Sam's POV
We are here at our living area. I am sitting at our couch while reading a book. Albert is sitting beside me while working on his laptop.
Today is Saturday, napag-usapan namin na tuwing Sabado eh dito lang kami sa bahay magta-trabaho at tuwing Linggo naman ay rest day namin.
Natapos ko na ang mga paper works na kailangan ng business ko, at nag-resign na rin ako sa trabaho ko at next week pa ako maghahanap nang bagong trabaho, kaya naman nagbabasa lang ako ng libro.
"Why don't you just focus on your business instead of finding a new job?" biglang tanong ni Albert sa akin. "You don't need extra income. The income from your business is more than enough for you. Besides you also have me to provide for you. Hindi mo kailangang magpakapagod ng sobra sa trabaho."
"I know. Pero hindi ako sanay. Konti na lang kasi ang kailangan ko gawin sa business ko. I just need to sign papers, decide on everything at kung anu-ano pa. Ginagawa naman kasi ni Katherine halos lahat ng trabaho kaya wala ako halos ginagawa." tukoy ko sa assisstant ko.
"Yeah. Your assisstant is quite known in the business world. She is one of the best secretaries. I heard that many tried to hire her, promised to double or triple her salary and give her more benefits. But she all declined that. She remained loyal to her mysterious boss that no one knows who."
"Alam ko lahat 'yon. And I'm so grateful that she is still with me, doing almost all of my jobs." I said smiling. "Pero minsan nag-aalala na ako sa kanya. Wala na kasi siyang oras para sa sarili niya. I tried to reduce her workload, pero siya pa ang nagalit. Gawin ko daw lahat ng gusto kong gawin, kahit daw magtrabaho ako sa iba, i-expand ko pa ang business ko at dagdagan ang trabaho niya okay lang, basta 'wag lang daw bawasan ang trabaho niya."
"Are you not worried that she might be doing something behind your back?" curious niyang tanong.
"No. Since I met her I never doubted her."
"Why? I mean, the money involved in your business is not small. You can't be sure na wala siyang ginagawang masama lalo na at ayaw ka niya halos pag-trabahuhin sa sarili mong negosyo."
"Katulad mo nagduda din ang mga Lolo ko. They investigated Katherine, her daily routine, her family and all her work and bank accounts. Pero wala sila nakitang anomalya. Hindi sila makapaniwala, matagal bago sila naniwalang hindi ako lolokohin ni Katherine.
"Nong una hindi ko rin alam kung bakit sobrang loyal niya sa akin. But one time na gusto naming mag-relax nagkaayaan kaming mag-inom. Nalasing ng sobra no'n si Katherine at no'n n'ya sinabi na kahit daw ano mangyari hindi niya ako tatraydurin. Ako lang daw kasi ang nasa tabi niya nung panahong kailangan niya ng kaibigan. At ako rin lang daw kasi ang tumulong sa kanya at sa pamilya niya noong panahong walang-wala sila."
I met Katherine noong high school. Masasabi kong magkaibigan kami, pero hindi kami magkabarkada. We were in 3rd year high school nang maaksidente ang tatay niya na security guard at maputulan ito ng paa. Ang nanay naman niya ay plain housewife na may maliit na sari-sari store.
Isang linggong hindi nakapasok si Katherine noon kaya nag-decide ako na puntahan siya sa kanila. At noon ko nalaman na balak na niyang tumigil sa pag-aaral. Hindi daw kasi sapat ang kinikita ng sari-sari store nila para sa pangangailangan ng pamilya niya. Meron pa rin kasi siyang 4 apat na nakababatang kapatid, at dalawa dito ay nag-ga-gatas at diaper pa. Kaya magta-trabaho na lang daw siya.
I didn't let her. Using my own savings I help her and her family. Medyo malaki kasi ang savings ko dahil sobra-sobra ang bigay ng parents ko na allowance sa akin, na madalas naman eh hindi ko rin nababawasan dahil lagi akong inililibre ng mga kuya ko.
Ayaw niya sanang tanggapin, pero pinilit ko siya at sinabing bayaran na lang ako kapag tapos na siyang mag-aral at may trabaho na.
Nang mapansin nang magulang ko na nababawasan ang ipon ko tinanong nila ako kung ano pinagkakagastusan ko. At first ayaw ko sana sabihin. Kasi kung ako man ang nasa katatayuan ni Katherine hindi ko gugustuhing pag-usapan ng iba ang nangyayari sa pamilya ko. Pero hindi ako tinigilan nila Mama at Papa kaya sinabi ko na rin. At nang malaman nila they gave me much bigger allowance and they also send groceries, milk and diaper kina Katherine. Sila na rin ang nagpaaral kay Katherine hanggang college.
After college kinuha ko agad siyang assisstant ko. Nagulat na lang ako one time na binibigyan n'ya ako ng pera, bayad daw niya sa mga naitulong ko at nila Mama sa kanila. Inililista pala niya lahat ng binibigay namin. Para daw kasi sa kanya eh utang ang lahat ng iyon. Babayaran daw niya kami ng uti-uti.
Hindi ko tinanggap ang perang binibigay niya kahit anong pilit niya. Tinulungan kasi namin siya, hindi pinautang. At sabi nga nila Mama, 'ang pagtulong walang hinihintay na kapalit'. Pero simula noon ginawa ni Katherine ang lahat para hindi ako mahirapan sa business ko.
"That's why she's so loyal to you."
"I guess. Hindi ako makapaniwala na sa kagustuhan kong tulungan siya eh sobra-sobra ang ginawa niya para sa akin."
Magsasalita sana si Albert nang mag-ring ang cellphone ko. My twin brother, Kuya Brent is caliing. I answered the phone and put it on speaker. Wala naman kasi ako balak maglihim kay Albert.
"Hello, Kuya?"
"Where are you?"
"Sa bahay. Bakit?"
"Where exactly are you? We are now here at your apartment at sabi ng mga kapitbahay mo dito eh dalawang linggo ka nang hindi umuuwi dito. But most of your things were still here. Tumawag na din kami sa opisina n'yo, at ang sabi nila nag-resign ka na daw two weeks ago pa."
Napatampal ako sa noo ko. Ang alam nga pala nilang bahay ko eh ang apartment na tinutuluyan ko noon.
I looked at Albert asking for help. Wala kasi akong maisip na dapat gawin.
"Let them come here."
"Who's that? Are you and Sherwin living together?"
"I'll exlain later. Punta na lang kayo dito sa Exquisite Meadow." sabi ko at ibinaba na ang tawag. Tapos ay tumingin ako kay Albert. "Are you sure it's a good idea na papuntahin sila dito? Malalaman nila ang tungkol sa atin."
"They were your brothers. It is a good thing to let them know about us. You are the only one who wants to keep our marriage secret. But as I said, they were your brothers. Sooner or later they will know about us. Why not let them know about it now? Just try to relax, I'll help you explain later. I'll just let Manang Lydia to prepare something." sabi niya at tapos ay pumunta na siya sa kusina para kausapin si Manang Lydia, ang mayordoma at asawa ni Mang Alfredo.
~sweetbabyrsmwx~
Thank you for waiting... Hope you like this chapter.... Thank you for supproting and reading this story.
You can comment, react, criticize and suggest. Thank you....