Chapter 23 - CHAPTER 20: WHO WILL WIN?

3rd person's POV

Gabi na, wala paring tigil ang mga prinsepe at prinsesa at ang mga kaibigan ni light sa paghahanap nito kay light. Halos mawalan na sila ng pag asang mahanap si light, si prince xaiver ay sising sisi sa kanyang ginawa kung hindi niya iyon ginawa edi sana nandidito pa sa isla si light nag tataka narin ang mga prinsepe at prinsesa at ang mga kaibigan ni light sa galaw ng dalawa lalo na si prinsepe xaiver,bihira lang itong mag alala maliban lang sa kanyang mahal na si princess eva na kanyang minamahal noon pa ngunit nakaratay ito sa kama at hindi pa nagigising. Ilang sandali lang ay nag taka sila kung sinong lumilipad sa himpapawid at nagniningning sa kalangitan dahil sa repleksyon ng buwan na si selene na nakapalibot sa haring araw na si idalia na ngayon ay patay na nagpapahiwatig na gabi na sa buong agartha.

Bigla nalang itong pumagaspas nang pagkalakas lakas sa mga prinsepe't prinsesa at sa mga kaibigan nito, namamangha sila sa ganda ng griffin na ito dahil kakaiba ito sa mga ordinaryong griffin na nilalang sa agartha. Tumawa nalang si light at nag pakita sa mga nandodoon, nagulat naman sila na si light pala ang nakasakay.

Shiela's POV

Nagulat kami na si light pala ang gaga ang nakasakay sa magandang griffin na ito. Hindi na ako magtataka na napakalakas niya kanina nga takot na takot kami. Buti nalang ngumiti na siya nakakapawi kasi ng pagod ang mga ngiti niya. Binaling ko ang tingin ko kay prince xaiver kiyaaah nakangiti siya habang pinagmamasdan si light na nakasakay sa griffin kiyaahhh nakakakilig, siguro may gusto itong prinsepe sa beshie ko botong boto ako sa kagwapuhan pero sa ugali no Hindi siya karapatdapat dahil sa ginawa niyang panglalait kanina kay light sa entablado nakakaturn off siya .

Pagbaba ni light ay biglang kumaripas ng takbo si prince xaiver, nahagilap namin sa gitna ng gabi ang kanyang hindi mapaglagyang ngiti at inambaan ito ng mahigpit na yakap kiyahhh nakakakilig buwisit ka tatanda nalang akong walang lovelife nito.

Light's POV

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit wait may amnesia ba ang kapre na ito may kasalanan pa siya sa akin kung makayakap sa akin parang jowa niya ako char kiyaaahh erase erase.

" Kapre hindi ako makahinga" pagrereklamo ko pero hindi niya parin ako binibitawan mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

" Pagpasensya mo na ako hahh sa ginawa ko kanina" sexy nitong sabi kiyahhh ba't ako kinikilig , nahagilap ng aking paningin si shiela shittt kinikilig Ang puta may something sa mga tili niya ngayon.

"Simula ngayon proprotektahan na kita" sweet nitong sabi habang yakap yakap niya ako at hinawak hawakan ang likod ng ulo ko kiyaahhh ba't kinikilig ako puta waittt may laban pa kami.

" Maghanda ka sa laban natin " seryosong bulong ko sa kanya at napahiwalay ito sa pagkakayakap sa akin hahahaha ba't ganyan ang reaksyon niya parang takot.

" Sige kung yan ang gusto mo sa Wednesday na but plss let me guard and protect you first" nakangiti nitong wika kiyaah ang gwapo niya kapag ngumiti yung bang bukal sa puso and waitt bakit naman niya ako proprotekhan hahhh??

" Wait bakit mo naman ako proprotektahan hah??"Nagtatakang tanong ko sa kanya at kinamot kamot niya ang kanyang buhok kiyahh ang cute niya.

" Ikaw light kahit madilim na nakikita kong namumula ka" biglang singit ni shiela ang bruha talaga ohhh bigla ko naman itong tinaliman ng tingin at napatigil naman siya si kapre naman patagong tumatawa buwisit.

" Ahhh yun ba sumunod ka nalang" pag aalinlangang sabi ni kapre sa akin anu daw??? , Nabigla naman ako ng biglang inambaan ako ng yakap ni prince oliver, hahh??

Prince Xaiver's POV

Nabigla naman ako nang niyakap ng ungas na ito si light waitttt shit ba't parang may tumutusok sa dibdib ko Parang ang sakit.

