Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Gumising ako na malungkot, naalala ko kasi sabi sakin ni Kliere kagabi. Pumunta ako sa skwelahan na wala sa mood, iniisip kung kumusta na kaya si Katsu. Pagkadating ko sa skwelahan ay nakita ko si Katsu, nakaupo sa lang sa kanyang upuan, tahimik at parang may ginagawa. Pagakapasok ko sa silid ay tumingin siya sa akin sabay ngiti. Ngumiti din ako kahit akoy napipilitan lang.

"Bro, kumusta tulog mo?" tanong nya sakin

"Ayos lang naman bro" sagot ko

"Mabuti naman" sabi niya

"Siya nga pala bro, yung pinahiram mo saking damit at sapatos kagabi" sabi ko

"Pinalabhan ko nay mama, isasauli ko nalang sayo bukas" sabi ko

"Ah yun ba? Sayo na yun bro, tanggapin mo nalang bilang isang regalo mula sakin" sabi niya

"Eh, ang mahal mahal ng mga yun eh" sabi ko

"Ano ka ba, kaibigan kita at tinuring na rin kitang parang nakababata kong kapatid kaya ayos lang sakin yun" sabi niya

"Pero" sabi ko

"Nagpapasalamat nga ako sayo bro eh" sabu niya

"Ha? Para saan?" tanong ko

"Haha basta malalaman mo din yun pagdating ng tamang panahon" sabi niya

Mayroon sana akong mga tanong na gustong itanong sa kanya tungkol sa kanyang sitwasyon pero hindi ko magawa. Ang tanging magagawa ko nalang talaga ay magpanggap na wala akong nalalaman at maging isang mabuting kaibigan sa kanya.

Matapos ang ilang oras ay magsisimula na ang pagsasadula namin ng aming drama.

"Garete galingan mo ha?" sabi ni Kate sakin

"Aba siempre para sa grades" sagot ko

"Basta ha, mag relax ka lang lage" sabi niya

"Kahit magkabilang team tayo, nasayo parin ang supporta ko" dagdag pa niyang sabi na masayahin ang mukha

"Okey, walang problema, salamat Kate" sabi ko kay Kate habang sya ay nakangiti sakin

"Uy Garete halikana dito para magbihis" sigaw ni Yisa

"Okey po" sigaw ko

"Bye Kate"

"Bye din Garete"

Agad kung sinuot ang aking costume pero nagtataka ako kung bakit hindi ko nakikita si Sharie at lumipas ang ilang minuto ay natapos na din ako sa aking pagbibihis. Nagkagulo ang aking mga ka klase, kaya agad kung tinanong kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

"Yisa ano ba meron?" tanong ko

"Si Sharie, sobrang ganda daw" sabi nya

"Ha? Asan? Bat di ko siya makita" tanong ko

"Malamang hindi mo talaga siya makikita eh nasa kabilang room sya nagbibihis" sabi niya

"Ah haha ganun pala"

Hindi nagtagal ay pumasok na si Sharie sa aming silid, biglang tumahimik ang lahat ng mga ilang segundo, napatingin, natulala at napahanga sa ganda ni Sharie.

"Wow Sharie ang ganda mo naman" sabi ng isa naming babaeng kaklase

"Ganda" mga salitang maririnig mo sa kanilang mga ingay

Napatingin din ako sa kanya pero yun ay tingin lang ng isang kaibigan. Biglaang lumapit sakin si Kate.

"Ang ganda naman ni Sharie" sabi niya pero iwan kung sino ang kanyang kausap kaya sinagot ko nalang din "Oo nga eh"

"Siguro marami talagang nagkakagusto sa kanya" sabi niya

"Siguro nga" sagot ko

"Isa ka din ba sa mga nagkakagusto sa kanya" tanong niya sabay tingin sakin

"Ha? Wala akong ganung pagtingin sa kanya" sabi ko

"Pero gusto ko sya bilang isang kaibigan" dagdag ko

"Gusto mo rin ba ako bilang isang kaibigan?" tanong niya

"Aba oo naman, bat mo naman natanong" sabi ko

"Hindi ko kasi dama eh" sabi niya

"Ano ka ba naman eh dami mo pang drama" sabi ko sa kanya sabay tapik sa kanyang ulo

Lumapit si Sharie sakin sabay sabi "bagay sayo Garete"

"Ang alin?" tanong ko

"Yung suot mo" sabi niya

"Bagay din sayo yung suot mo" sabi ko kau Sharie

"Eh hindi naman eh" sabi niya

"Lalo ka pa ngang gumanda eh" sabi ko sa kanya

"Salamat" sabi niya

Di ko napansin na umalis pala si Kate habang nag uusap kami ni Sharie. At pumasok na ang aming class adviser para masimulan na ang aming presentasyon. Nagsimula na ang presentasyon at nauna ang group one, maayos at maganda ang kanilang presentatsyon kaya pumalakpak ang lahat. Pagkalipas ng ilang minuto ay kami na ang magprepresenta.

