Nag palakpakan ang lahat dahil sa galing umarte ng dalawang actor. Pati ang kanilang guro ay natuwa at napangiti sa kanilang angking galing.
"Mahusay mahusay mahusay" sabi ni Miss Ayn
"Ang galing pala umarte ni Sharie" sabi ng isa naming kaklase
"Oo nga eh, kaya lalong gumanda ang kanilang presentatsyon"
"Napakagaling din ni Garete umarte"
"Matagal ko ng kilala yang si Garete pero ngayon ko palang talaga nalaman na ang galing nya din palang umarte"
"Oo nga eh, akala ko talaga wala siyang talento pero ngayon..."
"Hindi lang pala siya matalino, mayroon din pala siyang agimat"
"Kaya pag pinaghalo ang dalawa masasabi mo talagang walang katulad"
"Oo nga eh, napahanga talaga ako sa kanilang dalawa"
Makalipas ang ilang minuto ay tapos ng magbihis ang mga aktor at bumalik na sila sa kanilang mga upuan, ang nakuha nilang marka mula sa kanilang presentatsyon ay 100/100. Habang sa kabilang grupo naman ay 96/100. Sobrang ganda nang presentatsyon nila Garete pero pagkatapos talaga ng kanilang drama ay hindi sila nag usap ni Sharie. Tila ba tahimik lang ang dalawa.
"Bro ang galing mo kanina ah" sabi ni Katsu sakin
"Hindi naman masyado"
"Nahihiya kapa eh" sabi niya
"Congrats nga pala sayo Garete" sabi ni Kate sa likod sakin
"Salamat Kate"
"Ang lakas mo pala umarte bro" sabi ni Godfrey sakin sa likod
"Di man ako gaanong magaling eh, nabuhat lang ni Sharie" sabi ko
"Eh halata namang mas magaling kapa sa babaeng yun eh" sabi ni Kate
"Bro!!!" sigaw ni Carl sakin
"Galing mo bro, tara sa canteen nagugutom ako eh" sabi pa niya
"Tara nagugutom din ako eh, pero libre moko" sabi ko
"Walang problema"
Niyaya ni Carl lahat ng barkada namin na pumunta sa canteen ngunit hindi sumama si Godfrey dahil may gagawin pa daw sya at nagpaiwan lang din si Katsu
Habang kami ay naglalakad papuntang canteen
"Mga bro kanina ko pa talaga to iniisip eh" sabi ni Carl
"Ano na naman ba yan, wag mo sabihing wala kang dinalang pera diyan" sabi ni Abdul
"Wag kayong mag alala sa pera" sabi ni Carl
"Ano ba kasi iniisip mo?" tanong ni Lou
"Ganto kasi yun, alam nyo ba kung ano yung pagong?" tanong ni Carl
"Oo yung parang pawikan na nasa dagat?" sagot ni Abdul
"Tanga pawikan naman talaga yung nasa dagat eh" sabi ni Carl
"Alam mo naman pala eh, bat ka nagtatanong?" sabi ni Abdul
"Ganto kasi nasa isip ko" sabi niya
"Pag yung pagong ba nagkaroon ng pamilya titira din ba sila sa iisang bahay lang?" seryusong tanong ni Carl
"Alam mo Carl, minsan naiisip ko talaga na yung utak mo made in Pluto" sabi ni Abdul
"Ha? Bat naman?"
"Kasi ang layo, ang layong meron kang utak" sabi ni Abdul kay Carl
"Nagtatanong lang naman kasi yung tao tungkol sa pagong eh" sabi ni Carl
"Tanungin mo muna kasi sarili mo kung tao ka bang talaga" sabi ni Abdul
Pagkarating namin ng canteen ay nilibre kaming lahat ni Carl.
