Chereads / LUX IMPERIUM ACADEMY | THE SCHOOL OF MAGIC | (BXB STORY) TAGALOG / Chapter 11 - CHAPTER 8: CHAOS AND THE PLAN

Chapter 11 - CHAPTER 8: CHAOS AND THE PLAN

Light's POV

Nang mabuksan kona ang aking mga mata ay bumungad sa aking harapan ang dalawa kong mga kaibigan. Waitt anong nangyari sa akin???

Flashback.....

Wala akong pake kung mamatay itong bruha na ito wala na siyang nagawang matino at ang masaklap pa pinatay niya si mingming ko.

" Kulang pa ito sa ginawa mo kay mingming ko!!" Galit na saad ko sa aking isipan habang umiiyak ako at sinusuntok ko siya, nawalan ako ng kontrol dahil ang hangad ko lang ay maipaghiganti ko si mingming ko siya nalang ang meron ako na minahal ko tapos ginawan niya pa ng kasuklam suklam na tanging mga halimaw lang ang makakagawa  .

"Anong klase kang tao??" Tanong ko sa aking isipan habang walang habas ko siyang pinagsusuntok. Ilang sandali lamang ay sinipa niya ako tiyan na naging sanhi upang ako ay matumba ng tuluyan at nawalan ako ng malay.

End of  flashback....

"Shitttt!! anong nangyari kanina? " Sigaw kong tanong at bigla nalang akong bumangon sa pagkakahiga at sinuot ulit ang eyeglasses ko , at inalalayan ako ng dalawang ito para makaupo ng matuwid. Ramdam kong nahihilo pa ako pero wait saan si mingming??

"Saan si mingming kooo??!!" Biglang sigaw kong tanong sa dalawa hindi parin sila kumikibo.

"Sagutin niyo ako!!" Sigaw kong tanong sa dalawa at hinawakan ko naman ang braso ni dim at nagmamakaawa na sana sabihin niya ang mga nangyari kanina.

"Kumalma ka lang" mahinahon na sabi ni Dim at huminga ito ng malalim.

"Patay na si mingming" agad agad nitong saad na naging sanhi upang ako'y humagulgol ng  iyak. Sana panaginip nalang ang lahat ng ito.

"Hindi yan totoo dimmm!! " Iyak kong sabi at bigla nalang niya akong niyakap at sinundan narin ito ni shiela .

" Wag kanang umiyak nasa heaven na siya ngayon ok!! Hindi na siya mahihirapan pa sa mundong mapang api na to!!" Diin at pagpapakalma na sabi ni Dim sumang ayon naman si shiela.

" Wag kanang mag alala nandito pa naman kami ang dami dami namin na nagmamahal sayo!!" Saad ni shiela sa akin

" Ang malas naman ng birthday ko ito ba ang regalo ni lord" wika ko sa kanila habang ako'y walang tigil na umiiyak.

"May dahilan ng lahat nang to light!!" Pagsasabi ni Dim habang yakap yakap niya ako.

"Good evening " bungad na sabi ng nurse , inalis naman ni Dim ang pagkakayakap sa akin

"Ano po iyon ??" Tanong ni shiela sa nurse and wait nasa clinic ba ako at gabi na shittt pinaghahanap na ata ako nina mommy at daddy.

"Ahmm pwede na pong makalabas si light tutal gising naman po siya, wala naman pong problema sa kanya baka pagod lang yun kaya siya na collapse" sabi ng nurse at umalis na  waittt nalaman ba nila na nakipagsabunutan ako sa bruhildang Bernadette na iyon shittt ayoko pang mawalan ng scholarship and speaking of Bernadette san na siya???

" Nasaan na si Bernadette??" Tanong ko sa dalawa

"Ahmm kinuha na siya ng tatay niya kanina pinagalitan pa nga ehhh " tugon ni shiela sa aking mga tanong.

" And wait nalaman ba nilang nakipagsabunutan ako kay Bernadette??" Tanong ko ulit sa kanila at ngumiti naman sila waitt anong ibig sabihin ng mga ngiti na yan ??

" Ahhmm wag kanang mag alala bukas na bukas balik na tayo sa normal, relax kalang nagawan na namin ng paraan" tugon ni shiela at ngumiti naman silang dalawa wooooh grabe maaasahan talaga ang dalawang to.

