Chapter 10 - CHAPTER 7: SEE YOU SOON

Light's POV

"Magbabalik siya sa katauhan mo, ikaw ang magdadala ng kanyang diwa upang puksain ang kanyang kabaliktaran. Kung anong sa kanya ay siyang meron din sayo kapantay mo siya sa lahat ng antas na meron siya. Ikaw ay siya at siya'y ikaw. " Makahulugang sinabi ng anghel huhh wait anghel wooahh ang ganda niya sa personal at ang hot niya at ang gwapo nakakalaway siya wait shitt!! anong bang pinagsasabi ko baka tanggalan niya ako ng ulo shitt wag naman may founding anniversary pa kami bukas, pero yung pananalita niya lang talaga ang hindi ko maintindihan.

"Ngunit sa ikalawang pagpupula ng buwan na si selene at sa pagpupula ng idaliang araw ikaw ay magpaparaya upang iligtas ang sansinukob ng panandalian lamang"sabi nitong fafa na anghel habang tinuturo ako waitt hindi ko talaga alam ang mga pinagsasabi nito haysss nakakainis

"Wait mr. Angel ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko naman sa kanya.

" Ito ay ba... "Putol na sabi nito

"baby gising na may surprise kami sayo" panggigising ni mommy hayss ano na naman bang pakulo meron tong si mommy naputol tuloy ang panaginip ko sa yummy na anghel na iyun hayyss.

And wait bago niyan ilang linggo na pala ang nakalilipas nung magsimulang magkakilala kami with my new classmates na nagprepretend to be non magical folks pero ang hindi nila alam na alam ko na ang tunay nilang pagkatao that they are not just a human or even just a magical folks they are royals , mga prinsepe at prinsesa sila. Naging malapit na talaga sila sa amin nina Dim at shiela kaya yun every recess or break time sumasama sila sa amin. Sinisuwerte na nga ako puro nalang ako libre sa dalawang asungot na prinsepe na yun. Buti nalang sa ilang linggo naming pagsasama they did not even noticed me and also Dim and shiela that we had this kind of abilities hindi na namin ginagamit ang pinagbabawal na technique baka kasi mahalata nila na may kapangyarihan kami ayaw pa naman namin yun mangyari kasi if that's happened baka isusumbong nila kami sa bruhang reyna na yun at sasabihin nila that we are hiding dito sa pilipinas hahaha.

"Mahh naman inaantok pa ako" napupuyat kong sabi late na kasi ako kaninang gabi natulog dahil sa pagprapractice ng lyrics ng kanta na isasagawa namin ngayon and wait shittts ngayon na pala yun.

"Hayss founding anniversary na pala ngayon shitts" pagmumurang wika ko at tumawa naman si mommy.

"Hahahah yan kasi halika na daw kakain na at may surprise kami sayo ng daddy mo"masayang sabi ni mommy ano na naman bang pakulo meron tong si mommy.

"Ano na naman bang meron mommy !?" Naiinis kong tanong habang kinukusot ko naman ang aking mga mata, kinuha ko naman ang eyeglasses ko at sinuot, tumawa naman siya.

" Hayyss matanda ka na nga uliyanin kana " nadidismayang sabi ni mommy hahh ano bang meron.

" Ano bang meron ma ?? " Naiinis na tanong ko ulit sa kanya.

" Lumabas ka na lang" sabi nito at lumabas na siya sumunod naman ako pero dumiretso muna ako sa lababo para manghilamos ng aking mukha. Pagkatapos nun pumunta na ako sa maliit naming dining room kung saan kami kumakain.

"SURPRISE ANAK HAPPY 18TH BIRTHDAY" panggugulat nilang sabi ni daddy at mommy at nagulat naman ako shittt nakalimutan ko pala na birthday ko ngayon hayyss!!!.

"Mom and dad thank you for this" pagpapasalamat kong sabi nakita ko naman si daddy na parang namumugto ang mata wait kanina pa ba siya umiiyak.

"Dad ba't kayo umiiyak???" takang tanong ko at dali dali naman niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa namumugto nitong mata.

"Ahhm wala lang to anak nahanginan lang and baka tears of joy lang kasi binata at dalaga na ang anak ko " pagrarason nito at ngumiwi naman ako sa sinabi niya na binata at dalaga na ako.

"Hayyss si papa talaga ohh bulero " wika ko sa kanya

" Ohhh anak ito lang muna ang handa namin sayo hahh hotdog, fried rice and egg mamaya na lang yung kalahati nito" singit na sabi ni mommy at umupo na kami para kumain.

" Ok lang naman mommy kahit hindi na kayo mag handa, para sa akin makita ko lang kayong masaya best gift na yun" sabi ko sa kanila nakita ko naman si mama na parang naiiyak hayyss ba't tong dalawang to parang iyakin .

"Hayys ba't ba ako naiiyak hayys oo alam namin yun kumain muna tayo baby"sabi ni mommy habang tumutulo yung mga luha niya same with daddy.

