sa laptop niya.
"Nakaalis na sila?" tanong niya ng makaupo na ako sa kama.
"Oo. Ahm can I ask you someting?"
"Of course. What do you want to ask?"
"May tumatawag ba sa 'yo ng 'Joshua'?"
"Yes, my family. Why?"
"How about 'Aljosh', may tumatawag din ba sa 'yo?" tanong ko ulit na inilingan niya.
"Why?"
"Can I call you 'Aljosh'?"
"If that's what you like. Can I call you 'Sab' or Sab-C?"
"Sab? Sab-C?"
"Abbreviation of you name Samantha Archelsea Brianna Cassandra." sagot niya.
"I prefer Sab. Parang ang samang pakinggan ng Sab-C." natatawa kong sagot.
"Maganda nga eh, unique." natatawa ring sabi ni Albert.
Natahimik kami ng mag-ring ang cellphone ko na nasa side table. Kinuha ko iyon at napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag.
"Why? Who's calling?" tanong ni Albert.
"Sherwin." sagot ko.
"You don't want to answer it?"
"Ayaw ko sana, pero kailangan."
"Then why you're not yet answering it?"
"Bigla ko lang kasi na-realize na ako lagi ang nauunang tumawag o mag-text sa kaniya noon. Siya lang ang nauunang mag-text or tumawag sa akin kapag may kailangan siya or si Rina. Bakit hindi ko agad napansin na laging alam ni Sherwin kung ano ang nangyayari kay Rina."
"Because you trust them. But it's not important now, ang mahalaga eh alam mo na ang totoo."
"You're right." sabi ko at sinagot na ang tawag, ini-speaker ko iyon. "Hello?"
"Bakit ang tagal mong sagutin?" inis na sabi ni Sherwin.
"Nasa c.r. ako kanina." pagsisinungaling ko.
"Where are you? Galing ako sa office mo kanina pero nag-resign ka na daw. And now I'm here at your apartment, kanina pa ako katok ng katok pero walang nagbubukas. Buti na lang sinabi ng kapitbahay mo dito na two weeks ka nang hindi umuuwi. Nakakahiya Sam! Napahiya ako sa office mo at maging dito sa mga kapit-bahay mo. Naturingang fiancé mo ako pero wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa 'yo. Hindi mo man lang ako sinasabihan!" galit na galit na sigaw ni Sherwin.
"Nag-resign na nga ako at lumipat. Hindi kita nasabihan kasi biglaan naman pagre-resign at paglipat ko tas naging busy rin ako sa pag-aayos ng bago kong tirahan." malumanay kobg sagot.
"Saan ka lumipat? Pupuntahan kita."
"Why? It's almost midnight. Pagod ako at gusto ko na magpahinga."
"What's wrong kung puntahan kita ngayon? I'm your fiancé!" naiinis na wika niya.
"It's still a mess in here. Ano ba talaga ang kailangan mo?"
"It's Rina. She needs your help."
"Why? What happened? Is there an emergency kaya kailangang hanapin at tawagan mo ako ng ganitong oras?"
"Well, Rina's sick and she's confined at the hospital. But she has a meeting with a potential client tomorrow. Mahalaga ang meeting na iyon dahil napakalaking client niyon pag nagkataon. It will help Rina's restaurant to progress a lot."
"What do you want me to do?" tanong ko kahit nahuhulaan ko na ang gusto niyang ipagawa.
"Can you please attend that meeting? I know that with your skills you can win that client over. Isa pa, lagi mo naman talagang tinutulungan si Rina tuwing may kakausapin siyang kliyente. Ang pagkakaiba lang, solo kang makikipag-usap bukas."
Lagi naman talagang ako ang nakikipag-usap sa mga kliyente ni Rina. Laging kasama lang si Rina para pumirma ng kontrata.
I think this is the best opportunity para pagbayarin sila sa mga kasalanan nila sa akin.
"Okay, I'll go." pag-sang-ayon ko.
"That's great. Si Mr. Fernan Galo ang ka-meeting mo bukas."
Agad akong napatingin kay Albert ng banggitin ni Sherwin ang pangalan ng ka-meeting ko bukas. At kita ko ang pagkunot ng noo ni Albert.
Fernan Galo or should I say Fernan Banasiewicz Galo is his cousin. Ayon sa file na pinabasa niya sa akin, Fernan is his naughtiest cousin. Puro ito kalokohan at ito ang madalas nagbibigay ng sakit ng ulo sa mga magulang nito sa lolo at lola nila.
"Your meeting is seven in the evening at Rina's." dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang restaurant ni Rina. "Mr. Galo is throwing a party every month. He's looking for a restaurant na mag-ke-cater ng mga party niya. Do everything you can to make him agree na Rina's ang kunin niyang 5mag-ke-cater ng mga party niya."
"Okay."
