Chereads / LUX IMPERIUM ACADEMY | THE SCHOOL OF MAGIC | (BXB STORY) TAGALOG / Chapter 21 - CHAPTER 18: THE QUEEN OF THE BEAST

Chapter 21 - CHAPTER 18: THE QUEEN OF THE BEAST

Light's POV

Hayyss nandito kami ngayon sa cafeteria hayyys para akong artista o isang sikat na personality grabe, sino ba naman ang hindi sisikat ehhh halos creature ko yung pinag uusapan nila na malalakas daw at unidentified pa daw hayyys kahit saan ako pumunta , kahit saang sulok pa ng paaralang ito yung titig nila kung nakakamatay lang kanina pa ako naging lamay nito sa kanilang mga titig na wari'y kong parang yung iba hangang hanga, yung iba naman inggit at yung iba naman galit hayys sa bagay expect the unexpected ika nga akalain mo ba naman ibang mundo ang inaapakan ko ngayon akala ko pati ugali iba din pero i was xrong , pare pareho lang pala ang mundong ito sa mundo ng mga tao sa pag uugali, yung pinagkaiba nga lang advanced dito at gumagamit ng mahika . Kanina lang tinuruan kami ng professor namin kung paano ibalik ang aming mga creature pwede din daw yun gamitin upang ibalik ang mga guardian mo sa kani kanilang mga realm o place. ang magic word na tinuro sa amin ni professor ay ad requiem tuam , hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng salitang ito basta ang sabi daw ni professor magagamit daw namin ito para ibalik sa kani kanilang pahingahan ang aming creature para daw magain nila ulit yung kapangyarihang nawala sa kanila.

" Ang lakas ng creature niya pero I'm sure mahina parin siya wala nga akong naramdamang malakas na presensya o aura man sa kanya hayys weak"

" Ang lakas niya pala nuh akalain mo ba naman ang mga creature niya ay ang pinanggagalingan ng bawat kaharian "

" Mahina parin yan wag kayong pakampante na malakas yan mahina parin yan"

Ilan lang ito sa mga naririnig kong bulung bulungan sa cafeteria hayyss nakakarindi talaga.

" Hayaan mo na light inggit lang yan sila kahit nga ako inggit sayo akalain mo ba naman ang lalakas ng mga creature mo"biglang singit ni shiela by the way pala sinabi ko narin sa kanila ang tungkol sa mga creature ko alam niyo ba sobrang gulat sila hahahhaha ang hindi nila alam na million million yun, pero ayokong malaman nila na marami akong creature baka mag iba ang paningin nila sa akin at baka pagkainteresan ako ng mga nilalang dito sa agartha, ayokong mag cause at maging dahilan ng kaguluhan dito.

" Oo nga ang swerte mo nga na may ganyan ka kami nga hangad din namin na magkaroon kami ng ganyan, naiinggit nga kami sayo kasi isa kang summoner samantalang kami simpleng magical folks lang hayss pero alam mo ba excited na ako mamaya para sa guardian enhancement subject namin ano kayang guardian ko sana malakas para makatulong din ako sa pagpapatayo ng guild natin ulit" mahaba mahabang wika ni dim habang kumakain.

" Hayaan mo ipanalangin mo nalang kay lord na sana malakas yang makukuha mo" pagpapagaan ko sa kanya ganon na ba ako kaswerte para maghangad din sila ng mataas na klase ng creature.

Habang kumakain kami ay biglang nag tilian ang mga babae pati narin ang mga bakla sa cafeteria. Hayyss alam ko na kung sino ang paparating, mga royals. Dahil sa inis hindi ko nalang namalayan na nasalampak ko nalang ang aking kamay sa aking batok.

" Owws si weakling nagkaroon ng malalakas na creature at sampu pa " biglang singit ng kapre hayyss hindi ko nalang siya pinansin alam kong mambubully lang siya at sasaktan ako hayys nakakainis talaga ang presensya ng prinsepeng itong nakakarindi.

" Ba't ka nahihiya mag salita dahil ba mahina ka" paglalait nito hayysss kung makapanglait akala mo naman ang lakas niya kung pwede ko lang ilabas ang million million kong mga creature kanina pa ata ito kumaripas ng takbo ang hangin niya sobra.

"Magsalita ka!!!" Galit na saad ni prinsepe xavier hayyss nakakainis na .

"Anong pake mo??!! Bakit porket isang seraphim na anghel mo at isang diyos yang guardian mo mang aapak kana ng isang tao" inis na sigaw ko sa kanya ang iba naman na nanonood ay umigting ang panga sa sinabi ko wow team xavier pala itong mga ito.

" Aba ang lakas ng loob mo weak, ang dapat nga sayo alipin lang but don't worry you will be my slave after our 1v1 battle alam ko namang ako ang mananalo" pang aasar niya edi wow sayo na ang trono laklakin mo kainin mo.

" And to all students here in cafeteria kindly announce this to all of your friends na may labanan na magaganap sa lux stadium this Wednesday alam na rin ng mga professor niyo at ni headmistress na may labanan na magaganap sa akin at sa weakling faggot na ito, walang pasok sa wednesday and all king and queen of all kingdoms will attend the said event at pati narin ang sinaunang reyna ng mga fairy ay manonood din" pag aanunsiyo ng mayabang na prince xavier na ito hayyys labanan lang naman yun between us pero ba't ininvite niya pa ang lahat ng mga hari at reyna hayyss nakakahiya talaga ito ,kailangan kong pagplanuhan ito kung hindi matatalo ako at magiging alipin niya ako i need to make a plan na hindi nila malalaman na may million million akong mga creature dahil kapag malalaman nilang may creature pa ako at maraming guardian baka pagkakainteresan nila ako ng mga hari at reyna lalo na ang bruhang reyna na alam kong siya ang pumatay sa mga magulang ko.

