Chereads / LUX IMPERIUM ACADEMY | THE SCHOOL OF MAGIC | (BXB STORY) TAGALOG / Chapter 22 - CHAPTER 19: CONFUSED AND AMAZE

Chapter 22 - CHAPTER 19: CONFUSED AND AMAZE

Prince xavier's POV

Habang ako'y naglalakad sa madilim na parte ng isang lugar, hindi ko alam kung saang lugar ito matatagpuan, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot, sino ba naman ang hindi matatakot kung ang dilim na nakapalibot sa iyo ay unti unting kinakain ang iyong buong katawan. Inikot ko ang buong paningin, sa lugar na ito ngunit kahit isang katiting na liwanag ay wala akong mahagilap. Ilang sandali lamang ay may biglang liwanag akong nakita, at kumaripas ako ng takbo papunta sa liwanag na aking nakita. Nang papalapit na ako napagtanto ko nalang na ang liwanag na aking nakita kanina ay hindi lang isang liwanag isa itong nilalang na may pakpak. Sandali lang parang namumukhaan ko ang nilalang na ito , wait si metatron.....

"Metatron nasaan ako??" Hingal na hingal kong tanong sa kanya at tumingin siya sa akin na parang may galit ito sa akin, waittt ako ang master niya hindi niya dapat ako tinitignan ng ganyan.

"Simula ngayon ay hindi na kita magiging master pa, ito na ata ang huling sandali na tayo ay magkikita dahil ngayon ko lang napagtanto na ang katulad mong nilalang ay hindi nararapat na pagsilbihan ng mga kagaya naming mga seraphim na anghel"wika nito habang nakayukom ang kamay wait anong nagawa ko?? Wala naman akong ginawang masama laban sa kanya hahhh.

"Ngunit metatron wala akong ginawang masama laban sa iyo??" Nangangamba kong tanong ayokong mawalan ng isang malakas na anghel na kagaya niya kung mawawala siya si bathalang ares nalang ang aking kasangga sa mga laban.

" oo wala kang ginawa sa akin ngunit sa isang ispesyal na tao ay meron"sigaw nitong tugon wait anong pinagsasabi niya wait si light ba kanina ko Lang yun sinuntok at wala na akong matandaan.

" Si light ba!! kung siya man, nararapat lang yun sa kanya dahil sinaktan niya ang mga matatalik na kaibigan ng aking mahal" nangangambang sabi ko sa kanya.

" Bakit ko naman sasabihin??? Hindi nararapat sa isang kagaya mong mababang uri ng nilalang na malaman ang sagot" natatawa nitong tugon sino ba talaga??!

" Paalam walang kwentang nilalang " pag papaalam nito wait wag naman niya akong iwan magiging mahina na ako nito.

"Ngunit metatron wag mo akong iwan, may kontrata ka pa sa akin" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya wait no guardian ko siya simula pagkabata ko ay nakatadhana siya sa akin.

" hahahhah pinapatawa mo ba ako oo may kontrata ako sayo bilang iyong guardian ngunit noon yun hindi na ngayon dahil hindi ka karapatdapat bilang aking master " natatawang wika nito at biglang siyang nag laho.

Headmistress's POV

Nandito ako ngayon sa infirmary, maganda naman ang pakiramdam ni light ngayon, hindi parin ako makapaniwala na master siya ng pinuno ng mga anghel at ng iba pang anghel na seraphim, namamangha parin ako sa batang iyon, dalawang alalay na ng manlilikhang si lux ang hawak ngayon ni light, sino ka ba light??, hindi ka naman pwedeng maging si lux dahil patay na siya at ang overseer ngayon ang may hawak sa dalawang mesa. Nandito ako ngayon at ng mga prinsepe at prinsesa sa royal room sa mataas na parte ng infirmary , dito ginagamot ang mga royals, special ang pagpapagamot sa kanila dahil ang mga manggagamot dito ay mga license na healer na nag aral pa ng iba't ibang uri ng paggagamot gamit ang kanilang kapangyarihan. Tapos naring ginamot ang prinsepe, alam kong wala na itong matatandaan pa kasama na ang mga nakasaksi sa nangyari kanina dahil inalisan sila ng ala ala ng mga anghel, napagtanungan ko narin sa mga nawalan ng ala ala kung ano ang nangyari, sabi nila ang mga naaalala nila ay ang pakikipagtunggali ni light sa mga kaibigan ng princess eva, ang sabi nila ang may kasalanan daw ay ang mga babaeng sumugod kay light at binuhusan daw si light ng inuming chocolate kaya yun umatake si light, at sumugod nalang daw bigla bigla ang prinsepe at inambaan ito ng suntok. So sa mga nakalap kong mga sumbong ay napag alaman kong si prinsepe xaiver at ang mga kaibigan ni princess eva ang may kasalan.

3rd person's POV

Habang nakaupo ang headmistress, bigla nalang sumigaw ang prinsepe at sinasambit nito ang pangalan ng kanyang anghel na si metatron.

" Wag mo akong iwan metatron" sigaw ni prince xaiver habang nakaratay ito sa kanyang higaan. Nagulat naman ang headmistress pati narin ang mga prinsepe at prinsesa. Dali dali silang pumunta sa higaan ng prinsepe. Ilang sandali lamang ay biglang napabalikwas ang prinsepe sa kanyang pagkakahiga. Nagulat naman ang mga naroroon .

" Metatron labas" nangangambang pagtatawag nito. Ngunit walang lumabas na metatron.

" Hindi ito maaari ang baklang yun ang may kasalanan ng pagkawala ng anghel ko!!" galit nitong wika at nakayukom ang kamay nito, nagulat naman ang mga prinsepe at prinsesa sa Sinabi ng prinsepe, nataranta naman ang headmistress dahil baka alam ng prinsepe ang nangyari kanina ang akala niya ay naalis na ang mga ala ala nito.