"Mahh and pahh ba't ang OA niyo diba dapat matuwa kayo na 18 na ako at ba't kayo umiiyak diba dapat ako yung umiiyak kasi ako yung sinorpresa niyo" mahabang lintaya ko kina mommy at daddy

" Hayys wala lang to baby kumain kana " sabi ni papa at pinunasan naman nila ang kanilang luha at ngumiti ng pilit.

Pagkatapos kong kumain tumulong naman ako sa pagliligpit ng mga plato papunta sa lababo at dumeretso na sa cr para maligo at gawin ang morning routine ko. After nun kumuha ako ng damit na long sleeves na malaki na kung parang hawakan ay parang isang cotton malambot yung tela tapos malaki laki sa akin na kulay white at kumuha din ako sa aparador ng pantalon na puti talaga lahat at rubber shoes na puti din hahahah magmumukha na ata akong anghel hayys ang bolero ko naman ahhahah. After nun kinuha ko din yung bonet ko na kulay white din hahahah ang baduy pero kapag kyut ka kagaya ko hahahah kahit anong suutin mu kyut ka parin.

Pagkatapos nun lumabas naman ako at nagulat naman ako na nandyan na agad ang dalawang bruhilda kong friends na sinusundo na ako. Nagulat din sila pag labas ko hahaha.

"Wow light para kang anghel at ang cute mo para kang isang robot na artificial yung mukha ang cute cute mo " saad ni shiela at tumakbo papunta sa akin inambaan naman nito ako ng yakap at ang masaklap pa kinurot niya pa ang pisngi ko na nag dulot ng pagkapula sa mukha ko.

"Gaga ka ang sakit nun! " Inis kong sabi sa kanya habang sinasapo sapo ko ang aking pisngi.

"Shitt ang cute mo kapag pumupula ka at yung strawberry mong amoy haysss wala paring binagbago lahian mo naman ako ohh" wika ni shiela inambaan ko naman ito ng mahinang sampal.

" Ang bastos bastos mo " inis kong sabi sa kaniya.

"Aray ko naman light joke lang yun " daing na sabi nito.

" Hoy kayong dalawa bilisan niyo na baka ma late na tayo" singit na saad ni Dim

" Sorry sige na lumabas muna kayo mag papaalam muna ako kina daddy at mommy" sabi ko naman at sinunod naman nila at lumabas sila. Pumunta naman ako sa kusina baka nandodoon lamang sina mommy at daddy.

" Mahh pahh" tawag ko sa kanila.

"Ohh anak ba't mo kami tinatawag?" Tanong nito at nakita ko naman sila hayyss namumugto parin ang mga mata nila and wait lumuha ba sila

" Mahhh pahhh ba't kayo lumuluha, umiiyak ba kayo?" Tanong ko sa kanila at pinunasan naman nila kaagad ang kanilang mga luha sa mata.

" Wala ito anak baka napuwing lang " pagrarason ni mommy hindi naman ito tumalab sa akin.

" Mahhh pahhh pupunta na po ako sa school" pagpapaalam ko at tumayo naman sila at inambaan naman ako ni papa ng mahigpit na yakap at tumagal ito same with mommy tapos nakita ko na naman silang naluluha.

"Mahh pahh wait hindi naman ako mag aabroad nito para yakapin niyo ng ganito at kung makaiyak kayo para kayong namatayan " mahabang wika ko sa kanila.

"Anak mag iingat ka hah abutin mo lahat ang pangarap mo nandito lang kami sa tabi mo kahit anong mangyari susuportahan ka namin ng Mommy mo " pagsasabi ni papa at tumango tango naman si mama.

" Alangan naman po hindi!! kaya nga po ako papasok sa school para abutin yung mga pangarap ko at gusto ko mahh pahh masilayan niyo ako kung paano ko abutin yung mga pangarap ko"sabi ko naman na ikinaiyak nila ayyy ang oa nang dalawang ito.

" Ohh ba't umiiyak na naman kayo alam niyo pahh mahh ang Oa niyo" wika ko sa kanila at tumigil na naman sila ulit sa pagiyak ayy may problema na ata sila sa utak.

"Wala lang to anak " sabi ni mommy.

" Sige na mahh pahh aalis na po ako" pagpapaalam ko at inambaan ulit ako ng yakap hahh ba't ba sila nagkakaganito.

"Sige anak mag iingat ka " sabi ni mommy at umalis na ako.

Paglabas ko naman nakita ko sina Dim at Shiela na para bang naiinis na sa kakahintay sa akin.

" Hoy gaga happy birthday nga pala pasensya na at wala kaming pangregalo sayo nakalimutan kasi namin" sabi naman ni shiela at tumango naman si Dim .

" Paano mo naman nalaman?? " Takang tanong ko kay shiela.

" Ehh sinabi kasi sa akin ni tita at tito kanina at may binilin pa sa amin na ingatan ka daw namin at alagaan waitt kanina ko pa nakikita na parang umiiyak yang si tita at tito nagtataka na nga ako ehh"mahabang wika ni shiela.