" Alam mo ba nag aalala ako sayo, wag ka nang lumapit sa xaiver na yun hah, ako ang proprotekta sayo at Magbabantay sayo kung hindi dahil sa xaiver na yan hindi ka sana nawala kanina" nakayakap na wika ni oliver shittt ang buwisit nayun dapat ako ang mag babantay sa kanya. Bigla naman niya itong hinalikan sa batok na ikinabigla namin no wayy ba't parang ang sakit.

" Hoy oliver ba't dumadamoves kana hahh hindi ako boto sayo" sigaw ni shiela at napatawa nalang kami si oliver naman tinaliman nalang nito ng tingin at hinila si light para bumalik sa akademya, ngunit hinawakan ko ang kabilang kamay ni light , gusto ko ako ang mag babantay sa kanya.

Light's POV

Kiyahh ganito naba kahaba ang buhok ko, dalawang prinsepe pinag aagawan ako kiyahhh kilig to nowhere ako ngayon kiyahhh. Hinihila ng dalawa ang kamay ko waittt masakit na sobra na sila hindi na ako natutuwa.

" Kiyaahhh ang haba ng buhok mo girl" kilig na wika ng bruhang si shiela buwisit pati narin ang mga nakapanood sa alitan ng dalawa ay kinikilig buwisit namumula na ata ako.

" Bitawan niyo nga ako kaya ko na ang sarili ko noh tatawagin ko na nalang ang mga legendary warriors ko noh mga gaga" sigaw ko sa kanila at binitawan naman nila ako, umaasim na ang mukha nila ngayon na para bang magsusuntukan pero parang pinipigilan lang nila.

"Legendary warriors labas" pagtatawag ko at bigla silang lumitaw at lumuhod .

" Anong maipaglilingkod namin master??" Marespetong tanong ni agarthia

" Wag niyong ilapit ang dalawang yan sa akin hanggang sa hindi pa nalalapit ang laban namin ni kapre at bantayan niyo rin ako wag muna kayong bumalik sa realm niyo ok" pag uutos ko

" Masusunod po master " sabay wika ng sampu at binelatan ko ang dalawang prinsepe hahahha hindi kayo makakalapit ngayon hahahha.

" Tsk" sabay sabi ng dalawang lawayan ko kaya kayo mga buwisit. Bigla akong pinalibutan ng 10 kong mga Creature na parang presidente hahahahh

Makalipas ang 1 araw...

Ngayon ay ang araw nang laban namin, kahapon pala ay sinuspended ang klase dahil sa pag hahanda at pag sasaayos ng stadium, may mga gumawa narin ng fans club para sa akin upang suportahan ako na pinangunahan ng gagang si shiela buwisit talaga ohhh konti lang yung members pero ok na yun kaysa wala, at alam niyo ba pinagkakitaan ng gaga ang fans club na ginawa niya at gagamitin daw yun para gumawa ng tarpaulin buwisit natatawa na nga ako ehh. Pero mas marami ang member sa fansclub ni kapre more than 1000 ata ang member samantala sa akin more than 20 lang hayys bahala na. Ang ginawa namin kahapon ay nag ensayo ako sa field kasama ang mga legendary warriors ko, sila ang nagtrain sa akin tinesting ko narin ang iba't ibang klase ng mga sandata na pwedeng gawin ng aking tungkod, sigurado akong lalaglag ang panga nila sa sandata ko ngayon. Hindi din sila makalapit kahapon dahil nakabantay ang 6 na creature ko sa akin bantay sarado ang mga bodyguard ko char assumera at yung apat naman ay tinulungan akong mag ensayo. Mahina man ang kapangyarihan ko at di porket pang supporta lang ang kapangyarihan ko ay mahina na ang aking self defense skills, no way mas pinagtuunan ko ang self defense kaysa sa kapangyarihan ko dahil hindi ko pa kabisado ang kapangyarihang meron ako na suporta lang.

