Chapter 24 - CHAPTER 21: HEARTBEAT

3rd person's POV

Nagulat ang mga manonood dahil walang nananalo, ang laban ng dalawa ay tabla. Napatayo ang mga hari at reyna at nag teleport papunta sa gawi ng prinsepe para tulungan ito. Pinabayaan ng mga hari at reyna ang batang si light na nakataratay ngayon sa damuhan at walang malay ngunit ang sinaunang reyna ng mga Fairies at ang reyna ng atlantis ay agad pinuntahan ang batang si light upang tulungan ito. Nagtaka naman ang mga naroroon kung bakit mas inuna pa ng sinaunang reyna at ng reyna ng atlantis ang pagsagip sa batang si light kaysa sa prinsepe.

"Iligtas na tin ang batang ito nararamdaman ko sa kanya ang diwa ng ating panginoon" nag aalalang wika ng sinaunang reyna at tumango naman ang reyna ng atlantis. Bigla silang naglaho at nag teleport papunta sa infirmary ng paaralan upang ipagamot ito sa mga healer.

Samantala pinabuhat ng haring Orpheus sa mga kawal ang kanyang anak na si xaiver, nag uumapaw ang galit ng hari sa batang si light dahil sa ginawa niya sa kanyang anak, ganun din si queen veronica na ina ni xaiver, galit na galit si queen veronica sa dalawang reyna na iyon na tumulong sa batang si light dahil mas inuna pa nila ang batang iyon kaysa sa prinsepe.

Ang headmistress naman ay dali daling pinuntahan ang infirmary para puntahan si light, alam niyang dinala ng sinaunang reyna at ng reyna ng Atlantis si light sa infirmary upang ipagamot. Nagtataka din ang headmistress kung bakit mukhang nag aalala pa kaysa sa kanya ang sinaunang reyna at ang reyna ng atlantis. Pagdating niya sa infirmary ay inikot niya ang paningin niya sa loob ng kwarto, nagbabasakali siyang makikita niya ang sinaunang reyna at ang reyna ng Atlantis ngunit ang tanging naroroon lang ay walang iba kundi ang nakahigang si light. Pinagmamasdan niya ang batang si light, inuusisa niya kung may mga pasa pa ba ito o mga sugat pero wala na siyang nakikitang mga galos, sugat at iba pa, kaya yun umalis na siya, para narin makapagpahinga si light.

Samantala habang ginagamot ng mga healer ang prinsepe ay bakas sa mukha ng mga hari at reyna ang pangamba na baka hindi na ito mabuhay pa, dahil ang sabi ng mga healer ay tumigil  na ang pagtibok ng puso nito. Napasuntok nalang ang haring Orpheus sa dingding ng royal infirmary dahil sa galit at awa .

Light's POV

Napabalikwas ako ng pagkakagising mula sa aking higaan, yess mission accomplished, but wait shittt nakalimutan ko palang ako lang ang makakabuhay muli sa prinsepe yun ang sabi ni bathalang mahiqa about sa plano. Kaya agad akong umalis sa kama at tumakbo palabas ng infirmary upang puntahan ang pinakamataas na bahagi ng gusali ng infirmary sa royal infirmary kung saan ginagamot Ang mga prinsepe at prinsesa kapag sila ay nagkasugat or something.

Pagdating ko doon ay tumalim ang tingin ng mga  hari at reyna sa akin, waitt hindi ba nila alam na laban namin yun ni kapre at walang may kasalan kung sino ang mawawala o mamamaalam. Nang makalapit na ako nakita ko rin si headmistress na alalang alala sa prinsepe, pagkalapit ko sa pintuan ng room ni xaiver kung saan siya ginagamot ay bigla nalang humarang sa daan ang hari at reyna at sinampal nila akong dalawa. Napatingin naman ang headmistress at nagulat kaya yun nilapitan niya ako, ako naman walang magawa pero ang unfair naman kasi diba laban lang namin yun kung baga sports lang walang personalan.

" Haring Orpheus at reyna Veronica wala kayong karapatan na sampalin ang estudyante ko dito sa paaralan ko" galit na sigaw ng headmistress. Ang hari naman matalim parin ang tingin niya sa akin na parang gusto niya akong ibitay. Ang reyna naman aambaan ulit sana ako ng sampal subalit humarang ang headmistress at hinawakan niya ito sa kamay. Hindi na ako umimik pa dahil ayokong lumaki pa ang gulo.

" Queen veronica " sigaw na pagsasaway ni headmistress at tumigil ito ngunit bakas parin ang galit sa mukha ng reyna.

"Kung may mangyaring masama sa kanya ito ang tatandaan mo ibibitay ko lahat ng mga mahal mo sa buhay" pagbibigay babala ng reyna wehhh ano ako duwag excuse me hayys magkasing ugali talaga ang reynang ito pati Yung kapre nayun.

" Headmistress papasukin niyo ako may gagawin lang ako" pagbubulong ko sa headmistress at bumaling ang tingin nito sa akin na parang nagtatanong.

" Halika " wika ni headmistress at hinawakan niya ako sa kamay at binuksan niya ang pinto sa akin.

" Headmistress, kung pwede lang palabasin mo muna ang mga healer dito "pag uutos ko sa kanya at napatigil naman ito at ipinukol niya ang tingin niya sa akin na parang nag tataka at binigyan ko naman siya ng simpleng ngiti.

"Mga healer lumabas muna kayo bilis" pag uutos ni headmistress at napatigil naman ang mga healer sa paggagamot at nagbigay ng reaction na parang sinasabi nila na bakit ??, Tinaasan naman ng kilay ni headmistress ang mga healer  as a sign na sumunod na lang, kaya yun lumabas silang lahat at ako na lang ang natira at sinara na ni headmistress ang pintuan.