" Hayys sabi daw nila tears of joy daw nila yun kaya hayaan mo na halina na kayo malelate na tayo." Sabi ko naman at kaagad silang kumapit sa akin at nagteleport na kami papunta sa school..

Oliver's POV

Kanina pa namin hinihintay si light at nang dalawan niyang kasama nito, hindi namin ipapaalam sa kanilang tatlo na babalik na kami sa mundo kung saan kami nanggaling kasama si headmistress selena. Inip na inip na ako kanina ko pa hinihintay si light shiela at dim nababagot na ako dito sa gate sa kakahintay.kita ko rin sa mga mukha ng mga kasamahan ko na nababagot na din sila.

"Mga Bata pasok nalang muna kayo dito" pag aanyaya ng security guard ng school namin.

" Ahh salamat nalang po pero hindi na po muna kami papasok may hinihintay pa po kasi kami ehh" pagtatangi ko sa security guard at tumango naman ito.

Ilang sanadali lamang ay nakita na namin si light at ang dalawa niya pang kaibigan.

"Ang cute ni light buti nalang naka eye glasses siya kung hindi, OMG ang hot niyang tignan kyah " kinikilig na sabi ni Mitchelle at tumawa naman ang mga kasama ko.

Binaling ko ulit ang tingin ko kay light shiitt ang puti niya para siyang anghel lalo na sa suot niya ngayon shitt pati yung smile niya bumabagay at pumapares sa imahe niya ngayon shittt. Ang cute niya sobra.

Nakita ko naman ang mga kasama ko na napanganga habang nakikita nitong lumalakad si light na para bang isang anghel na papalapit sa amin. Nang ilang sandali pa lamang ay natunton na ni light at ng mga kasamahan nito ang gate at nakita nila kami.

"Hoyy bigbig niyo mapapasukan yan ng langaw" natatawang sabi ni light shitt ang cute niya kapag tumawa.

" Ayy sorry pala light ang cute mo kasi " sabi naman ni james hayss naiinis na naman ako sa lalaking to pero wait bakit nga ba ako naiinis sa kanya.

" Oo nga light ang cute mo pwede pa hug and paamoy ng strawberry mong amoy" pagsasabi ni Mitchelle kay light.

" Ahhm sige pero sandali lang hah" pinagbigyan naman siya ni light hayyss nakakaingit sana ako nalang si Mitchelle para ma hug ko siya .

And by the way pala na failed kami sa lahat ng mga investigation namin about kay light kung siya nga ba ay isang kauri namin. Failed kami pero si avira hindi parin naniniwala that hindi siya isang kauri namin, sinabi pa nga ni avira kay headmistress yung mga nakita niya pero si headmistress ay hindi nagpadala sa mga sinabi niya hindi siya naniwala bagkus sinabihan niya pa si avira that she need to present a strong evidence to prove his words so yun nga hanggang ngayon ang tigas parin ng ulo niya she always keep on reminding us that mag sisisi kami kapag hindi naman kami maniniwala sa kanya.

"Ohh guys ano pang hinihintay niyo rito hali na kayo pasok na tayo mainit na ang araw ohhh baka mangitim kayo" saad ni light at pumasok naman kami pag pasok namin biglang nag salita ulit si light.

" Uhmm guys magpapaalam muna ako sa ngayon kasi alam niyo na may practice " pagpapaalam nito at tumango naman kami. Umalis na si light.

"Alam mo ang cute niya talaga kung straight lang siya like ruler OMG ayokong siya ang mangligaw sa akin ang nararapat sa mga ganyang klaseng lalaki dapat yung babae ang nanunuyo at nanliligaw" mabahabang wika ni Mitchelle at kinikilig pa hahah.

" Oo nga nuh if may chance ako liligawan ko yun" singit na saad ni james na ikinainis ko naman.

" Hayys na ko james wag na baka kung maging kayong dalawa baka kung ano anong kababalaghan ang ipapagawa mo sa kanya inosente pa nga yung pag iisip niya, wagggg kami kilala kana namin wala kang ibang ginawa sa mga kasintahan mo kung hindi parausan lang" pang aasar ko sa kanya na ikinatawa ng mga kaibigan ko na ikinasimangot naman niya which is totoo naman doon nga sa mundo namin week by week meron siyang mga ginagalaw sa school same with prince Xavier .

"Gago ka sa kanila yun pero kung kay light tratratuhin ko siya na parang tunay na prinsesa na may pagrespeto at hihintayin ko siya kahit matagal pa" mura at sa dulo ay pagkakalmadong wika ni james na ikinatawa naman namin akala niya madadaan niya kami sa mga mabubulaklak niyang mga salita he's xrong hahhah.

Light's POV

Nang makarating na ako sa music room kung saan kami nag eensayo kaagad naman nagsalita yung leader namin about sa mga kailangan naming gawin pag akyat sa entablado.