Ngayon nandidito na kami sa stadium ngayon ko lang nakita ito sobrang laki at ang daming tao mula pa sa iba't ibang paaralan ang iba shittt ganito ba kahangin ang kapreng yun pati iba't ibang paaralan ng mahika ay inimbitahan niya. Hinahanap ko sina kuya at nagbabasakaling nandodoon sila pero wala ehhh siguro busy sila kaya hindi sila makakapunta ngayon hayys. Sobrang dami ng mag aaral ang nasa gitnang hilaga ng stadium naman ay ang mga estudyante ng lux imperium academy, sa timog na bahagi ng stadium ay nakaupo ang mga estudyante ng silvester academy , all boys silang lahat grabe, sa gilid ng silangang bahagi naman ng stadium ay ang estudyante ng zenzaria academy, sa gitnang kanluran naman ay ang mga estudyante ng hangfuf academy at sa gilid na bahagi ng hilaga ay ang zilter academy na all boys din. At sa gilid ng timog silangang bahagi ng stadium ay ang mga estudyante ng nirvana academy na all girls hayyys grabe talaga ganito ba lumaban ang pinakamalakas na nilalang sa buong agartha kailangan niya pa talaga iinvite ang iba't ibang paaralan buwisit. Nahagilap ng aking mga mata si headmistress na kumakaway sa may itaas na bahagi ng stadium doon pala nakaupo ang lahat ng mga professor sa iba't ibang paaralan, kinawayan ko naman ito at ngumiti. Binaling ko naman ang tingin ko sa isang grupo sa ibaba na hawak hawak nila ang tarpaulin na may mukha ko don grabe nakakahiya talaga ang pinaggagawa ng gagang yun nagpaprint pa talaga ng t shirt na may pangalan ko doon hayyys at may pacheer cheer pa silang nalalaman yan tuloy pinagtatawanan na sila ng mga naroroon naku gaga magsitigil kayo nakakadistract kayo sa paningin ko.

" Good morning to each and everyone of you, I'm so glad at ang school na ito na umattend kayo ng laban nina prince xaiver at ang freshmen na si light na magaganap ngayon " anunsyo ng MC gamit ang mahikang mikropono na kayang umabot hanggang sa labas ang sino mang magsalita gamit ang mikroponong ito. Madaming naghihiyawan halos mabingi ako sa sigaw nila hayyss

" Let's welcome the king and queen of every kingdoms and allies of the light folks" panimula ng MC.

" Let's walcome king Orpheus and queen Veronica of agarthi kingdom the light kingdom and center of all light folks"

" King orion and queen aleera of elementia the center of all elemental kingdoms"

" King galdor and queen azmoira of zoraria the fire kingdom"

" King laimus and queen caelia of hemalia the air kingdom"

" King klayden and queen hadena of Terraria the earth kingdom"

" King remus and queen freya of AQUARIA the water kingdom"

" King gallions and queen shirmly of dosnia the metal kingdom"

" king tendris and queen flomera of eacronia the lightning kingdom"

"King duvrion and queen dynastra of muria the ice kingdom"

" King daemon and queen darfin of naturia the nature kingdom"

" King ailmar and queen alea of wizardia the wizard kingdom"

" King haemir and queen eloria of summonia the summoner kingdom"

" King auris and queen luna of elfia the elf kingdom"

" King blast and queen shiela of magia the mage kingdom"

" Queen maharia of atlantis"

" And the last but not the least ang sinaunang reyna ng mga fairy queen elora"

Pag aanunsiyo ng MC ang dami nila mga naggagandahang mga hari at reyna lalo na ang sinaunang reyna ng mga fairy at may pakpak pang malaki sobra at nagniningning pa ito sa repleksyon ng araw, nahagilap ko rin ang reyna ng atlantis at may hawak itong trident o yung parang tinedor.

" Let's welcome the mayors of all cities " pag aanunsiyo ng MC grabe naman itong si kapre kung mag invite pati mayor hayys . Lumakad na sila papunta sa red carpet para makapunta sa kanilang designated chair.

" Let's welcome the prince and the freshmen" pagtatawag sa amin kaya yun lumabas ako sa sisilungan ko narinig ko naman ang malalakas na hiwayan na para lang kay prince xaiver at yung gagang si shiela halos mapaos na sa kakasigaw ng pangalan ko kiyyahhhh naappreciate ko yung mga sakripisyo niya para suportahan ako thanks shiela.