" Sandali lang prinsepe may natatandaan kaba kanina??" Nangangambang tanong ng headmistress.

" Ang natatandaan ko lang ay nung sinuntok ko siya yun lang wala na " stress na tugon ng prinsepe, napasinghap naman ang headmistress at gumaan ang pakiramdam nito ang akala niya ay may natatandaan siya kanina.

"Nasaan na ang mahinang yun gusto ko siyang patayin!!" Galit na wika ng prinsepe, napantig naman ang tenga ng headmistress sa sinabi nito, aalis na sana sa pagkakahiga ang Prinsepe nang pigilan siya ng headmistress.

"Subukan mong saktan siya, ako ang makakalaban mo tandaan mo yan " pagpipigil na wika ng headmistress ngunit hindi tumigil ang prinsepe at bigla itong lumabas, hindi na nagdalawang isip pa ang headmistress na gamitin ang kapangyarihan niyang sense manipulation.

"Lose your sight"pagsasambit ng headmistress at nawalan ng paningin ang Prinsepe na ikinataranta ng mga naroroon lalo na si prince xaiver.

" Alisin mo ito tanda" galit na sigaw ni prince xaiver.

" Headmistress nahihirapan na po ang prinsepe" biglang wika ni prince oliver bakas sa mukha ng ibang prinsepe at prinsesa ang pag aalala

" Prince xaiver kung gusto mo pang makakita wag na wag mong sasaktan si light " nakangising wika ni headmistress selena.

" Sino ka para utusan ako!!" Galit na wika ni prince xaiver habang kinakapa nito ang kanyang dalawang mata.

"Ako Lang naman ang headmistress ng paaralang ito at nasa poder kita " maawtoridad na wika ng headmistress sa nangangalit na si prinsepe xaiver.

"Ang gusto ko lang naman ay protektahan niyo at bantayan mo si light " kalmang wika ng headmistress.

" Ayoko ko !!" pagmamaktol ni prinsepe xaiver.

" Edi magdusa ka sa pagkabulag" nakangising wika ni headmistress. Aalis na sana ito ng magsalita si prinsepe xaiver.

"Sige na sige na gagawin ko na" pag aalingan nitong sagot dahil kung hindi siya susunod sa utos ni headmistress ay mabubulag na siya. Pinawalang bisa na ng headmistress ang kanyang kapangyarihan sa prinsepe.

" Ikaw tanda !!" galit na wika ni prinsepe xaiver susugod na sana ito nang harangan siya ng mga prinsepe at prinsesa.

" Nahihibang kana ba xaiver" biglang singit ni princess avira habang pinoprotektahan nila ang headmistress.

"Sumunod ka na lang kasi" nag aalalang wika ni princess Mitchelle at tumango naman ang mga prinsepe at prinsesa sa sinabi ni Mitchelle.

" Ayoko" malamig na tugon ni Prinsepe xaiver at umalis ito, naiinis na ang headmistress sa pagbabale wala nito sa utos niya, gagamitin na sana muli ng headmistress ang kanyang kapangyarihan subalit pinigilan ito ng mga prinsepe at prinsesa.

" Wag na po, kami nalang ang gagawa ng ipinag uutos niyo" kalmang wika ni prince oliver.

" Subukan mo lang saktan si light hindi ako magdadalawang isip na paalisin ka sa paaralang ito." Malakas na sigaw ng headmistress kay prinsepe xaiver, habang papalayo ang prinsepe ay binigyan niya lang ng prinsepe ang headmistress ng middle finger sign.

Light's POV

Bigla nalang akong nagising natatandaan ko ang nangyari kanina, na sinuntok ako ng kapre na yon grabe siya hindi ko na siya crush char lang ,sayang yung kagwapuhan nun buwisit. Wait ilang subject na ang namissed ko?? napabalikwas ako ng gising at tumambad sa aking harapan ang mga natutulog na kateam guilds ko waitt hindi ba sila pumasok sa mga subjects nila.

" Salamat naman at gising kana" wika ni dim habang kinukusot nito ang mga mata niya. Nakita ko rin na nagising na ang iba.

"Anong nangyari sa akin kanina ?? Hindi kona kasi matandaan" tanong ko sa kanila at napakamot naman sila sa kani kanilang mga ulo.

" Hindi rin kasi namin matandaan ang natatandaan lang namin ay yung sinuntok ka ni prince xaiver"tugon ni sheila wait ang weird naman nun, itong mga gaga na ito pinabayaan lang ako hayyss.

" Gaga ka ang galing mong lumaban kanina para kang sumasayaw sa hangin kiyaahh" namamanghang wika ni rose hahhh anu daw hindi ko nga naramdaman yun hahahhahah ang ginawa ko lang nga ay palo doon palo dito.

"Mga bruha kayo magsiayos na tayo may magaganap ngayong levelling o ranking ngayon bilisan niyo "panggugulat na wika ni shiela napatigil naman ako sa kanyang sinabi waitt anong ranking o levelling ang pinagsasabi niya.

"Shiela anong levelling o ranking yang pinagsasabi mo ??wala namang sinabi yung mga professor namin about dyan" takang tanong ko napatigil naman siya.

" Ayy oo nga pala nawalan ka pala ng malay ang sabi kasi ng bawat professor sa bawat mag aaral dito ay may levelling na magaganap ngayon, ang levelling o ranking ay malalaman dito kung gaano ka kalakas base sa power strength o mana mo halimbawa nito si prince xaiver siya yung may pinakamataas rank dito sa buong agartha na supreme rank dahil malakas ang power strength points niya, sabi daw nila yung past record niya is umabot ng 1300 points so ngayon malalaman natin if lalakas pa ba siya o tataas pa ba o diyan nalang ang kapangyarihan niya. " Pagpapaliwanag ni shiela ahhh ganon pala wait ilan kaya ang sa akin.

Fast forward....

