Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Mabilis ang takbo ng panahon, lumipas ang mga araw, gabi, oras, minuto at segundo at isang araw sa klase, may pinapagawang drama sa amin ang aming class adviser na si Mrs. Ayn.

"Okey class alam kong alam nyo na kung paano gumawa o magsadula ng isang drama"

sabi ni Ma'am Ayn

"Bubuo tayo ng dalawang grupo, ako na pipili ng myembro para sa bawat grupo" sabi ni Ma'am Ayn

"Group one: Lyka, Jean, John, Ray, Kate, Meghan, Godfrey, Lou, Carl, Cherry, Charisse at iba pa"

"Sa pangalawang grupo naman ay sina Sharie, Jane, Katsu, Ellies, Abdul, Yisa, Lance, Garete at iba pa"

"Oh sha nga pala, kayo na bahala pumili kung anong drama ang gusto nyong isadula basta kailangan ko lang makakita ng magandang presentasyon galing sa inyo! maliwanag?" sabi ni Ma'am Ayn

"Yes ma'am!" sabi ng lahat

Labis ang aking tuwa dahil halos lahat ng aking gagong kaibigan ay nasa kabilang grupo

"Nice bro" sigaw na sabi ko kay Katsu

"Magka grupo tayo bro, ayos na din to" sagot ni Katsu sa akin at para bang may lungkot ang kanyang mukha

"Bro, bat parang hindi ka masaya? Ayaw mo ba akong maging ka grupo?"

"Ah may iba lang akong iniisip bro wag mo nalang akong intindihin" sabi nya sakin na medyo malungkot pa din

"Kung may problema ka bro sabihin mo lang sa akin" sabi ko sa kanya sabay ngiti

"Kahit ganto lang ako handa akong makinig sa lahat ng problema mo" dagdag ko pa

"Okey bro, baka sa susunod nalang" sabi nya sakin na medyo malungkot pa din

"Deal yan ha? Tawagin mo lang ako pag kailangan mo tulong ko" proud na pagkakasabi ko sa kanya

"Akoy laging handa sa kahit ano mang oras ng sakuna! boy's scouts ba nag sabi nun?" sabi ko sa kanya

"Aba iwan, mukhang gawa gawa mo lang naman ata yan eh" sabi nya sakin sabay ngiti

Sa unang pagkakataon ay nakita kung ngumiti ang aking kaibigan na si Katsu, unang araw palang kasi palagi na syang tahimik, minsan matatakutin pa at malungkotin in other words sadboi amp

"Oh bat ka napangiti?" tanong ko sa kanya

"Ikaw Katsu ha, wag mo sabihing tinamaan ka na sa akin?" dagdag ko pa

"Hahahaha hindi, napangiti ako dahil trip ko lang ngumiti" sabi ni Katsu habang natatawa

Matalino din talagang tao tong si Katsu minsan pa nga nangongopya ako sa kanya pag di ko naiintindihan yung mga tanong o pag wala ako masagot, hindi ko talaga alam ang background nitong si Katsu pero sa pagkakaalam ko mabilis sya matuto, palagi din syang naglalaro ng mobile games.

"Group two! Asan na ang mga kasapi ko?!" sigaw ni Yisa

"Hoy hali na kayo lahat dito mga myembro ng group two may pag uusapan tayong mahalaga" sigaw ulit ni Yisa

"Bro punta tayo dun, tinatawag na tayo" sabi ko kay Katsu

"Sge tara bro"

Nagtipon tipon na kaming lahat na puro group two pinag uusapan namin kung anong drama ang gagawin namin, nakaisip ng idea si Yisa at gusto nyang isadula namin ang kwento ni Romeo and Juliet dahil madali lang daw ito pero di ako nakikinig kasi kinukulit ako ni Abdul

"Garete, Abdul! sigaw ni Yisa sa amin

"Po?" sagot namin ni Abdul

"Gusto nyo bang sumali sa grupong to or sa group three nalang kayong dalawa?" tanong ni Yisa samin na medyo galit

"Makikinig na po" sabi ko

Humahagikgik pa din si Abdul dahil di sya maka move on sa kanyang kalokohan habang ako tamang pigil lang kasi baka mapagalitan na naman kami