"Hihihi thank you beshie and also to you Dim " masayang sabi ko at nag group hug naman kami buti nalang nagawan nila ng paraan kung hindi OMG sayang talaga yung mga oras na aking nilaan sa pag aaral ko dito.

"Tayo ka na daw diyan lalabas na tayo ohhh 7am na ng gabi "sabi ni shiela at inalalayan naman akong makatayo and to be surprised normal parin yung pagtayo ko at pag lakad pero nahihilo pa rin ako pero kahit papaano I'm thankful that walang nangyaring masama sa akin at grabe naman ilang oras akong hindi nagising kanina shitt.

Lumabas na kami kaagad

"Shiela nasaan si mingming?" Tanong ko naman sa kanya so diba kapag patay na bangkay nalang so my question is that saan nila nilagay yung mingming ko.

" Wag kang mag alala nilibing na namin siya doon sa pahingahan kung saan siya namatay " nakakangiting tugon nito sa akin habang kami ay naglalakad palabas ng clinic.

"Ahmmm halika puntahan na tin " mabilis kong sabi at tumigil naman sila.

" Light bukas nalang kasi ang dilim na ohhh madilim pa naman ang daanan papunta dun baka may ghost pa " pagrereklamo ni shiela at tumango naman si dim bilang pagsang ayon sa mga sinabi ni Shiela.

"Grabe naman kayo " pagtatampo ko at nagpout naman ako.

" Wag mo daw ipakita yang nguso nguso effect mo sa amin nagmukha kang isda sa ginagawa mo" pang aasar ni shiela.

" Wow ang ganda mo hah waitt saan banda ??" Pang iinis ko naman at nainis naman ang bruha.

" Oo na oo na pangit na ako at maganda kana pero pwede ba ipagpabukas mo na yang plano mong bumisita sa libingan niya ang creepy creepy na nga ng lugar na Yun tapos ikaw pupuntahan mo pa" pagsasabi ni shiela.

" Sigi nalang daw bukas nalang " pag sasang ayon ko at nakalabas na kami ng gate wala namang tao sa may gilid ng poste so doon namin ginawa ang pinagbabawal na technique hahahah ang teleportation.

"Humawak kayo " utos ko at sinunod naman nila nag laho nalang kami bigla.

Nang makarating na kami iniluwa kami ng mahika ko sa harapan ng gate namin.

" O sige aalis na kami at wag kanang umiyak ha nakakaiyak ka kasi" pagpapaalam ni shiela at umalis na silang dalawa hinintay ko munang makaalis sila bago ako pumasok ng gate.

Binuksan ko kaagad ang gate at dumiretso sa pinto nagtataka ako kung bakit close ang pinto dapat kasi sa mga ganitong oras ng gabi ay bukas pa ito kasi hindi pa 9am ,7+ palang.

Kumatok ako sa ilang katok ko ay walang nagtangkang bumukas nito kaya nilakasan ko. Ilang sandali lamang ay may ungol akong narinig sa loob ng bahay na para bang may sakit or something's bad happen. Kinutuban naman ako na may masamang nangyari sa mga magulang ko. ang kaba sa aking dibdib ay mahirap ipaliwanag sunod sunod ang malalakas na tibok nito at naririnig na rin mismo nang aking mga tenga.

Dali dali ko itong binuksan kinuha ko ang ekstra kong susi at binuksan ito nang mabuksan ko na ito ay tumambad sa aking harapan sina daddy at mommy na naliligo sa sarili nilang mga dugo . Lumaki ng bahagya ang aking mga mata dahil sa pagkagulat, Nahihirapan akong ipaliwanag ang aking emosyon sa mga oras na ito, halo halo ang emosyon na meron ako ngayon. Hindi ko namalayan na humagulgol na ako sa pag iyak grabe naman ang buhay ko lord ano ba to ?? Huuyy lord, birthday ko ngayon ba't puro pasakit ang regalo niyo sa akin kanina lang namatay na si mingming ko tapos ngayon sina daddy at mommy na naman wag naman po lord wag mo naman pong hayaan na mag isa nalang akong matitira sa mundo.

" Dad and mom ito ba ang sinasabi niyong kalahating handa niyo para sa birthday ko ngayon ba't sobrang pagsosorpresa tong binigay niyo sa akin na surprised ako!!!!" hagulgol kong sabi habang ako'y lumuluha grabe ka Naman lord wala na nga ang mingming ko pati ba naman sina mommy at daddy sila nalang ang meron ako lord !!