Nandito na kami ngayon sa may field dito daw magaganap ang levelling at may nakita kaming isang entablado i think doon ata gagawin ang levelling, sabi daw nila may dalawang klase ng levelling, levelling sa lakas ng kapangyarihan at levelling sa labanan o battle levelling, sa labanan daw magaganap lang iyon kapag nasa last day na kami ng quarter kung baga parang examination lang pero ang pinagnagkaiba lang nito sa mundo ng mga tao ay kailangan naming lumaban ng patayan para iangat ang ranggo ng aming guild at para tumaas din ang personal rank namin o kung anong rank na kami sa paaralan, pwede akong mapunta sa royals if nagkataon na manalo ako o yung guild ko. Nahagilap ng aking mga mata ang level o rank na pwede naming makuha na nakapaskil sa blackboard na nasa entablado ngayon at may bolang crystal pa hahhh wait ano namang gamit niyan??

List of level or rank

Level or rank - power strength points

- Bronze.         -0-100

-Silver.             -101-200

-Gold.               -201-300

-Platinum.     -301-400

-emerald.       -401-500

-Diamond.     -501-600

-legend.          -601-700

-mythic.          -701-800

-grand.             -801-900

-semi supreme -901-1000

-supreme.      -1001- above

Yan ang mga pangalan ng mga rank at power strength points. Kung gusto mong makuha o maabot ang isang rank diyan, dapat pasok ang power strength point mo sa rank na gusto mo pero sabi nila mas better kung mataas ang rank mo kagaya ng kapre na yun . Nahagilap ng aking mata ang papalapit na si prinsepe xaiver at may ibinulong ito sa akin.

"Maghanda ka sa laban natin dahil papahirapn kita" parang may galit nitong wika ang mga taong naroroon naman ay nagbulung bulungan.

" Ikaw ang dapat maghanda dahil hindi mo ako kilala ng lubusan" nakangisi kong sabi sa kanya susuntukin na sana niya ako ngunit ngumisi lang ako kaya yun hindi niya nagawa hahahahah duwag.

"Mapapahiya ka sa araw na ito ahhahah" natatawang wika ng kapre hayys tsk nakaka buwisit talaga ang kapreng ito. Bigla naman siyang umalis ng may ngiti hayys sayang ka gwapo pa naman nakakaturn off talaga ang pagiging mahangin mo hayss.

" Gaga ka nakipagtalo ka na naman sa prinsepeng yun kung ako sayo layuan mo na pagkatapos ng labanan niyo kung mananalo ka" nag aalalang wika ni shiela. Gagang ito anong akala niya sa akin talunan.

" Siya naman ang lumalapit ehhh " pangbabara ko at biglang may nag anunsyo sa entablado waittt si headmistress yun hahh.

" Good afternoon to all of you folks, this afternoon ay may levelling na magaganap this crystal ball na nasa harapan ko ngayon ay ang natatanging instrumento upang i check o malaman kung gaano kayo kalakas, the only thing that you will do is hawakan niyo lang bolang ito at may lalabas na numero dito at ang lalabas na resulta ay i lelevel namin sa pasok nitong ranggo maliwanag" mahabang wika ni headmistress ahhh kaya pala may bolang kristal ngayon sa entablado. Naupo na ang lahat, ang mga royals naman ay nasa gitnang bahagi sa unahan wow VIP sa bagay royals sila, kami Naman ay nasa likod sa pinakadulo hayyss.

" Ang unang hahawak ng bolang kristal ay ang mga royals,second ay ang mga seniors  hanggang pababa na sa GAS maliwanag" pag aanunsiyo ng headmistress.

" Prince xaiver halika rito ikaw ang mauuna" pagtatawag ng headmistress umakyat naman ito at bumaling ng tingin sa akin at tinaliman niya ako ng tingin, ako naman ngisi lang ng ngisi.

Umupo na ang headmistress sa kanyang upuan at pumalit si professor matheo ang history professor namin siya ata ang magchecheck at mag sasubtitute kay headmistress.

"Ang huling recorded power strength ni prince xavier ay 1300 under supreme level at siya lang sa buong agartha ang nakaabot nito let's see if tataas pa"pag aanunsiyo ni professor matheo ang kapre naman tumitingin lang sa akin na parang sinasabi nito na malakas siya kaysa sa akin hahahah as if naman na mahina rin ako nohhh. Hinawakan na ni prince xaiver ang bolang kristal, ang mga babaeng nanonood sigaw ng sigaw lang na magpapabuntis daw sila sa kapreng yun ewwww kababae nilang tao yakss. Nagliwanag na ang bolang kristal habang hawak hawak nito ang bolang kristal at bigla na lang may lumabas na numero sa loob ng bolang kristal waittt sa past record niya 1300 siya but now tumaas pa lalo naging 1936 wow pero sorry hindi ako natatakot na malakas siya at hindi ako magwiwthdraw sa laban namin no way.

"Wooo nag improve nga from 1300 ngayon ay 1936 under supreme rank" namamanghang anunsyo ni professor matheo at ang kapre naman ngumisi lang sa akin kaya yun ngumisi din ako hahahah nakakatawa bigla nalang nagbago ang ekpresyon from ngisi naging matalim ang tingin niya sa akin as if naman matatakot ako.

Fast forward....

Natapos na ang lahat kami na lang ng mga GAS students, nga pala matataas ang nakuha ng mga prinsepe at prinsesa, si prinsesa avira ay sa grand rank ang points niya ay from 810 naging 860, si prince oliver naman ay semi supreme from 901 naging 998, si prince james naman ay grand rin From 876-899, si princess Mitchelle naman ay grand 816-876, si prince lucas ay grand din 836-888, si prince nicholas naman ay grand din 846-896. Sobrang masaya ako ngayon sa mga kateam guilds ko si shiela ang nakuha niyang rank ay diamond ang points niya ay 560 , grabe ang lakas pala ng amazonang iyon. Si dim naman ay diamond rin 545, si Jeremy naman ay emerald from 436-461, kami nalang ni rose ang hindi pa nalelevel.