"Magandang umaga po sa lahat, nandito po kami ngayon sa inyong harapan upang isadula ang aming drama na tungkol kay Romeo at Juliet. At ang gaganap sa papel ni Romeo ay si Garete at si Sharie naman para kay Juliet, si Lance naman sa ama ni Juliet, Abdul bilang si Paris, Jane bilang Ina ni Juliet, at Ellies bilang katulong. Ngayon ay sisimulang na natin ang pagsasadula.

N: Matagal nang panahon mula ng magsimula ang hidwaan sa dalawang malalaking pamilya sa Italya, ang Capulet at Montagues. Sa gabing iyon ay may naganap na malaking pagdiriwang sa angkan ng mga Capulet, kung saan ang kanilang nag iisang anak na si Juliet ay paroroon.

Ama ni Juliet: Magandang gabi sa ating lahat. Akoy lubos na nasiyahan sa inyong pagdalo. Hindi ito isang pangkaraniwang selebrasyon lamang. Ngayong gabi ninanais kung ipakilala sa inyo ang aking nag iisang anak na si Juliet.

(Lumabas si Juliet mula sa pintuan)

Juliet: Maraming salamat aking ama. Ako nga pala si Juliet at ako ay nalulugod sa inyong pagdalo sa aking ika labing-walong kaarawan. Ang aking kahilingan lamang ay ang mapasaya kayo sa gabing ito ( nagbigay galang sa mga tao).

Narrator: Nagsimula nang magsaya ang lahat nang may isang makisig lalaki na biglang pumunta sa harapan kung saan nandoon ang ama ni Juliet. Naging seryoso ang kanilang mukha habang silay nag uusap. Walang ano anuy pinahinto nang ama ni Juliet ang musika at biglang nagsitahimikan ang lahat.

Ama ni Juliet: Meron nga pala akong nakalimutang sabihin at itoy isang napakalaking anunsyo. Ipinakilala ko sa inyo si Paris, siya ang napili kung maging asawa ni Juliet.

( Bumilog ang mata ni Juliet. Masyado siyang nagulat dahil maging siya ay hindi sinabihan nang kanyang ama tungkol dito.)

Juliet: Ama! Ano ito?

Ama ni J: Maaaring hindi mo ito matanggap ngayon pero alam kung matatanggap mo rin ang napakabait na si Paris.

N: Ngunit hindi ito tinanggap ni Juliet at sa halip ay nagalit siya sa kanyang ama.

Juliet: Ayo ko! Hindi ko ito matatanggap!!!

N: Tumakbo si Juliet palabas ng kanilang bahay habang umiiyak nang walang anu- anoy may nabangga siyang isang matipunong lalaki.

J: Pasensya na ho! Hindi ko ho kasi naaaninag ang daan.

Romeo: Shhhhh....may nakasunod sayo.. halika dito. ( Habang siyay hinila ni Romeo at silay nagtago sa isang malaking puno)

N: Nang makita ni romeo ang pag aalinlangan sa mata ni Juliet, agad siyang nagpaliwanag.

Romeo: Wag kang mag alala ..wala naman akong masamang gagawin sayo. Nais lang kitang tulungan dahil tila ikay may pinagdadaanan.

Sabi niya kay Juliet habang pinupunasan niya ang mga luha nito.

Matatagal rin silang nanatili doon at nagkwentuhan nang mapagtanto nilang lumalalim na pala ang gabi. Tumayo si Romeo mula sa pagkakaupo at inilahad ang kanyang kamay sa harapan ni Juliet.

R: Hawakan mo ang aking kamay upang ikay makatayo. Samahan na kita sa pag uwi mo

J: Salamat pero hardin lang namin to. Kaya ko nang umuwi nang mag isa.

R: Pero gabie na binibini, hindi ako yung tipo nang lalaki na mangingiwan nalang nang hindi man lang masigurong ligtas ang aking kaibigan. Ano nga pala ang itong pangalan?

J: Ako si Juliet. Ako ang may kaarawan ngayon.

R: I-i-ikaw pala yon?

J: Oo. Bakit nagugulat ka?

R: A-ahh wala. May naalala lang. Ako nga pala si Romeo. Ikinagagalak kong makilala ka.