"Ngayon, pipili na tayo kung sino gagawin nating Romeo at Juliet" sabi ni Yisa

"Sino ba sa inyo ang gustong maging si Romeo?" tanong ni Yisa

Walang nagboluntaryo at tumahimik lang lahat ang mga lalake

"So wala, ganun?" tanong ni Yisa

"Okey sino naman gusto maging Juliet?" tanong ni Yisa na parang naiinis

Natahimik lahat ng babae sa grupo

"So ganun wala ding gusto maging Juliet so props lahat ganun?" sabi ni Yisa na medyo mataray ang boses

"Ganto, ako nalang pipili sainyo kung sino ang para sa character ni Romeo at Juliet ayos lang ba?" mahinahong sabi ni Yisa

Sumang ayon naman ang lahat sa idea ni Yisa

"Garete ikaw sa Romeo" sabi ni Yisa

"Nako, bat ako? Masyado akong mataba para dyan di talaga bagay sa akin" paliwanag ko sa kanila

"Hindi ka naman masyadong mataba Garete, eh katamtaman lang" sabi ni Ellies

"Oo nga bro" sabi ni Kareem sa akin na medyo sarkastiko

Sumang ayon ang lahat at hindi ako nakalusot kaya pumayag nalang din ako

"Sa Juliet naman ay si Ellies, ayos lang ba sayo Ellies?" sabi ni Yisa

"Pasensya na talaga pero di ko po talaga kayang gampanan ang papel ni Juliet" sabi ni Ellies na medyo nahihiya

"Nahihiya po kasi ako pag maraming nakatingin na tao sa akin" paliwanag ni Ellies

"Baka bumagsak pa tayong lahat ng dahil sa akin, sorry talaga" dagdag pa ni Ellies

"Sharie ikaw nalang sa Juliet kung ayos lang sayo" sabi ni Yisa

"Ok" sagot ni Sharie na medyo cold

pagkatapos ng ilang minutong pag pupulong ay natapos din

"Praktis tayo bukas walang aabsent ha?" sabi ni Yisa

"Opo" sagot namin

Sa kabilang banda ay palagi palang nakatingin si Kate sa grupo namin, pinagmamasdan nya kinikilos namin, inis na inis sya dahil napunta sya sa group one.

Bumalik na kami ni Katsu sa aming upuan pagkatapos ng pag pupulong

"Bro, sino bet mo, si Kate o si Sharie" bulong nya sa akin

Napangiti ako saglit

"Si ...... bro" bulong ko naman kay Katsu

"Talaga bro? Haha ikaw talaga magaling ka din pumili" sabi nya sa akin na tumatawa

"Eh ikaw bro sino bet mo dito?" bulong ko sa kanya

"Wala bro, mas trip ko yung ka edad ko" bulong nya sa akin

"Ilang taon kana pala bro?" tanong ko sa kanya

"Nineteen ngayong Oktubre" sabi niya

"Mas matanda ka pala sa akin ng dalawang taon pero bat parang mas bata ka pa sa akin bro?" tanong ko sa kanya

"May anting anting kasi ako bro" bulong nya sa akin

"hahahahaha"

Tumawa kaming dalawa ng tumawa at biglang dumating si Kate sa likod namin at umupo sa kanyang upuan at parang wala sya sa mood

"Bro, tingnan mo si Kate oh parang na badtrip ata" bulong ni Katsu sa akin

"Oy Kate napano ka?" tanong ko sa kanya

"Wala!" sagot nya sa akin na medyo galit

"Anong nangyari sayo bat parang galit ka ata?" tanong ko sa kanya

"Naiinis lang ako ngayon" sabi nya

"Ano na naman ba kina iinisan mo?" tanong ko sa kanya

"Basta naiinis ako, wala ka naman pake dun" sabi nya sa akin na medyo galit ulit

"Hoy Kate, nasapian ka ba ng masamang espirito?" tanong ko sa kanya

"Iwan ko sayo" sabi nya

"Akin na nga isang kamay mo Kate" sabi ko sa kanya

"Bakit? ano gagawin mo sa kamay ko?" mausisang tanong nya

"Basta akin na kasi kulit mo naman eh"

Agad nyang iniabot ang kanyang kanang kamay sa akin "oh heto" sabi nya na medyo malakas ang pagkakasabi

Hinawakan ko ang kanang kamay ni Kate gamit ang dalawa kung kamay "oh masamang espirito lumayas ka sa katawan ni Kate" sabi ko na nakapikit ang aking mga mata na para bang nag oorasyon

Ngumiti si Kate habang nakatingin sa akin

"Wala na ba ang masamang espirito?" tanong ko kay Kate

"Hahaha iwan ko sayo" sabi nya sakin sabay tawa

"Hahahahaha"