Tinignan ko muna ang prinsepe nakakaawa ang kalagayan niya ngayon mga pasa mga sugat na kanyang natamo, ba't parang feeling ko nasasaktan ako, napansin kong may tumutulong luha sa kanyang mata habang nakaratay ito kaya yun kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang kanyang mga luha wait umiiyak ba siya???

Hindi ko na hinintay pa na maubos ang oras ko sa loob ng infirmary agad kong hinanda ang dalawang kong mga kamay, pinakiramdaman ko muna ang kanyang katawan at pinikit ko ang aking mga mata, nararamdaman ko lahat ng mga sugat na natamo niya mula sa akin, naawa naman Ako sa kanya. Pagkatapos kong inusisa ang bawat parte ng katawan niya gamit ang pag sscan ang sinunod ko ay ang kanyang dibdib dahil sa parteng yun, ang dahilan kung bakit siya nakaratay ngayon dahil pinahina ni bathalang mahiqa ang tibok ng puso niya ngayon, at parang bangkay nalang siya ngayon na parang walang buhay at hindi na tumitibok pa ang kanyang puso ngunit nasa katawan parin nito ang kanyang sagradong kaluluwa.

"Vulnera sanentur" pagsasambit ko sa magic spell habang nakahawak ako sa matipuno nitong dibdib, ang magic spell na ito ay itinuro sa akin ni bathalang mahiqa na mga bathala lang ang siyang nakakaalam, kaya nitong gamutin lahat ng mga sakit, karamdaman at iba pa. Nasaksihan ko naman ang pagbabago ng katawan nito, nawala ang mga pasa mga sugat at marami pang iba. Humihinga narin ang prinsepe ohhh ang cute kiyaahh nakakakilig buwisit..

Headmistress POV

Hindi ko sinara ang pinto dahil gusto kong masaksihan ang kanyang gagawin namangha ako sa kanyang ipinakita. Nagliliwanag ang dalawa nitong mga kamay at parang pinakiramdaman nito ang katawan ni prince xaiver maya maya lang ay may sinambit siyang isang spell na nasa tingin ko ay wala pang nakakaalam, napagtanto ko nalang na ibang klaseng paggagamot ito. ilang segundo lang nawala na ang mga sugat at pasa ng prinsepe. Hindi ko napansin na may kumakalabit sa akin habang sumisilip ako sa nakaawang na pinto ng infirmary.

" Headmistress anong sinisilip mo diyan?? " biglang singit ni haring Orpheus agad ko naman itong sinara at bumalik na sa pagkakaupo.

" Wala po haring Orpheus" pagwiwika ko sa kanya at pansin kong nakumbinsi ko siya sa mga sinabi ko.

Light's POV

Pagkatapos kong ginamot ang prinsepe ay lumabas ako, biglang bumungad ang naka ismid na reyna , sinampal niya ako ulit shittt nakakaimbiyerna kana hahhh nakakadalawa kana. Nakayuko lang ang ulo ko hindi na ako umimik, naiintindihan ko naman siya ehh alam kong nag aalala lang siya sa anak niya ehhh sino ba namang magulang ang hindi mag aalala.

"Hoyyy little faggot ito ang tandaan mo pag may mangyaring masama sa anak ko, ipabibitay talaga kita, umalis ka na dito baka ano pang magawa ko sayo faggot" sigaw ng reyna oucchh ang sakit naman nun sabihan ba naman ako ng faggot. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa masasakit na salita niya namumuo narin ang malalaking butil ng luha sa aking mata, agad akong tumakbo, Kahit saan na ako mapadpad bahala na.

Paglabas ko ang mga estudyante naman ay nakatingin lang sa akin at yung iba naman ay nag bubulungan hindi parin ako tumitigil sa pagluha. Tumingin naman ako sa kalangitan na nandidilim at palalakas ang hangin shittt wala nabang bago simula ng nasa mundo ako ng mga tao ay kapag umiiyak ako dumidilim palagi ang kalangitan buwisit!! ba't ba ganito naguguluhan na ako.

Nagpakalayo layo muna ako lumakas ng lumakas ang huni ng hangin ang mga dahon naman ay nagsisiliparan na shittt ba't ba ganito ang nangyayari old version ko na ito wala bang pagbabago??. Ilang sandali lang ay nahagilap ng aking mga mata ang magandang lawa wait diba yan yung lawang napuntahan ko last time, nasilayan ko muli ang magandang puno na pinagsilungan ko nung last time. Umupo naman ako dito at nagpahinga, ang ganda dito simula ngayon Magiging pahingahan ko na ito at magiging kasangga ko na ito sa lahat ng pag subok, nakakapawi ng kalungkutan ang kagandahan ng lawang ito. Napansin kong gumagalaw muli ang kalupaan at ang pagaspas ng hangin ay lumalumakas, gumagalaw din ang katubigan waitt familiar ito hahh alam kona magpapakita ang mga nilalang sa lawang ito!!. Agad umahon ang mga sirena at mga serpents ang mga dragon naman ay nagsibabaan at marami pang iba. Bigla naman silang nagsiluhuran sa direksyon ko,  hayyys mukhang masasanay na ata ako nito bahala na nga. Ang mga centaur naman ay nakangiti sa akin ngumiti naman ako.

" Panginoon alam mo ba na kapag maliligo ka sa lawang ito lahat ng sakit at lungkot na namumutawi sa iyong dibdib ay maglalaho" biglang saad ng serpent wait oo nga nuhhh matagal tagal na rin akong Hindi nakaligo sa isang lawa, waitt ang tanong pwede bang maligo dito, mukhang papagalitan nila ako,binabantayan pa naman nila ito.