" Be ready weakling faggot dahil alam kong isang suntok ka lang magiging alipin na kita hahahah" natatawa nitong pagpapaalala at umalis na, nagpapatawa ba siya, hahahahhah.

" Light nag aalala kami sayo ng mga kateam guilds mo" nag aalalang wika ni rose sa akin pati narin si james at ang dalawang kong bruhang bestfriend, bakas sa mukha nila ang pag aalala nila.

" Wag kayong mag aalala nuh may labing dalawa akong mga creature sigurado akong matatalo ko siya nuh" pag papagaan ko sa kanila.

" Gaga ka ba hindi mo ba alam na marami din siyang creature na nakacontract sa kanya isa rin siyang summoner at may sampung kapangyarihan ding nananalaytay sa kanya" pag aalalang wika ni shiela wow ang nag aalala si gaga.

" Bali balita ko may phoenix, elemental golem din siya at marami pang iba malalakas yun light ipagdadasal ka nalang namin in advance sa kataas taasang bathala" nag aalalang wika ni jeremy hayys.

" Ano ba kayo i have a plan don't worry" nakangising saad ko sa kanila. Hahahha akala ng kapre na yun mananalo siya pasensyahan nalang.

" Alam mo light ang laki ng pinagbago mo nakakatakot na yang mga ngisi mo parang may masamang balak" nag aalalang wika ni shiela, buti naman alam na niya pero no way hindi ako yung klase ng tao na may binabalak na masama sa kapwa niya tao nohh no way, may plano ako at gusto kong walang mapapahiya sa amin Ng kapre na yun hindi ako magiging alipin niya mark my word.

" People's change" maikling wika ko sa kanila at ngumisi ulit hahahah just wait xavier.

Fast forward....

dumating na ang professor namin and his name is professor ligh he will teach us how to enhance our guardian. Malugod naman niyang tinanggap ako bilang new students sa section na ito.

" So today our topic is all about guardian kagaya ng summoning creature ay pareho lang ito , pare pareho lang sila ng hierarchy o rank may common, uncommon at iba pa ok but the different is that guardian ay nakatadhana na sayo bilang ikaw na master nila, and also kapag mag papalabas kana ng guardian mo hindi mo na kailangan gumamit ng mana or power strength para ilabas sila dahil guardian mo sila anytime na nasa panganib ka, lilitaw sila. I want to add also na may contract signing parin kayo parang tanda lang iyon na they are officially your guardian na pero kahit hindi pa kayo nakikipagcontract babantayan nila kayo at kung nasa panganib kayo ay lalabas sila ng biglaan para iligtas kayo sa bingit ng kamatayan that is their duty as a guardian " Pagtatackle ni professor ligh ahhh ganun pala i want to ask lang kung maari bang maging summoning creature ko sila at the same time guardian ko din kasi yun yung ginawa ng mga bathala sa akin ehhh nakipagcontract sila sa akin and zeus said that sila rin ay guardian ko at summoning Creature ko. Nag taas ako ng kamay para tanungin iyon.

" Yes light " pagtatawag niya at bigla akong tumayo

" Sir what if nakipagcontract na sila sayo bilang guardian mo at creature mo pa?? Meron bang ganun??"tanong ko sa kaniya at nilagay naman niya ang kanyang kamay sa baba niya na parang nag iisip.

"Alam mo may nabalitaan akong ganyan ehhh pero milyong taon na ang nakakaraan na may ganyang cases ehhh that's a rare cases for sure malalakas ang mga ganyan but i think bihira na lang ang may ganyang uri ng cases dito sa agartha o wala na talaga " pagpapaliwanag niya wow so its means rare cases yung sa akin.

" So yun na ang topic natin but i want you to proceed to the field ngayon dahil ilalabas niyo ang mga guardian niyo " pag wiwika ni professor at sinunod namin iyon, para mabilis kaming makarating doon ay mag teteleport nalang kami ni rose.

" Rose hawakan mo ako" pag uutos ko sa kanya at ginawa naman niya iyon, nagteleport na kami at iniluwa kami ng kapangyarihan ko sa field, kami palang ang nandito hahahahah.

" Light tayo palang ang nandito ohhh grabe ano ito racing" natatawang wika ni rose ilang sandali lang ay nandito na rin ang iba at si professor, si professor naman ay nagulat dahil kanina pa kami nandidito ehhhh wait hindi ba siya aware na mundo ito ng mahika hayyss.

" Ang bilis niyo namang dalawa nagteleport ba kayo??" Manghang wika ni professor ayyy oo nga confirmed non magical folks nga ito hahahh.

Tumango naman kami at natawa at si sir naman pumunta na sa harapan. Inikot ko ang paningin ko sa field hayyss buti kami kami lang.

" So let's start 5 meters distance muna kayo para makaconcentrate kayo sa pagtawag sa kanila i know that a lot of you here ay hindi pa alam ang kani kanilang mga guardian" pag wiwika ni sir at agad naman naming sinunod ang utos niya na 5 meter distance.

" So first close your eyes, feel your surroundings at sabihin niyo ang sasabihin ko ok" pag uutos niya kaya yun sinunod namin, sinara namin ang aming mga talukap at pinakiramdaman ang paligid.

"My guardian come out of your realm, guard me, protect me, and follow my command" pag wiwika ni professor at agad naman namin iyon sinunod.