Lumabas na ako at ang mga estudyante naman nakathumbs down sa akin hahahha akala mo naman ang lalakas nila. Kaya yun sinamaan ko ng titig at napatigil naman sila natatawa nga ako hehhhehhehh. Bumaling ang tingin ko sa mga hari at reyna lahat sila ay nakatingin sa akin at yung isa naman tinarayan lang ako waittt mommy ata yun ni kapre hahhh magkapareho talaga ang ugali nila, binaling ko naman ang tingin ko sa sinaunang reyna hindi maalis alis ang tingin nito sa akin na Parang binabasa ang laman ng aking utak pati narin ang reyna ng atlantis kung makatingin parang hinahalungkat nito ang nakaraan ko. Nakarating na ako sa may gitna ng stadium grass land siya kulay green. Nakita ko naman ang nakangising si prince xaiver at tumalim ito ng tingin at pinukol nito sa akin hahahahah akala niya matatakot ako, ngisian ko lang siya. Binalik ko ang tingin ko sa mga hari at reyna nakita ko namang napatayo ang mommy ni kapre at lumakad papunta sa direksyon ng MC wait anong gagawin niya??? Nagulat ang lahat ng bigla nalang niyang inagaw ang mikropono at nagsalita.

" If i ware you little faggot mag withdraw ka na lang at umalis, alam naming mahina ka at sana wag mo nang ipahiya ang sarili mo kung maaari lang" pag aanunsiyo ng mommy ni kapre aba aba kung makapagsabi akala mo naman ang lakas hahhh pareho lang palang mahangin ang mag inang ito. Nagtawanan naman ang iba at pati ang kapre hindi ata siya aware sa pwede kong gawin sigi lang tawa lang kayo ng tawa mamaya tignan natin kung nganganga kayo o Hindi let's see Lang.

" Ang mechanics ng labanan ay kung sinong unang matutumba ay siyang talo" pag aanunsiyo ng MC ok yun lang pala buti tugma ang plano namin ng mga diyos at ng iba pa.

Lumapit muna kami ni kapre sa Isa't isa at may ibinulong ito.

"Galingan mo hahh pero pasensya kana alam kong magiging alipin kita"bulong nito sa akin.

" Mag dasal nalang tayo dahil may surpresa ako sa inyo na regalo na nasatingin ko ay ikabibigla niyong lahat " nakangisi kong bulong hahahha, bigla naman niyang inilayo ang kanyang ulo at nakita kong namumutla ito hahahah kakatawa.

3rd person's POV

Nangamba ang prinsepe dahil baka ilabas niya ang mga sikretong alas nito na si bathalang zeus, serephiel at baal. Ngunit hindi niya ipinapakita ang kanyang takot kay light baka mapansin ito ng mga nanonood.

" Simulan na ang laban" pag aanunsiyo ng MC at naghiwayan na ang mga taong naroroon ngayon, nilagyan din ng barrier ang buong stadium na nakapalibot sa dalawang maglalaban para hindi masaktan ang mga manonood.

Agad na sumugod si prince xaiver hindi niya parin pinapakita ang takot na nanalaytay sa kanyang dibdib ngayon. Si light naman nakangisi lang na Parang walang dinadamdam na problema. Matatamaan na sana si light ng bigla itong nag teleport malapit sa tenga ng prinsepe at bumulong ito. Hindi inaasahan ng prinsepe ang pagteteleport niya.

" Humanda kana" nakangising bulong ni light, kinabahan naman ang prinsepe sa sinabi ni light at nag teleport nalang ito palayo sa prinsepe. Natatawa naman si light sa reaksyon ng prinsepe.

Nagteleport ang Prinsepe papunta sa gawing likod ni light, alam ni light na gagawin niya iyon kaya inabangan ni light si xaiver sa likod niya at lumitaw ito bigla, at nabigla ang prinsepe dahil nalaman ni light kung saan siya patutungo.

" Bulok ang style mo hahhahahah" natatawang saad ni light at akmang susugod ang prinsepe ngunit sa pangalawang pagkakataon ay muli itong nagteleport at hinanap nito si light nagulat nalang siya ng bigla itong nagteleport sa likod niya hindi niya inaasahan na ang kanyang ginawa kanina ay gagawin din ni light.

" Ang hina mo" natatawang wika ni light at nagteleport agad ito papunta sa malayo. Naiinis na ang prinsepe sa pinaggagawa niya.

"Lumaban ka nang harapan wag Kang maging duwag" nanggagalaiting wika ng prinsepe at hinanda niya ang kanyang kamay na may parang ilalabas na isang sandata.

" Helios sword labas" pagtatawag ni prince xaiver at lumabas ito sa kamay niya, namangha ang mga tao doon dahil kulay ginto ang espada niya pero hindi na ito bago sa kanila sadyang namamangha lang sila sa taglay na ganda ng espada ni Prinsepe xaiver.

" Lumaban ka duwag" sigaw ng prinsepe at nag teleport ulit si light sa malayo layong distansya ni prince xaiver.