"Ang tanong pwede ba?" Tanong ko at nag puppy eyes ako sana pwede. Narinig ko naman ang mga tawanan ng mga nilalang hahhh?? May dragon din palang tumatawa at yung mga sirena at mga ibon ay tumatawa rin pati yung mga pegasus halos lahat ng mga naroroon.

"Bakit hindi basta ikaw panginoon pwedeng pwede kahit kailan mo gusto" natatawang wika ng serpents yesss pwede pala, tumayo na ako at inikot ko ang paningin ko sa lugar baka may tao, buti walang tao. Naghubad na ako ng pang itaas na damit at pinagmasdan ko ang katawan ko shittt yung pusod ko hindi ko pala nalagyan ng potion shittt waittt wala namang tao bahala nalang daw. Sinabit ko ang damit ko sa may sanga ng puno I'm so excited maligo. Lumakad na ako papalapit sa lawa sa unang tapak ko sa tubig shitt ang lamig. Natawa naman ang mga nilalang shitt nakakahiya. Hindi na ako nag dalawang isip na maligo. Lumangoy langoy ako, ang sarap sa pakiramdam tama nga sila, nakita ko naman ang mga dragon ay nagsiligo narin kiyaahh parang pool party talaga ito . Nabigla naman ako ng sinakay ako ng serpent , shitttt akala ko kung sino na. Lahat ng nilalang dito ay nag siligo na sa lawa ang dami namin pati narin ang mga griffin ang cute cute nila kiyyaahhh this is the best day ever. Tumatawa tawa nalang ako dahil sa mga nakikita ko, yung iba takot sa lawa hahahhahah lalo na yung isang pegasus may phobia ata, lumakas pa lalo ang tawa ko ng tinulak ng isang centaur ang takot na pegasus papuntang lawa. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon yung mga sirena naman gumamit ng kapangyarihan ng tubig nagsibatuhan sila ng mga tubig at kahit hindi ako water manipulator ay sumali narin ako splash doon splash dito hahahahah napailing nalang talaga ako, hindi talaga mapapalitan ng kayamanan ang nararanasan kong saya ngayon. Tumingin naman ako sa kalangitan nahagilap ng aking mga mata ang isa pang grupo ng mga griffin at may dala dala itong isang supot ng tela hindi ko mawari kung anong laman nito. Paglapag nila ay bigla silang lumuhod, umahon naman ako mula sa lawa at nilapitan sila waitt anong dala nila???.

" Panginoon dinalhan po namin kayo ng mga prutas na aming kinuha pa sa iba't ibang sulok ng kontinente" pagwiwika ng isang griffin what ang dami niyan hahhh i appreciate it. Agad naman akong lumapit sa supot na iyon at binuksan ko, tumambad sa aking harapan ang iba't ibang klase ng mga prutas wow delicious, kompleto talaga ang pool party namin hahahah or should i say picnic. Bumaling ang aking mata sa mga nilalang , takam na takam na sila sa mga pagkaing nakahanda sa harapan ko.

" Samahan niyo akong kumain bilis" pag uutos ko yung iba naman ay nahihiya pa yiehhh may hayop din palang nahihiya. Tinawag ko sila muli upang kumain nakakaawkward din kaya kung ikaw lang yun kumakain parang ang damot damot mong tignan atsaka ang dami nito sobra. Nakumbinsi ko naman silang lahat na kumain kaya yun kumain na kami kiyaaah big family na kami ngayon hahahahahha.

Queen elora's POV

Ako si queen elora ang sinaunang reyna ng mga fairy at ako rin ang may hawak ng lux teneberis council, ang layunin ng council na ito ay para iwasan ang hidwaan ng dalawang panig ang light folks at ang dark folks.

Habang papunta na kami sa infirmary kung saan ginagamot ang prinsepe ay bigla nalang lumabas ang batang si light na kalaban kanina ng prinsepe at may mga namumuong luha sa mga mata nito. Naramdaman namin ni queen maharia  ang reyna ng atlantis ang kakaibang taghoy at lakas ng hangin sa paligid, kinilabutan kami at napatigil dahil habang nararamdaman namin ang kakaibang huni ng hangin ay nangdidilim ang buong kalangitan. Napag isip isip naming dalawa na sundan ang batang yun ng patago.

Dinala kami ng batang yun sa lawa o enchanted lake mapanganib dito dahil maraming mga nilalang ang nagbabantay dito lalo na sa lawa na yun wala pang nakakaligo diyan ni isang tao. Naalarma naman kami dahil baka saktan siya ng mga nakatirang nilalang, sandali lang wala ba siyang ka Alam alam tungkol sa lawang yan???, nakita ng dalawang mata namin na ang batang iyon ay walang pag aalinlangang pinuntahan ang puno ng patay wait patay nayan noon hahh ba't nabuhay yan???

"Mahabaging kataas taasang bathala, paano nangyari ito??, ang patay na puno noon ay buhay na ngayon"namamanghang wika ng reyna ng Atlantis pati rin ako ay nagtataka kung paano ito nabuhay.

Naalerto naman kami dahil may mga tunog kaming naririnig ang sa tingin ko ay mga tunog ito ng papalapit na nilalang. Nagulat na lang kami ng nagsibabaan ang mga dragon at marami pang ibang mga nilalang na malapit sa lawa pati narin ang mga nilalang sa lawang ito ay nagsiahon.

" Halika!! Tulungan na tin siya" nag aalalang wika ni queen maharia , sandali lang ano??!! Pupuntahan na tin baka mapahamak kami. Pinigilan ko naman siya.

" Ano ba queen elora iligtas natin siya!!" Nagpupumiglas na wika nito sa akin habang pinipigilan ko siya.

" Sandali lang relax " pag papagaan ko at huminahon na ito at napabuntong hininga pa.

