Chapter 30 - CHAPTER 26: THE NEW LIGHT

3rd person's POV

Habang nagliliwanag ang buong katawan ni light, ang bawat nilalang naman sa iba't ibang dako ng realm ay nagsisipagdasal at sinasambit ang mga salawikaing pangdasal na sila lang ng mga matataas na uri ang kayang gumamit nito.

Samantala habang nagsisipagdasal ulit ang mga bathala, seraphim na anghel at fallen angel, hari at reyna ng mga constellation, at si encanta na reyna ng mga mababangis na nilalang ay naglabas ulit ng napakalakas na enerhiya si light habang ito'y nakaidlip, agad namang tumilapon ang mga nagsisipagdasal na nakapalibot kay light. Bago pa man mawalan ng malay ang lahat ng mga magical folks na nakasaksi sa loob ng kwarto ay tanging si headmistress lamang ang naprotektahan ng pinuno ng mga anghel na si serephiel, kaya si headmistress na lang ang natitirang magical folks na nakasaksi sa kakaibang pangyayaring ito. Ang sinaunang reyna naman, at ang reyna ng atlantis pati narin ang mga prinsepe't prinsesa at mga kaibigan ni light ay nawalan na nang malay kaya hindi na nila nasaksihan ang mga susunod na pangyayari.

"suscipe deprecationem nostram, ut nos, ut et in tentationem transiet sicut novae lucis, unde mentes illustrantur totius mundi" pagsasambit ng mga nagsisipagdasal habang pinapalibutan nila muli ang nagliliwanag na si light, nagsihawak ang lahat ng nakapalibot kay light at paulit ulit nila itong sinasambit habang nakasara ang mga talukap nila. Ang headmistress naman ay hindi na makagalaw sa kanyang kinatatayuan, ni isang kurap ay hindi niya magawa gawa dahil sa pagkamangha, punong puno ng katanungan ang kanyang isipan kung sino nga ba ang batang si light.

Headmistress' POV

Hindi ko inaasahan na ganito pala, kalakas ang aking anak anakan. Sa totoo lang kanina pa ako hindi makagalaw dahil sa nakakakilabot na aking nararamdam sa mga oras na ito, parang sumisikip ang daluyan ng mga hangin sa aking katawan, nangangatog na rin ang aking tuhod. Gusto kong gumalaw upang gisingin ang mga prinsepe't prinsesa at ang mga kasamahan ni light,ngunit hindi ko ito magawa gawa. Nanunuyo narin ang aking lalamunan at pakiramdam ko ay nawawalan ako ng dugo na para bang namumutla. Buti na lang kanina ay nilagyan ako ni serephiel ng pananggalang proprotekta sa akin upang hindi ako mawalan ng malay.

" Light, sino ka ba hahhh??" Pagtatanong ko sa aking isipan, tumitindig parin ang aking mga balahibo, naririnig ko ang mga huni, alulong at sigaw ng mga nilalang sa labas. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa ito naramdaman, hindi pa ito nangyari ni minsan sa buong kasaysayan ng agartha. Napapaisip narin ako na baka siya ang manlilikhang si Lux ngunit ito ay imposible dahil patay na siya at hindi na magbabalik.

" Kataas taasang bathala, kung ano man pong nangyayari ngayon sa aking anak ay akin pong ipagkakatiwala sa iyo ang kanyang kapalaran" pagsasabi ko sa aking isipan. Kung ano mang nangyayari sayo light, protektahan nawa ka ng kataas taasang bathala.

Light's POV

Pagkatapos niya akong binati ay agad niyang ginalaw ang sampung pakpak nito at ibinalandera sa hangin, wow shittt ang ganda sobrang laki nito OMG sana meron din ako niyan, gusto ko pa naman lumipad hhahahhah, napapaisip na rin ako what if may ganyan din ako plus tungkod ko pa ehhh maleficent na ako kiyaaahh ang kulang na lang ay yung sungay ko hahahhhaha.

" Mr. Angel, nasaan ako? And wait sino ba ako hahh?? Bakit magkapareho tayo ng physical appearance??" Walang preno preno kong tanong sa kanya at napangiti nalang siya, at yung ngiti niya ay parang may balak shittt wag naman ohhh.

" Malalaman mo iyan lahat kung lalabanan mo ako, at kapag matatalo mo ako, lahat ng mga katanungan mo ay aking sasagutin, kahit ano pa iyan!!" Pagtutugon nito habang nakangiti weehhh baka pinagloloko mo ako niyan hahh!!

" But mr. Angel I'm weak, paano kita matatalo kung pagdating naman sa kapangyarihan ay mahina ako" pag aayaw ko at napakunot naman ang nuo niya na parang na didismaya.

" Tiwala sa sarili lamang at determinasyon ang iyong sandata, kung wala ka nito ay hindi ka mananalo laban sa akin. Aanhin mo ang kapangyarihan kung mismo ikaw ay walang tiwala sa kakayahan na meron ka" pangangaral nito ohhh ok and then?? Another pangangaral na this hayyss

" Ito lang ang maipapayo ko sayo , wag na wag mong ikakahiya kung anong meron ka, at higit sa lahat, wag na wag mong maliitin ang iyong kakayahan, nararapat mo itong pahalagahan, dahil mas marami pang nilalang ang mas gustong maging ikaw, Kaya dapat mo itong ikagalak dahil mas marami pang mas mahina kaysa sayo" pangangaral ulit ni mr. Angel ok sige na ikaw na!!