Hindi ko alam kung anong klaseng halimaw ang umatake sa bahay namin kitang kita ko sa aking bilugang mga mata ang mga malalaking sugat at malalaking mga pasa nito sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.

Habang umiiyak ako at hawak hawak ko ang ulo nang daddy at mommy ko, nakita kong bahagyang gumalaw si daddy at parang nasasaktan na sa mga sugat na natamo nito ngunit si mommy nawalan na siya hininga its means patay na siya . Bigla namang nagsalita si daddy habang ako ay walang tigil sa pag iyak.

"Pasen-sensya kana an-anak kung hin-hindi kana namin ma-mapagsisilbihan ito na ata ang huling sandali na mag-magkikita tayo promi-promise me anak th-that you will stay hum-humble, good , and smart itooo-oo ohhh!! Kunin mo ito, that bottles are potions anak lima yan hahh! Magag-gamit mo yan to hide your body diba wala kang pus-sod baka kung may pagkakataon na may maka-makakakita niyan magiging mapan-mapanganib ang bu-buhay mo " pamamaalam at pagpapaalala nito sa akin habang ako'y umiiyak kinuha ko naman ang limang botelya ng potion para sa aking tiyan na walang pusod wala pang nakakaalam na wala akong pusod even my closest friends kagaya nalamang nina dim at shiela.

"And ana-ak ca-call your friends now iwan niyo na kami you need na to go back to our world hindi na ligtas sa mu-mundo ng mga tao. Alam ko yon kasi may vision ako this past days that this will hap-happen so yun nga na-nangyari na nga and anak this is my last vision na ibibigay ko sayo anak this government will declare martial law maybe this we-week na ata kasi dahil sa mga dark fol-folks pero hindi ako sure ka-kasi malabo yung vision ko about du-dun" pagpapaliwanag ni daddy sa akin habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi umiyak, si daddy naman ay walang tigil sa pamimilipit sa sakit at nanghihina na .

"Ca-call yo-your friends anak please hur-hurry up now hin-hindi na ligtas dit-to baka may ide-idea na ata ang mga friends mo  and also your two classmate na best-bestfriend mo na rin on how to go ba-back to our world by-bye anak  " hanggang sa nalagutan na ito ng hininga bigla nalang silang nag laho na parang isang abo at sumabay sa hangin at ang abo nila ay tinangay palabas ng bintana..

" you will regret to what you did to my parents alam ko na kayo ang gumawa nito and i will make sure that everyone who's involved in doing this hideous crime will taste the fire of hell"galit na sabi ko naman habang kinikimkim ko ang isa kong kamao, alam ko na isa lang ang pwedeng gumawa ng kahindik-hindik na gawain na ito walang iba kundi ang hari at reyna ng agarthi kingdom kung hindi sana nila pinagbantaan sina mommy at daddy na papatawan nila ito ng parusang kamatayan ay hindi sana kami pupunta sa mundong ito at hindi sana nangyari ang lahat ng ito, edi sana nasa mapayapa kaming lugar kung saan kami nanggaling.

Babalik ako sa mundo namin at makikita nila ang paghihiganti ko sa kanila.

3rd person's POV

Dali daling nag empake si light at sinarado nito  ang bawat pintuan mga bintana at iba pa, ginamit naman niya ang potion na ibinigay ng daddy niya para takpan at gawan siya ng pusod ng pansamantala lamang, pinatakan niya ito ng isang patak at nagbago ang kanyang tiyan sa walang pusod hanggang sa nagkaroon ito ng pusod. Umalis ito kaagad para puntahan ang bahay nina shiela upang ipaalam ang nangyari sa kaniyang ina at ama. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan para mag teleport at bigla nalang itong naglaho.

Nang makarating na ito sa mansion kung saan nakatira si shiela. Si shiela ay anak ng isang mayamang negosyante at isa din ang kaniyang mga magulang na nabiktima at tumakas para lamang iligtas nito ang kanilang sarili sa reyna ng agarthi kingdom. Pinindot nito ang doorbell na malapit sa gate ng bahay ni shiela at sa hindi malaman na dahilan ay bigla nalang nawalan ng malay si light.

Shiela's POV

Habang nagnanonood ako ng Netflix sa aking malambot na kama ay may narinig akong tunog ng isang doorbell kaya inutusan ko si yaya na buksan ito kasi tinatamad akong bumangon masakit pa naman ang ulo ko dahil sa kakahintay kanina kay light sa clinic.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may kumatok sa aking pintuan nang mabilis na para bang nasa isang horror na movie. Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng aking kwarto.