" Rose bantillan ikaw na your previous recorded point ay 633 let's see if may improvement" anunsyo ni professor matheo at nag sign ako ng goodluck sa kanya. Lumakad na ito at hinawakan ang bolang kristal at may bigla nalang lumabas na numero waittt from 633-677 wow ang taas so she is under parin sa legend wow ang taas, sana mataas din ako para maitayo ko na ang guild namin.

" Light ikaw na wala ka pang record let's see if anong rank ka at points meron ka"pag aanunsiyo ni professor matheo. Hayyys Kung makatingin ang kapre na ito akala mo parang natalo niya ako no way.

3rd person's POV

Umakyat naman si light ng nakangiti at hinawakan na nito ang bolang kristal, si headmistress naman ay sabik na sabik na malaman ang power strength points niya dahil dito lang masasagot ang kanyang katanungan kung sino ba si light. Ilang sandali lamang ay nagsimula ng magbilangan ang bolang kristal at nagliwanag din ito. Ilang sandali lamang ay lumabas na ang resulta na ikinatawa naman ni prinsepe xaiver at ng mga naroroon.si headmistress naman ay nagulat sa lumabas na resulta. Umakyat naman sa entablado si prinsepe xaiver at pinagtawanan ito. Si light naman parang mangiyak ngiyak na sa kahihiyan na natatanggap niya.

"Ito ba ang makakalaban ko sa Wednesday hahahah sabi ko na nga ba ang weak mo hahhhahaah kung gaano kadami ang summoning creature niya ay ganon din siya kahina hahahah sampung summoning creature hahahha nakakatawa ka, masarap bang mapahiya??"panglalait ni prince xaiver, ang mga kaibigan naman ni light ay naaawa na sa sinapit ni light. Susugod na sana ang headmistress ng pigilan ito ng mga professor at sinabing wag makialam sa kanilang dalawa.

Prince Xaiver's POV

Natatawa talaga ako sa resultang lumabas sampu lang hahahahaha, ganon na ba siya kahina at kanina nakangisi lang siya sa akin na parang nang aasar ngunit ngayon nakayuko nalang siya ngayon hahahah.

" Ohhh ano mag salita ka masarap bang mapahiya"pang aasar ko sa kanya. Nakita kong may tumulong luha hahahah iyakin ba siya nakakatawa. Ilang sandali lamang ay nakaramdam ako ng takot na hindi ko mawari kung saan ang ugat nito. Napatingin naman ako sa mga kasamahan kong nakaupo pati rin sila ay namumutla na para bang natatakot talaga , pati narin si tanda, bakas sa mukha ng lahat ang takot na ni minsan ay hindi ko pa naramdaman sa tanang buhay ko. Bumaling ang tingin ko kay light na tumutulo parin ang luha habang nakayuko ang ulo nito hindi ko makita ang kanyang mukha. Tumingin ako sa kalangitan, dumidilim ito at natatakpan ng itim na ulap ang kulog ng kidlat ay pasisimula na, hindi makagalaw ang mga naroroon, naghari ang katahimikan sa field wala ni isang nagbalak na magsalita, kahit ako ay napatikom ng bibig dahil sa hindi mapaliwanag na pangyayaring ito. Nagulat nalang ako ng itinaas ni light ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko at nabigla kaming lahat dahil nag iba ang kulay ng mata niya, ang sa kanang bahagi ng mata nito ay nagliliwanag ng sobrang at kulay puti ito, ang sa kaliwa naman ay sobrang dilim at itim, nakangisi siya ngayon at lumuluha. Ngayon lang ako natakot sa isang nilalang sa buong buhay ko. Bigla nalang niya akong sinampal shittt ang sakit.

" Ang taas ng tingin niyo sarili niyo mga mabababang nilalang" sigaw nito sa akin shittt siya ba ito. Nawala na rin ang amoy niya kanina na strawberry ehhh, ibang iba na siya ngayon. Bigla niya akong hinawakan sa leeg shitttt.

Headmistress POV

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot na parang sumisikip ang aming dibdib na Parang Hindi kami makahinga nagulat na lang kami ng biglang itinaas ni light ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko, gulat na gulat kami dahil nag iba ang kulay ng mata nito ang sa kanan ay nagliliwanag na puti at ang sa kaliwa naman ay itim, ibang klase ang batang ito. Baka ito ang sinasabi ni serephiel sa akin na huwag siyang papabayaang makuha ng dilim, buwisit kasi itong prinsepeng ito nakakarindi talaga. Bigla nalang itong nagsalita.

" Ang taas ng tingin niyo sa sarili niyo mga mabababang nilalang " sigaw nito nabigla nalang kami ng hinawakan niya ang Prinsepe sa leeg at inangat paitaas, ang mga naririto naman ay naninigas sa kanilang kinatatayuan, pati narin ako buwisit ito ba ang totoong light. Ang mga estudyante naman bakas sa mukha nila na gusto na nilang tumakbo ngunit hindi sila makatakbo dahil sa nararamdaman nilang takot.

Shiela's POV

Sabi ko na nga ba ehh, ang buwisit na prinsepeng ito akala niya kaya niyang higitan si beshie ko. Nakakatakot talaga siya ngayon akalain mo ba naman hindi kami makagalaw sa sobrang takot walang nagsalita ni isa sa mga naririto ngayon, nasaksihan din Namin ito noon nung pinatay ng bruhang Bernadette na yun ang alagang pusa ni beshie ko. Saktong sakto sa nangyayari ngayon ang nangyari noon nung nagalit si light, nangdidilim ang kalangitan, sumasabay ang kalikasan sa emosyon ni light, hala ka prince xavier patay ka ngayon hahahhaha.

" Shiela ba't natatakot ako" nahihirapang wika ni dim wow may gana pa siyang magsalita hahhh. Binigyan ko nalang ito nang parang natatakot na reaction para malaman niyang hindi ako makapagsalita.