"Mr. Angel naman ang laki laki mo naman, hanggang legs mo lang ang tangkad ko, baka gawin mo lang akong punching bag niyan" pagkokompronta ko sa kanya, totoo naman talaga yung sinabi ko ang laki kaya niya sobra!! unlike me, I'm just small not like him matangkad pa with ten wings so anong laban ko don.

"Hindi binabase sa tangkad o laki, kung gaano ka kalakas, hindi mo ba nabasa ang kwento tungkol kay goliath at david. Si goliath ay isang malaking nilalang at si david ay isa lang bata at kasing liit mo rin , so what's happened diba natalo niya si goliath dahil sa kanyang pagtitiwala" pagwiwika nito at agad naman akong natauhan sa kanyang sinabi may malaking puntos siya. Oo nga nuhh!! Pero si goliath ay walang pakpak unlike him may sampu pang pakpak like what the heck isang pagaspas lang ng pakpak nito ay titilapon ako nito sa malayo.

" But...." Naputol ang sasabihin ko ng agad siyang nag salita at parang nangunot ang mukha nito.

" No buts, gustuhin mo man o hindi ay lalabanan mo ako, wala ka nang magagawa." Seryosong wika nito OMG ang warfreak naman niya hindi ba siya aware na pwede akong mapahamak nito sa katopakan niya, magkasing ugali lang sila ni kapre pero mas malala yung kapreng yun hayyss.

" Humanda kana hahahha" nakangising pagpapahanda nito shittt, bahala na gagawin ko nalang ang lahat para matalo siya, maybe i can use my summoning creature hahh!! Hehehhe.

" Serephiel" pagtatawag ko at napatawa nalang ang lalakeng nasa harapan ko ngayon shittt ba't hindi siya lumitaw what's happening?? Saan ako hihingi ng tulong nito shittt.

" Hindi- hinding mo sila matatawag tanging tayo lang dalawa ang nandirito. Ako laban sayo hahahha" nakakatakot nitong pagwiwika shittt may saltik siya sa ulo pambihira naman ohhh so hindi ko pala sila pwedeng tawagin. Bahala na susundin ko nalang ang mga pangangaral niya kanina that height doesn't matter, your height doesn't make you more powerful, go self magiging maleficent ka pa. Diba sinabi mo na wala sa bokabolaryo mo ang magpatalo. Smirked*

" Divine cane!!" Pagtatawag ko at nagliwanag ang aking palad at lumuwa ang ginintuang tungkod ko, na kapareha ng nasa kanya.

" Good!!! Lalaban karin pala hahh let's see kung mananalo ka sa akin" mayabang nitong wika hayys ang hangin nito iisipan ko nalang na siya si kapre ang mahinang nilalang.

" Ang hangin mo, wag mo naman sanang hanginan baka tumilapon ako" pang aasar ko sa kanya and shittt nagalit siya, binigyan niya ako ng nakakapanindig balahibong aura at masamang tingin. Bigla naman itong lumipad sa kalangitan. Shittt sobrang bilis niya para siyang jet or mas higit pa doon para siyang si flash yung sa justice league. Habang papalipad ito papunta sa kalangitan ay nahihirapan na rin akong maaninag kung nasaan siya, sobrang bilis niya kase. Inikot ko naman ang aking paningin sa kalangitan At agad naman akong nawalan ng dugo sa aking nahagilap, dahil nakita ko siyang papadiretso sa akin na parang bulalakaw at nag aapoy ito nang sobrang liwanag, tinutok naman niya ang kanyang tungkod papunta sa akin, para siyang isang arrow na may apoy sa unahan. Ginamit ko naman ang aking isipan, nag isip ako ng napakabilis, i need to think faster before niya ako matamaan, shitt madudurog ako nito na parang pieces of stone. Agad ko namang binaling ang aking paningin sa aking kapaligiran, binubusisi ko ang bawat parte ng aking kinatatayuan, may lupa at lawa. Napag isipan ko na gagamitin ko ang dalawang major elements na ito para pigilan siyang tamaan ako. Isang naglalagablab na apoy laban sa lupa at tubig let's see if this is effective.

"Divine trident!!" Pagpapalit ko sa aking sandata at lumitaw ang panibagong sandata ko na tinedor. Agad ko naman itong itinaas at kinuha ko ang mga tubig sa lawa, halos maubos na ang tubig sa lawa. Gumawa ako ng mapaka laking barrier na papalibot sa buong lugar i think ang kasya sa barrier na ito or mas magandang sabihin na dome ay isang siyudad na ata. Smirked* i think this is effective hehheheh.

" Elemental cane " pagpapalit ko nang sandata at lumuwa ang isang tungkod na kulay pilak at may nakapalibot dito na i think diyamante siya and may apat na kulay, kulay pula, blue, brown, and white. My knowledge na rin ako kung paano gamitin ang tungkod na ito. Agad ko namang hinanda ang sarili ko at ang tungkod ko sa maaaring mangyari. Ilang distansya nalang ay makakapasok na siya sa water dome na aking ginawa.

