Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

"Ngayong araw ay anniversary ng kasal namin ng aking pinakamagandang asawa" sigaw ng itay ni Katsu sa itaas at natahimik ang lahat upang makinig

"Lahat tayo ay magsaya at kumain ng sabay sabay" dagdag pa nya

"Bro kain na daw tayo sabi ni itay" sabi ni Katsu sakin

Siempre ako ay nahihiya, sobrang daming tao kasi tsaka ito ang unang beses kong makaranas ng ganito. Kumuha ng dalawang plato si Katsu at kanya itong ibinigay sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang plato ay sumunod nalang ako kay Katsu, kung ano ang kanyang pagkain na kukunin ay yun din ang sa akin. Pagkatapos ay kumain na kaming dalawa. Sobrang sarap ng pagkain pero hindi ko ipinahahalatang ignorante ako baka mapahiya pa ako at si Katsu. Pagkatapos naming kumain ay lumapit samin ang magulang niya.

"Anak, ipakilala mo naman kami diyan sa kaibigan mo" sabi ng kanyang inay

"Nakalimotan ko, si Garete nga pala ma pa kaibigan ko" sabi ni Katsu

"Magandang gabi po sa inyo" sabi ko sa kanyang mga magulang

"Garete, Nanay at Tatay ko nga pala" pakilala ni Katsu habang nakangiting tumitingin sakin ang kanyang mga magulang, sobrang awkward, ano ba kasi susunod kong sasabihin? Congrats? Happy Anniversary? napatanong nalang ako sa sarili ko

"Mabait ba tong anak namin sayo Garete?" tanong ng inay niya sakin

"Aba opo, sobrang bait po" tarantang sagot ko sa kanila

"Inay naman eh wag mo ngang pinipressure yung kaibigan ko"

"Nagtatanong lang naman ako eh" sabi ng mama niya

"Hayaan mo nalang kasi muna anak natin mahal" sabi ng kanyang asawa

"Wag mo nga akong utusan" sagot nya

"Bigyan mo kasi ng lugar ang anak natin mahal" sabi naman ng itay ni Katsu na medyo sweet ang pagkakasabi

"Ano ba kasi problema mo mahal? Eh anak ko to, nakikialam ka" sabi nya sa kanyang asawa

"Ito kana naman mahal nagsisimula kana naman, anniversary natin ngayon" paalala nya

"Eh ikaw naman talaga kasi"

"Sya sya kumustahin nalang muna natin ang iba nating mga bisita" sabi ng itay ni Katsu sa kanyang asawa

"Hmp..." at umalis ang inay ni Katsu na inis na inis

"Sge anak mag enjoy lang kayo, hayaan mo nalang muna nanay mo, mahal na mahal ka kasi nun" sabi ng itay ni Katsu at umalis at nakipag usap sa ibang mga bisita

"Pasensya kana talaga sa mga magulang ko bro" sabi ni Katsu sakin

"Haha wala yun bro, ambabait pala ng mga magulang mo bro" sabi ko sa kanya

"Mapagmahal pa" dagdag ko

"Haha ganun ba?" sabi nya sabay tawa

"Kuya!!!" sigaw ng isang babae kay Katsu

"Bat ngayon ka lang?" tanong ni Katsu sa kanya

"Pagod kaya ako galing school kanina kaya natulog muna ako sa kwarto ko tas ginising ako ni mama kanina kasi magsisimula na daw na late lang ako ng kunti kasi nag bihis at nag ayos pa ako" paliwanag nya kay Katsu

"Siya nga pala Kuya, kaibigan mo?" nagtatakang tanong ng kapatid ni Katsu

"Ay siya nga pala Garete, kapatid ko si Kliere , Kliere kaibigan ko si Garete" pakilala ni Katsu

"Nice to meet you po Kuya Garete" sabi ni Kliere sakin

"Huy Kliere, mas matanda kapa ng dalawang buwan kay Garete kaya wag mo syang tawagin na kuya" sabi ni Katsu

"Ito namang si kuya eh, masyadong seloso at maarte" sabi nya sabay tawa

"Nice to meet you din sayo Kliere" sabi ko

"Mag shakehands nga muna kayong dalawa" sabi ni Katsu

Hindi ko alam pero parang nahihiya na naman ako, sino ba naman kasi mag aakalang may kapatid na babae itong si Katsu tas ang ganda pa medyo kinulang nga lang sa height.

"Oy Kuya bat nya suot ang damit na bigay sayo ng nob.." sabi ni Kliere pero dali daling tinakpan ni Katsu ang kanyang bibig kaya di sya nakapagpatuloy sa pagsasalita

"Ano ba kuya" sabi ni Kliere

"Masyado kang maingay" sabi ni Katsu sa kanya

Alam ko talagang may tinatagong sekreto itong si Katsu pero kung ayaw niyang sabihin sakin ede don't alam kung may sarili din siyang rason kaya mas mabuti nalang na tumahimik nalang ako kesa makialam.