Pagkatapos nun agad kaming nag ensayo, habang kami ay nag ensayo may kumatok sa labas ng pinto. Binuksan naman ito ng leader namin, ilang sandali lamang ng mabukas na ng leader namin ang pinto bumungad sa aming harapan si principal Selena na may dalang isang supot ng hindi ko mawari kung ano ang laman nito. Lumapit naman si principal selena patungo sa aking direksyon

" Ohh eto tanggapin mo ito, ito na ang huling strawberry na matatanggap mo sakin" malungkot na lintaya nito na ikinalungkot ko rin naman

"Thank you po principal selena tatanggapin ko po ito kasi alam kong huling araw niyo na po sa paaralan na ito. " Malungkot kong sabi at tumingin naman ito sa aking mga mata.

"Hayss wag kanang mag aalala magkikita pa naman tayo ehh sa tamang panahon" sabi nito habang ang mga kasamahan ko naman patuloy lang sa pag eensayo and wait anong ibig sabihin niyang tamang panahon.

" Ohh sige hah pupunta na ako sa labas pasensya na sa pagsasagabal ko sa inyong pag eensayo " pagpapaalam nito at lumabas na siya .

Pinagpatuloy naman namin ang pag eensayo. Ilang oras lang ang nakalipas ay binigyan kami ng leader namin ng breaktime kaagad naman akong lumabas.

Habang naglalakad ako hindi pa naman ako nakakalayo sa music room ay may nakita akong isang violin sa gilid at wala naman atang may ari nito and wait maliban sa pagkakanta marunong din akong mag violin, piano at iba pa. so yun nga ginamit ko yun at pinatugtog.

James POV

Habang hinahanap namin ni oliver si light ay nadatnan nalang namin siyang nasa gilid at may hawak hawak na isang instrument ahhh!! Alam ko na ito ay isang violin. So yun nga nagtago muna kami ni oliver sa gilid at pinagmasdan si light kung ano ang gagawin nito sa violin na hawak nito.

"Marunong ba siyang mag patugtug niyan" mahinang tanong ni oliver

" Malay natin baka marunong siya" mahinang sagot ko sa kanya habang kami ay nagtatago sa isang gilid.

Sinimulan nitong tugtugin ang violin namangha kami ni oliver na marunong pala ito ang ganda niyang panoorin para siyang isang anghel, kitang kita namin sa mukha nito ang pagkaaliw sa pagtugtog sa violin

"Grabe talented pala talaga si light" mahinang singit ni oliver.

" Sinabi mo pa kung hindi lang sa kanyang eyeglass napaka perpekto na niya" mahinang saad ko habang nanood sa pagpapatugtuog ni light ng violin.

" Announcement to all students please come here right now near at the stage and sit here sa upuan na nandito first come first serve kung walang matitirang upuan sa inyo that's not our problem." Anunsyo ng MC sa stage. Nakita ko naman na umalis at tumakbo na si light sayang may dala pa naman sana kaming pagkain sa kanya.

" Halika na kailangan na natin lisanin ang lugar na ito at dumeretso na doon para hindi na tayo maagawan ng chairs" saad ni oliver at umalis na kami.

Light's POV

Agad naman akong tumakbo pabalik sa music room. Nang makarating na ako sa room nakita ko naman na ang mga kasamahan ko ay may kanya kanyang bitbit ng instrumentong na gagamitin namin mamaya sa entablado.

"And another announcement to everyone this 50th founding anniversary natin is not just a founding anniversary this time may magpapalam, si principal selena and we need to give her a proper exit ceremony para sa kaniyang pag alis sa school na ito and bukas may new na tayong principal and he is a boy" anunsyo ulit ng MC na ikinalungkot ko kasi wala nang principal na kagaya niya na magtreat sa akin na parang anak kasi siya lang sa buong buhay ko na ibang tao ang malapit sa akin.

"Sige na guys we need to go na sa backstage  bilis " singit na saad ng leader namin at sumunod naman kami. Habang naglalakad kami ay iba't ibang puri ang aking naririnig na keso ganito daw ang tatalented daw namin ang gwagwapo daw namin .hahahhhh

Nang makarating na kami sa backstage ay umupo naman kami pinakalma ko muna ang aking sa sarili at nag relax kasi parati akong kinakabahan kapag kami ay magpeperform na. Tinawag naman ng MC si principal selena at lumakad ito sa redcarpet na animoy isang taong sikat na makikita lamang sa mga palabas sa telebisyon. Nagsimula na siyang magtalumpati at pinaalam naman nito na siya ay magpapaalam na at sumilip ako ng konti sa stage nakita ko sa mga estudyante na sila ay nalulungkot pati rin ako ay nadala sa kalungkutang kanilang nararamdaman ngayon sa inanunsiyo ni principal selena , talagang napamahal na talaga ang mga estudyante kay principal selena  kasi siya lang kasi ang isa sa principal na nagsupervise ng paaralan na ito na mabuti ang hangad not before yung kasing mga kwento kwento ng mga nakapagtapos na sa pag aaral dito sa paaralan na ito ay sinabi nila na lahat daw ng dumaan na principal sa school na ito ay mga Corrupt. Pagkatapos niyang mag talumpati ay sumunod naman ang mga guro at mga faculty teacher nagbigay din sila ng mga mensahe.