Nagpalabas ako ng dalawang napakatigas na bato at kung susumahin ang laki nito siguro kasing laki ito ng building namin sa GAS building. i think this is a diamond shitt ang laki pwede kaya ito ibenta magiging mayaman na ata ako heheheh. Pinalutang ko muna ang dalawang matitigas na batong ito at hinanda ko na ang sarili ko. Light maging seryoso ka this is your time to know who you are. Yun ang tatanungin ko sa kanya kung sino ako para maliwanagan na ako sa aking masikretrong pagkatao.

Bigla namang nabulabog ang buong lugar at agad itong nakapasok sa ginawa kong barrier and yess, totoo nga effective ang plano ko yung naglalagablab na katawan niya ay nawala hehehh. Agad ko namang hinanda ang dalawang matigas na batong aking pinalutang kani kanilang lang. Konting tiis na lang light!!! Malapit na.

Nang makalapit ito ay agad kong pinag isa ang dalawang matitigas na bato hahahhah. Durog na durog na si ate girl niyo nito. Agad ko namang inalis ang dalawang bato at nagulat ako ng mawala siya. Shittt where is he???!!!. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad akong tumilapon papunta sa pinaka mataas na parte ng bundok shitttt ganito ba siya kalakas. Nagkabitak bitak ang pinaka top ng bundok dahil sa aking pagkakatilapon doon. Nabigla naman ako ng agad siyang lumitaw sa aking harapan at nakangisi shittt.

" Ang sarap mo palang durugin ng pinong pino, nice try kanina pero hanggang kuko palang kita" nakangising sabi nito at shittt agad niya akong pinagsusuntok sa bawat parte ng katawan ko at ang nakakarindi pa ay pinagtatadyakan niya pa ako ng ginto nitong sapatos. Napapliyad narin ako sa sakit, Hinang hina narin ako, at parang hindi na ako makagalaw shitt light naman ohhhh diba ang sabi mo wala sa bokabolaryo mo ang magpatalo shitt. Napahawak nalang ako sa aking leeg nang kanyang sinakal ang buo kong leeg shittt ang laki ng kamay niya, agad naman niya akong itinaas at tinapon papuntang lawa. Hindi ko na talaga kaya ang labanang ito, sobrang lakas niya ni isang galos man o sugat na pwede kong magawa sa kanya ay hindi ko magawa. Hayyyys lord help me. Nagimbal ako ng agad siyang lumitaw sa aking harapan at pinagtatadyakan niya ang aking mukha habang nakahilata ako. Wala ba siyang awa shitttt.

" Masarap bang maging talunan hahh!!" Nakangising sabi nito habang tinatadyakan niya ako sa ulo shittt bakit hindi ako nacocollapse or namatay this is impossible how can this happened to me ?? Dapat kanina palang patay na ako or nacollapse nung tumilapon ako sa pinakasummit ng bundok. Waitt laro Lang ba ito or what??

" Lumaban ka ang ayoko sa lahat yung mahina" galit na galit na wika nito ang war freak naman nito buwisit sige lang pag may pagkakataon akong makalaya, aalisan talaga kita ng bayag. Ahhh magteteleport pala ako buwisit na utak ito, brain pls makipagcooperate Ka rin ikaw ang may kontrol ng entire system ko tapos tatanga tanga ka diyan.

Habang pinagtatadyak niya ako sa mukha ay agad kong ginamit ang teleportation ability at naglaho palayo sa kanya. Paika ika na akong lumakad dahil sa mga natamo kong sugat at mga pasa shittt. Ang lalakeng iyon ni katiting sugat man o pasa ay wala siyang natanggap. Don't worry this time i will make sure na masusugatan na kita.

" Aba't nagteleport ka pala nice try!! Baka ito na ang oras para alisan kita ng leeg" Nakangising pagwiwika nito hahh?? Wait akala ko ba, labanan lang ito walang patayan, ang daya naman ohhh.

" Hoy mr. Angel!!, ang daya mo naman!! akala ko ba labanan lang ito hahh ba't may patayan na hahh!!" Sigaw kong sabi sa kanya at napahagalpak ito ng tawa, ayyy may saltik nga sa ulo.

" Hahahha ang hina hina mo kase, diba anong sabi ko sayo ayoko nang mahina kaya mas maganda pang patayin na lang Kita" natatawang saad nito nakakaimbiyerna na siya hahhh ang daya daya naman at kung makapagsabi naman ng mahina ako akala naman niya sobrang lakas niya.

" Divine sword" pagpapalit ko ng sandata at lumuwa ang naglalagablab na puting apoy na espada, at iwinawagayway ko ito habang naglalagab ito.

"Nice try!! Kuhang kuha mo narin pala kung paano yan gamitin hahh!!" Nakangising wika nito hindi na ako nag atubili pang hintayin na atakihin ako, agad akong nagteleport sa likod niya at sinugatan ang legs niya shitttt ba't hindi siya nasusugatan this is impossible, anong klaseng skin type meron itong lalakeng ito.

" Wag mo Naman akong patawanin, kiddo nakikiliti ako" nakikiliti nitong pawiwika aba't ang hirap naman nitong patayin hahh!!!

" Shittt ang daya mo naman, paano kita niyan matatalo kung yang skin mo ay parang bakal sa tigas" pagmamaktol ko habang hawak hawak ko ang sandata kong espada at napatawa nalang ito ng malakas dahil sa aking mga sinabi.

" Nakakaawa ka naman, so ito bibigyan nalang kita ng clue." Naaawang wika nito aba't may awa din pala itong anghel na ito hah!!!