" Pagmasdan muna natin baka may something  na mangyayari" kalmang sabi ko sa kanya. Binaling ulit namin ang titig namin sa batang yun, nanindig lahat ng balahibo namin dahil sa pagkamangha, nasaksihan namin ang pagluhod ng mga nilalang sa batang yun , sandali lang siya ba ang panginoon namin??? Dahil ang panginoon namin ay siyang tanging niluluhuran ng mga nilikha.

" Imposible" hindi makapaniwalang wika ng reyna, ang ikinabigla pa namin ay naiintindihan nito ang mga salita ng mga nilalang, kaya pala iba ang nararamdaman ko pati narin ang reynang katabi ko sa batang yun, namangha din kami sa laban nila kanina dahil siya lang ang kaisa isang nilalang na kayang palitan ang kanyang sandata sa ibang uri ng sandata at alam niyo ba kung anong nakakagulat ang sandatang hawak niya kung hindi ako nagkakamali ay sandata ng aming panginoon at isa pa ang guardian niya na si encanta ay isa sa mga alalay ni lux. Narinig naman namin ang tawa ng mga centaur na kalahating tao at kabayo , Parang feeling ko tumatawa rin ang ibang nilalang doon bakas sa mukha ng mga nilalang ang saya, ibang iba ang saya nila. Hanggang ngayon tumintindig parin ang balahibo namin dahil sa dami ng mga nakapalibot na nilalang sa batang iyon.

" Nakakamangha, siya ba ang panginoon natin??" namamanghang wika ni quuen maharia pati narin ako ay napapaisip din kung siya nga ba ang panginoon, ang tanong ba't teleport lang ang kapangyarihan niya kanina sa laban. Ilang sandali pa ay parang maliligo ang batang yun at nag hubad, ano???!! Wala siyang pusod. Imposible paano siya pinanganak sa mundong ito kung wala siyang pusod. Ang reyna naman ay nakanganga na hayys alam ko na ito hindi siya nganganga kung hindi siya nagagandahan sa katawan ng batang yun, sino ba naman ang hindi nagagandahan, sobrang puti pa, may maskuladong katawan pa ito na tamang tama lang sa kanyang laki, at may matipuno pa itong dibdib at maamong mukha saan kapa hahaha.

" Fuck shittt ang hot niya " mura ng reyna sabi na nga ba yan din ang pupuntiryahin niya ehhh, walang pinagbago kahit bata pa ang mukha niya ang edad niya ngayon ay milyong taon na magkasing edad lang kami, kami ata ang pinakamatadang nilalang sa buong agartha pero ang physical appearance namin ay hindi nagbabago 20 years pa rin, nasaksihan namin lahat nung nawala ang panginoon namin, ang limang makasaysayang digmaan, ang pagkamatay ng mga bathala, ang pagpapatayo ng paaralang ito na pinatayo pa ng mga bathalang namatay na ngayon.

Parang nagkakasala narin ako sa pagtingin sa magandang katawan ng batang ito, hindi ko rin maiwasan na titigan ito ,ang reynang katabi ko naman ay walang inatupag kung hindi titigan ang matipunong katawan ng bata hayys hambalusin ko kaya ito. Nagulat rin kami na pati ang mga hayop ay nakisali sa pagligo ng batang yun sa lawa. Siya lang ang kauna unahang nilalang na nakaligo at nakalangoy sa ilog nayan.

" Nakakainggit parang gusto ko ding maligo  " naiinggit na wika ng reyna wehhh baka naman gusto mo lang maligo diyan para titigan ang katawan ng batang yan hahahah pero tama rin siya feeling ko naiingit din ako parang gusto ko ring maligo at maramdaman ang tubig na naroroon.

" Hala naiinggit na talaga ako tignan mo ohhh nag lalaro sila" naiinggit na wika ng reyna hayyys isip bata parin. Hindi na ako nagsalita ayokong maging talkative. Ilang sandali lang ay may mga grupo ng griffin ang lumilipad sa himpapawid papunta sa lawa at may dala itong supot at binigay sa batang yun at kumain na sila, ang reynang katabi ko nababagot na parang gusto niya ring makisali edi go let's see baka  hindi kana makaabot ng libong taon pa.

" Puntahan natin bilis parang safe naman " nagmamadaling wika ng reyna at hinila niya ako hindi na ako nagpumiglas pa parang may point naman siya sa sinabi niya.

Light's POV

Habang kumakagat ako ng mansanas ay napansin kong napatigil silang lahat sa pagkain waittt what's happening??

" Panginoon mag papaalam na kami " nag mamadaling wika ng mga nilalang at nagsialisan silang lahat, ang mga umahon na sirena kanina , serpents at mga nilalang sa lawa ay nagsilangoy pabalik sa kanilang tirahan wait what's happening??

"Ikaw kasi ang ingay mo yan tuloy umalis na sila" sabi ng kung sino at naalerto naman ako shittt sino yung nag sasalita, agad ko namang tinakpan ang katawan ko baka may makakita ng aking katawan na walang pusod, hindi na ako nakapagdamit pa dahil sa pagka alerto dalidali naman akong nagtago sa may puno.

" Light wag kanang mag tago " wika ng isang boses ng babae wait sino sila hindi familiar ang boses nila hahh

" Sino kayo?"  Sigaw ko

" Kami ito ang sinaunang reyna ng mga fairy at ang reyna ng Atlantis" sigaw ng babae wait shiitttt si queen elora at si queen maharia shitt anong ginagawa nila dito baka makita nilang wala akong pusod. Lumabas ako habang nakatakip ang damit ko sa katawan ko para hindi nila makita ang katawan kong walang pusod. Pag labas ko tumitig kaagad ang dalawa sa aking katawan, lumuhod naman ako bilang pagbibigay pugay sa kanilang dalawa at tumayo ulit ng matuwid, sila naman ay titig lang ng titig sa aking katawan shittt baka nakita na nila shitt wag Naman.