" My guardian come out of your realm, guard me, protect me, and follow my command" pag wiwika ko at parang nakaramdam ako ng kaginhawaan at kaluwagan sa aking nararamdaman ngayon parang ang mga takot at pangamba ay parang nawala na Parang bula.

Professor ligh POV

Nadistract ako sa aking pagcococentrate dahil sa liwanag na kahit isara mo pa ang iyong mga talukap ay makikita mo parin ito. Dahil sa nadistract na ako ay Bigla ko namang binuksan ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakikita dahil ang freshmen na aking estudyante ay nagliliwanag at may lumabas na babae na sobrang ganda at may pakpak ng isang paru paro na kulay ginto ang nakaluhod sa kanya ngayon. Nakanganga lang ako sa kanya at hindi ako nag dalawang isip na lapitan ang estudyante kong nagliliwanag at pahihina ng pahihina na ito.

" Panginoon maligayang pagbabalik " pagwiwika ng babae kay light,wait bakit panginoon ang pangtawag niya kay light dapat master. Bigla namang binuksan ni light ang kanyang mga mata at at nagulat siya sa kanyang nakita.

Kailangang malaman ito ng headmistress dahil kakaiba ang batang ito.

" Headmistress" pagtatawag ko gamit ang isipan, ginamit ko ang kapangyarihan kong telepathy.

" Ohhh ano iyon ligh" wika ni headmistress.

" Si light po, may kakaibang nangyayari sa kanya at mukhang kakaiba ang guardian niya at parang hindi pa ito nakasulat sa list ng mga Guardian, ang guardian niya ngayon" pag wiwika ko at parang nataranta naman ang kanyang boses base sa aking naririnig.

" Sabi ko na nga ba may kakaiba sa batang iyan sandali lang pupunta na ako diyan" seryosong wika ni headmistress. Binaling ko muli ang tingin ko kay light at nawala na ang kanyang nag iilaw na katawan

Light's POV

Dahil sa narinig kong boses ay bigla kong iminulat ang aking mata at napanganga nalang ako dahil tumambad sa akinh harapan ang babaeng sobrang ganda at may pakpak itong parang paru paro na kulay ginto wow shittt ang ganda siya na ba ang guardian ko.

"Wait ang ganda mo ikaw ba guardian ko ??" namamangha kong tanong sa kanya habang siya naman ay nakaluhod wait ba't Parang lahat nalang lumuluhod sa akin hindi naman ako isang royal o hari.

" Opo panginoon" tugon niya habang nakaluhod.

" Tumayo ka nga diyan and wait hindi ako panginoon noh" pagtatangi ko sa kanya

" Ngunit panginoon po Ang tawag ko sa inyo noon pa" pangbabara niya wait anong noon pa. Wait nag kakilala na ba kami noon

" Wait hindi ka naman nagpapakita noon sa akin hahh, hindi nga kita kilala" takang wika ko sino ba ito. Napakamot naman ito sa ulo.

" Ahhh ganun ba panginoon ako nga pala si encanta ang reyna ng mga hayop, nilalang, at mga beast" pagpapakilala niya wooooh ang lakas niya kung ganon.

" Kaya ko pong utusan lahat ng mga nilalang wild beast man ito o hindi " pagwiwika niya wooo so its mean makapangyarihan siya kiyaaah ang swerte ko. Bigla naman lumitaw si headmistress wait nag teleport ba siya. Napanganga ito sa kanyang nakita.

"Iha anong pangalan mo, kung maaari ay mag pakilala ka" pag uutos ni headmistress at tumingin sa akin.

" Pasensya na mababang nilalang ngunit hindi ako inuutusan ng hindi ko panginnon " pag aayaw ni encanta wow napaka loyal niya hahhh. Si headmistress naman ay nabigla sa turan ni encanta.

" Sigi na magpakilala kana " utos ko sa kanya at sinunod naman niya ito.

" Ako si encanta ang reyna ng mga beast at mga nilalang" pagpapakilala ni encanta nabigla naman ako sa ginawa ni headmistress at professor ligh ang mga kaklase ko ay namangha rin.

Headmistress Selena's POV

Napaatras ako sa pagpapakilala ng babae at napaluhod sa lupa, ginawa rin iyon ni professor ligh. Bakit na sa kanya ang isa sa anim na alalay ni lux, may anim na alalay si Lux si bathalang zeus, ang anghel na si serephiel , ang anghel din na si baal na ngayon ay naging fallen angel, at siya si encanta , si cephus at Cassiopeia ang hari at reyna ng mga constellation beings na nagbabantay ng mesa ni lux. May kakaiba sa batang ito noong una ko siyang nakita sa mundo ng mga tao hindi ko mabasa ang isipan niya, nung nakita ko rin siyang umiiyak sa may gilid noong nandodoon pa kami sa mundo ng mga tao ay pati ang kalikasan ay nakikipagsabay sa kanya. Kapag kumakanta naman siya ang mga nilalang sa paligid ay lumalapit sa kanya na parang pinapanood siya. Kailangan ko na talagang pabantayan si light ngayon sa mga galaw niya para malaman ko kung ano at sino siya. Gusto kong malaman iyon nang sagayon ay maprotektahan namin siya mula sa kalaban naming mga dilim dahil hawak niya ang mga malalakas na nilalang ang legendary warriors at ang reyna ng mga nilalang at beast, malaking kawalan siya kapag napasakamay siya ng dilim.

" Patawad sa aming walang paggalang na turan sa iyo mahal na reyna"nakaluhod kong wika sa kanya baka mapatay niya ako pagnagkataon kaya pala ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili dahil reyna pala siya.