"Ang kabaliktaran ko ay siyang makakasugat sa akin." Pagdadagdag nito wait ano???? Wala akong naiintindihan ni isa sa mga sinabi niya.

Agad naman siyang humarap sa akin at inambaan ulit ako ng suntok haishhhh, wala bang break nito nakakapanghina na talaga.

" Gamitin mo ang utak mo at isaulo ang mga binigay ko !!" Sigaw nito habang pinagsusuntok ako ng marahas, kahit na nasasaktan na ako ay pinag iisipan ko parin ang mga sinabi niya. Hmmmm??? Base sa kanyang anyo ngayon ay maaliwalas siya maganda, lahat ng mabubuti ay nasa kanya, so he is good and waittt anong kabaliktaran ng maganda?? Diba pangit, ang mabuti naman ay masama so what group is this??? Ahhhhh bad so he is the good and his opposite is the bad, so bad lang ang makakapagpasugat sa kanya.

" I th-think the wo-word ba-bad is the oppo-opposite of you" nasasaktang wika ko habang pinagsusuntok niya ako sa may dibdib, ang kinalalagyan ko naman ngayon ay nagkabitak bitak na rin hayys nakakaimbiyerna na ang sakit nito hahh!!. Nahagilap ng aking mata ang kanyang malawak na ngiti waitt what's the meaning of that.

" Tama!!, Ang kasamaan lang ang makakapagpahina sa akin pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nanalo ang kasamaan ito'y pansalamantala lamang" nakangising wika nito habang pinagsusuntok niya ako. So yun pala but wait hindi naman ako masama hahh!! Para matalo siya hayyys wala na uwian na hayys

"So ngayong alam mona, ilabas mo na siya " pagsisigaw nito sa akin, but wait anong ilalabas ko hayyss. Agad naman akong nagteleport palayo ulit sa kanya.

" Gago ka talaga nohhh, anong ilabas ka diyan!!!" Nanggagalaiting sigaw ko sa kanya at napangisi ito sa akin at parang may gusto itong itumbok.

" Hindi mo ba siya kilala??? Alam kong nananalaytay siya sa katawan mo ngayon kaya kung ako sayo ay ilabas mo na siya!! " galit na gait na sigaw nito sa akin hayyys may mental condition ata itong lalakeng ito, adik ba siya ilang kilo ata ng drug ang nilaklak nito sa bunganga niya.

" Adik ka ba, anong ilalabas ka diyan!!" Naguguluhan kong sabi sa kanya at nangunot naman ang mukha nito.

" Nandiya diyaan siya sa pinakaibuturan ng iyong pagkatao, kaya kung ako sayo ay ilabas mo na siya !! "Galit na galit na wika nito hayys wala akong alam sa pinagsasabi niya bahala siya diyan.

" Thunderbolt" pagpapalit ko ng sandata at biglang nandilim ang buong kalangitan, may kasama itong kulog at kidlat, ang mga kidlat naman ay papatungo sa direksyon ng hawak ko at pinapalibutan nito ang buo kong katawan.

" Hindi mo ako matatalo sa mga paganyan ganyan mong effect" pagsisigaw ng lalake hahahahah ohh sige let's see I'm not sure if matatalo kita nito, gusto ko lang itesting if this is effective. Agad ko naman itong binato papunta sa direksyon niya at nakailag ito shitt hindi man lang siya umaastras tanging ilag lang ang ginamit niya. Napakapowerful naman niya

3rd person's POV

Samantala sa mundo naman ng mga tao ay isang oras humigit ang tagal ng pagyanig ng buong kalupaan, ito na ang pinaka matagal na pagyanig ng lupa sa buong kasaysayan ng buong mundo, maraming kabahayan, mga establishmento, at mga inprastraktura ang nagcollapse, maraming nasawi sa pagyanig ng mga buong kalupaan, ang bawat bansa sa mundo ng mga tao ay nagdeklara na nang state of emergency, ang napuruhan ng napakalakas na pagyanig ay ang nasa java, Indonesia halos lahat ng mga establishmento sa lugar na yun ay nagkasira sira .

Samantala habang nagdadasal ang mataimtim ang mga bathala at iba pa na nakabalibot sa nagliliwanag na si light ay napansin nilang humihina na ang liwanag nito. Napaalerto naman ang mga bathala wala silang alam kung papaano nila matutulungan si light sa huling pagsubok nito. Nagulanta silang lahat ng lumitaw si bathalang hades na bathala ng underworld, at kadiliman ngunit hindi siya masama, isa siya sa mga nagbuwis ng buhay upang maisara ang portal na nagkokonekta sa mesa ni nox.

" Ohh bathalang hades anong ginagawa mo dito???" Gulat na tanong ni bathalang zeus, ang mga naroroon din ay gulat na gulat ng nagpakita ang bathala ng kadiliman.

" Tutulungan ko si master, may ideya na ako kung paano ko siya matutulungan!!" Porsigidong sagot nito kay bathalang zeus agad naman itong lumapit sa liwanag, kahit na nasasaktan na si bathalang hades ay lumapit parin siya dito para lang matulungan ang master niya na si light. Nang malapit na ito ay agad nitong hinawakan ang nakalutang na si light at nilagay nito ang kanyang palad sa dibdib ni light na malapit sa puso nito at may sinambit itong salawikain.