Prince Xaiver's POV

Hindi ko maipapaliwanag ang takot na nararamdaman ko ngayon sa kanya feeling ko parang hindi siya yung light na cute yung bang ang sarap halikan ng bibig shitt ano ba itong pinag sasabi ko erase erase. Masakit na ang lalamunan ko ngayon dahil sa paghawak nito sa leeg ko ng mahigpit at inangat niya pa ako paitaas. Waittt ganito ba siya kalakas.

"Alam mo ang sarap niyong pagmasdan na natatakot sa akin " nakangisi nitong wika shittt buwisit plsss alisin mo na ito hindi na ako makahinga hindi mo ba nakikita na nahihirapan na ako at nagpupumiglas na .

" A-alisin mo-mona i-to plsss" nahihirapan kong pagmamakaawa shiit ngayon lang lumabas ang salitang pls sa bibig ko shitttt. Nahimasmasan na man ito at nilaglag ako at binitawan niya na ako ahhhhh shit ang sakit. Bigla nalang itong tumakbo ng napaka bilis shiit ang bilis niya alam ko kung saan siya pupunta sa tingin ko papunta siya sa enchanted lake na malapit lang dito sa akademyang ito. Mapapahamak siya nito maraming mga nilalang doon na pumuprotekta sa enchanted lake na yun. Ilang sandali lamang ay nilapitan ako ni tanda ang akala ko ay tutulungan niya akong makatayo yun pala sinampal niya ako ng pagkalakas lakas, wait ganon na ba siya kaimportante kaysa sa akin na prinsepe.

" Kapag may mangyayaring masama kay light tandaan mo makikita mo ang hindi mo pa nakikita." Nangangalit na wika sa akin ni tanda at tinuturo turo niya pa ako. Nakita ko naman na nawala na ang mga takot na aming nararamdaman , nakagalaw narin ng malaya ang mga estudyanteng naririto pati narin ang mga professor, pero bakas parin sa kanila ang lubhang pagkatakot na kahit ako ay nararamdaman ko parin iyon. Waittt pupuntahan ko pa siya baka may mangyaring masama sa kanya. Aalis na sana si tanda para hanapin si light.....

" Tanda sasama ako sa paghahanap alam ko kung saan siya pupunta sa enchanted lake" biglang sabi ko sa kanya at nagulat naman ito sa aking sinabi.

" Ano!!! Mapanganib ang pumunta doon " gulat na wika ni tanda.

" Professor matheo ipagpatuloy niyo ang naudlot na levelling hahanapin lang namin si light " pag uutos ni tanda at tumango naman si professor matheo.

" Buwisit kang bata ka kung may mangyayaring masama sa kanya lagot ka talaga sa akin" galit na wika ni headmistress at tumayo na ako para mag teleport.

" Wag kanang sumatsat diyan tanda hawakan mo ako bilis mag teteleport ako " pag uutos ko hinawakan niya ako gagawin kona sana ang pagteteleport nang may sumigaw.

"Sasama kami " sigaw ng mga kaibigan ko na prinsepe at prinsesa pati narin ang mga kaibigan ni light.

" Walang sasama dumito nalang kayo ang sinong susuway ay may karampatang parusa ang matatanggap mamaya maliwanag" maawtoridad na wika ni tanda at nag teleport na kami. Bigla kaming iniluwa nito sa may malapit na parte ng enchanted lake hindi kami maaaring lumapit dito dahil napakapanganib nito dahil ang mga nilalang na nandiidto ay mga dragon, serpents at iba pa na tagabantay ng enchanted lake na ito at ng buong isla ng lux imperium. Ilang sandali lamang ay natagpuan na namin ang katawan ni light sa may gitnang parte ng lawa sa may puno na patay na at walang buhay.

" Tignan mo !!! " Namamangha wika ni tanda wait ang ano???, Binaling ko ulit ang tingin ko sa baklang lampang iyon at napanganga ako na ang dating punong patay ay may tumutubo ng mga dahon at muli na itong nabubuhay at yumayabong at lumalaki ito.waittt sino ba talaga siya ba't parang lahat nasa kanya na

" Tanda nalilito ako ano ba talaga ang kapangyarihan niya??? At sino ba siya???"nalilito kong tanong sa kanya at bumaling ang tingin niya sa akin.

" Isa siyang special na nilalang xaiver, kaya ipangako mo sa akin na proprotekhan mo siya sa abot nang makakaya mo dahil kung hindi ay makukuha siya ng dilim at tayo ang maghihirap "nakangiting wika ni tanda waittt ano special kaya pala ang gaan ng aking pakiramdam kapag nakikita ko siyang nakangiti at nung araw na niyakap ko siya ay sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko parang lahat ng problema ko ay nawala. Siguro ngayon na ata ang araw na kailangan ko siyang protektahan shittt ba't parang nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa kanya shittt.

"Ipangako mo sa akin xavier na proprotekhan mo siya nagmamakaawa ako" naluluhang wika ni tanda at hinawakan niya ang dalawa kong kamay waittt. Hindi ako makagalaw dahil nabigla ako sa pagluha ni tanda ngayon ko Lang siya nakita na nagmakaawa sa akin sa tanang buhay ko hindi ko pa siya nakitang umiyak at nagmakaawa sa harapan ng mga tao.

" Siya nalang ang meron ako, kahit hindi ko siya tunay anak ay anak na ang turing ko sa kanya  nag mamakaawa ako sayo xavier" mangiyakngiyak na wika ni headmistress at lumuhod ito sa harapan ko, parang nakakatunaw ng puso ang ganitong mga galawan ni tanda hahh.

" Tumayo na po kayo diyan tanda sige po kung yan ang gusto niyo gagawin ko po" marespetong kong wika wait ngayon lang ako nakakapagsabi ng po hahhh .

" Salamat xaiver " pagpapasalamat niya.