( Hinatid ni Romeo si Juliet sa kanilang bahay at nang makita ito at nang makita ito ng ina ni Juliet agad itong nagulat, ngunit hindi siya nagpakita sa dalawa.Nang pumasok na si Juliet sa bahay, agad niya itong kinausap.

Ina ni Juliet: Juliet! Bakit kasama mo ang lalaking iyon?

Juliet: Sino ho inay? Si Romeo? Kilala nyo ho siya? Bago ko ho siyang kaibigan.

I: Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nakalimutan mo naba ang kaaway natin? Ang mga Montague. Ang lalaking iyon ay ang kanilang nag iisang tagapagmana na si Romeo Montague.

Juliet: Ano?

N: Naguluhan si Juliet sa kanyang nalaman. Kung kaaway man ang pamilya nina Romeo, bakit nakipagkaibigan ito sa kanya? Iyon ang nasa isip ni Juliet. Ilang araw na ang lumipas at hindi niya parin alam kung tama o mali ba ang ganyang pakikipagkaibigan sa binata. Ngunit isang gabi, habang siya ay nagbabasa sa kanyang silid, may biglang kumatok sa kanyang binata. Tumayo si Juliet at binuksan ito ngunit wala siyang nakita kahit anino man lang. Sa halip ay may nakita siyang papel na nakatupi sa gilig nang bintana. Agad niya itong binasa at napagtanto niyang galing ito kay Romeo.

"Magandang gabi binibining Juliet. Batid kong nalaman mo na ang aking tunay na pagkatao. Alam kong mahirap paniwalaan ito pero hindi ko talaga gustong makita na nagkasira ang pamilya natin. Ang gusto ko lamang ay makipagkaibigan sayo. Sa darating na linggo ay may pagdiriwang na magaganap sa bayan. Kung iyong pauunlakan nais ko sanang ikay makasama sa pakikisaya don. Susunduin kita upang malaman ko ang iyong sagot."

Umaasa,

Romeo

Nang mabasa ito ni Juliet agad siyang napangiti. Sapagkat nahanap na niya ang sagot sa kanyang katanungan.

Juliet: Pupunta ako.

N: Lumipas ang linggo at kinagabihay may biglaang kumatok sa bintana ni Juliet. Agad niya itong binuksan at labis na lamang ang kanyang saya ng makita niya si Romeo. Ito ang kauna unahang panahon na makakalabas siya mula sa nakakasakal na bahay nila.

Romeo: Sasama ka ba?

Juliet: Oo.

Playing: Love Story by Taylor Swift

Romeo: Kumapit kang mabuti. Hiya!

N: Sakay sa isang kabayo ay nadating na nila sa wakas ang bayan. Tila nawala ang lahat nang dinadala ni Juliet dahil sa ganda ng tanawin habang magkahawak ang kamay nila ni Romeo.

Romeo: Diba sabi ko ang ganda?

Juliet: Oo nga. Ang ganda talaga. Salamat sa pagdala sa akin dito.

N: Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakasunod na kawal kay Juliet, utos ito nang kanyang ama nang malamang nawala si Juliet sa kanyang silid.

Silang dalaway masayang naglibot sa bayan, kumain nang mga pagkain na ngayon lang natikman ni Juliet at tumanaw ng mga magagandang tanawin sa bayan. Labis ang saya nang dalawa sa piling nang isat isa. Hindi maitatago sa kanilang ngiti ang nararamdaman nila para sa isat isa.

Malalim na ang gabi nang maihatid ni Romeo si Juliet sa kanilang bahay.

Romeo: Juliet! May ninanais sana akong sabihin sa iyo. Maari bang tayoy magkitang muli sa puno kung saan tayo nagkaibigan ?

Juliet: Ako rin, may ninanais akong sabihin. Sa oras nag takipsilim Romeo, maghihintay ako.

N: Paglabas ni Juliet sa kanyang silid ay tumambad sa kanya ang galit na mukha nang kanyang ama

Juliet: A-ama...

Ama: Juliet! Ano tong iyong kalokohan? Bakit ka nakipagkaibigan sa bastardong Montague nayon?

Juliet: Ngunit mabait si Romeo ama. Tulad ko nais lang rin niyang magkaayos na ang mga angkan natin.

Ama: Hindi mo alam kung anong nakasalalay dito! Mula ngayon ay pinagbabawalan na kitang lumabas sa kwartong ito. Isang hakbang lang Juliet! Hindi mo alam ang ipaparusa ko .

Umiyak si Juliet. Pano nalang? Pano nalang ang magiging pagkikita nila ni Romeo. Nais nya pa sanang sabihin ang kanyang nararamdaman sa araw na iyon.

...