"aemuli tenebras lucem, ut desiderio tuo, et fac bonum, in tenebris est usque ad sex malum, tenebras non fuit symbolum aliquod malum." Pagsasambit ni bathalang hades at ang kaninang maliwanag na si light ay nagdilim at napapalibutan ito ng dilim habang ito ay nakalutang. Ang mga bathala naman ay nagulanta sa ginawa ni bathalang hades, hindi nila tinuturing si bathalang hades na isang kalaban dahil matagal na siyang nagbalik loob sa liwanag kahit na kadiliman ang nananalaytay sa kanyang buong pagkatao.

" Bathalang hades ba't mo pinalalamon sa dilim ang buong katawan ni master" nag aalalang wika ni zeus pati narin ang mga nakapalibot kay light ay nag aalala narin, para hindi sila mag alala ay tinugunan niya lang ito ng simpleng ngiti.

" Huwag kayong mag aalala, ang kalaban niya ay isang mabuti at ang aking kapangyarihan ang siyang makakapagpapabuhay ng kadilimang nananalaytay kay master, huwag niyo na siyang aalahanin ang mas mainam na gawin natin ay magdasal nalang" nakangiting sabi ni bathalang hades at napatango nalang ang iba. Sumama narin si bathalang hades para magdasal at pinalibutan ulit nila ito.

Samantala ang hari ng agarthi naman ay hindi makatulog lalong lalo na ang mga pinuno ng bawat kaharian, naninindig parin sa takot ang mga ito. Gusto nilang puntahan kung saan nanggaling ang enerhiyang iyon ngunit hindi ito maituro ng kanilang mga kapangyarihan, kahit ang kanilang pandama ay ayaw nitong ituro kung saan nanggagaling ang napakalakas na enerhiyang ito.

Samantala ang mga walang malay na prinsepe't prinsesa ay hindi parin nagigising magpasahanggang ngayon. Tanging si headmistress lang ang nakasaksi sa lahat ng mga nangyayari, ngayon lang niya nalaman na master din pala ni hades si light, kanina pa walang imik ang headmistress nakaramdam narin ito ng takot dahil sa nangdidilim na katawan ni light.

Mahabang habang oras narin ang ginugol ni light at ang lalakeng kamukha niya sa pagkikipaglaban, ni katiting sugat mula sa opensa ni light ay hindi ito natatamaan, si light naman ay nanghihina na at parang nawawalan na ito ng lakas para lumaban. Marami narin siyang natamong mga sugat, galos at pasa.

Susugod na sana si light sa lalakeng iyon ng biglang nag teleport ang lalake sa unahan niya at agad siyang sinakal nito at itinutok nito ang tungkod nito at pinalitan nito ng espada para alisan ng ulo si light.

" Do you have any last word?? Huling araw mo na magpaalam kana" nakangising wika ng lalake kay light, nawalan narin ng malay si light. Pupugutan na sana nang ulo ng lalake si light nang bigla itong napatilapon sa hindi malamang dahilan. Sa buong laban nila ni light ay ngayon lang siya unang nagkapasa at may sugat pa ito. Nakangiti naman ang lalake dahil sa bumungad sa harapan nito ang pangalawang katauhan ni light.

" Kapatid ko sa wakas bumalik kana kahit hindi ka pa buo!!" Masayang tugon ng lalake sa nangdidilim na si light na ngayon ay nakatayo at hawak hawak ang tungkod nito. Ang mata nito sa kabila ay itim at ang sa kabila naman ay puti.

" Anong kapatid ka diyan??!! " Natatawang wika ni light at nabigla naman ang lalake sa sinagot nito.

Light's POV

Mawawalan na sana ako kanina ng malay nang may parang enerhiya akong naramdaman, pagkatapos nun parang feeling ko may bago, kaya yun nagulat nalang ako na parang may nararamdaman akong kakaibang enerhiya at yung sikmura ko ay bumaliktad, i think lahat bumaliktad ehh. Nakaramdam ako ng galit, poot at pagkainis at hindi ko ito makontrol kontrol, nabigla naman ako na ang kaninang suot ko na gintong baluti pati yung tungkod ko naging dark ang kulay shittt maleficent na ako kiyaah. Yung kulang lang talaga ay pakpak nalang at yung sungay hayyss.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya kanina na kapatid ang tawag niya sa akin. Naguguluhan parin talaga ako kung sino ako, gusto ko na siyang matalo ngayon, para maitanong ko sa kanya lahat ng mga nakabinbing tanong sa aking isipan.

" So hindi ikaw ang kapatid ko, paano mo nakuha ang pigura niya na kahit kalahati lang ang meron ka ay kuhang kuha mo parin" naguguluhang tanong nito. Hayys wala na akong oras para makipagchikahan sa mga kagaya mo hayys. Agad naman akong nagpalabas ng kung anong sandata, ewan ko pero parang yung katawan ko yung kumokontrol sa akin at nagimbal ako ng may lumabas sa aking mga palad na isang kadena na itim . Sa sobrang pagkagulat ko ay hindi ako makagalaw. Wala akong kaide ideya kung anong gagawin sa kadenang ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay gumalaw ang katawan ko at inikot ikot ko sa ere ang mahabang kadena at tinarget ang lalakeng yun, nagulanta naman ang lalakeng yun , lilipad na sana siya palayo ngunit mabilis na umarangkada ang kadena patungo sa kanya at sa kabutihang palad ay pumulupot ang kadena sa kanya at napasalampak ito sa kalupaan. Yess nahuli ko na siya this is the time para manalo na ako!!. Agad ko naman siyang hinila papalapit sa akin at hinanda ko na ang tungkod ko.