" Ahmmm headmistress ba't po kayo nakaluhod?" Takang tanong ni light sa akin at tumayo ako at lumapit sa kanya para sabihin ang katotohanan patungkol sa kanyang guardian. Dinala ko siya sa may gilid ang guardian naman niya ay nakasunod lang. Over protective talaga ang Guardian niya kakatakot.

" Ahh light maaari mo bang pabalikin ang guardian" pag uutos ko sa kanya ang mukha naman niya ngayon ay puno ng pagtataka.

" Ad requiem tuam" pagwiwika niya at naglaho ang reyna .

" Ahmmm light may sasabihin ako sayo" nakangiti kong saad sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

" Light alam mo ba si encanta ang reyna na yun ay sobrang lakas nun, pwede mong sakupin lahat ng kaharian kung magkataon man na gustuhin mo dahil ang reyna na yun ay isa sa mga alalay ni lux, malalakas sila at ang mga alalay ni lux ay sina zeus, serephiel, baal, siya si encanta, cephus, at Cassiopeia." pagpapaliwanag ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya. Nahagilap ko rin pala kanina na ang mga guardian ng ibat ibang estudyante ay nakaluhod sa reyna at pati narin kay light nakakapagtaka talaga naguguluhan na ako, sino ka ba light???

" Light mas mabuti pang wag mo munang ilabas yan hahh sa tamang panahon mo nayan ilabas maliwanag ba" nakangiti kong wika sa kanya at dahan dahan niyang itinango ang kanyang ulo.

Light's POV

May alalay din pala si lux, at apat sa mga alalay niya ay nakipagcontract sa akin hahh sina bathalang zeus, si serephiel at encanta si baal naman sabi niya sa akin na tutulungan niya daw ako so it's means guardian ko din siya kahit hindi siya nakipagcontract sa akin hayys nako ewan ko nalang naguguluhan na ako pagkatapos ng klase na ito tatawagin ko silang lahat gusto kong malaman ang katotohanan sa mga katanungang nakalutang ngayon sa ulo ko.

Agad kaming bumalik sa aming lugar at naglaho na si headmistress, ang mga mata naman ng kaklase ko at ekpresyon nila ngayon ay hindi mabasa basa, si rose naman ay namamangha parin nahagilap ng aking mata ang kanyang guardian. Kiyaahh ang cute isang pegasus nilapitan ko ito at hinawakan wow ang cute niya.

"Kiyahhh ang cute niya "wika ko habang hawak hawak ko ang pegasus ni rose nakita ko naman ang lumalaking mata ni professor ligh wait ba't yung reakyon niya, parang gulat.

" Light paano mo yan nagagawa??? Hindi mo dapat napapaamo at nahahawakan ang isang guardian kung hindi ka niya isang master" gulat na wika ni professor ligh wait OMG ganon ba yun kaya yun inalis ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak, nakita ko naman ang reaksyon ng pegasus na parang nalulungkot, si rose naman hindi parin nakakagalaw ngayon sa kanyang kinatatayuan

" Hindi ko po alam professor ligh " pagtatangi ko totoo naman hinawakan ko lang nga ang pegasus niya kasi nacucutan ako. Hindi na nagsalita si professor ngunit bakas parin sa mukha niya ang pagkagulat. Waitt ano ba talagang nangyayari naguguluhan na ako.

"Light alam mo shocking ka ngayon, naguguluhan na kami ngayon sino kaba??" Nagtatakang tanong ni rose wow kahit nga ako hindi ko rin alam kung sino ako yung buo talaga. Ewan ko nga rin kung pinanganak ba talaga ako sa sinapupunan dahil wala akong pusod.

" Ewan ko rin rose kahit nga ako naguguluhan din" tugon ko sa kanya habang nakatingin sa kalangitan naghari ang katahimikan sa paligid ang mga kaklase ko naman ay nasa tabi ko rin hayyys mga tsismosa .

" Ohhh tapos na kayo diyan " naiinis na wika ni professor ligh natawa naman kami.

Fast forward...

" So ngayon ay magpapalabas kayo nang kanya kanya niyong mga sandata gamitin niyo ang isip niyo upang lumikha ng mga sarili niyong sandata maliwanag ba" pag uutos ni professor eddena siya ang self defense professor namin.

" Sundin niyo lang ang sasabihin ko maliwanag ba" dagdag niya pa ulit.

" Una itaas niyo ang inyong mga kamay ipagsabay niyo ang inyong dalawang kamay sa dibdib niyo, siguraduhin niyong pantay ang taas niya sa dibdib niyo at ilayo niyo ng konti sa dibdib niyo ang kamay niyo, gawin niyo na bilis" pag uutos ni professor eddena agad naman naming itong sinunod, itinaas ko ang aking kamay.

" Ang susunod ay ipikit niyo ang inyong mata at lumikha kayo ng sandatang babagay sa inyo gamit ang inyong mga isip at maya maya ay lalabas din yan at lilitaw" pag uutos ni professor.

Sinunod ko ang kanyang inutos sinara ko ang aking mga mata. Nag iisip muna ako ng pwede at bagay na bagay sa akin. Pero wala ehhhh ang hirap naman nito pinag papawisan na ako.

Ilang sandali lamang ay biglang lumitaw sa aking imahinasyon ang isang isang cane o tungkod, ang ganda niya mala ginto ang katawan nito at may mga disenyo ng pakpak. Sa hindi inaasahan bigla ko nalang ito ginawa at lumabas sa aking mga palad binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang magandang tungkod na may disenyong pakpak ng isang anghel at kulay ginto ito bagay na bagay sa akin, saktong sakto ito kung ano ang lumabas at lumitaw sa aking isipan. But wait ba't tungkod yung sa akin ehhh hindi naman ako matanda ehhhh pero ang ganda nito sa totoo lang pwede ko bang isanda ito sa bangko hahahahha.

