Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Kinabukasan, dali dali akong pumunta sa skwelahan para sa gagawin naming praktis, iwan ko din ba kung bakit palagi kong naiisip itong si Sharie, di naman sa sinasabing in love ako sa kanya pero malaki talaga ang pag hanga ko sa kanya kasi sa lahat ng babae na aking nakilala ay sya lang naman ang nagtataglay ng kakaibang ganda at gusto ko din makita ang kanyang natatanging ngiti pero yun lamang ay aking paghanga walang halong ibang intensyon. Pero kahit ganun, di ko pa din gustong ipahalata sa kanya na humahanga ako sa kanya, alam ko naman na maraming nagkakagusto sa kanya na mas higit pa sa akin kaya nga hanggang paghanga nalang talaga ako sa kanya. Kaya ang nasa isip ko ngayon ay mag fucos nalang talaga sa pag aaral, iibig lang ako pag nakapagtapos na ako ng pag aaral.

"Garete, ang aga mo ngayon ah?" tanong ni Kate sa akin habang nagwawalis sa silid

"Trip ko lang na maging maaga ngayon" sagot ko

Kumuha ako ng walis sa lalagyan ng walis para tumulong sa paglilinis pagtapos ng ilang minuto habang ako ay naglilinis ay biglang dumating si Sharie hindi ko naman talaga sinasadya pero napatingin talaga ako sa kanya habang sya ay naglalakad, kakaiba talaga sya sabi ko sa sarili ko pero kailangan pa din pigilan ang puso dahil naalala ko na naman sabi ni inay at itay. Pumunta si Sharie sa lalagyan ng walis at kumuha ito ng walis tingting at lumapit sya sa akin sabay sabi "wag ka dyan mag linis, wala namang dumi dyan eh" napatingin ako sa sahig at tama nga sya wala ngang ni isang dumi o alikabok na makikita

"Kumuha ka nalang ng walis tingting tas samahan mo nalang ako maglinis dun sa baba" sabi nya sa akin

Kumuha nalang ako ng walis tingting dahil wala na naman palang dumi ang classroom bat pa lilinisin pag malinis na diba?

Naglakad na kami pababa galing clasroom, may dalawa kasing palapag ang building ng skwelahan namin at sa ikalawang palapag naman ang section namin. Pagkarating namin sa baba ay agad na kaming nag simula sa pagwawalis

"Garete, aga mo ata ngayon?" tanong ni Sharie habang magwawalis

"May praktis kasi tayo ngayon akala ko magsisimula ng maaga eh" sagot ko naman sa kanya habang nagwawalis

"Malapit lang naman bahay nyo diba?" tanong nya sakin

"Oo pero marami kasi gawain sa bahay kaya, palagi akong nahuhili pero umaabot din naman ako sa flag ceremony kaya ayos lang" sagot ko sa kanya

"Alam mo? Ako lang talaga lagi naglilinis dito sa lugar na to" sabi nya sakin

"Wala bang tumutulong sayo? Mga kaibigan mo?"

"Minsan tumutulong sila pero palagi namang late yung mga yun eh" sagot nya sakin

"Alam mo? Napakabuti mong studyante"

"Bakit? Dahil ba sa naglilinis ako palagi dito?" tanong nya sa akin

"Isa din yan" sabi ko sa kanya

"Tas kahapon di ka pa nagrereklamo na ikaw ang binigyan ng papel ni Juliet" dagdag ko pa

"Gusto ko din naman talaga gumanap bilang si Juliet eh"

"Kahit na ako ang iyong partner?" tanong ko sa kanya

"Ano naman meron pag ikaw ang partner ko?" sabi nya

"Sa lahat talaga ng lalake dito.... ikaw lang gusto ko makausap" dagdag pa nya

Shit biglang kumabog ang puso ko sabi badump badump badump at ngayon nasa critical na condition ako at kailangan kong kumalma, pero patuloy pa din ako sa pagwawalis

"Ha? Ano ba ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo" sabi nya

Gusto nya lang naman pala makigpag kaibigan sa akin eh hahaha masyadong malakas yung overthinking skills ko mukhang kailangan ko na talaga tong e turn off muna, overthinking skills has been turned off