" Divine sword " pagpapalit ko sa tungkod ko at lumuwa ulit ang naglalagablab na espada. Hinila ko pa lalo ng mabilis ang kadena, hindi man lang ako nakaramdam na nahihirapan ako sa paghila sa kanya. Napadaing nalang ang lalakeng kamukha ko hahhahaa buti nga sayo this is my chance para gumanti. Nang makalapit siya ay agad ko siyang pinagsusuntok. Ang sarap pala sa feeling na nakarevenge ka sa kanya, kaya yun lalo ko pa tuloy siyang pinagsusuntok. Agad ko namang itinutok sa leeg niya ang espada ko at idinampi ko ang paa sa pagmumukha niya. Nakakatuwa talagang makakita ng mga ganito. Nahagilap ko naman ang kanyang reaksyon sa ginawa ko, shitt baliw na ba siya dapat nga galit na galit na siya pero ba't nakangiti lang siya na parang nagagalak pa siya sa ginawa ko sa kanya, ang weird hahh!!

" Ano lalaban ka pa?!!!" Nakangising tanong ko sa kanya habang tinututok ko ang espada ko sa lalakeng ito at binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti ayyy may saltik ata ito sa ulo.

" Sige na sige na panalo kana" nakangiting wika nito yesss sa wakas I'm the winner bye uwian na may nanalo na. Agad ko namang inalis ang pagkakatuktok sa kanyang leeg, at tumayo na ito at parang masaya siya ngayon hahhh. Ang weird niya ngayon. Bumalik na rin ako sa tunay kong anyo na may suot na ginintuang baluti at umupo kami sa may malaking puno na malapit lang sa lawa. Napakapayapa ng lugar, tanaw na tanaw ko ang nagkiskislapang mga tubig, ang naggagandahang kalangitan but Wait diba may may labanang naganap kanina between the two of us but why?? Yung lugar kasi parang maganda parin parang walang nangyari kanina. Agad ko namang binaling ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ko, grabe napakalaki niya, siguro kapag sasali ito sa basketball team siguro ako ang magiging first ever fan nitong lalakeng ito. Ang nakakapagtaka lang kanina pa siya nakangiti at Ewan kung bakit?? kung ako niyan magagalit ako kasi natalo ako pero siya parang wala lang sa kanya ang matalo.

" Pwede bang payakap??" biglang saad ng lalakeng ito, and wait bakit naman niya ako yayakapin?? Ang weird ehhh. Pero sige nalang daw, magaan din kase ang pakiramdam ko sa lalakeng ito parang may connection siya between me.

" Yes!!" Biglang tugon ko at agad naman niya akong niyakap ng sobrang higpit, na Para bang ang tagal naming nawalay sa Isa't isa.

" Sa wakas nagkita na rin tayo!! Matagal ko na itong hinintay!!" Masayang wika nito habang yakap yakap niya ako, i feel comfortable, kapag niyayakap niya ako, i feel safe and protected sa yakap niya ngayon at dahan dahan naman itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinagkan ako sa batok, kiyaah ang sweet naman ng kambal ko, may pahalik pahalik pang nalalaman hahh!!.

" Bilang reward ko sayo sa pagkapanalo mo laban sa akin, ay maaari mo na akong tanungin, kahit anong tanong pa yan sasagutin ko!! " Nakangiting wika nito habang kinurot kurot niya ang aking mukha na parang gigil na gigil.

" Ang cute cute mo talaga heheh" masayang sabi nitong habang kinukurot nito ang pisngi ko shitt namumula na ako.

" Aray naman mr. Angel pwede pakialis nang kamay mo masakit na ehh" pagmamaktol ko sa kanya at napahagikhik nalang ito at sumunod naman siya sa sinabi ko, inalis niya kaagad ang nakakurot na kamay nito sa mukha ko at napahawak naman ako sa mukha ko shitt ang sakit.

" alam mo maraming nilalang ang mabibighani sayo" nakangiting wika nito sa akin waitt may question pa pala ako na kailangan kong itanong sa kanya.

" First question nasaan ako??" Nagtatakang tanong ko sa kanya at napabuntong hininga ito.

" Nasa kaibuturan ka ng puso mo ngayon" seryosong tugon nito habang nakatingin sa lawa. Hah??? How's that happened?? Sa puso ko may mga puno tapos lawa at bundok, are you kidding me hah??

" Wehhh!!!, Sa puso ba talaga ehhh dapat madilim ito at nasa chamber ako at ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng kinauupuan ko ngayon" hindi naniniwalang sabi ko sa kanya at napahagalpak naman ng tawa si mr. Angel.

" Alam mo nakakatawa ka hahah" natatawang sabi ni mr. Angel at napakamot nalang ito sa kanyang buhok na puti.

" Nasa kaibuturan ka ng puso mo ngayon, ang ganda diba para kang nasa paraiso, huwag kang magtaka kung bakit maganda ang lugar na ito dahil ganito kabusilak ang puso mo." Nakangiting wika nito habang tinataw ang ganda ng lugar. OMG so this is my heart ang ganda naman, naniniwala na ako dahil parang alam ng lalakeng ito ang lahat ng patungkol sa akin.