Napatingin naman ako sa aking mga kaklase, samu't saring mga sanda ang aking nakikita meron bow, espada, shuriken, merong knife na maliit, may axe naman basta marami. Bumaling naman ang aking tingin kay rose at wow ang sandata niya ay bow o pana.

" Unlimited ang bala niyan??" Tanong ko natawa naman siya

" Oo naman nuh gawa nga ito sa mahika isang hila ko lang ng string nito lalabas agad ang arrow niyan, wait tignan mo hah" tugon niya at ipinakita niya sa akin ang paghila nito ng string ng bow niya at bigla nalang lumitaw ang isang kulay mint green na bala wow.

" Ang ganda niyan sa akin tungkod pang matanda" matamlay kong wika.

" Gaga ka ang ganda niyan wag mong idown ang sarili mo dahil sa kung anong gamit niyan malay mo may kapangyarihan ang tungkod na yan, ako pa nga ang naiingit sayo sa sandatang mong yan dahil kakaiba siya hindi mo ba napapansin na ikaw lang ang naiiba dito pagdating sa sandata." Manghang wika niya ay oo nga nuh dapat maging grateful pa ako dahil may ganito ako kiyaah so wait ano kayang gamit nito.

"Another unique armaments ang ganda bakit yan ang napili mo iho?" pagpupuri at tanong ni professor sa akin.

" Bigla lang kasing lumitaw sa isipan ko ang tungkod na ito ehhh unexpected po ang lahat" tugon at habang kinamot kamot ko ang aking ulo.

" Alam mo ba kung anong gamit niyan??" Tanong nito sa akin waitt oo nga nuh.

" Hindi ko po alam ehhh gaya ng sabi ko sa inyo kanina bigla nalang po itong lumitaw sa aking imahinasyon " tugon ko sa kanya .

" Dapat iho alam mo na kung anong gamit niyan, bali balita namin hinahamon ka sa isang labanan ni prince xavier we support you ok don't worry " sabi niya sa akin ayyy oo nga pala nuh i need to train waittt kung hindi ko nga alam ang gamit nito so paano ako makakalaban niyan.

" Kung gusto niyong ibalik yang mga sandata niyo para hindi kayo dala ng dala niyan utusan niyo lang yan na bumalik sa kung saang lugar man yan sila nakalagay" seryong wika ni professor. Sinunod naman namin ang kanyang sinabi at nawala nga.

Headmistress's POV

Pinapunta ko ngayon sa aking opisina ang mga royals, alam narin ng aking assistant ang gusto kong ipaalam sa mga royals dahil may ipag uutos ako sa kanila kaya pinapunta ko sila ngayon.

" Ohhh tanda ba't mo kami pinapatawag??" Tanong ni prince xaiver kahit kailan talaga walang modo itong bata na ito. Umupo sila kaagad sa upuan na malapit sa akin. Nakita ko naman na pagod na pagod na itong mga prinsepe at prinsesa ng bawat kaharian dahil sa puspusang training para ihanda sila sa paparating na digmaan. Hindi nila yun alam tanging ako, mga hari at reyna ng bawat kaharian at pati narin ang sinaunang reyna ng mga Fairies ang nakakaalam sa digmaang paparating na ipinarating ng bato ng propesiya.

" May ipag uutos ako sa inyong lahat mga royals" pagsisimula ko at napantig naman ang tenga nilang lahat, si prince xaiver naman kung makatingin parang papatayin niya na ako. Subukan niya lang hindi niya ata alam na nasa poder ko siya ngayon.

"Ano na naman ba yan tanda, puro madadali lang yang mga pinapagawa mo pahirapan mo naman kami " pagmamayabang ni prince xaiver aba aba alam kong mahihirapan ka sa ipag uutos ko sayo ngayon alam kong ayaw mo sa kanya, hinamon pa nga niyan sa isang labanan si light tignan lang natin kung mananalo pa itong prinsepe na ito hindi niya ata kilala ang guardian ni light hahahha.

"Bantayan niyo si light sa lahat ng kanyang mga kilos at protektahan niyo siya sa lahat ng panganib na kanyang susuungin" pag uutos ko at nabigla naman itong si prince xaiver yung iba naman natuwa pa pero bakas sa mukha ni prince xaiver na ayaw nitong sundin ang ipinag uutos ko sige lang subukan niya Lang akong suwayin.

" Ano ba't siya !!!!!" Galit na wika nito

" Dahil special siya gusto ko pa ngang isama at mapabilang siya sa inyong mga royals ehhh" nakangiting saad ko sa kanila.

" Ano na naman bang kahibangan ang nasa isip mo tanda hahh" inis nitong saad

" At hindi mo siya maaaring isama sa amin dahil mababang uri lang siya ng nilalang maliwanag" naiinis na wika nito. Aba aba di porket prinsepe siya at isa siyang makapangyarihang nilalang dito sa mundo ng agartha ay pwede na niyang sabihin yun.

" Ang simpleng sagot lang diyan ay guardian niya ang isa sa mga alalay ni lux " tugon ko sa kanila habang nakangisi nagulat naman itong prinsepe ahhahahah sabi ko na nga ba.

Prince xaiver's POV

nabigla naman ako sa sinagot ni tanda wait pakiulit parang nabingi ako sa sinabi niya hahhh anu daw yun guardian niya ang isa sa mga alalay ng manlilikhang si lux kung ganon makapangyarihan nga siya pero sorry ako parin ang mas lamang dahil umaasa lang naman siya sa kanyang guardian at sa kanyang mga summoning creature hahahahha.