Light's POV

Nagising nalang ako sa may lake waittt nasaan ako??. Ang natatandaan kolang kanina ay 10 points lang ang nakuha ko shittt nakakahiya yun ba't ang hina ko, pinagmasdan ko ang paligid wow tamang timing nasa ilalim ako ng isang puno wow ang ganda ng pagkakatubo ng punong ito hahhh. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay bigla nalang akong nagulat ng gumalaw ang lawa at parang lumalakas ang pagaspas ng hangin, at parang may tunog ng papatakbong kabayo ang aking naririnig. Waittt ano ito.

Ilang sandali lamang ay nagulat ako ng masilayan ko na may maraming mga ibon ang nagsisiliparan ng paikot sa punong aking sinisilungan, sa sobrang dami nila ay parang natatakpan na nila ang buong kalangitan wait ano bang nangyayari. Pagliko ng aking ulo sa may kanang bahagi ay nahagilap ng aking mga mata ang mga dragon na bababa pa lang, ang dami nila, natatakot na talaga ako shitt ano bang nangyayari. Sa gawing kaliwa naman ay nakita ko ang mga great eagle wait parang kamukha ito ng guardian ng aking kuya Michael hahh, akala ko ganun lang ang laki ng mga agilang ito kagaya nang sa kuya ko pero may mas malaki pa pala. Shiittt ang dami nila marami naman akong nakikitang papatakbong mga kabayo wait hindi sila kabayo sila ay mga centaur o yung mga nilalang na kalahating tao at kabayo.waittt bat parang nag iinit ang paligid nakakatakot na. Ilang sandali lamang ay nahagilap ko ang limang malalaking phoenix o yung mga nag aapoy na ibon shittt ba't sila naririto, sa gawing lawa naman ay umahon ang mga OMG Sirena shittt ang ganda nila waittt ano ba talaga ang nangyayari tapos lumabas din at umahon ang sea serpent sa lawa. Ang dami nila nagsilapitan din sa aking gawi ang mga griffin, sphinx, pegasus, at marami pang iba waittt anong gagawin nila sa akin shittt lord help me may laban pa kami ng kapreng yun ayoko pang mamatay.

Prince xaiver's POV

Sobrang gulat na gulat kami sa mga nasasaksihan namin ngayon ni headmistress para kaming naninigas sa aming kinatatayuan. Sino ba naman ang hindi magugulat iba't ibang klase ng hayop ang lumapit sa gawi ng bagong gising na si light. Nag aalala na ako sa kanya simula ngayon proprotekhan ko na siya.

" Anong tinutunganga mo tanda tulungan na tin siya baka kung anong mangyari sa kanya" nag aalalang wika ko sa kanya. Susugod na sana ako subalit pinigilan niya ako waittt bakit kani kanina lang sinabihan niya akong protektahan ko siya tapos ngayon ayaw niya na hayyys si tanda talaga ohhh.

"Sandali lang parang may kakaibang nangyayari" manghang wika ni tanda waittt ano ba. Binaling ko ang tingin ko ulit kay light, tumingin lahat ng mga nilalang sa lawa kay light at parang inuusisa ng mga ito si light. Nagulat nalang ako nang nagsiluhod silang lahat sa direksyon ni light waitttt hindi talaga ako makapaniwala , sino ka ba talaga light.

" So ngayon may clue na ako kung sino siya" namamanghang wika ni headmistress habang nakangiti.

" So sino nga siya??" Naguguluhang tanong ko sa kanya at binigyan lang nito ako ng matamis na ngiti.

" Wala pa akong sapat na ebidensya ngunit sa aking nakikita ngayon sa pagluhod ng mga nilalang ay may clue na ako" nakangiti nitiong wika hayyys parang timang.

Light's POV

Nabigla ako sa aking nakikita ngayon ang mga nilalang ay nag siluhuran sa aking harapan. Silang lahat talaga ,ang mga sirena, mga dragon, ang dami nila. Ba't ba sila lumuluhod sa akin hindi naman ako ang pinuno nila or whatsoever. Pati ang mga diyos mga anghel at mga fallen angel ay lumuhod din sa akin, wait sino ba talaga ako.

" Maligayang pagbabalik aming panginoon" wika ng kung sino waittt sino ang nag salita?? Inikot ko ang aking paningin

" Nandito ako sa harapan mo panginoon isa akong sea serpent taga bantay ng lawang ito at ng buong islang ito kaming naririto ay mga tagabantay ng islang ito" mabahang wika nito wait what i can understand them ohhh shittt baliw na ako.

" Wait ba't naririnig ko kayo??" Naguguluhang tanong ko sa kanila at nagsi tayuan na sila sa pagkakaluhod.

" Dahil kayo ang panginoon namin, ang aming panginoon ay siyang tanging nakakaintindi sa amin " pagpapaliwanag ng sea serpent.

" Tama ang kanyang sinabi niya panginoon " pag sasang ayon ng dragon shittt pati dragon.

" Naguguluhan ako sino ba talaga ako??" Naguguluhan kong tanong

" Malalaman mo rin yan aming panginoon, na ikaw ay aming panginoon panginoon ng lahat ng nilalang dito sa mundo ng ibabaw" tugon ng isang PEGASUS na kabayong may pakpak. Hindi na ako nag salita baka sabihin nilang nababaliw ako.

" Kung ako ang panginoon niyo ba't ang hina ko??" Sigaw kong wika sa kanila at napaatras silang lahat at nag siluhod ulit

" Patawad panginoon ang tanging maisasagot lang naming lahat ay may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa iyo"tugon ng sea serpent habang nakaluhod. Wait anong rason. Ahhh alam ko na what if tawagin ko ang mga guardian at summoning creature ko baka may alam sila kung bakit ako mahina.

