Matapos ang isang oras ay natapos na din sila sa pag papraktis at bukas na ang kanilang pagtatanghal sa kanilang drama at bumalik na kami sa aming silid at umupo sa aming mga upuan
"Garete kumusta ang praktis nyo" tanong ni Godfrey sakin
"Ikaw ba talaga yan Godfrey?" tanong ko sa kanya
"Ha?" litong tanong nya sakin
"Naninibago lang ako sayo" sabi ko
"Bigla ka kasing nangungumusta haha" dagdag ko pa sabay tawa
"Kate!!!" sigaw ni Godfrey kay Kate
"Ha? Bakit?" sagot nya na parang iwan
"Diba naghahanap ka ng kasama dahil pupuntahan mo yung nakababata mong kapatid sa first year?" sabi ni Godfrey kay Kate
"Ah eh" mahinang sabi ni Kate na parang nahihiya
"Oy Garete samahan mo nga yang si Kate kanina pa yan naghahanap ng makakasama eh" sabi ni Godfrey sakin
"Ha? Bat ako? Pwede namang ikaw nalang ang sasama diba?" sabi ko kay Godfrey
"Masakit paa ko bro" sabi ni Godfrey
"Oh di kaya mga kaibigan mo nalang" sabi ko kay Kate sabay tingin sa kanya
"Wag! Nakakainis kasama yang mga kaibigan ko" paliwanag ni Kate sabay senyas kay Godfrey at nakita naman ni Godfrey ang senyas ni Kate
"Samahan mo na kasi bro" sabi ni Godfrey sakin
"Para ka namang di lalake eh" dagdag pa ni Godfrey
"Anlayo kasi nun, tsaka malapit pa yun sa canteen" sabi ko na sinandyang sabihin ang magic word na canteen
"Libre kita maya" sabi ni Kate sakin
"Pagod talaga ako eh" sabi ko
"Pero gusto ko din pala lumanghap ng sariwang hangin kaya tara" dagdag ko pa
"Kumusta nga pala praktis nyo kanina" tanong ni Kate sakin habang naglalakad kami sa campus papunta sa first year
"Ayos lang naman" sagot ko sa kanya
"Sya nga pala Garete, sino nga pala partner mo sa drama"
"Si Sharie, bakit?" sabi ko
"Eh ganun ba?, napatanong lang" sabi nya na mahina ang boses
"Diba kapatid mo yun?" sabi ko kay Kate sabay turo sa kapatid nya sa malayo
"Ahh Oo hindi ko napansin" sabi nya na parang lutang
"Tara puntahan natin" sabi ko sa kanya
Pinuntahan namin ang kapatid niya at nilapitan ito ni Kate para kausapin tas pagkatapos ng isang minuto ay tapos na sila mag usap
"Ang bilis naman?" tanong ko kay Kate
"Ah? Nasabi ko na ang dapat kung sabihin" sagot nya
"Tara libre kita" sabi nya
"Wag na, busog pa ako" nahihiyang sagot ko
"Wag kana kasi mahiya" sabi nya
"Sabi mo eh" sabi ko
Pagkatapos naming kumain ay siempre nabusog ako, sarap kaya talaga sa feeling pag libre sulit na sulit, at bamulik na kami sa aming silid.
Pagkapasok namin ay nakatingin si Sharie samin pero gaya ng dati malamig pa din ang kanyang tingin, walang ipinagbago kahit kunti.
"Bro, saan kayo galing?" tanong ni Katsu sakin
"May pinuntahan lang bro" sabi ko sa kanya sabay ngiti
"Bro halika ka nga dito" sabi ni Katsu sakin
"Bakit bro" habang lumalapit kay Katsu at agad akong umupo sa aking upuan
"Bro, magpaliwanag ka daw" sabi ni Katsu
"Ha?Bakit? Kanino?" tanong ko sa kanya
"Bakit daw kayo magkasama ni Kate" bulong nya sakin
"Ha? Sino ba kasi nagtatanong?" litong tanong ko sa kanya
"Si Sharie...." bulong nya sakin na medyo malamig ang boses
"Hahahahaha" natawa nalang kaming dalawa
Pagkabalik namin ay nakita ni Godfrey na matamlay na parang nahold up si Kate
"Anong nangyari sayo Kate?" tanong ni Godfrey kay Kate
"Wala" sabi ni Kate
"Bat parang malungkot ka ata?" kulit na tanong ni Godfrey
"Wala nga lang sabi eh" sabi ni Kate
"Wag mo na muna ako kausapin" dagdag pa nya
Nagtaka si Godfrey kung anong nangyari kay Kate at nasasaktan din dahil nakikita nyang malungkot si Kate, mahirap din talaga intindihin kung bakit madaling nahulog itong si Godfrey kay Kate habang si Garete sa harap ay sobrang saya habang kausap si Katsu. Gusto sanang tanungin ni Godfrey si Garete kung anong nagyari pero hindi nalang sapagkat ayaw nyang nangingialam sa buhay ng iba. Hindi alam ni Godfrey na malungkot si Kate dahil sa simpling rason lang at ito ay ang nalaman niya na tama pala ang hinala nya na partner ni Garete ay si Sharie at nalaman din ni Kate na naging magkaibigan na si Sharie at Garete.