Pagkatapos ng mga talumpating yun nag simula na ang mga sayawan kantahan at iba pa. pag katapos nila ay tinawag na kami ng MC.

"Let's welcome the hollow band" anunsyo ng MC at lumabas na kami kaagad at narinig namin ang iba't ibang hiyawan sa lugar and by the pala ang pangalan ng aming band is Hollow band kinuha lang ito sa pangalan ng school namin which is HOLLOW UNIVERSITY. Pagkatapos naming lumabas pumunta ako sa MC at kinuha ang Mic.

"Hello guys inaalay ko Ang kantang ito kay Principal selena at nagpapasalamat ako sa mga nagawa niya sa school especially to me na itinuring niyang isang anak, alam kong pamilyar na kayo sa kantang ito, favorite ko din to, ito yung palagi kong kinakanta at alam ko ring hindi ito related sa nangyayari ngayon, ang title ng kantang ito ay Sad song ,song by We the king" talumpati ko sa harapan nila.

Nagsimula ng tumugtog ang piano at iba't iba pang instrumento.(Author note : para feel niyo yung scene i download niyo yung song at iplay niyo habang nagbabasa kayo). Sinara ko ang aking mga talukap para hindi ako kabahan ganito parati ang aking ginagawa binubuksan ko naman ang aking talukap pero hindi naman talaga ito fully open kung baga half lang  kinakabahan kasi ako sa mga titig nila kaya yun, yun Yung ginagawa ko.

Oliver's POV

Nagsimula nang kumanta si light.

You and I

We're like fireworks and symphonies exploding in the sky

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide

So stop time right here in the moonlight

'Cause I don't ever wanna close my eyes

Hindi ko alam kung ano ang aking masasabi pati rin ang mga nanonood ay napanganga sa ganda ng boses ni light na para bang dinudurog nito ang aming mga puso kapag aming naririnig ang bawat salita na tagos sa puso

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

Napakasexy at ng cute and handsome niyang panoorin ang ganda niya shitts ano na naman bang pinagsasabi ko shitts.

With you, I fall

It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall

With you, I'm a beautiful mess

It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge

So stop time right here in the moonlight

'Cause I don't ever wanna close my eyes

Bumaling ang tingin ko sa likod tinignan ko rin ang mga reaction nila. Same din naman manghang mangha sila. Ngunit may napansin akong mga huni ng mga ibon hindi ko mawari kung saan nanggaling.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

Binalik ko ulit ang tingin ko sa stage Kung saan si light nakita ko sa peripheral eye ko na si Mitchelle ay parang umiiyak kaya yun tinanong ko.

"Huyy mitch bat ka umiiyak??"Tanong  ko naman at binaling ang tingin niya sa akin mukha siyang lola sa lagay niya ngayon.

"Ayyy ang ga-ganda ka-kasi ng bo-boses niya sob*"sagot nito habang umiiyak hahah nakakatawa.

You're the perfect melody

The only harmony I wanna hear

You're my favorite part of me

With you standing next to me

I've got nothing to fear

May huni na naman ng mga ibon ang aking naririnig ng mga sandaling iyon ay nagtataka narin ang aking mga kasamahan palakas ng palakas ang mga huni nito na para bang ang dadami nila pero hindi namin sila makita sa paligid.

"Yun ohh sa taas" sigaw ni avira ng makita namin, kami ay kinilabutan sa dami nila na para bang nanood din kagaya namin.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

"Diba Sabi ko sayo katulad natin siya pero kakaiba siya sa lahat" bulong ni avira sa akin parang may point naman siya pero Paano kung nagkataon lang ang lahat ng ito.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

At sa wakas natapos na rin si light sa pagkanta hindi parin umaalis ang mga ibon sa taas ng bubong ng school namin. Nakita ko naman na si headmistress selena na naiiyak at dali daling pumunta sa direksyon ni light at inambaan ito ng mahigpit na yakap.

Light's POV

Pagkatapos kong banggitin ang mga huling salita ng kantang aking kinanta binuksan ko na ang aking dalawang mata. Bumungad sa aking harapan ang mga taong nagpapalakpakan at nagsisigawan sa sobrang saya ko ay ngumiti ako. Ilang sandali lamang nahagilap ko sa taas ng bubong ng isang building na malapit sa stage ang sandamakmak na mga ibon na papaalis na rin ang iba. Ito na nga ba ang sinasabi ko ehhh!! Na kapag kumakanta ako ay parang may mga hayop especially yung mga ibon talaga na susulpot nalang bigla na para bang nanonood din sa akin kapag ako'y kumakanta ang weird. Pero baka nagkataon lang na may ganyan.

Inikot ko ang aking paningin sa palagid at nakita ko naman na dali daling lumapit si principal selena sa direksyon ko at parang naluluha at inabaan ako ng yakap.

