Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

"Gabi na naman, kapagod" sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng aking selpon para tingnan ang aking messenger at pagkatingin ko nag chat pala si Katsu sakin 30 minutes ago sabi nya punta daw ako sa bahay nila kasi maghahanda sila ng pagkain dahil anniversary daw ng kanyang mga magulang, magrereply na sana ako na hindi ko alam kung saan bahay nila ng biglang may nag busina na sasakyan sa labas ng bahay namin

"Magandang gabi po" sabi ng isang lalake sa labas ng bahay

"Magandang gabi din, sino ho hinahanap nyo?" tanong ni inay sa lalake

"Dito po ba nakatira si Garete?"

"Garete!!!" sigaw ni mama

"May naghahanap sayo dito" dagdag pa ni mama

"Sino po yan nay?" tanong ko

"Aba iwan, ikaw yung hinanap hindi ako" sabi ni mama

"Bababa na po nay" sabi ko

"Maiwan na kita dito ha? May gagawin pa kasi ako" sabi ni inay sa lalake

"Sge po"

Pagkababa ko ay may sinabi si inay sakin "Huy anak miyembro ka ba ng isang mafia?"

"Aba inay, ano na naman ba pinagsasabi nyo?"

"Mas mabuti pag ikaw yung boss anak"

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang lalake na may itim na pananamit at naka formal attire

"Ikaw ba si Garete?" tanong ng lalake

"Opo"

"Sabi ng anak ni boss na sunduin daw kita" sabi ng lalake

"Ano nga po pala pangalan ng anak ng boss nyo po?" tanong ko sa lalake

"Katsu" sabi niya

"Ah si Katsu pala kaibigan ko haha" sabi ko sa kanya sabay tawa at nalilito dahil sa pagkakaalam ko hindi naman hinahatid si Katsu sa skwelahan tas ngayon makikita ko itong napaka gandang sasakyan sa harap ko?

"Tara na po?" magalang na sabi ng lalake

"Ah opo" sabi ko habang naguguluhan ang utak

"Inay invited daw po pala ako sa handaan ng aking kaibigan" sigaw ko kay inay

"Uuwi po agad ako inay pagkatapos ko kumain, pakisabi nalang din po kay itay na wag mag alala sakin" dagdag ko pa

"Sge anak mag ingat ka, umuwi ka ng maaga ha? May pasok kapa bukas" paalala ni inay

"Opo ma" sigaw ko kay inay sabay dahan dahang pumapasok sa magandang kotse at dumiretso na kami sa bahay ni Katsu, medyo malayo layo pala bahay ni Katsu.

Pagkababa ko sa sasakyan ay nakita ko ang bahay ni Katsu, ang laki ng bahay nila mukhang limang beses sa bahay namin. Di ko talaga maipaliwanag kung bakit kakaiba ang kinikilos ni Katsu sa skwelahan, para lang kasi syang isang normal na studyante na galing sa isang normal na pamilya na pumapasok lang din sa isang normal na paaralan. You can't judge the book by its cover nga talaga sabi nila. Napatayo muna ako at napahanga at makalipas ang ilang minuto ay dumating si Katsu para ako ay sunduin at habang sya ay nasa malayo, kumakaway sya na nakangiti

"Bro" sabi ni Katsu sakin sabay lapit at biglang akbay sa akin na masayahin

Tumahimik lang ako at wala akong masabi, para akong iwan na walang magawa kundi tumayo lang na parang rebulto.

"Tara pasok na tayo sa bahay" aktibong sabi niya sakin

"Bro, nakakahiya" sabi ko kay Katsu sabay tingin sa mga bisita na pumapasok sa bahay nila na may mga magagandang kasuotan na halatang galing sa mga mayayamang pamilya. At bigla kong naalala na hindi nga pala ako nakapagbihis ng maayos, nagugulahan kasi ako kanina kaya bigla akong sumama, pambahay lang yung suot ko, gusto ko na umuwi ayaw ko mapahiya.

"Wag kang mahiya, ako bahala sayo, bahay namin to" sabi ni Katsu

"Pero nakalimutan ko pala magbihis ng maayos bro" hiyang sabi ko sa kanya

"Yan lang naman pala ang problema eh, tara sa bahay pili kalang ng damit sa aparador ko sa kwarto" sabi nya

"Wag kang mag alala karamihan sa mga yun ay hindi ko pa naisusuot" dagdag pa niya sabay tawa

Kahit ako ay sobrang nahihiya ay pumasok ako sa bahay nila, napakaraming bisita at yung iba ay nakatingin pa samin, dinaanan lang namin ang napakaraming tao, sobrang laki talaga ng bahay nila at umakyat kami sa ilakawang palapag ng kanilang bahay, hindi nagtagal ay umabot na rin kami sa kwarto ni Katsu. Ang laki ng kwarto niya, sobrang linis pa, para talagang babae ang nakatira sa kwarto nya.