" Light wag mo na yang takpan wag kanang mahiya hindi ka namin isusumbong sa madaling salita ay secret lang" nakangiting wika ni queen elora shittt ang ganda niya. Inalis ko na ang damit na nakatakip sa katawan ko ang isa namang reyna ay nakalaglag lang ang panga nito shittt manyak ata to. Kaya yun nagdamit na ako.

"Bakit wala kang pusod ???" Takang tanong ni queen elora shiit secret lang ito ayokong malaman nila ang totoo.

" Paumanhin mahal na reyna ngunit ayoko ko pong sagutin ang sagot niyo paumanhin po aalis na ako" paghihingi ko ng paumanhin at kumaripas ako ng pag alis , waittt pupuntahan ko ang prinsepe baka gising na siya.

Fast forward....

Pagkarating ko sa infirmary ay wala na ang mga hari at reyna kaya binalak kong pasukin ang kwarto kung saan ko ginamot si kapre. Pagkabukas ko saktong sakto hindi pa siya gising. Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi ng kama at pinag masdan siya ang gwapo talaga niya para siyang isang anghel, sana tulog nalang siya kasi ang cute niya. Ilang sandali lang ay pakiramdam ko pagod na ang katawang lupa ko at humikab na ako ilang sandali lang ay naidlip na ako sa kama katabi ang prinsepe.

Prince xaiver's POV

" Ingatan mo si light, protektahan, alagaan, at mahalin, wag na wag mong pababayaan na kainin siya ng dilim kung ayaw mong mag sisi" wika ni chamuel, isang anghel na archangel, isa siyang anghel nang pag mamahal. Waitt sino ba talaga si light??

" Sino ba si light?? Naguguluhan na ako" nagtatakang tanong ko sa kanya at binigyan naman nito ako ng matamis na ngiti.

"Siya ay lampara sa isang madilim na silid"malalim na wika ng anghel anu daw lampara sa isang silid??

" Diretsuhin mo na " sabik na sabik kong sabi sa kanya, nakangiti lang siya na para bang walang pinoproblema.

" Siya ay lampara ng madilim na silid, ang isang lampara ay dapat pakaingatan, kung masagi mo ito maaari itong matumba at maging dahilan nang pagkasunog ng isang silid" malalim na wika ng anghel anu daw hindi yan ang hinihingi kong sagot??? Pambihira naman ohh.

" Wag ka nang magtanong ng marami basta yun lang ang masasabi ko sayo, kapag nasa isang madilim na pasilyo ka ang mahalagang bagay na dapat mong ingatan ay lampara na magsisilbing liwanag mo upang marating mo ang destinasyong tutunguhin mo, ganun si light nararapat mo siyang pahalagahan at pakaingatan dahil kung hindi mag dudusa ka" mahabang lintaya ng anghel ohh so kung ganun i will be his protector. Magsasalita na sana ako ng.....

Binuksan ko ang aking mga talukap at tumingin sa kisame, inaalala ko parin ang sinabi ng anghel na kailangan kong protektahan si light, i will promise that parang gumagaan na rin kasi ang pakiramdam ko sa nilalang na yun. Kung niyayakap ko siya sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko, kapag nakikita ko siyang tumatawa ay napapangiti ako, sisiguraduhin kong sa susunod ay ako na ang dahilan ng pagngiti niya at pagtawa waittt may nararamdaman na ba ako kay light?? Ewan ko ba hindi naman ako bakla,gusto ko parin ng babae pero pag ibig ito ehhh kahit na liliko ka nang daanan ay magkikita din kayo ehhh. kapag lumalapit siya sa akin o ako ang lumalapit sa kanya ay bumibilis ang tibok ng puso ko kaya nagagalit ako sa kanya, ewan ko ba kung pagmamahal ba ito o may sakit ako sa puso. Nung isang gabi nga napanaginipan kong hinahalikan ko siya hanggang ngayon kapag nakikita ko siya, tumititig kaagad ako sa mga bibig niyang mala rosas na pink ang kulay, ang sarap halikan sa totoo lang. Yung amoy niya minsan hinahanap hanap ko kahit ilang araw lang kaming nagkakilala parang gusto ko paggising ko amoy na amoy ko ang pabango niya, nakakaadik ang amoy niyang strawberry siguro kung may sipon ka mawawala yun kapag nalanghap mo o naamoy mo ang amoy niya. Hayys nababaliw na ba ako sa kanya??

Habang nakatingin ako sa kisame ay may naramdaman akong gumagalaw wait sino yun tumagilid muna ako at nabigla ako na si light ay nasa gilid ko lang natutulog, shittt ito na naman ang puso ko nagkakaheart attack na naman. Pinagmasdan ko siya shittt ang labi niya nakakabaliw talaga parang gusto kong halikan, gusto ko ako lang ang makakatikim nito,ako lang wala ng iba, possessive na kung possessive wala na akong pakialam. Shitt ang cute niyang pagmasdan habang natutulog para siyang batang inosente, para siyang isang diyamanteng  dapat pakaingatan at alagaan. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan ang lalaking ito napakagwapo at sobrang ganda niya hindi ko maipaliwanag kung gaano siya kaganda.

Binalak ko namang hawakan ang buhok niyang malasilver ang kulay, hinawakan ko ito at sinasapo sapo , nakakagaan ng pakiramdam ang paghawak sa buhok nito shittt mahal ko na ba siya shitt ,hanggang ngayon ay hindi parin siya gising hindi ko naman alam ang kwarto niya may balak akong dalhin siya sa kwarto niya pero wala akong ideya kung saan yun.