"Salamat sa kanta mo ang ganda talaga ng boses mo at ang kanta mong yun bagay na bagay talaga sayo." Sabi nito  habang lumuluha

"Thank you din po maam selena na tinuring niyo akong isang anak" wika ko sa kanya.

"hayyss nanay nalang o ina o mommy nalang ang itawag mo sakin wag mo na akong tawagin na maam o Principal, anak naman kita dito ehhh" sabi nito nakita ko naman sa kulubot nitong mga mukha ang pagngiti niya matanda na kasi siya.

"Sige po maam este inay " sagot ko at ngumiti pa siya lalo at bumalik na kung saan siya nakaupo.

Bumalik naman ako sa backstage nandoon na rin ang mga kasamahan ko habang bitbit ang mga instrumenotong ginamit namin kanina.

"Light ang ganda ng boses hindi nga kami nagkamali sa pagpili sayo" masayang sabi ng leader namin nakita ko naman na ngumiti sa akin ang mga kasamahan ko sa banda.

"Oo nga light hayys kinilabutan nga kami kanina nagsitaasan yung mga balahiho namin sa ganda ng boses mo iba kasi yung narinig namin na boses mo nung nag eensayo tayo sa kanta may pasurprise kapang pakulo grabe i love it at ang cute mo doon at alam mo ba pati ata ang mga ibon nanonood sayo hayss nakakainggit ka " mahabang lintaya ng isa kong kasamahan na babae.

" Hayyss nagkataon lang na may ibon doon at thanks " masayang sabi ko.

" Ohh sige bababa na ako hah"pagpapaalam ko sa kanila at tumango naman sila.

Nang bumaba na ako inikot ko ang aking paningin, hinahanap ko kasi ang dalawa kong kaibigan at yung mga transferees na rin.

"Hoyyy nandito kami " sigaw ng kung sino. Nakita ko naman sa kaliwa na nandoon si shiela at nahagilap ko din sa likod niya na nandodoon din ang mga transferees at si Dim. Nakita ko sa kanilang mga mukha ang saya. Lumapit naman sila sa direksyon ko.

" Hoy gaga ka ang ganda ng boses mo kanina nakakaiyak ka." Saad ni shiela

"Oo nga umiyak nga ako kanina tignan mo tong mata ko namumugto na " saad naman ni Mitchelle at kita naman sa mata nito na umiyak talaga siya kanina hahahha.

"Hayys alam mo ba ang ganda ng boses mo kanina ang cute cute mo shitts pwede bang maging jowa kita" singit na saad ni james binaling ko naman  ang tingin ko kay oliver, kita sa mga mata nito ang inis at galit hah ba't siya nagagalit? hahahahahhah hahah nagseselos ba siya as if naman magkakagusto ako sa dalawang to no way.

"Excuse me james pero no way hindi namin papayagan na ikaw ang makakakuha kay light"biglang sabi ni shiela hayyss nakakatakot tong bruhang to bigla bigla nalang sumusulpot.

"Ano ba ang kulang sa akin gwapo na man ako habulin pa ng mga babae saan ka pa o baka naman may gusto kapang alamin tungkol sa laki ng ar.." saad nito ang manyak talaga niya shittt naputol ang mga sinabi niya nang tinakpan ni oliver ang kanyang bibig.

"Hoy bibig mo gusto mo bang alisan kita ng dila " inis na sabi ni oliver kay james habang tinatakpan nito gamit ang malapad na mga kamay sa bibig ni james.

"Sorry pala light sa mga sinasabi niya may pagkamadaldalin din kasi ito baka lasing lang siya sa tubig kaya siya nagkakaganito kung ano ano nalang ang mga pinagsasabi niya" pagpapaumanhin naman ni oliver at inalis niya na ang kamay niya kay james.

" Ok lang yun " masayang sabi ko.

Habang nagkwekwentuhan kami bigla bigla nalang dumating si principal Selena este si mommy selena yun kasi ang gusto niyang itawag ko kaya yun binagbigyan ko na siya atsaka huling araw niya naman ngayon hayys nakakalungkot nga ehh.

Nakita ko namang nabibigatan si  principal selena sa mga dala nito pupunta na sana ako sa direksyon niya upang tulungan siya pero agad namang umaksyon sina Oliver at James para tulungan si principal Selena kaya yun hindi kona itinuloy. Nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mukha at pumunta sa direksyon ko at inambaan ako ng mahigpit na yakap.

" Mag iingat ka dito hahh!! magkikita pa tayo sa tamang panahon at ayokong sabihin na goodbye na ang gusto ko munang sabihin ay see you soon " sabi ni principal selena nag taka naman ako sa mga pinagsasabi nito, ano kaya ang ibig sabihin nun??.

"Ano pong see you soon bibisitahin niyo ba ako este kami ulit dito sa school??" nagtataka kong tanong kay principal selena

" Basta yun lang see you soon malalaman mo rin yan sa tamang panahon kung magkikita na tayo" makahulugang saad ni headmistress at ngumiti naman itong mga transferees na to parang may mali hahh. By the way pala ang mga transferees na to ang palaging kasama ni principal Selena natatataka na nga ako ehh.