"Bro gusto mo ba lumanghap ng sariwang hangin? Masarap ang hangin dun sa taas, dun sa may rooftop" sabi nya sakin

"Wag kang mag alala sakin bro, ayos nako dito" sabi ko

"Kuya gusto ko umakyat sa rooftop" sabi ni Kliere

"Ede umakyat ka dun mag isa"

"Kuya naman eh, alam mo namang takot ako dun pag mag isa lang ako" sabi ni Kliere

"Kuya sge na" habang hinihila si Katsu

"Mahiya ka naman Kliere matanda ka na tas andito pa kaibigan ko" sabi ni Katsu

"Wag nyo na akong alalahanin pa bro" sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo

"Sge na nga" sabi ni Katsu kay Kliere

"Sumama ka din samin sa taas bro" sabi ni Katsu sakin

"Ah, sege bro" sabi ko

"Yey" masayang sabi ni Kliere

Pagkadating namin sa rooftop ay sinalubong kaagad kami ng isang napakalamig na hangin. Makikita mo talaga ang napakandang tanawin sa taas. Umupo si Kliere at humiga sabay tingin sa kalangitan. Habang si Katsu naman ay umupo.

"Kuya tingnan mo ang kalangitan, sobrang daming kumikinang na bituin" sabi ni Kliere kay Katsu

Humiga si Katsu at tumingin sa kalangitan at napangiti sabay sabi " Bro, bat di ka humiga ng makita ang kagandahan ng mundo" katulad nila ay humiga din ako tumingin sa kalangitan.

Kalma lang ang kapaligiran, malamig ang simoy ng hangin dulot ng katahimikan, ang mga bituin ay kumikinang, malaki at maliwanag ang buwan, ang ganda ng kalangitan, ang iniisip ko nalang, ay kung hindi ba ito kayang wasakin ng simpling ulan lang.

"Ang ganda diba?" tanong ni Kliere sa hangin

"Higit pa sa ganda" sabi ko

"Gusto ko sana lagi nalang ganto, tahimik at simply lang pero napaka gaan sa pakiramdam" mahinang sabi ni Katsu pero dinig namin, napatingin si Kliere sa kanyang kuya at napangiti pero halatang makikita ang tinatagong lungkot na makikita sa kanyang mga mata

Lumipas ang ilang minuto ay tumayo si Katsu dahil tumatawag ang kanyang ina sa kanyang selpon

"Napatawag si mama, bababa muna ako at pagkatapos ay babalik ako dito" sabi ni Katsu

"Sge bro"

"Sge kuya balik ka agad"

Bumababa na si Katsu at naiwan nalang kaming dalawa ni Kliere sa rooftop at biglang nagsalita si Kliere sakin

"Matagal na ba kayong magkakilala ni kuya?" tanong niya sakin

"Matagal tagal na rin, simula pa nung unang araw ng pasukan" sabi ko

"Alam mo? Naiingit ako sayo" sabi nya sakin at umupo na parang iiyak

"Ha? Bakit?" nalilitong tanong ko sa kanya

"Eh kasi palagi siyang may oras para sayo" sabi niya na tumitingin sa langit at nagsimulang tumulo ang luha ng kanyang mga mata

Napatingin ako sa kanya, sobrang lungkot ng kanyang mukha na parang di mo matimbang kung gaano kabigat ang problemang kanyang dinadala

"Alam mo kasi..." sabi niya habang dumadaloy ang luha sa kanyang mukha agad ko syang nilapitan at niyakap

"Tahan na" sabi ko sa kanya habang ako rin mismo ay nalulungkot

"Para ko na kasing tunay na ate yung girlfriend ni kuya nuon pero...." iyak sya ng iyak habang sinalaysay ang buong kwento tungkol sa kanyang kuya habang akoy nahihirapan na sya ay patahanin sapagkat nagsisimula nading pumapatak ang luha saking mga mata matapos kong marinig ang buong storya tungkol sa kanyang kuya.

Biglaang dumilim ang paligid, natakpan na pala ng ulap ang buwan

Makalipas ang mahigit sa isang oras ay kumalma na kaming dalawa, nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip

Sabi ni Kliere sakin ay wag ko daw tong ipapaalam sa kanyang Kuya baka daw kasi magalit sa kanya si Katsu. At sabi niya din sa akin na isipin ko nalang daw na wala akong narinig galing sa kanya.

Hindi din nagtagal ay dumating na si Katsu

"Pasensya na talaga bro, natagalan ako" ayos lang bro sabi ko sa kanya pero di ko talaga maiwasan na malungkot pag nakatingin ako sa kanya

"Alas dyes na pala bro kailangan ko na palang umuwi ng bahay baka kasi mag alala pa sakin sila nanay" sabi ko

"Sge bro hatid na kita" sabi nya

"Ayos lang ba talaga sayo bro?" tanong ko

"Aba oo naman, ako na mag dadrive" sabi niya

"Kliere bababa na kami" sabi ni Katsu sa kanyang kapatid

"Susunod nalang ako kuya" sabi nya na nakatalikod habang nakaupo

"Sege ikaw bahala basta wag mong tatawagin pangalan ko pag natakot ka ha?" sabi ni Katsu

"Bro ano ba nangyari sa babaeng yun? Nag away ba kayo?" tanong nya sakin habang kami ay bumababa

"Ha? ah eh, sabi nya sakin kanina sobrang gusto nya daw talaga dun sa taas" sabi ko

"Akala ko kasi talaga matatakutin yung babaeng yun" sabi nya

"Hindi nayon matatakot bro, matanda na yun" sabi ko sa kanya

Pagkatapos nga naming bumababa ay inihatid niya na ako sa bahay at pagkadating ko sa bahay ay napagalitan ako ni nanay dahil antagal ko daw umuwi ng bahay.