" At sinong alalay naman Yun tanda??" Diretsahang tanong ko sa kanya dahil interesado akong malaman kung sino ang kanyang guardian.

" Si encanta ang reyna ng mga beast at mga nilalang" nakangising tugon ni tanda bakas sa mukha ng mga kasama ko ang pagkagulat pati narin ako ay nagulat sa tugon ni tanda. Talagang malakas ang kanyang guardian interesado na talaga akong makilala siya sino ba siya , bakit lahat ng summoning creature niya at Guardian niya UNIDENTIFIED si encanta ay isang unidentified creature isa siya sa anim na alalay ni lux at pangatlo siya sa pinakamakapangyarihang nilalang sa mesa ni lux .

" Gusto ko ngang isama na siya sa mga royals para maging safe siya sa inyo dahil kapag makukuha siya ng mga darkfolks sigurado akong lalakas ang pwersa ng dilim alam kong maraming tinatago ang bata na iyon. " Biglang wika ni tanda ngunit ayokong makasama siya sa iisang dorm nakakarindi ang kanyang presensya sa totoo lang.

Headmistress POV

Kung alam niyo Lang kung paano malalag ang panga ng isang prinsepe naku matatawa kayo. Alam kong ayaw niya kay light ehhh hahahhah.

" Pasensya na tanda ngunit ayokong makasama yung mahina na yun pero kung gusto niyang mapunta sa royals dapat matalo niya muna ako sa labanan o maabot niya ang power strength level ko na supreme kung maabot niya iyon ay papayag ako" maawtoridad na wika ni prinsepe xavier pero mahihirapan si light at pati narin sila

" Ngunit xavier hindi lang siya ang mahihirapan pati na rin tayo, kung ayaw mong mahirapan dapat maging isa siya sa atin, mga royals" pang ooppose ni prince oliver, buti pa itong batang ito mature kung mag isip. Tumango naman ang iba bilang pag sang ayon sa sinabi ni oliver.

"Masusunod ang mga sinabi ko maliwanag!!" Sigaw na wika ni prince xaiver napailing nalang ako hayyss ang batang ito sa tingin ko si princess eva lang ata ang makakapagpatino sa kanya ngayon, ngunit nakaratay parin magpasahanggang ngayon ang prinsesa kaya umaaakto ng ganito si Prince xaiver dahil ang prinsesang yun ang kauna unahang mahal ni prince xaiver.

" Babantayan nalang po namin si light ng pasikreto mukhang hindi kumbinsido si xaiver sa utos niyo headmistress" seryosong saad ni prince oliver at umalis na silang lahat.

Light's POV

Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch na. Puro topic at pagdidiscuss lang ang ginawa namin ang dami ko ngang natutunan sa susunod na araw na lang daw gagawin ang mga activity namin kasi nga diba special day ngayon 30 minutes lang ang klase namin.

Hindi ko na sinabi sa kanila ang guardian ko dahil narin sa utos ni headmistress sa akin na itago ko daw ito. Tanging ako ,si rose ,si headmistress at si professor ligh lang nakakaalam sa aking guardian. Sinabi nila sa akin kung anong guardian ang nakuha nila si dim ay isang Valkyrie isang babaeng may pakpak na may hawak na espada, si shiela naman isang unicorn , si Jeremy naman ay isang centaur na kalahating tao at kabayo. I'm so happy to them at isa pang kinatutuwa ko is that this creature can help us to build again our guild , makakatulong ito para iangat ulit ang patay na guild namin ang eagle wings.

Habang kami ay kumakain ay may biglang bumuhos sa aking ulo na isang tsokolateng inumin at sinabunutan ako , ang mga kasamahan ko naman ay hinawakan nila sa kamay at nagpupumiglas sila upang makaalis ang mga nasa cafeteria naman ay pinabayaan lang kami, dahil takot silang masangkot sa gulo.

" Ikaw !!! Layu layuan mo ang mga royals naiintindihan mo dahil kung hindi ako ang makakaharap mo naiintindihan mo!! " Galit na sabi ng isang babae habang hawak hawak niya ang aking buhok napa aray nalang ako sa sakit. Gagang ito subukan mo lang saktan ang mga kasama ko papatayin talaga kita.

"Divine cane" pagtatawag ko sa aking tungkod, nga pala pinangalanan ko ang aking tungkod Divine cane ang tawag, yun lang kasi ang naisip ko. Bigla itong lumabas at nagliwanag ang aking kamay, Hindi ko man alam kung paano gamitin ang sandatang ito pero may naisip ako. Smirked.

" Ahhahah pinapatawa mo ba kami isang tungkod pangmatanda lang yan hhahah" natatawang wika niya hindi na ako nagdalawang isip pang isalamapak ito sa mukha niya bigla nalang siyang natamaan nito.may naisip ako heheheh gagawin ko nalang itong pamalo, natandaan ko parin ang mga turo sa akin ni tatay thomas i missed them so much na. Inisip ko ang mga galaw na itinuro sa akin ni tatay thomas kung paano iwagay wagay sa tamang paraan ang isang espada o pamalo. Tiningnan ko silang lahat at nagsmirked ,dali dali akong napatayo at pinalo ko ang tungkod ko sa bawat parte ng katawan nila nag ala ninja ako ngayon napuno ng labanan ang cafeteria ang buwisit kong kasamahan naman imbes na tulungan ako, nakalaglag lang ang panga nila sa akin pati narin si shiela. Hayyss nako hindi naba sila sanay sa mga moves ko lalo na itong si shiela na mala amazona kung lumaban.