"Andami mo naman atang pera ngayon bro?" tanong ni Abdul
"Binigyan kasi ako ni lola ng pera kagabi tas binigyan pa ako ni mama ng baon kanina" paliwanag niya
"Pasensya talaga bro, akala ko talaga kasi naging akyat bahay kana talaga para malibre mo lang kami ngayong araw" sabi ni Abdul
"Ha? At bat ko naman gagawin yun para lang sa mga katulad nyo?" sabi niya habang kain lang kami nang kain
"Sakit mo naman mag salita bro" sabi ni Abdul na medyo oa
"Akala ko kasi talaga ganun mo kami ka love pero mali pala akala ko uhu" medyo oa na Adbul
"Bro kung di kayang gawin ni Carl yun ede tayo nalang gumawa" sabi ni Lou kay Abdul
"Sge bro magandang idea yan"
"Ikaw Garete sama ka din samin mamayang gabi" sabi ni Lou
"Saan? Mang aakyat ba ng bahay?" tanong ko
"Oo mamayang gabi, may target na ako" sabi ni Lou
"Kayo bahala basta wag niyo akong idadamay sa gagawin niyo ha?" sabi ni Carl
"Siya nga pala bro, kaninong bahay ba aakyatin natin?" tanong ko
"Oo nga kaninong bahay ba aakyatin nyo?" tanong ni Carl
"Carl wag kang maingay tungkol sa gagawin namin ha" sabi ni Lou
"Aba oo naman nakasarado tong bibig ko" sabi ni Carl
"Okey ngayong gabi aakyatin natin bahay nila Carl, agree?" sabi ni Lou
"Agree" sabay naming sabi ni Abdul
"Ako hindi agree" sabi ni Carl
"Wala kaming pake sa opinion mo Carl"
"Wag ka lang kasing maingay Carl" sabi ni Lou kay Carl
"Oo nga Carl wag ka lang kasing maingay, relax ka lang" sabi ko
"Mga wala kayong utang na loob nilibre ko pa naman kayo" sabi ni Carl
"Wag kang mag alala Carl, lilibre ka din naman namin eh pag nagtagumpay kami" sabi ni Lou
"Kayo bahala, ako nalang bahala magtawag ng pulis para sainyo" sabi ni Carl
"Bat ka magtatawag ng pulis? Aakyat lang naman kami sa bahay nyo para kumustahin ka eh" sabi ni Lou
"Diba mga bro?" dagdag pa ni Lou
"Oo nga" sabi namin ni Abdul
Ganto na talaga ugali ng aking mga barkada puro siraulo. Talento talaga nilang maging loko loko sa kanilang buhay.
Sa classroom
"Kate may gusto kabang kainin?" tanong ni Godfrey kay Kate
"Wala, wala ako sa mood para kumain" Kate na wala sa mood
"May gusto ka bang gawin?" Godfrey
"Wala, wala din ako sa mood para kumilos" Kate
"May problema ka ba Kate?" Godfrey
"Halata naman talaga eh" Kate
"Sabihin mo lang sakin problema mo, handa akong makinig kahit anong oras at ilang oras pa yan" Godfrey
"Wag na, kaya ko na to" Kate
"Basta pag kailangan mo ng tulong wag kang mahihiyang tawagin ako ha?" Godfrey
"Sge" Kate
"Katsu, bat hindi ka nga pala sumama sa kanila?" tanong ni Godfrey kay Katsu
"Wala lang, gusto ko lang umupo at magpahinga" Katsu
"Eh ikaw bat hindi ka sumama sa kanila?" Katsu
"May ginagawa pa kasi ako eh, yung assignment sa Math mamayang hapon ba" Godfrey
"Ah yun ba? Madali lang naman yun eh" Katsu
"Oo nga eh, pero maaga kasi ako natulog kagabi kaya di ko nagawa" Godfrey
"Siya nga pala Kate tapos kana ba sa assignment mo sa Math?" tanong ni Godfrey kay Kate
"Oo" Kate
"Pwede pahiram?" Godfrey
"Kagaya nga ng sabi ni Katsu madali lang yun" Kate
"Tsaka wag mo nga muna akong disturbuhin" Kate na wala sa mood
Nadismaya si Godfrey kaya itinigil na niya ang kanyang pangungulit kay Kate. Napatingin sa kanya at naisip ni Kate na mali pala ang kanyang ginawa. Kaya kinuha niya ang kanyang notebook sa math.
"Oh heto, nandyan assignment ko sa math" habang iniabot ang kanyang notebook
"Wag nalang siguro" Godfrey na nagtampo padin
"Kunin mo na kasi" pilit na inaabot ang notebook at tinanggap naman ito ni Godfrey
"Ayos lang ba talaga?" Godfrey
"Oo, pasensya kana talaga kanina ha, wala lang talaga kasi ako sa mood" Kate
"Ayos lang, sge gagawa muna ako ng assignment" Godfrey
Nagtampo si Godfrey pero nabuhayan ulit siya ng loob ng makita niya ang maamong mukha ni Kate na humihingi ng pasensya sa kanya.