"Next question, sino ka??" Pagtatanong ko at napatigil naman siya sa aking tanong at tumingin sa aking dalawang mata.

" Ako ang liwanag" seryosong tugon nito hahh?? Liwanag, naguguluhan na talaga ako bakit liwanag ang pangalan niya.

" Yung pangalan mo ??!!" Naiinis kong tanong sa kanya hayyss.

" Hulaan mo nagsisimula sa letter L at tatlo ang titik nito" pagpapahula nito pambihira naman ohhh hindi naman ako manghuhula nito hayyss.

" Law, lee, lay, lie ewan ko, sabihin mo nalang kasi!!" Naririndi kong tugon sa kanyang at napatawa nalang ito ng hindi inaasahan hayys may pagkatopak din pala ang utak nito ohhh.

"Ako ang manlilikhang si Lux" nakangiting sagot nito at napaluwa nalang ang dalawang mata ko dahil sa pagkagulat at napaatras din and then napatayo, agad naman akong lumuhod sa lupa.

" Humihingi po ako ng tawad sa aking nagawa kanina sayo panginoong lux " paghihingi ko ng tawad shittt si lux pala siya patay ako nito aalisan na ata nito ako ng ulo wag naman hayys lord help me!!

Napahagalpak naman ng tawa si panginoong lux, hindi ko talaga inaasahan na siya ang makakaharap ko kanina kaya pala ang lakas lakas niya at kakaiba siya sa lahat.

" Wag mo na yang gawin magkasing lebel lang tayo, manlilikha ka rin" natatawang wika nito, Parang nabingi naman ako sa aking narinig waitt ano manlilikha ako shittt ?? But how hindi ko nga kayang gumawa ng bagay na made by me.

" Tumayo ka na diyan, nakakailang kasi na niluluhuran ako ng kalebel ko " pagpapatayo nito, tinulungan naman niya akong makatayo, pero nangangatog na ang aking mga tuhod, hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi but that's impossible!!

" Mr.angel este lux, ang sabi daw ng guro namin isa kang liwanag ba't hindi ka nag liliwanag??" Nagtatakang tanong ko sa kanya at napasinghap nalang ito.

" Gusto mo talaga makita ohhh sige" seryosong wika nito at tumayo na siya, bigla namang gumalaw ang kanyang sampung pakpak at pinagaspas niya ito atsaka siya lumipad nang napakabilis papunta sa kalangitan, habang pinapanood ko siya ay namamangha ako. Napahinto ito sa paglipad at napatindig ang aking mga balahibo ng bigla siyang nagliwanag na parang isang araw, shittt napaka liwanag nga niya so siya nga si Lux kiyahhh i never expected na mamemeet ko siya in person. Agad namang nanghina ang liwanag at agad itong bumaba papunta sa kinaroroonan ko shitt ang ganda I'm so lucky that I've witness such an event like this ang ganda.

" So naniniwala kana?? " nakangiting saad nito at napatango nalang ako with ngiting hindi mapalagay.

" Kung ikaw po si lux, bakit buhay ka ??" Nagtataka kong tanong sa kanya at parang nag iba ang emosyon nito from happy to sad.

"Alam kong gusto mong malaman lahat so i will start sa pinakauna para malaman mo lahat, at makinig ka sa mga sasabihin ko hah!!" Seryosong wika nito at napatango nalang ako at tinuon ang atensyon sa kanya, napasinghap muna ito sandali at umayos ng pagkakaupo.

" noong unang panahon si overseer o ang kataasang bathala ay nilikha kami gamit ang luha ng lungkot na nanggaling sa kanya. Ako si lux bilang manlilikha na gawa sa liwanag, at si Nox naman ang aking kapatid na manlilikha na gawa sa kadiliman, so madaliin na natin ang istorya lumikha kami ng mga bagay bagay sa kanya kanya naming mga mesa, palaging ako ang pinupuri ni overseer kaya yun naiingit siya, so yun nga kinain na siya ng galit at poot niya kaya yun hinamon niya ako sa isang labanan pero bago yun nangyari ay gumawa ako ng itlog na bato na inilagay ko sa puno ng buhay, ang batong iyon ay ikaw, nilikha kita at binase ko lahat ng itsura mo sa itsura ko maliban lang sa tangkad at laki pero wag kang mag aalala hindi yan ang tunay mong pagkatao dahil nararamdaman kong mas higit pa diyan ang kaya mong gawin. Pinabantayan kita sa mga anghel lalo na kay serephiel at baal, araw araw ka nilang binibisita at nililinisan ang itlog na iyong kinalalagyan noon. Nung hinamon na ako ni Nox ay may kasunduan kami na kung siya ang mananalo ay ibibigay ko sa kanya lahat ng kapangyarihan ko at kung mananalo ako ay ibibigay niya sa akin ang kalahati ng kanyang kapangyarihan bilang tanda ng aking pagkapanalo. So yun nga sa kasamaang palad namatay kaming dalawa sa laban namin pero mas nauna siyang namatay, sa kabutihang palad naman ay napasakamay ko ang kalahati ng kanyang kapangyarihan pero bago ako malagutan ng hininga, ang iba sa mga kapangyarihan ko ay nagkawatak watak at ang malaking poryento nito ay isinalin ko sayo. Ang mga naisalin ko sayo bago ako malagutan ng hininga ay ang aking espirito, at ang kalahati nang aking liwanag at yung kalahati din ng kapangyarihan ni nox na napanalunan ko. Kaya kita ginawa dahil ikaw ang magiging bagong ako , kapareha kita sa lahat walang labis walang kulang, saktong sakto lang, at kung nagtataka ka kung bakit wala kang pusod ,iginaya kita sa akin, wala din akong pusod gaya ng sayo, ginawa ko iyon para maging palatandaan na hindi ka ordinaryong nilalang lang, ikaw ay ako at ako ay ikaw. Ikaw ang bagong ako*" pagsasalaysay nito at napanganga nalang ako so it's means I'm the new version of lux, shitt ba't parang nahihirapan akong isink sa utak ang lahat ng mga sinabi niya. Ni hindi na nga ako makagalaw dahil sa aking mga naririnig.