Tumayo na ako at ngumiti waittt ngayon lang ako ngumiti ng ganito feeling ko ang saya saya ko. Papatulugin ko muna siya sa kwarto ko at aalagaan ko muna siya para practice lang hahahahah bago ko siya alagaan yung bang totoo, parang sa labanan lang yan kailangan mo munang mag ensayo bago sumabak sa labanan.

Binuhat ko na siya shittt ang gaan niya hindi ba siya kumakain, nakakaawa naman wag kang mag aalala light papakainin kita ng masarap na luto ko na hindi pa natitikman nino man. Bago ako lumakad ay inamoy amoy ko muna ang leeg niya shitt yung amoy niya nakakaadik at yung leeg niya ang sarap kagatin pero no way ayokong samantalahin siya habang natutulog nohh may awa din ako sa kanya nohh baka hindi niya kayanin ang alaga ko malaki pa naman to hahahhaha. Lumabas ako habang buhat buhat siya na parang bata, nakakaramdam ako ngayon ng saya na hindi maipaliwanag ewan ko ba. Habang naglalakad ako ang mga estudyante naman ay nagulat at nagtataka yung mga lalake naman na nasa tingin ko ay may crush kay light ay parang naiinggit, blehhh maglaway kayo kasama ko siya ngayon. Ang mga professor naman ay napatigil sa paglalakad at gulat na gulat sa kanilang nakikita waitt may gusto rin ba ang mga professor na ito kay light no way!! Hindi ko siya ibibigay sa iba sa akin Lang siya, laruan ko ito at pagdating sa mga laruan ko ay madamot akong tao at alam yun nang lahat.

Sa aking paglalakad ay nakita ako ng mga kaibigan ni light at tumakbo sila sa akin at nagbigay ako ng sign sa kanila na wag mag ingay baka magising siya. Si shiela naman ay parang kinikilig hah???

" Ibigay mo na sa akin ako na ang magbubuhat , dadalhin ko nalang siya sa dorm namin total doon naman talaga ang dorm niya" seryosong wika ni dim waittt may gusto ba siya kay light ba't parang galit at naiingit yung reaction niya no way hindi ko siya ibibigay no.

" No way doon nalang siya matutulog sa royal dorm namin , sa kwarto ko" possessive kong sabi sa kanya at napatakip naman si shiela ng bibig at parang kinikilig hayyys whatever. Akin muna siya sorry Hindi na nagsalita si dim at tumingin nalang siya sa tulog na si light na buhat buhat ko ngayon.

"Ba't ang gaan niya shiela kumakain ba ito??" Nagtataka kong tanong sa kanya habang buhat buhat si light.

" Kumakain yan, matakaw pa nga yan ehhh hindi lang talaga siya tumataba, at wag ka kahit magaan yan may tinapay din yan hahah" natatawang tugon nito hayys baliw talaga. Umalis na ako dala dala ang tulog na si light ng biglang sumigaw si shiela buwisit.

" Ang haba ng hair mo beshie" sigaw nito at napatigil ako at tinaliman siya ng titig tsk.

Nang makarating ako sa royal dorm ay kumatok muna ako sa malaking pintuan. Hayys ang tagal talaga baka magising siya dito. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan at bumungad sa harapan ko si princess avira na gulat na gulat hahahhah.

" Kiyahhh si light dito ba siya matutulog??" Masayang tanong ni princess avira sa akin at tumango nalang ako at sinabihan siyang wag mag ingay baka magising siya.

Pagpasok namin ay gulat din ang iba lalo na ang ungas na si oliver at kumaripas siya ng takbo papunta sa gawi ko.

" Dito ba siya matutulog kung dito, doon nalang siya sa kwarto ko " sabik na sabik na wika ng ungas, naaamoy ko talagang may gusto siya kay light no way sa akin lang siya shitt. Hahawakan na sana niya ito at bubuhatin ng inilayo ko si light sa kanya.

" Who the hell are you to touch light hahh, wag kang lalapit sa kanya Kung ayaw mong malintikan" galit na wika ko sa kanya buti naman ay hindi nagising si light shittt nakita kong nakayukom ang kamay nito at padabog na umalis bleehhh akala mo makukuha mo siya, ngayon ko Lang talaga nalaman na maraming nagkakarandapa kay light no way ako lang ang dapat humawak sa kanya. Binaling ko ang tingin ko sa iba pang Prinsepe at prinsesa, sina avira at mitchelle naman ay tumitili hayys lintik mga buwisit, sina lucas at nicholas naman ay umiling nalang at nakangisi mga buwisit talaga ohhh alam ko na yang mga ngiting yan.

Pagdating ko sa loob ng kwarto ay inihiga ko si light, humiga din ako at tumagilid papunta sa kanya, pinagmamasdan ko ngayon ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko, hinawakan ko ang pisngi nito at piniga piga shittt ang lambot at ang cute niya nakakagigil, hinawakan ko din ang bibig niya gusto ko lang malaman kung gaano ito kalambot, nang mahawakan ko ito ay nalambutan ako sa bibig niya shittt kailan ko kaya ito mahahalikan shitt. Inamoy amoy ko naman siya shittt ang amoy niya kakaiba parang hindi nagbabago pabango ng pabango habang tumatakbo ang oras. This is what we call a perfect guy na hinahabol ng mga babae at lalake pero no way ako ang haharang sa kanila no one will ever ever touch him ako lang ang dapat humawak sa kanyang katawan. Tumayo na ako sa pagkakahiga at kinumutan ko na siya at biglang hinalikan sa batok shittt pati ako nabigla din

Princess avira POV

Kinikilig kami ngayon siya na ba ang makakapagpapalambot ng puso ng pinakamalakas na nilalang sa agartha kiyyyaahhh botong boto ako sa kanila.  Habang sumisilip kaming apat sa nakaawang na pintuan ng kwarto ni xavier ay nagulat nalang kami ng inamoy amoy, hinawak hawakan niya si light at ang hindi ko makakalimutang scene ay nung hinalikan niya sa batok si light na sa pagkakaalam ko kapag ang lalaki o babae ay hinalikan niya ang batok ng isang tao ay tanda yun ng totoong pagmamahal kiyaahhh ayoko nang manood baka mahuli pa kami ni xavier na sumisilip. Kaya yun umalis na kami kiyahhh sana magkatuluyan sila.