Shiela's POV

Nakanganga kami ngayon at gulat na gulat sa galaw ni light ngayon, para siyang isang mananayaw, sa tanang buhay ko ngayon ko lang siya nakitang lumaban ng ganito para siyang isang expert pagdating sa isang labanan palo doon palo dito halos nakaratay na ang mga kalaban niya ngayon ang babaeng humawak sa buhok ni light kanina ay dumadaing na ngayon sa sakit.

" Alam mo ang cool ni light, ganyan pala siya lumaban, kiyahhhh buti nalang binigay ko sa kanya ang posisyon ng pagiging leader ng ating guild ang galing niya ohhh"manghang wika ni rose nakanganga parin ang mga kasamahan ko ngayon pati narin si dim

Halos nakaratay na sa sahig ang mga kalaban niya ng may biglang sumulpot at inambaan ng suntok si light at tumalsik si light sa may semento, waittt si prince xaiver no way malaking trouble ito. Tatayo na sana kami ng pinigilan kami ni rose.

" Wag kayong sumali baka hindi na kayo makaabot mamaya" biglang wika ni rose wait no way

" Plss wag niyo ng gawin ang binabalak niyo diba malakas naman si light, titignan lang natin kung makakaya ni light si prince xaiver para may idea tayo kung mananalo siya sa 1v1 battle nila sa Wednesday" mahabang lintaya ni rose oo nga nuh pero ang best friend ko

3rd person's POV

Maraming nanonood ngayon sa cafeteria, samantala si prince xaiver naman ay galit na galit sa kanyang nakita dahil nakita nitong pinaghahampas at pinagpapalo nito ng tungkod ni light ang mga kasamahan at bestfriend ni princess eva na kanyang kasintahan.

" Gago ka hindi mo ba alam kung sinong binangga mo kanina, sila lang naman ang mga matatalik na kaibigan ng mahal ko" galit na wika ni prince xaiver habang si light naman ay namimilipit na sa sakit.

" Metatron labas " pagtatawag ni prince xaiver sa kanyang guardian na isang seraphim na anghel. Bigla itong lumuwa at nagliwanag ang buong paligid, paglabas ni metatron ay nagulat ang anghel sa kanyang nasilayan na ang kanyang master na si light ay nakaratay sa semento at dumadaing sa sakit, dalawa kasi ang pinaglilingkuran ni metatron si prince xaiver at light,ang mga estudyante naman ay nagsilabasan na at nag sitakbuhan palabas, ang mga kaibigan ni light naman ay susugurin na sana ang prinsepe ngunit hindi sila makapasok nang magpakawala ito ng isang barrier.

"Saktan mo siya siguraduhin mong may dugo akong makikita" pag uutos ni prince xaiver, ang anghel naman ay galit na galit at nakayukom ang kamay nito na tila ba susuntok ng isang nilalang dahil nakikita niting nasasaktan ang master niyang si light.

" Ano pang tinutunganga mo bilisan mo !!" Inis na wika ni prince xaiver kay matatron , si metatron naman ay hindi kumikibo dahil ayaw niya itong sundin dahil bukod sa master niya si prince xaiver ay master niya rin si light, mas malaki ang loyalty nito kay light kaysa kay prince xaiver. Bigla nalang nawalan ng malay si light na ikinayukom ng kamay ni metatron.

" gago ka!!!! " Galit na wika ng anghel at bigla niyang sinuntok si prince xaiver, tumilapon ang prinsepe at nagulat siya sa inasta ng kanyang anghel

" Gago ka !!! Isa ka lang hamak na mababang uri ng nilalang. Simula ngayon hindi mo na ako magiging alagad pa!!" Galit na wika ng anghel habang pinagsusuntok nito ang prinsepe, si prinsepe xaiver naman ay nanghihina na at gulat na gulat sa sinabi ni metatron. Ang mga taong naroroon naman ay sobrang gulat sa ginawa ng guardian ni prince xaiver hindi sila makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Prince xaiver's POV

Dahil sa sobrang galit ko sa baklang iyon ay nasuntok ko siya ng malakas na ikinatilapon niya sa semento Sino ba namang hindi magagalit ehhh nadatnan ko nalang na ang mga bestfriend ng aking mahal ay pinagpapalo niya halos ikinamatay na nila kaya yun nasuntok ko sila. Nagulat ako sa inasta at sinabi sa akin ng aking guardian. Na hindi ko na siya magiging Guardian pa so ibig sabihin niyan si bathalang ares nalang shittt. Sobrang galit ang mababakas sa mukha ni metatron ngayon kahit ako ay nagulat dahil sa sinuntok niya ako na nag iisa at natatanging master niya, ano bang meron sa baklang yan kung bakit pati ang anghel na ito ay nag iba ang reakyon nila nung sinaktan ko siya . Malaking kahihiyan talaga ang matatanggap ko nito humanda ka talaga sa akin bakla. Kapag maging alipin na kita aaraw arawin ko yang paggalaw ko sa iyo tignan natin kung mabubuntis ka.

" Hindi mo siya kilala alam mo ba yun hahh mas makapangyarihan pa siya sa iyo buwisit ka!!!"galit na wika ni metatron waitt anong pinagsasabi niya na mas makapangyarihan siya kaysa sa akin, imposible isa siyang mababang nilalang.

" Anong pi-pinagsasabi mo me-metatron?" namimilipit kong tanong sa kanya.

" Ito lang ang masasagot ko, hindi siya katulad niyo na mababang nilalang lamang!!" Tugon nito sa akin, naguguluhan parin ako sino ba siya??

"Ito na ata ang huling araw ko maging isang alagad ng isang mababang uri ng nilalang na kagaya mo!!" Diin nitong wika ngunit bakit??