" Ahhmmm lux ho-how's th-that hap-happened??" Utal na utal kong tanong sa kanya at napangiti nalang ito at hinawakan ang dalawa kong kamay at tumayo kami, saksi ang punong ito sa pagsasalaysay Niya nang totoo kong pagkatao. Salamat overseer sa wakas ay naliwanagan narin ako sa lahat ng mga katanungan sa aking isipan.

" Ang mainam na sagot sa iyong tanong ay ikaw at ako ay iisa, tayo ay manlilikha na gawa sa liwanag. Tayo ay pangalawa sa pinakamataas na nilalang sa buong sanlibutan at tayo ay nilalang na dapat niluluhuran ng mga nilikha" nakangiti nitong wika habang nakahawak ito sa dalawa kong kamay, tumulo naman ang luha sa aking mga mata, hindi ko maipaliwanag ang saya at sa wakas nakilala ko na ang aking sarili at buong buo na ako ngayon. Wala nang katanungan pang nakabinbin sa aking kokote. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit , napakagaan ng pakiramdam ko kay lux sa totoo lang.

" Ngayon ang araw ng pagpapala sa buong sanlibutan ikaw, light celester bilang bagong ako, ang mamumuno ng bawat sulok ng table of lux creaturae, ang dating pangalan ng mesa na table of lux creaturae ay magiging table of light creaturae bilang aking tanda ay imamana ko ang mga natitirang kapangyarihan na meron ako ngayon, lumuhod ka light!!" Pagwiwika nito at agad ko namang ginawa ang utos niya lumuhod ako.

Lumabas naman ang kanyang tungkod na kapareha nang sa akin at itinutok nito sa akin ang kanyang tungkod.

"Ako si lux, isang manlilikha na galing sa liwanag, niyuyukuran ng mga nilikha bilang kanilang panginoon, ngayon ay isasalin ang mga natitirang kapangyarihan na meron ako sa karapat dapat at katulad ko. Siya si light celester bilang bagong ako, ang bagong panginoon na yuyukuran ng bawat nilalang, sa taglay kong pagbabasbas, ang utos ko'y sundin at pakisamahan. fungantur mihi mandatum, quod ego. " Pagsasalin nito habang nakaturo ang kanyang tungkod sa akin, napaigtad naman ako dahil sa nararamdaman kong sakit, nagliliwanag na ang aking katawan at lumulutang sa ere, hindi ko namalayan sa sobrang liwanag ko ay nagsisayawan ang mga bulalak sa paligid at ang hangin naman ay pinalilibutan ako at parang sinasayaw ako nito sa ere.

3rd person's POV

Sa sobrang nag uumapaw na liwanag sa katawan nito ay para siyang isang araw na sa sobrang sinag nito ay mabubulag ka. Ang tubig sa lawa naman ay gumagalaw at sumasabay sa ihip ng hangin. Sa pagtatapos ng liwanag ay agad na bumaba mula sa pagkakalutang si light at agad siyang pinuntahan ni lux na ngayon ay nanghihina na.

Nang makababa naman si light ay agad niyang napansin ang nakahelerang luha ni lux na nagbabadya ng tumulo, agad namang inambaan ng yakap ni lux si light, habang yakap yakap nito si light ay napapaluha ito sa hindi malamang dahilan. Kahit si light ay napapaluha narin.

" Panginoong light, ang bagong ako" naluluhang wika ni lux habang yakap yakap nito si light, agad naman itong napahiwalay sa pagkakayakap at hinawakan nito ang pisngi ni light at ngumiti ng pagkatamis tamis.

" Ito na ang huling araw ko bilang isang nilalang, at lilisan na rin ako." Pag papaalam ni lux at agad namang nabigla si light at napaiyak ito ng hindi inaasahan.

" Ba't ka naman lilisan?" Naluluhang wika ni light kay lux, tinugunan lang ni lux ng matamis na ngiti si light at napayakap ito ulit.

" Light, wag kang magpapakain sa galit at poot, umibig ka ng bukal sa puso at walang halong paghihiganti, paalam aking kambal...." Pag papaalam nito habang yakap yakap nito si light. Dahan dahan naman itong naglaho na parang abo at sumabay sa ihip ng hangin. Si light naman ay napaiyak nalang sa paglisan ni lux.

"Maraming salamat panginoong lux" naluluha nitong pagsasambit at agad niyang inilabas ang tungkod niya at pumukpok ng ilang beses.

" Ako si light!!! Ang bagong lux....." Pagsasambit ni light

Abangan....