Prince Xavier's POV

Aalis na sana ako ng marinig kong umuungol siya waittt what happen???  Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya at pumunta ulit sa kama. Umuungol parin siya kaya yun hinawakan ko ang ulo niya titignan ko lang sana kung may sakit ziya pero shittt meron nga ang init pa sobra ba't koba hindi napansin kanina to ang akala ko normal lang yun, saan ba niya ito nakuha??. Ilang sandali pa ay nanginginig na siya shittt i need to do something.

"Shittt" mura ko at dali daling lumabas pag labas ko nagulat naman sila tsk.

" What's happen??" Natarantang tanong ni avira.

" I need some cold water may fever siya" nag aalalang wika ko at kumuha naman sila nang tubig na malamig at binigay sa akin, papasok na sana ako nang sumunod sila sakin tskk.

" No one will enter my room kung ayaw niyong malagutan ng hininga" pagbabanta ko sa kanila at sinara ko ng pagkalakas lakas ang pintuan.

Dinala ko agad ang malamig na tubig sa kanya at kinuha ang pamunas. Hinubad ko ang kanyang suot na pang itaas at nabigla ako sa nakita ko wala siyang pusod shiittt. Napaatras naman ako that's impossible how come na nabuhay siya ng 9 months sa tiyan ng nanay niya shitt bahala na ipagpapaliban ko muna ang pagkagulat ko the important thing that i should do now is to make him feel ok.

Wala na akong pake kung wala siyang pusod, pinagmasdan ko rin ang maganda nitong katawan shittt nakakadistract no way wag mo akong tuksuhin na galawin ka no way. Pinunasan ko naman ang bawat bahagi ng katawan niya inuna ko muna ang katawan niya ang leeg niya shiit ang puti ng dib dib niya kahit araw araw ko itong pagmasdan hindi ako magsasawa. Pagkatapos kong punasan ang kanyang harapan ay sa likod naman ako.

Ang ganda naman ng tattoo niya white at black ang color ng pakpak na parang isang anghel ang ganda, parang may pagkapetite ang katawan niya ang ganda sobra, shittt ang nipple niya pala pink na pink no one should ever taste this except me.

Pagkatapos kong pinunasan ang kanyang katawan shitt nakailang shitt na ba ako, hindi parin siya tumigil sa panginginig maybe he needs my body wait. Naghubad ako kaagad ng aking damit at niyakap siya habang tulog siya he needs my heat para tumigil na siya sa panginginig.

Habang yakap yakap ko siya ay tumitibok ng pagkalakas lakas ang dibdib ko, wala na akong pakialam feeling ko masaya na ako ngayon sana ganito nalang sana tumigil na ang oras ,gusto ko pang habangbuhay na ito. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Light's POV

Habang tulog ako ay may nararamdaman akong nakayakap sa akin waitt sino yun manyak diyos ko lord naisuko ko na ba ang bataan ko wag naman. Pagbukas ko ng talukap ko ay nakita kong nakayakap ng mahigpit shiitt si kapre sa akin habang nakahubad kami ng damit shittt diyos ko lord siya ba ang nakakuha ng bataan ko wag naman ok pa kung si zeus o si serephiel ang nakakuha pero ito wag naman.

Napabalikwas ako ng gising nakita ko namang gising na ang kapre at nakangiti pa sa tingin ko kanina pa siya nagising shitt pinagmamasdan niya ba ako buwist, kumusot kusot muna ako ng mata ko, nakita ko namang namumula si kapre hahh?? Ba't siya namumula

"Ang cu-cute mo" utal nitong saad shittt kinikilig ba ako buwisit ang tinapay niya binabalandera niya pa buwisit diyos ko lord ayoko ko pang magkasala.

"Shittt ang cute mo kapag pumupula " mura nitong wika wag naman,tinitigan ko naman siya ng may pagkatalim at natawa naman ng malakas ang kapre kiyaahh ang tawa niya napakapogi shitt erase erase.

Ohhhhh Emmmm Jjiiii ang pusod ko baka nakita niya,kaya tinakpan ko naman ang katawan ko.

" Ipaliwanag mo yan sa akin bakit wala kang belly button noong unang pagkikita natin nung sa checking sa entrance meron naman hahhh"seryosong saad nito habang nakahiga shitt anong sasabihin ko ??what if saabihin ko nalang ang totoo.

"I'm waiting umaga na ohh 7:00am at walang klase ngayon dahil sa paghahanda sa founding anniversary ng school this friday and maghahanda ngayon ang mga guild for their performance."naghihintay na saad ng kapre whatt ano wala namang sinabing ganun ang mga professor hahh. Waitt before that anong sasabihin ko sa kanya??

" Ahmmm kasi ehhh pinanganak akong walang pusod" nahihiyang wika ko sa kanya at nagulat naman ito.

" How come na nabuhay ka sa tiyan ng nanay mo??" Sunod nitong tanong hayys hindi ko nga rin alam kung iniluwal ako o ewan ehhh.