"Take a rest now. For you to have energy tomorrow." then he ended the call without saying goodbye.
"I already asked Travis to confirm everything about that meeting. I never heard Fernan looking for a caterer." sabi ni Albert nang maibalik ko ang cellphone ko sa side table.
"Thank you."
"Let's go to sleep. May pupuntahan tayo bukas."
"Where?" tanong ko.
"It's a surprise. I'm sure you'll love it."
"Okay. Goodnight."
"Goodnight."
Pagkatapos ay nahiga na kami, niyakap niya ako habang nakaunan naman ako sa braso niya. Then I also put my arms around him and I felt him stiffened because this is the first time that I hug him back. After a while he kissed my forehead and we go to sleep hugging each other with smile on our lips.
Sherwin's POV
"Pumayag ba siya?" tanong sa akin ni Rina nang makapasok ako sa hospital room niya.
"Oo." sagot ko ng makaupo ako sa hospital bed niya.
"Eh bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo?"
"Wala lang 'to."
"Huwag mong sabihing nagdadalawang-isip ka na? Tayong dalawa ang nag-plano nito para magkaroon ka na ng dahilan para makipag-hiwalay kay Sam."
"Naisip ko lang, paano kapag binawi ni Sam ang share niya sa company? Paano rin kung sa pag-alis niya eh umalis na din ang mga kliyente ko? Malulugi ang kompanya ko." nag-aalala kong saad.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Gusto mong ituloy ang pagpapakasal sa kanya? At paano naman kami ng magiging anak mo? Baka nakakalimutan mo, buntis ako at ikaw ang ama. At wala rin akong balak maging kabit at hindi ko gugustuhing lumaking bastardo ang anak ko o walang kinikilalang ama. Kaya mamili ka na ngayon, kung ang Samanthang iyon ba o kami ng batang nasa sinapupunan ko. Pero kung si Samantha ang pipiliin mo, sinasabi ko sa 'yo ipapalaglag ko ang batang iton." pagbabanta ni Rina.
"No! Don't ever say that. Huwag mong ipalalaglag ang anak ko. Ikaw lang ang papakasalan ko." sabi ko at tapos ay niyakap siya. "Alam mo namang kaya lang ako nag-propose kay Sam ay para mag-invest pa siya sa Velasquez Construction. Kaya 'wag ka na mag-isip ng kunga anu-ano."
"Talaga?" paninigurado pa niya.
"Oo naman."
"Huwag ka nang mag-alala tungkol sa kompanya. Kilala ko si Sam, kapag natuloy ang plano natin, kahit malaman pa niya ang tungkol sa atin wala siyang gagawin." siguradong sagot ni Rina.
"Ewan ko. Nung kausap ko si Sam kanina parang may nagbago sa kanyo." nalilitong sagot ko.
"Paanong nagbago?" curious niyang tanong.
"Hindi ko alam. Basta may nagbago." sabi ko na napapaisip.
"Maybe you're just thinking too much." sabi ni Rina at tapos ay yumakap siya sa akin. "Anyway, everything is settled for tomorrow. I already booked a hotel. Nakausap ko na rin yung waitress na magse-serve sa kanila, siya na ang maglalagay ng mga gamot sa inumin ni Sam. Tapos, si Fernan na ang bahala kay Sam. At tayo naman, pupuntahan natin sila sa hotel kinabukasan at mahuhuli mo ang ginawang 'pagtataksil' ni Sam. Right there and then makikipag-break ka sa kanya." mahabang sabi ni Rina na diniinan ang salitang pagtataksil.
"Tama na muna ang tungkol sa planong iyan. Kailangan mo nang magpahinga. Hindi ka dapat nagpupuyat, baka makasama sa inyo ni Baby." malamb8ng na sabi ko.
"But I want you." sabi niya at pagkatapos ay hinalikan ako sa mga labi and then she kissed me and we ended up making love at her hospital room.
Albert's POV
I am a light sleeper kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko dahil may tumatawag ay agad akong nagising. I answered it immediately when I saw that Travis is the one calling me.
"Boss, Fernan is not looking for a caterer. It was Rina's suggestion. Ayaw sana ni Fernan but Rina showed Ms. Sam's photo and promised na kung papayag si Fernan eh siya ang gagawa ng paraan para mapasakanya si Ms. Sam. May nakapagsabi kasi kay Rina na matagal nang may gusto si Fernan kay Ms. Sam. Madalas niyang makita sa mga party na dinadaluhan ni Ms. Sam kasama si Sherwin. But because he knows that Sam and Sherwin were in a relationship, Fernan didn't do anything until Rina talk to him. Nakausap ko na rin yung binayaran nilang waitress." Travis said before I could greet him.
And then Travis told me the plan of Rina, Sherwin and Fernan.
"Okay, I know what to do." I said as I feel my anger rising.
~sweetbabyrsmwx~