Naghintay sa Romeo sa tapat ng puno kung kailan sila unang naging magkaibigan ni Juliet. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang maalala niya kung pano niya napunasan ang luha sa mata ni Juliet. Ngayong araw niya rrin balak ipagtapat ang kanyang pag ibig. Nakarinig siya nang mga yapak sa kanyang likuran.

Romeo: Juliet?

Ngunit sa kanyang paglingon ay may pumalo sa kanya at siyay biglang nawalan nang malay.

Nang maimulat ni Romeo may dalawang lalaki na nakabantay sa kanya habang siyay nakatali sa isang upuan.

Romeo: Sino kayo?

Lalaki: Isinuko ka ng binibini sa amin. Wag kang mag alala, kami na ang magpaparusa sa iyo.

Romeo: Ano?

Naguguluhan man si Romeo ay alam niyang hindi siya ipapahamak ni Juliet. Nagpanggap siyang tulog hanggang lumalim ang gabi at nakatulog sng mga bantay. Agad agad siyang kumawala sa putol putol na tali. Bata pa lamang siya ay itinuro na ito nang kanyang ama kaya alam na niya ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

Agad siyang tumakas upang puntahan si Juliet.

....

Juliet: Ano ang aking gagawin?

Bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang katulong na sinugo niya upang pagmatyagan ang ginagawa ng kanyang ama.

Katulong: Hinuli po nila si Romeo at ikinulong sa isang bodega. Nagpaplano paho sila sa kanilang susunod na gagawin.

Juliet: Ano?

(Natakot si Juliet sa posibleng mangyari. ALAM niyang kayang kumitil ng buhay nang kanyang ama ng walang pag aalinlangan.)

Juliet: Nakuha mo ba ang pinapakuha ko sayo?

Katulong: Ito napo. Isang oras lang kayo mapapatulog niyan na parang walang buhay. Gagawin nyo ho talaga ito?

Juliet: Oo. Walang alinlangan.

Ito ang plano ni Juliet. Ang magpanggap na patay at mabigyan nang sapat na oras upang mapatakas si Romeo. Alam niyang mas mahalaga siya para sa kanyang ama kaysa sa iba pang bagay.

Nagulat ang lahat sa natuklasan nila na hindi na humihinga si Juliet. Ang katulong ni Juliet ang siyang nagpakalat nito. Dahil dito nakalimutan nila ang tungkol kay Romeo.

Ngunit si Romeo ay nakadungaw pala sa bukas na bintana ni Juliet, habang nakakubli sa malalabong na dahon ng malaking kahoy.

Hindi maipaliwanag ni Romeo ang kanyang nararamdaman. Labis ang kanyang paghihinagpis nang makita niya ang walang buhay na si Juliet habang maganda paring nakahiga sa kanyang himlayan.

Pagod man ay pumunta siya sa kanilang sanay tagpuan para sa gabing iyon. Doon ay umiyak siya nang umiyak hanggang sa napagtanto niyang wala nang saysay ang ang kanyang buhay. " Paalam, Juliet"

Sa sariling kamay ay pinutol ni Romeo ang kanyang natitirang hininga.

Lumipas ang isang oras at nagising na si Juliet mula sa pekeng pagkamatay. Mag isa nalang siya sa kanyang silid ayon sa pinag usapan nila nang kanyang katulong. Agad siyang bumangon at lumabas sa bintana upang pumunta sa bodega kung saan sana nakakulong si Romeo. Ngunit wala siyang nadatnan don.

Naisipan niyang nakatakas na si Romeo at baka pumunta sa kanilang tagpuan. Nang siya ay dumating, naaninag niya ang isang payapang mukha na nakahimlay sa lilim ng puno. Tanging liwanag nang buwan ang nagliwanag sa maamo nitong mukha.

Bumagsak ang mga luha ni Juliet. Hindi niya lubos maisip na gani to ang kahahantungan nang lahat.

Hinay hinay niyang nilapitan ang duguang katawan ni Romeo at ikinalong ito sa kanyang mga bisig

Juliet: Romeo!!!!!

Minamahal kita, aking Juliet.

Nakaukit sa puno ang linyang nais sanang ipagtapat ni Romeo kay Juliet. Sari sari ang kanyang emosyon nang makita niya ito. Umiyak may natawa si Juliet dahil iyon din sana ang kanyang sasabihin sa binata.

Kinuha niya ang patalim na nasa kamay ni Romeo at maigong pinagmasdan ang mapayapang mukha nang minamahal. Nakangiti ay sinabi nyang,

"Minamahal din kita, aking Romeo."

at tinarak sa kanyang dibdib ang patalim na ginamot ni Romeo upang wakasan ang kanyang buhay.