"Yun ba ang gusto mohhh sige pagbibigyan kita divine cane labas" pagtatawag ni light ng kanyang sandata na tungkod at umilaw ng pagka sobra sobra ang kamay ni light at lumabas ang gintong tungkod nito na nagpamangha sa mga manonood lalo na sa sinaunang reyna at ang reyna ng atlantis, naghari ang katahimikin sa buong stadium at maririnig ang pagkamangha sa buong stadium. Napatayo naman ang sinaunang reyna at ang reyna ng atlantis.

" Kilala ko kung kanino ang sandatang iyan " bulong na wika ng sinaunang reyna sa reyna ng atlantis.

" Ako rin yan ang sandata ng ating panginoon" nakangiting wika ng reyna ng atlantis ang mga kasamahan nilang mga pinuno ay nagtataka sa kanilang dalawa.

" Ano naman ang magagawa ng sandata mong iyan pamukpok lang pang matanda hahahahha" pang aasar nito kay light, si light naman nakangisi lang.

" Yun lang ba ang alam mo " sarkastikong sabi ni light kay prince xaiver.

"Divine trident " pagpapalit ni light ng sandata, nag iba naman ang kanyang sandata at naging trident ito na ginto ang kulay at may mga perlas. May lumabas na tubig sa trident at isinayaw ni light ang tubig at pumalibot ito sa kanyang katawan na ikinamangha ng mga manonood dahil ngayon lang sila nakakita ng ganitong klase ng sandata na malayong malayo sa sandata ng reyna ng atlantis. Ang prinsepe naman ay nakalaglag ang panga nito dahil sa sobrang pangkamangha nagtataka din ito kung saan niya nakuha ang ganitong klaseng sandata.

"Napakaboring mo naman maging kalaban " nadidisappoint na wika ni light, biglang sumugod ang prinsepe nagkipagpalitan sila ng kalansing , espada laban sa trident ang labanan ngayon. Hindi makagalaw ang mga manonood sa kanilang nakikita. Sa isang kumpas ni light ay idiniresto niya ito sa may shoulder part ng prinsepe at nasugatan ang prinsepe at dumugo ito ng marami, nabigla at nataranta Ang mga manonood dahil ang isang makapangyarihang tao sa buong agartha ay nasugatan ng isang freshmen students. Napayukom naman ng kamay ang hari at reyna ng agarthi dahil sa kanilang nasaksihan na nasugatan ang kanilang anak.

" Masakit ba ??hahahah Wala pa yan " natatawang wika ni light habang dumadaing sa sakit si Prinsepe xaiver. Ginamit ni prince xaiver ang kanyang air manipulation ability upang mapatumba si light at nagtagumpay siya napatumba niya si light.

" Ohhh ano masakit din ba " galit na wika ni prince xaiver pero ang tugon ni light ay isang ngisi lang, nagulat naman ang prinsepe.

" Gusto mo talaga ng totoong laban hahh wait just give me a second to change my armaments" nakangising turan ni light sa prinsepe.

" Divine sword labas " pagtatawag nito from trident kanina ngayon ay isang espada na may puting apoy na naglalagablab. Ginagalaw galaw nito ang espada upang ipakita ang ganda nito. Napanganga naman ang lahat pati ang prinsepe sa pagbabago ng sandata ni light. Bigla itong sumugod kay prince xaiver buti nalang ay nasangga ng prinsepe ang sandatang naglalagablab kung hindi baka kanina pa siya namatay. Maririnig ang dalawang kalansing sa buong stadium.

" Diba ito ang gusto mo" cold na wika ni light. Hindi na makayanan ni xaiver ang laban nila dahil sa sobrang init ng sandatang ni light na naglalagablab na puting apoy. Hindi na nag dalawang isip pa na ilabas ni prince xaiver ang kanyang summoning creature.

" Phoenix, elemental golem, at cyclops labas" pag tatawag nito at biglang lumitaw ang mga creature ni prince xaiver at ngumisi ito kay light, si light naman ay ngumisi rin

Light's POV

Aba aba nilabas niya ang mga summoning creature niya, pasensya na sa pagbali ko ng utos niyo headmistress but this is part of my plan.

" Encanta labas " pagtatawag ko sa reyna ng mga nilalang at beast may gagawin lang ako na hindi nila makakalimutan, bigla itong lumitaw at lumuhod. Nahagilap ng aking mata ang sinaunang reyna na nakalaglag lang ang panga nito sa sobrang pagkamangha.