" Wag mo kong iwan metatron may kontrata ka pa sa akin" sigaw ko sa kanya habang ako ay namimilipit sa sakit hindi ito maaari buwisit ayokong maging mahina. Hindi na niya ako pinansin at lumakad ito papunta sa direksyon ni light at binuhat niya ito at hinalikan sa batok shittt ba't parang nasasaktan ako sa ginawa niya kay light parang tinutusok ako ng daang daang mga karayom. Bigla namang lumitaw si headmistress at nagulat siya sa kanyang nakita pati narin ang mga estudyante.

3rd person's POV.

Naawa ang anghel sa sinapit ng kanyang master na si light iniwan na niya at hindi na niya magiging master si prince xaiver. Samantala sa paglitaw ni headmistress ay ang pagkagulat nito dahil nakita niyang buhat buhat ng isang anghel si light, habang walang malay si light hinalikan ito ng anghel sa batok.

" Wag kang mag alala master magiging maayos din ang lahat" bulong ng anghel sa walang malay na si light, ang mga kaibigan naman ni light naman ay nakalaglag lang ang mga panga nito.

"Mahabaging langit at liwanag sinasamo kita serephiel at ng mga kasamahan kong seraphim magpakita kayo" pagtatawag ni metatron at biglang nag liwanag ang buong paligid at nag silabasan at nagsilitawan ang limang anghel, ang sa gitna ay si serephiel na pinuno ng lahat ng mga anghel. Ipinagaspas nila ang kanilang mga pakpak.

" Tunay ngang magaganda at matatangkad ang mga anghel na seraphim" manghang wika ng headmistress hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng iba pang mga seraphim ng personal maliban kay metatron na guardian noon ni prince xaiver. Ang mga kaibigan naman ni light at ang mga nanonood doon ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita maraming nagsasabi na sobrang lakas daw ni light dahil may anghel ito.

"Anong nangyari kay master, metatron??" Nagpapanic na tanong ni serephiel

"Ehhh ano pa ba yung may galit sa kanya na master ko sinuntok siya kaya nawalan ng malay" pagwiwika ni metatron napantig naman ang tenga ni serephiel at ng iba pa nitong mga kasamang anghel na seraphim

" Ano!! Humanda siya sa akin" galit na wika ni serephiel susugurin na sana niya ang Prinsepe subalit biglang hinarangan ni metatron si serephiel.

" Wag mo nang patulan, napatulan ko na" wika ni matatron.

" Mag pasalamat siya kung hindi naku naku baka ngayon nasa spiritual realm na siya at ikaw naman metatron sa uulitin kung kukuha ka at maghahanap ka ng bagong master siguraduhin mong hindi mayabang" inis na wika ni serephiel at pinagaspas nito ang anim nitong mga pakpak na nagdulot ng sobrang lakas na hangin sa buong cafeteria lahat ng kagamitan, mga bangko at iba pa at tumilapon sa duluhan.

" Oo na hindi ko na siya master simula ngayon, Gamutin mo na si master, serephiel" pag uutos ni metatron. Agad naman nitong kinuha ang walang malay na si light at bigla niya itong hinalikan sa bawat parte ng pisngi nito at pati narin sa batok maliban sa bibig. Ginalaw niya ang kanyang anim na pakpak at ginawa niya itong bilog at nilagay niya ang kanyang sarili sa loob ng kanyang pakpak na naghugis bola sa loob, kasama ang walang malay na si light. Kinuha niya ang isang kamay niya at nagliwanag ito at nag hilom kaagad ang mga pasa at mga sugat sa katawan ni light. Pagkatapos nun ay bigla nalang pumapagaspas muli ang pakpak ni serephiel upang bumukas ito sa pagkakabilog nito.

Nahagilap ng kanyang mata ang headmistress at lumakad ito habang buhat buhat ang wala paring malay na si light na nagamot na. Si headmistress naman ay nanigas sa kinatatayuan niya dahil bihira lang magpakita ang pinuno ng mga anghel sa mga kagaya nilang mabababang uri ng nilalang. Nilagay niya ang walang malay na si light sa mesa na nasa harapan mismo ng headmistress.

" Ingatan mo ang master ko hahh, at wag na wag mong pabababayaan na makuha siya ng dilim dahil kayo mismo ang maghihirap" nakangiting wika ni serephiel. Malugod naman niyang tinanggap ang utos ng anghel at yumuko pa ito sa anghel

" May maiitanong lang ako sayo serephiel, sino ba ang batang ito ???" Takang tanong ni headmistress. Si serephiel naman ay nakangiti lang .

" Yan ang hindi ko masasabi" tugon ni serephiel at agad itong pumunta sa pwesto ng mga kasamahan nitong anghel.

"Uriel, tanggalan mo lahat ng alala ang lahat ng mga nandidito at nakasaksi sa pangyayaring ito maliban sa headmistress , at lalang lalo na ang prinsepeng yan bawasan mo at baguhin mo ang kanyang ala ala na about sa ngayon" pag uutos nito kay uriel na isang anghel din. Bigla namang kinumpas nito ang kanyang kamay, biglang nagcollapse ang mga estudyanteng naroroon pati narin si prince xaiver at ang mga kaibigan ni light ay nahimatay. Pagkatapos nun ay bigla nalang naglaho ang 6 na anghel at biglang nagising ang mga estudyante pati narin ang prinsepe nagtataka ito kung bakit nagkasira sira ang paligid at parang feeling nila ay nag skip sila ng oras. Si headmistress naman ay nakatingin parin sa batang si light.

Abangan.....