Pagdating ng hapon at uwian na naman, kagaya parin ng dati si Garete ay maagang umuwi at habang sya ay naglalakad pauwi mag isa, biglang dumating si Godfrey sa kanyang likoran "Garete, hintayin mo nga ako" tawag ni Godfrey kay Garete na medyo seryuso ang boses
"Oy bro, ikaw pala? Ano problema" tanong ko kay Godfrey
"Bat napahabol ka?" dagdag ko pa
"Gusto ko lang umuwi ng maaga" sabi ni Godfrey
"Wow, ikaw ba yan Godfrey?" tanong ko sa kanya na medyo nabigla
"Gusto mo ba si Sharie?" tanong ni Godfrey sabay akbay sakin
"Ha?" napa ha nalang ako
Si Godfrey ay yung tipo ng tao na hindi masyadong nakikialam sa buhay ng iba. Pero pag may gusto sya, ibang usapan na yun, pero alam nya kung paano lumugar. Tapat ding kaibigan itong si Godfrey, sumasabay sa kabaliwan ng tropa at hindi maarte. Ang unang babaeng nagustuhan ni Godfrey ay si Sharie, pero dahil sa hindi sya gusto nito ay agad nyang pinigilan ang kanyang nararamdaman at dumistantsya nalang. Wala pa talagang nakakaalam sa kanyang mga barkada kung paano umibig itong si Godfrey kung hanggang saan ang kanyang kayang gawin mapasaya lang ang babaeng gusto nya.
"Uulitin ko, GUSTO MO BA SI SHARIE?" klarong pagkakasabi ni Godfrey
"Ano bang pinagsasabi mo bro, kaibigan ko lang si Sharie" sagot ko
"Wag nyo naman lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin" dagdag ko pa
"Si Kate? Gusto mo ba sya?" tanong nya sakin
"Bro ano bang pinagsasabi mo?" sabi ko sa kanya
"Sagutin mo lang kasi tanong ko" sabi nya
"Magkaibigan lang din kami" sagot ko sa kanya ng buo
"Ibahin nalang natin ang tanong" sabi nya habang kami ay patuloy na naglalakad
"Ano na naman bang kalokohan to bro?" sabi ko sa kanya na tumatawa ng pilit sabay tingin sa kanya
"Basta nagtatanong lang ako" sabi nya
"Sagutin mo tanong ko, yung totoo" dagdag pa nya
"Sge sge" sabi ko
"May gusto ka bang babae?" tanong ni Godfrey sakin
"Hahahaha" tawa ko sa kanya
"Alam mo namang ng aaral lang ako ng mabuti" sagot ko sa kanya
"Simply lang naman yung tanong eh" sabi nya
"Sagutin mo lang ng meron o wala" dagdag pa nya na medyo seryuso
"Okey okey, seryuso mo naman eh" sabi ko
"Antay lang muna iisipin ko lang ng maigi kung may gusto ba talaga akong babae" sabi ko sa kanya
Nilito ko muna si Godfrey, isip daw ako ng isip ng maigi pero sa totoo iniisip ko talaga kung bakit biglang naging malayo ang bahay namin ngayong hapon
"Wala" sabi ko
"Ha?" sabi nya
"Anong ha? Sabi ko wala, wala pa akong nagugustohang babae" sabi ko sa kanya
"Totoo ba talaga yan?" tanong nya
"Meron talaga eh" sabi ko
"Ano ba talagang totoo?" tanong nya
"Wala" sagot ko
"Sarap mo sapakin" sabi nya
"Nanapak kana ngayon?" tanong ko sa kanya
"Oo, sa mga siraulong kaibigan na tulad mo" sabi nya
"Hahahahahaha" napatawa nalang kaming dalawa habang kami ay naglalakad pauwi
"Ano nga pala gusto mo sa isang babae Garete?" tanong na naman nya sakin
"Wala pa nga akong nagugustohan paano ko malalaman?" sabi ko sa kanya
"Ganto nalang KUNG magkakagusto ka sa isang babae ano naman ang gusto mong meron sya na magugustuhan mo?" nakakalitong tanong nya sakin
"Kung ganun, ahmmmmm..." nag iisip ako ng maigi
"Simply lang" sabi ko sa kanya pagkalipas ng isang minutong pag iisip ng malalim
"Tangina mo talaga Garete" sabi nya
"Oh bakit nanaman?" tanong ko sa kanya
"Palagi ko ng naririnig yang simply simply na babae na yan, alam mo? wag mo nga ako pinagloloko" sabi nya
"Ano ba kasi mapapala mo kakatanong sakin nyan?" tanong ko sa kanya
"Oo nga no? hahaha simpling babae is the best" sabi nya sabay tawa
Kung iisiping maigi, ginawa lang naman ni Godfrey ang kanyang tungkulin bilang isang kaibigan ni Kate, sabihin nalang nating kaibigan sapagkat hindi naman makikita na may ibang intensyon si Godfrey. Alam nyang wala sa mood si Kate kanina kaya ginawa nya lang ang kanyang makakaya para sumaya si Kate. Pagkatapos malaman ni Godfrey na simpling babae pala ang gusto ni Garete ay agad niyang ininform si Kate tungkol dito. Hindi nya alam kung tama ba o mali ang kanyang ginagawa pero alam nyang ito lang ang kanyang tanging magagawa para makitang masaya ang babaeng gusto nya. Babaeng gusto nyang makita ang mga ngiti at tawa ng maamo nitong mukha.