"Garete ano pang tinatayo tayo mo dyan halika dito, pumili ka lang ng kung anong gusto mong damit na makikita mo dito" sabi ni Katsu sakin sabay bukas sa kanyang aparador

"Ha? ah eh? nahihiyang sabi ko

"Wag kana mahiya para narin tayong magkapatid" sabi nya

"Eh kasi..." sabi ko

"Nahihiya pa tong gagong to, sa skwelahan parang lasing" sabi nya

"Iba kasi sa skwelahan" sabi ko sabay kamot sa ulo ko

"Isipin mo nalang na ako yung nakakatanda mong kapatid" sabi nya

"Dahil ako ang iyong nakakatandang kapatid, ako nalang pipili ng babagay sayong damit" dagdag pa nya

Naghanap si Katsu ng damit na babagay kay Garete pero hindi sya makahanap ng special na damit para sa kanyang kaibigan kaya ang ginawa nya ay kinuha nya ang kanyang paboritong damit at pantalon na bigay pa sa kanya ng kanyang jowa mahigit isang taon na ang nakalilipas. Medyo malaki ang damit na ito para sa kanya kaya isang beses lang nya ito naisuot pero inalagaan nya ito ng mabuti, palagi niyang tinitingnan kung may akalibok bang nakakapit dito. Ano ba namang klaseng babae ang magbibigay ng damit sa kanyang nobyo na hindi kakasya. Parang nagkataon lang pero nagkasya talaga ang damit kay Garete, makikita sa mukha ni Katsu ang ngiti na hindi maipaliwanag ng siyensiya. Kanyang naaalala ang mga araw na kasama ang kanyang minamahal. Pero walang alam si Garete tungkol dito. Inihagis din ni Katsu ang pantalon kay Garete at pumunta sya sa kanyang lalagyan ng sapatos at kinuha nya ang kaniyang pinakabagong bili na sapatos. At ibinigay nya ito kay Garete sabay sabing "labas muna ako, tawagin mo lang ako pag tapos ka na bro"

"Ayos lang ba talaga to bro?" nahihiyang tanong ko

"Ano ka ba, sge labas muna ako isasarado ko lang ang pinto tapos tawagin mo lang ako pag tapos ka na" sabi nya sabay labas at sinarado ang pinto

Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula na akong magsuot ng pantalon na binigay nya sakin at isinuot ang magarang sapatos na halatang bago at hindi pa naisusuot. Kumalma muna ako kunti, pilit kong tinatanggal ang kaba at hiya, lumapit ako sa malaking salamin ng kanyang kwarto at tiningnan ang aking sarili, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, ganto pala maging mayaman? sabi ko sa sarili ko sabay tingin sa maganda kung kasuotan. At pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag ko si Katsu.

"Bro, tapos nako magbihis" sabi ko na medyo malakas ang pagkakasabi na nakaharap sa pinto

Pumasok si Katsu na may kasamang magandang babae

"Bro, maupo ka muna diyan sa kama" sabi ni Katsu

"Okey bro" sabi ko na medyo kalmado

"Siya nga pala bro, si Bella, make up artist at hairstylist" sabi niya

"Hi po" magalang na sabi ko kay Bella

"Hello" sabay ngiti "maupo kalang at wag kang malikot ha?" sabi niya

"Opo" napaupo nalang din ako, hindi ko naman talaga alam kung ano dapat ang gagawin eh, ikaw ba naman ipanganak sa mahirap na pamilya

Nagsimula ng magtrabaho si Bella, inayos nya ng inayos ang buhok ko, iwan ko lang din pero parang sinusuklay lang naman nya buhok ko, kung alam ko lang sana na pagsuklay lang pala gagawin niya sakin ede sana ako nalang gumawa. Pagkatapos ng ilang minutong pang iirita niya sa buhok ko ay natapos din siya.

"Ang cool mo tingnan bro" sabi ni Katsu sakin na napahanga

"Talaga ba bro?ha ha" sabi ko sa kanya sabay tawa

Tumingin ako sa maliit na salamin na pinahiram sakin ni Bella at nakita ko ang aking mukha malamang ako yung nakatingin eh at isa lang ang masasabi ko sa bagong ayos ng aking buhok at yun ay DABEST. At pagkatapos ay sinimulan nya na namang galawin yung mukha ko at pagkatapos ng ilang minuto ay tumingin ako sa salamin at grabe, hindi ko na tuloy maipaliwanag na ang gwapo ko nga palang talaga kahit medyo mataba ako pano na kaya pag pumayat pa ako? Nakalimotan ko tuloy na nasa bahay pala ako ng kaibigan ko.

"Tara na sa baba bro, magsisimula na ang party" sabi ni Katsu sakin

"Tara" sabi ko na medyo excited na

Habang kami ay papalabas na ng kwarto ay may napansin ako kay Katsu at yun ay sya yung tipo ng kaibigan na handang magbigay mapasaya lang ang iba. Pero tanong ko sa sarili ko kung wala bang kapalit itong sayang kanyang ipinadadama.

Habang kami ay nasa ikalawang palapag ay makikita na namin ang mga bisita sa baba, napakagandang tingnan. Mayroong mga pagkain na alam mo na talagang masarap kahit ikaw ay nasa malayo pa. At habang kami ay pababa na at malapit na sa baba ay may biglang tumawag kay Katsu sa ikalawang palapag "Katsu" napatingin kaming dalawa sa taas, isang babae kung iisipin ay kaedad lang ng aking magulang pero mas bata tingnan na nakasuot ng kulay puti at may biglang dumating na lalake na parang magka couple outfit silang dalawa. "Kaibigan mo?" tanong ng babae sa taas "Opo inay" sagot ni Katsu. Napayakap ang lalake sa likod ng inay ni Katsu at yun palang lalaking yun ay tatay ni Katsu, napatingin sila sa akin na parang nababahala sabay tingin sa sapatos na hindi pa naisusuot ng kanilang anak na kanilang iniregalo kay Katsu nuong nakaraang araw.