"Ok po " malungkot kong sabi at may bigla bigla nalang yumakap sa akin si oliver shittt.

"Mag ingat ka ha" malungkot nitong sabi and wait sasama ba sila kay principal hindi ko naman nabalitaan na magtratransfer sila hahhh and wait kapag mag tratransfer sila ngayon ay parang ang aga aga pa ahhh ilang linggo palang sila dito.

" Sasama ba kayo kay principal selena ??? " Nagtataka kong tanong at nakita ko naman ang bakas ng lungkot sa kanilang mga mukha

"Ahhh basta " sabi nito na nagdulot ng pagtataka sa aming mga mukha same with Dim and shiela. Pagkatapos na magsalita ni oliver yumakap naman ang mga prinsesa at prinsepe na nagprepretend to be a normal kagaya ng mga tao hahahha .

"O sige magpapaalam na kami hahh mag iingat ka dito" pagpapaalam ni principal Selena at kumaway kaway sila habang papalayo at sumakay na sa isang itim na sasakyan.

Oliver's POV

Habang nasa sasakyan kami ay napakatahimik ng paligid, alam kong nalulungkot sila na maiiwan na si light at baka taon pa ang dadaan para makita namin siya ulit hayyss nakakalungkot. Kita ko naman ang lungkot sa mga mata ni headmistress alam kong ayaw niyang iwan si light napamahal na ata siya kay light tinuring talaga niyang anak si light buong buhay ko nung nasa hollow university ako kung saan kami nag aaral pansalamantala lang dito sa mortal world ay kitang kita ko ang saya sa mukha ni headmistress nung palagi niyang nakikita ang mukha ni light ewan ko ba kung bakit inilaan na kasi ni headmistress ang buhay niya sa mga mag aaral sa paaralan kung saan kami nag aaral ng mga royals, hindi na siya nag asawa kaya ganyan siya umakto na parang anak niya talaga si light.

" Dederetso na tayo sa portal para makabalik na tayo sa mundo natin and para masara narin yung lahat ng mga lagusan dahil may naaamoy akong kaguluhan dito sa mundo." Saad ko sa kanila at kita ko naman na hindi pa kumikibo ang headmistress.

" Alam ko yun kaya bilis bilisan na natin para makabalik na tayo sa agartha " maikling saad ng headmistress

Nang makarating na kami sa isang lugar kung saan maraming puno nilakad namin ito at hinanap ang malaking puno kung saan nakabukas ang portal na siyang ginamit din namin papunta dito. Marami paraan kung paano makapasok sa Agartha hindi ko lang alam yung iba.

" Paalam mortal world " pagpapaalam namin at isa isa kaming pumasok na sa portal

Ilang sandali lamang ay nakapasok na kami at iniluwa kami ng portal sa harapan ng palsyo ng agarthi kingdom. Bumungad sa aming harapan ang mga hari at reyna ng iba't ibang kaharian at nag siluhod naman ang mga kawal at mga tagasunod  doon.

"Maligayang pagbabalik headmistress " masayang sabi ng hari na ama ni prinsepe xavier kita ko naman na ngumit si headmistress ng pilit.

"Kayo bumalik na kayo sa akademya at ipagpatuloy yang pag aaral at pag eensayo ng sa gayon gagaling at gagaling pa kayo sigurado akong naghihintay na ang private professor niyo." Singit na saad ng reyna ng agarthi kingdom na ina ni prince xavier.

"Halika headmistress may pag uusapan tayong lahat. Ihanda ang bulwagan ng pagpupulong at isara lahat ng mga portal o mga daanan na kumokonekta sa mundo ng mga tao!!" utos ng hari ng agarthi at lumakad na sila palayo sa amin nakita ko naman si mommy na reyna  din na ngumiti sa akin. Ngumiti din ako bilang tugon at umalis na.

Light's POV

Kanina pa kami naghahanap kay mingming ko bawat sulok ng paaralan ay ginalugad namin nina dim at shiela pero hindi namin siya nahanap.

"What if puntahan natin siya kung saan siya nagpapahinga diba sa may duluhan yun ng school sa may liblib" suhestiyon ni shiela tumango naman ako baka kasi nandoon lang siya.

Habang lumalakad kami, para mahanap siya ng madalian nagtatanong kami at ipinakita ang picture ni mingming para malaman nila kung ano ang aming hinanap pero ang mga sagot nila ay hindi nila ito nakita kaya nakaramdam naman ako ng kaba.

"Saan na kaya siya" mahinang sabi ko habang lumilinga linga ako ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso na para bang nagsasabi na may nangyari sa kanya shittt wag naman.

"Wag kang mag alala light makikita din natin siya " pagpapakalma sa akin ni Dim

Nang makarating na kami sa lugar kung saan siya nagpapahinga ay inikot ko ang aking paningin at nagbabasakaling nandito siya. Ilang sandali lamang sumigaw si shiela.