" Bathalang zeus, serephiel at baal labas " pag tatawag ko, bigla nalang silang lumabas at lumuhod hayys nakakarindi na talaga ang paluhod luhod effect nila, lumaki ako sa demokrasyang bansa hindi ako hari nohhh. Nabigla naman ako ng magsiluhod din ang mga nilalang kay bathlang zeus, serephiel at baal shittt mag sitigil nga sila nakakainis na hindi ako sanay nito

" Master anong pinag uutos niyo sa amin" panimulang wika ng tatlo at tumayo na sila bigla namang na alerto si serephiel kay baal ganun din si baal kay serephiel.

" Master ba't mo tinawag ang taksil na ito??!!" Galit na tanong ni serephiel at pinagaspas nito ang kanyang anim na pakpak ganun din si baal na hari ng mga fallen angel , at inilabas naman ni serephiel ang kanyang nagliliwanag na espada pati narin si baal inilabas niya ang nagaapoy nitong espada. Nataranta naman ang mga nandodoon lalo na ang mga nilalang na nakasaksi sa nangyayari ngayon sa dalawang ito.

"Magsitigil nga kayo " sigaw ko sa kanila at napatigil naman silang dalawa.

" Ngunit master ang anghel na ito ay pinagtaksilan ang buong kalangitan, kasama na doon ang hari ng kadiliman na si lucifer" pagmamaktol ni serephiel.

" Hey hey ipagpaliban niyo muna yan at magpasalamat kayo dahil may reunion na naganap between the angels at fallen angels" pagpuputol ko sa kanila natawa naman si bathalang zeus shittt ang hot niya ang bata bata niya pa hindi yung mga nakikita ko sa movie na matanda na.

" Anong maipaglilingkod namin master" sabay sabay nilang wika, ang mga nilalang naman nandodoon ay umupo nalang baka bagot na bagot silang sakakahintay ba' t ayaw nilang umalis.

" Umupo kayo sa damuhan may tatanungin lang ako" utos ko sa kanila at sumunod naman sila ang titig naman ng dalawang anghel ay sobrang talim na parang gusto nilang mag rambulan kaya yun pumagitna si bathalang zeus at umupo siya between this two angels.

"May tatanungin lang ako bakit ang hina ko??? Kanina sa levelling 10 points lang nakuha ko alam niyo ba napahiya ako" mahinahon kong tanong sa kanila. Napakamot nalang sila sa kanilang mga ulo.

" Ehhh kasi master kinadena o sineal namin kasi yung kapangyarihan mo" dahan dahan na tugon ni bathalang zeus at tumango naman ang dalawang anghel wait bakit nila kinadena anong meron sa kapangyarihan.

" Ba't niyo naman kinadena ?" Naiinis kong tanong sa kanila.

" Ehhh basta yun hintayin mo nalang master lalabas din yun at master may dahilan ang lahat heheh"nakangisi nitong tugon na parang kinakabahan.

" Hindi nga namin alam kung tatagal pa yung kadenang yun" maghinang wika ni serephiel wait ano daw??

" Ito nalang, tulungan niyo akong mag ensayo at mag plano dahil sa susunod na araw may labanan na magaganap between me and prince xaiver" utos ko sa kanila at napantig naman ang tenga ni serephiel wait hmmm weird.

" tawagin niyo nalang ako master sa oras ng labanan niyo, at papatayin ko yun kaagad " biglang wika ni serephiel goshhh ang warfreak ng gwapong anghel na ito hahh.

" Gaga malalaman nila na may anghel akong seraphim Kung tatawagin kita nohhh, hindi kaba aware na pag iinteresan nila ako if malalaman nila yun gaga" sigaw ko kay serephiel at napatikom nalang ang bibig nito.

" Alam ko na master dadalhin ka namin sa mga buhay na diyos sa imperium realm, alam kong matutulungan kanila" biglang singit na wika ni bathalang zeus hahhh ba't niya ako dadalhin sa mga buhay na diyos?? Hindi nalang ako nag salita at tumayo na para puntahan ang imperium realm na tirahan ng mga buhay na diyos.

" Hawakan niyo ako dadalhin ko kayo sa mga bathalang buhay " utos ni bathalang zeus at hinawakan namin siya at bigla nalang kaming naglaho.

Prince xaiver's POV

Nakanganga parin kami ngayon sa may puno na  malapit sa enchanted lake dahil sa mga hindi kapanipaniwalang pangyayari na aming nasasaksihan kay light. Ganon ba talaga siya kalakas na kaya niyang tawagin ang mga alalay ni lux, hindi talaga ako makapaniwala. Meron pang isang nakakapanindig balahibong aming nasaksihan kanina ni headmistress na si light ay nakikipagcommunicate sa mga hayop at nilalang na naroon so it means naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga nilalang na yun.

" Malapit ko nang malaman kung sino siya ??" Nakangiting wika niti habang pinapanood namin si light na nakikipagpalitan ng mga salita kay bathalang zeus, serephiel at baal naguguluhan parin talaga ako kung sino siya. Ilang sandali lamang ay tumayo na sina light at ang mga ito at naglaho na lang ng biglaan. Naalarma naman ako sa nangyari.

" Tanda anong gagawin natin??!!" Naaalarma kong tanong sa kanya at ngitian nalang niya ako shittt ang tanda na ito timang talaga. Hindi na niya ako pinansin at lumakad na ito pabalik ng akademya hayyss baliw talaga itong tandang ito.

" Tanda nahihibang kana ba kinuha ng mga iyon si light" nag aalalang sigaw ko sa kanya at natawa nalang siya gago!!

" Wow bumabalik na ang noong Prinsepeng maaalahanin hahh" nakangisi nitong wika at tumawa na naman. Shitt ang tanda gusto niya atang sunugin ko siya ng apoy ko

" bahala ka nga diyan hahanapin ko nalang siya sa buong isla" inis na wika ko sa kanya, magpapatulong na lang ako sa mga prinsepe't prinsesa at pati narin sa mga kaibigan ni light waittt shittt ba't parang nag aalala ako sa kanya shitt bahala na daw ang importante ngayon ay mahanap siya.