" I don't know ampon lang ako nohh napulot lang ako ng nanay ko sa may puno ng buhay" sabi ko sa kanya at again nagulat siya.

" Hahhh puno ng buhay hindi mo ba alam na bibihira Lang ang nakakapunta doon dahil tago ito at nahahanap lang itong sa mythical island sa fairy kingdom" gulat nitong sabi hahh??

" At alam mo ba ang mga fairy ang siyang nangangalaga sa puno ng buhay, kapag mamatay ang puno ng buhay lahat ng mga nilalang na buhay sa mundo man ng agartha at sa labas ay maglalaho" pagliliwanag nito is that true ??woaah so dapat talaga nilang protektahan yun. Tumayo na siya.

" We will continue this, i want to hear your story kung ano ka at etc" wika nito at nag stretch pa ng kanyang braso shitt nagfleflex ba siya ng muscle niya shitt ang matcho naman niya at yung tinapay niya shitt walo ang dami naman pero sorry siya pareho Lang kami noohh.

" Baka matunaw ako niyan but if you want to taste me later pwede ako just call me I'm always tigang and i also want to taste your nipple hehehhe" natatawang wika nito buwisit manyak. Tinapunan ko naman ito ng unan buwisit at tumatawa pa habang tumatakbo palabas ng kwarto. Sinuot ko na ang damit ko at lumabas na. Pumunta ako sa kusina wooaah iba talaga kapag nandidito ka sa royal dorm. Nakita ko namang naghahanda ng makakain namin si kapre no way nakakahiya naman ako yung bisita dapat ako yung maghahanda pinatuloy na nga niya ako dito. Kaya yun kinuha ko ang mga kaldero at iba pang equipment gusto ko ako na ang magluluto.

" No ako ang magluluto i want you to taste my favorite recipe" pag aayaw niya pero what if magluluto nalang kaming dalawa, dalawa naman yung stove dito and wait ba't parang naging sweet na ngayon si kapre??.

" Ba't ang sweet mo ngayon hahh?? " Nagtataka kong tanong sa kanya at tumalikod naman ito at nakita kong namumula ang kanyang dalawang tenga kiyahhh kinikilig ba siya.

" I am ju-just do-doing my du-duty" utal nitong wika hahh anong duty hayys bahala na ewan ko sa kanya.

"Ahhh ganito nalang ipagluluto mo ako at ipagluluto din kita dalawa naman ang stove niyo dito agree or not" nakangiting wila ko sa kanya at ngumiti ito at tumango.

Prince xaiver's POV

Abot langit talaga ang saya ko ngayon sino ba naman ang hindi sasaya ehh ipagluluto ka ng isang light at ipagluluto ko rin siya, ang laki ng ngiti ko ngayon, habang nagluluto ako at pati rin siya ay naamoy ko ang luto niya wow ang bango egg with something na i think hinaluan niya ng veggies.

" Ba't ka nakangiti hah??" Mataray nitong aba aba magpasalamat ka love kita hayys shitt.

" Bawal ba" natatawang wika ko sa kanya at tinarayan lang ako nito aba aba.

"Alam mo sana ganyan ka nalang kaysa naman nakasimangot ka lang palagi kapag nakikita kita" malungkot nitong wika habang nagluluto awhhh napapansin ba niya talaga na ganon ako.

" Pagpasensyahan mo na ako ok simula ngayon ngingiti na ako sa harap mo basta ipangako mong wag kang lalapit sa mga lalake diyan sa labas" nakangiti kong wika sa kanya at nagulat naman ito at pinagsusuntok ako sa braso sige pa suntukin mo pa ako ang sarap ehh.

"By the way nasaan yung mga kasama mo dito?" nagtataka nitong sabi.

" Ahhh yun ba may pinuntahan silang lahat" nakangiti kong wika sa kanya.

Pagkatapos naming magluto ay nilagay na namin ito sa lamesa at umupo na nagpalitan naman kami ng pagkain ang niluto ko ay binigay ko sa kanya ganun din ang sa kanya. Natatakam na ako sa pagkaing niluto niya , konti lang ito egg with veggies pero ok lang mabubusog naman ako lalo na kung luto niya hahahhhaha. Kinain kona ito shittt ang sarap itlog lang ito at simple lang pero ang sarap. Tinikman naman niya ang adobo na favorite kong handa at lumaki ang mata nito sa tingin ko nasasarapan siya I'm so happy sa wakas there's one person who taste  my favorite recipe that i cooked.

" Ang sarap naman" nasasarapang wika nito at napatawa naman ako ang cute niya para siyang bata.

"By the way i just want to ask, nasaan ang mga magulang mo??" Pagtatanong ko sa kanya at napatigil naman ito sa kanyang pagkain ang kaninang masayang light ay nagbago naging malungkot at parang nagagalit shittt did i just made him uncomfortable with my question??

"Namatay na sila pinatay sila ng bruhang babae " naluluhang wika nito at umiyak na siya shitt ba't Parang tinutusok nito ang dibdib ko Parang nasasaktan ako kapag nasasaktan din siya ibig bang sabihin nito na may connection siya sa akin feeling ko i can feel the pain that he feel ngayon ehhh. Agad naman akong napatayo at niyakap siya sa likod. Hindi parin siya matigil tigil sa pag iyak. So it's means mag isa nalang ba siya??? Nakakaawa naman siya.

" Wag ka nang mag aalala simula ngayon lumapit ka lang sa akin, nandito pa naman ako at ng mga friends mo if may dinaramdam ka don't hesitate to tell to me your problem tutulungan kita . "Pagpapagaan ko sa kanya nakakaawa naman siya tapos ako naman itong gago nung first day i made his life like hell. Shittt hindi ko na yun uulitin pa, aalagaan ko na siya starting today.

Abangan...