" Light tignan mohhhhh!! " Sigaw ni shiela at binaling ko ang tingin ko sa direksyon kung saan nakaturo ang kanyang daliri.

Nakaramdam naman ako nang awa at halo halong emosyon nang makita kong nakasabit ang kanyang leeg sa isang malametal na bagay at tumatagas ang dugo nito. Humagulgol ako sa pag iyak hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Sino ang gumawa nito sayooo!!??" Tanong ko habang humagulgol sa pag iyak.hinawakan naman ako ni shiela at dim sa likod at sinasapo sapo.

"Condolence light"sabi ni shiela at dim

"Hindi to pwede may mga pangarap pa tayo ming sob* " sigaw saad ko habang umiiyak pati narin si shiela at dim naluluha narin. Ilang taon ko na kasi inaalagaan si mingming natagpuan ko lang to nung maliit pa siya.

"Well well well nasurprise ka ba "  sabi ng isang boses hinahanap ko iyun ilang sandali lamang ay bumungad ang mukha ni Bernadette ang mortal enemy ko kitang kita ko sa kanyang mukha ang galak.

"Ikaw!!!! " Sigaw ko at dali dali akong pumunta sa direksyon niya at sinabunutan siya.

Dim's POV

Nakita namin kung paano nagalit si light dali dali  itong tumakbo sa direksyon ni Bernadette at inambaan ng suntok at sampal.

"Kailangan natin siyang pigilan " saad ni shiela at tumango naman ako at dali dali kaming pumunta sa kinaroroonan ni light at Bernadette pero nung nagsimula na kaming lumapit ay nauntog ang ulo namin sa isang hindi mapaliwanag na ewan.

" Shittt ito ba ang kapangyarihan ni light" murang sabi ni shiela nakita kong parang may isang barrier ang nakapalibot sa lugar kung saan si light habang inaambaan nito ng suntok si Bernadette buti nalang wala ng tao sa school kung meron man magkakaroon talaga ng gulo at pwedeng maalis sa paaralan si light.

"Kailangan natin silang pigilan " mabilis na saad ni shiela bakas sa kanyang mukha ang kaba pati narin ako.

"Hindi pwede yan shiela wala tayong alam kung paano ito maalis. Sabi kasi sa akin ni mom na kapag may barrier at gusto mo itong wasakin kailangan mo daw ng isang malaking mana para wasakin ito at kapag nagawa mo yun pwedeng kang manghina and worse mamatay" pagpapaliwanag ko sa kanya.

" So tutunganga nalang tayo dito we need an immediate action natatakot ako hindi para kay light, para kay Bernadette ako natatakot baka kung ano pang magawa ni light kay bernadette " natatakot nitong saad

" Wala tayong magagawa diyan shiela " maikli kong sagot

Ilang sandali lamang ay nakita naming sinipa ni Bernadette si light na naging sanhi ng pagkatumba niya namilipit si light sa sakit.pagkatapos nun tumindig ang aming mga balahibo dahil nakita naming nag iba ang anyo ni light malayong malayo na ito sa na kilala naming light noon naging puti lahat ang buhok nito ang mga mata naman niya ay  nag iba din .nagliwanag ang sa kaliwa na kulay puti at ang sa kanan naman ay nagkulay itim .

"Halimaw!!!!!" sigaw na sabi ni Bernadette bakas ang takot sa mukha nito.

" Shiittt ito ba talaga ang kapangyarihan niya" saad ko sa aking isipan nagsimula narin akong manginig ng kagaya kay shiela bakas sa aming mga mukha ang takot.

Tumayo si light at ngumiti ito na para bang sinasaniban ibang iba siya ngayon ang lakas ng aura niya nakakapangilabot. mabilis itong nawala at nabigla nalang kami nang napunta ito sa likod ni Bernadette at inambaan ito ng malakas na suntok na naging sanhi upang mawalan ng malay si Bernadette wala namang dugo ang lumabas tanging mga pasa lamang ang kanyang nakuha sa ginawa ni light. Nang matumba na si bernadette ay siyang pagkatumba din ni light at nawalan ito nang malay at bumalik ang anyo nito sa dati.

Bigla namang nawala ang harang o ang barrier sa lugar na nakapaligid sa kanila at bigla kaming tumakbo ni shiela sa kinaroroonan nila at hinawakan naman ni shiela ang pulsuhan ni Bernadette kung buhay pa ba ito o patay na same with me ginawa ko din yun kay light naramdaman ko namang buhay si light.

" Buhay pa siya buti naman" sabi ni shiela na nagpakawala ng kaba sa aming mga dibdib ang akala namin ay mamatay na silang dalawa at lalong lalo na si Bernadette.

"Wait shiela hawakan mo muna si light may gagawin lang ako kay Bernadette" utos ko sa kanya at agad naman niya itong sinunod.

Hinawakan ko ang kanyang ulo at inalis lahat ng mga alalang kanyang nakita kanina. Pagkatapos nun ay dali dali kaming pumunta agad sa clinic at gumawa gawa kami ni shiela ng rason kung bakit sila nagkaganyan.

Abangan....