" Anong ipag uutos mo panginoon??" nakaluhod nitong tanong hmmm i need to accomplish my plan right away para matapos na.

" Kontrolin mo ang mga creature niya at gawin mo itong alagad at pasunurin mo" pag uutos ko sa kanya bigla naman niya itong sinunod. Nagliwanag ang mata niya at bigla nalang pumanig sa amin ang mga creature ni xaiver.

" Hindi ito maaari Ito'y imposible" hindi makapaniwalang wika ni kapre hHahhahaha ohh ano ka ngayon. Nagsimula na ring yumukom ang kamay nito na parang susuntok, edi go.

" Bathalang ares labas" pagtatawag ni kapre kay ares hahahah ang Hindi niya alam ay nakipagkuntsaba yan sa akin about sa plano namin hahahah. Lumitaw naman si ares at ipinukol nito ang kanyang mga paningin sa akin at tumango ito ehehheeh let's the plan begin.

" Atakihin mo siya ngayon na" pag uutos ni kapre akmang susugod na si ang bathala ng magsalita ako.

"Legendary warriors labas" pagtatawag ko at lumitaw sila sa aking harapan.

" Labanan niyo ang bathalang iyon" pag uutos ko at kinindatan ko si ares as a sign na mag sisimula na ang plano.

" Anong akala mo mapapatay ng sampu mong mga legendary warriors ang bathala ko hahahahh" natatawang wika ni kapre as if naman matatakot ako noh hahahah. Nakita ko namang nilabanan ng mga legendary warriors ko ang bathala.

" hello as if naman matatakot ako eww" sarkastikong wika ko sa kanya at natawa na lang ako dahil umasim ang tingin nito ahhahah.

Bigla nalang siyang sumugod na Parang galit na galit edi wow if yan ang gusto mo maghanda ka, hinanda ko na ang sarili ko ,nang papalapit na siya ay bigla niyang iwinasiwas ang kanyang gintong espada akmang susugatan na niya ako ng bigla siyang pinatamaan ng apoy ng phoenix niya hahah hindi ba siya aware na under sa kapangyarihan ng guardian ko ang creature niya. Napaiwas naman siya, buti nalang nakaiwas siya kung hindi ehhh baka sunog na siya ngayon.

Fast forward....

Punong puno na kami ng sugat pareho kaming may sugat, sa tagiliran at sa iba pang parte ng katawan namin ayokong ilabas ang aking iba't-ibang Creature lalo na ngayon na maraming nanonood baka kung sakaling malaman nila na may mga anghel ako at iba pa ay baka pagkainteresan nila ako no way.

Maybe this is the time to accomplish the last part of the plan.

" Bathalang mahiqa naririnig mo ba ako" pagtatawag ko sa aking isipan hindi naman ito telepathy ginamit lang namin ito as temporary lang para macontact ko siya.

" Yes master" wika ni bathalang mahiqa sa aking isipan

" Gawin mo na " utos ko sa kanya .

" Yes master" pagsusunod nito

Akmang susugod pa si xaiver sa akin ng bigla siyang siyang nanghina at hinawakan nito ang kanyang dibdib nararamdaman ko narin yun sumisikip ang dibdib ko. Napasalampak kaming dalawa ni prince xaiver sa damuhan ng stadium at ako naman ay nahihirapan ng huminga . This is the plan para hindi kami mapahiya ni prince xaiver ang mga buhay na diyos decided na pahinain ang tibok ng aming puso para matalo kaming dalawa no one will win para walang magtaka at mag cause ng gulo if that's happened na ako ang mananalo sigurado akong matatangal ako sa pag aaral, sigurado akong gagamitin ng mga parents ni prince xavier ang kani kanilang mga impluwensya para maghirap ako, sinabi ng mga bathala na iba ang ugali ng reyna at ng hari parents ni prince xaiver at pwede ko daw yon ikapahamak at ikapahamak ng mga mahal ko sa buhay kaya kumagat ako sa plano ng mga bathala. Ayoko pang mawalan ng trabaho ang dalawa kong kuya at ayoko ring masama at madamay sina dim at shiela. So i decided na tama ang gagawin namin kahit masakit ito physically.

Naninikip na ang dibdib ko hindi na ako makahinga, at nakahiga na ako ngayon sa damuhan ganun din ang prinsepe nag hahabol kami ng hininga. Ang mga taong nanonood naman ay nataranta, ilang sandali lamang ay nawalan na ng malay ang prinsepe at sumunod ako everything went black.

Abangan....