Light's POV

Niluwa kami nito sa isang napakagandang lugar na animo'y parang hindi pa nababahayan ng kung sinong nilalang, ang ganda dito napakatahimik. Ilang sandali lamang ay may lumitaw na 6 na lalaki at 4 na babae sa aming harapan at nabigla nalang ako ng lumuhod ito sa aming harapan.

" Maligayang pagbabalik master" sabay sabay nilang pagbati sa akin, hahh anong pagbabalik kayo diyan hindi ko pa nga kayo nakita. Bigla silang tumayo at nag pakilala.

"Ako si mahiqa ang diyos ng mahika at pinuno ng buhay na diyos" pagpapakilala nito shittt ang hot niya ang tatangkad nilang lahat, ganun din sa mga creature ko at guardian kong si encanta.

"Ako si spirus ang diyos ng buhay" pagpapakilala naman ni fafa kiyahhh ang hahot nila , si zeus naman kung makatawa akala mo naman pinaglihi sa tawa hayys.

"Ako si celestia ang diyosa ng mga bituin"

" Ako si luna ang diyosa ng buwan "

" Ako si voltron ang diyos ng lightning"

" Ako si pyro ang diyos ng apoy"

" Ako si salis ang diyos ng tubig"

" Ako si lios ang diyos ng lupa"

" Ako si halitus ang diyos ng hangin"

" Ako naman si crystal ang diyos ng yelo at lamig"

Pagpapakilala nilang lahat ang gaganda at gwagwapo nila.

" Matagal tagal narin nung nasilayan ko yang mukha mo bathalang zeus" nakangiting saad ni mahiqa at ngumiti lang si bathalang zeus bilang tugon.

" Naririto kami ngayon upang humingi ng tulong sa inyo para sa laban ni master light"mahinahong wika ni zeus sa mga buhay na diyos.

" Malugod naming tinatanggap ang lahat ng himihingi ng tulong lalo na kay master light"  malugod na pagtatanggap ni bathalang mahiqa

" Kung ganon ay simulan niyo na at kami ay manonood sa pag eensayo ni light"utos ni bathalang zeus waittt may tatawagin lang ako si bathalang ares at metatron pala dahil silang dalawa ay mga guardian ni kapre

" ares at metatron labas" pagtatawag ko at bigla silang lumitaw at lumuhod. Hhehehhe may balak ako hehehh let's the plan begin. Tignan natin kung mananalo ang mayabang na yun.

Princess avira POV

Kanina pa kami hanap ng hanap kay light, sinabi ni prince xaiver na nawawala si light yun lang ang sinabi niya hanapin daw namin siya sa buong isla. Kiyaaah ngayon ko lang nakitang nag aalala si prince xaiver halos pinag susuntok na nito ang puno kiyaaah siguro may gusto siya kay light na yun botong boto ako pero ang tanong boto ba ang parents niya na ayaw sa mga bakla.

" Anong kinangingiti mo diyan avira bilisan mo hanapin niyo siya kung hindi kayo ang malilintika Sa akin"sigaw nito sa akin aray naman grabe siya yan kasi nilalait mo pa si light kanina yan tuloy na momoblema ka tuloy hahahah. Si prince oliver naman bakas ang pag aalala wait heheheh may something talaga sa totoo lang.

" alam mo xaiver ipagpapabukas nalang natin ito gabi na ohhh " pag wiwika ni prince Mitchelle, tumalim naman ang tingin nito kay Mitchelle.

" Hindi pwede "sabay na wika ni prince xaiver at prince oliver aba aba napaghahalataan na hahh.

"Oo nga kahit nga ako nag aalala din pero we need to be safe first papadilim narin sa islang ito mapanganib dito "nag aalalang wika ni shiela. Matigas parin talaga ang mga ulo ng dalawang ito hayyyss.

Light's POV

Tapos na kaming nag training grabe pinatagal nila Ang oras ng isang linggo pero sa 5 oras lang iyon diba nakakaamaze, ang dami ko ring natutunan na mga moves para sa pakikipaglaban gamit ang tungkod ko sabi din nila kaya ko daw palitan ang sandata ko into any form of armaments at may kapangyarihan din daw ito hahhaha patay ka ngayon xaiver . Naawa din ako ng konti kay prince xavier dahil ang sabi sa akin ni metatron ay iniwan na niya ang master niyang si prince xaiver dahil daw may nagawa itong hindi kanais nais na ayaw ni metatron, hindi ko nga alam kung ano yun Ehh, so it's means si bathalang ares nalang ang meron siya, sinabihan ko rin si bathalang ares na sana wag niyang iwan si kapre dahil nakakaawa narin . Pinagplanuhan din namin ng mga bathala at ng tatlong anghel about sa laban namin ni xavier, si Zeus, serephiel at baal naman ay tumanggi sa istilong plano ng mga buhay na bathala ngunit yun nalang daw ang tanging paraan upang hindi kami mapahiya ni xaiver sa mga manonood. Dahil wala din naman akong effective na plano kumagat nalang ako sa plano ng mga buhay na bathala kaya yun wala ng magawa pa si bathalang zeus, serephiel at baal. Kahit masakit physically ang plano kakagatin ko nalang yun.

Pinabalik kona si bathalang Zeus , serephiel at baal sa kani kanilang mga realm. Ihahatid nalang daw ako ng alaga ng bathalang mahiqa. Pinasakay niya ako sa isang griffin na malaki at may metal itong suot ang gara talaga sobra. May armor pa kulay gold at kung titigin mo ang mukha ng alaga niyang Griffin naku para siyang kakain ng nilalang nakakatakot. Sa mga hindi pala nakakaalam ng griffin ang griffin ay kalahating agila at may katawan itong leon or ewan basta yun mabalahibo siya at may pakpak na malaki na parang great eagle ang laki. Pinasakay na ako nito at lumabas na ng realm para ibalik ako sa lux imperium academy.

Abangan.....