"Kaibigan? Kailangan pa bang sabihin yan?" sabi ko

"Mula ngayon magkaibigan na tayo" dagdag ko pa sabay tawa

"Sabi mo yan ha?" sabi ni Sharie

Pagkatapos naming maglinis ay sabay na kaming naglakad paakyat ng building papunta sa aming silid at habang naglalakad ay napatanong ako kay Sharie

"Sya nga pala Sharie, may script ka na ba sa character mo?" tanong ko

"Diba sabi ni Yisa kahapon na sya nalang daw magsusulat at magbibigay satin pagakatapos nyang magsulat?" sabi nya

"Ah ganun pala, baka wala ako nung mga panahong nagsabi sya nyan" sabi ko

"Ganto kasi yun, tawa kasi kayo ng tawa nung isa mo pang kaibigan kaya wala kang narinig nung mga oras na yun" paliwanag nya sakin

"Ay oo nga pala hahahahaha" habang naglalakad papuntang silid

Pagakarating namin sa silid ay tinawag ako ni Katsu

"Garete!!!" sigaw ni Katsu na kumakaway ang kamay

"Bro!" sigaw ko din sa kanya na kumakaway din

"Ang aga aga ang ingay nyo na ah?" sabi ni Sharie sa akin

"Siempre, ganto na talaga daily routine naming magbabarkada" sabi ko

"Ingay dito ingay dun" dagdag ko pa na proud

Ngumiti si Sharie pero hindi ko napansin

"Akin na walis mo ako nalang magsasauli" sabi ni Sharie sa akin

"Sge maraming salamat Sha" sabay bigay ang walis

"Sge kausapin mo na yang kaibigan mo" sabi ni Sharie sa akin

At sinauli na nga ni Sharie ang walis sa lalagyan

"Bro, bat napangiti yung babaeng yun kanina? Akala ko ba ice queen yun?" mausisang nagtanong si Katsu

"Ngumiti? Sinong ngumiti? Asan?" nalilitong nagtatanong

"Ahahaha hindi mo pala nakita?" tawang sabi nya

"Sino nga, parang hindi kaibigan tong gagong to" pilit na tanong ko sa kanya

"Haha basta" di nya masabi kasi baka marinig ni Sharie na pinaguusapan namin sya

"Halika ka nga dito bro" hinihila si Garete

"Oh, bakit? Ano na naman?" tanong ni Garete habang hinihila

"Sabihin mo sakin, paano mo ba nadali yang si Sharie?" tanong nya sakin na sobrang hina ng boses

"Pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami bro" sabi ko sa kanya

Natahimik si Katsu saglit

"Kaibigan lang ba talaga?" mausisang tanong ni Katsu

"Bakit? Wag mong sabihing..."

"Diba nga sabi ko sayo na wala akong interest sa mga ka edad mo na babae?" sagot ni Katsu sakin

"Okey okey di na po ako magsasalita ulit"

"Kaibigan kaibigan kaibigan kaibigan" sabi nya ng paulit ulit na medyo malalim ang iniisip

"Kaibigan! Yun, alam mo bro dyan nagsisimula lahat yan" sabi nya

"Sa simula kasi, ganto yan, una kaibigan lang kayo, siempre walang malisya kaibigan lang eh"

"Pero habang tumatagal ng tumatagal ng tumatagal, magkakaroon yan ng tinatawag na development, kung baga unti unti kang hinihila ng tinatawag nilang pag ibig pero hindi mo alam" slow mo nyang pagkakasabi na mahina din boses

"Pagkatapos, malilito ang utak mo, ayaw mo na syang makitang may kasamang iba kung baga nag uumpisa na ang tinatawag nilang selos, pero di pa yan dyan magtatapos dahil patuloy kapang hihilahin ng hihilahin hanggang sa malaman mong mahal mo na pala talaga sya" dagdag pa nya

"Alam mo bro di mangyayari yan, sapagkat kung kaibigan talaga turing mo sa kanya hindi mo magagawang ma inlove sa kanya"

"Wag mo lang tawagin pangalan ko bro pag nangyari yun" paalala ni Katsu sa akin

"Oo bro, walang tatawag sayo sa oras na yan, di naman yan mangyayari eh Hahaha" sabi ko sa kanya habang tumawa