" Ohhh yaya ba't kung makapag katok ka wagas" inis na sabi ko nakita ko naman sa mukha nito na para bang may nangyaring masama at nanginginig pa.

" Ahmm maam may nakahandusay po sa labas" sabi nito habang nanginginig na ikinagulat ko rin.

" Sino?" Malakas kong sigaw na ikinabigla niya ayyy ang OA kona.

"Isang lalaki po nakaputi ang damit at nakasalamin po" tugon niya kinutuban naman ako na baka si light yun kasi may eyeglasses siya at puti pa ang suot niya kanina kaya kinabahan ako. Dali dali akong lumabas at ng makarating na ako sa may gate ay binuksan ko ito. Tumambad sa aking harapan ang walang malay na si light at namumugto ang mga mata nito waitt umiyak ba siya ??? May nangyari ba??

" Manang tawagin niyo si manong dan at ipabuhat niyo sa kanya ang kaibigan ko" utos ko at sinunod naman niya ilang sandali lamang ay nakita kong tumakbo patungo sa direksyon namin si manong dan at binuhat niya kaagad ito at dinala.

"Dalhin mo siya sa guest room at yaya pakitawag yung mga iba pang yaya utusan mo sila na magdala ng maligamgam na tubig at pamunas and also damit para sa friend ko" utos ko sa kanila at agad naman nila akong sinunod. Pumunta ako sa direksyon ni mang dan, habang kinakarga niya ito at bakas sa mukha ni mang dan na hindi ito na nahihirapan o nabibigatan man lang.

" Maam alam niyo ba ang gaan gaan niya po, hindi po ba siya kumakain " takang tanong nito sa akin habang karga karga nito si light.

" Mang dan naman wag daw kayong magbiro alam kong malakas kayo kaya hindi kayo nabibigatan pero yang kaibigan ko kumakain talaga yan ng madami para nga yang hindi nakakain ng ilang taon kung kumain ehh ewan ko din ba kung bakit siya hindi tumataba" pagsasalaysay ko at tumatango lang si mang dan.

Nang makarating na kami sa guest room ay binuksan ko naman ang pinto at inihiga na ni mang dan si light sa malambot naming kama at umalis na ito, hinintay ko naman ang mga yaya na napag utusan ko pang kumuha ng mga ano ano para kay light hayss ang tagal nila. Habang naghihintay ako ay napagdesisyonan kong tawagan si dim at mom and dad narin at sabihin na nandito sa bahay si light sigurado akong matutuwa sila lalo na sina mommy and daddy, anak narin kasi ang turing niya sa dalawa.tinawagan ko muna si Dim, hinanap ko naman ang number niya sa contact list ko sa cellphone ko

"Hello shiela ba't ka napatawag??" sagot ni Dim sa telepono

"Nandito ngayon sa bahay ko si light nakita kasi naming nakahandusay na siya kanina sa gate na walang malay." Sabi ko sa kanya

" Ohh sige sige pupunta ako diyan and pwede diyan na rin ako matulog?" Tanong nito.

" Oo naman" pagsasang ayon ko sa tanong niya.

" Sige pupunta na ako diyan " sabi niya at agad naman niyang pinatay ang telepono niya. Malapit lang kasi ang bahay niya dito mga ilang hakbang lang.

Sinimulan ko namang tawagan si mommy. Hinanap ko naman ang contact number niya sa cp ko.

"Hello mama?" Sabi ko sa kanya

" ohh ba't ka napatawag shiela anak?" Tanong nito

" Ahhmm mahh nandito sa bahay si light nadatnan nalang kasi namin na walang malay kanina at nakahandusay sa harap ng gate"  sabi ko naman

" O sige sige pupunta na ako diyan" sabi ni mommy at bigla nalang nitong pinutol ang kanyang tawag sa akin.

Ilang sandali lamang ay nakarating na si Dim at grabe yung outfit niya ngayon pangtulog talaga at ang masaklap may twitty bird design pa tumawa naman ako ng bahagya nung makita ko ang kanyang suot. Pumasok na rin ang mga yaya at inalis nila ang damit si light.

" Shitt ang ganda ng katawan niya akala ko puro buto nalang meron diyan pero may pandesal din pala " sabi ko nang mahina at narinig naman ito ni dim na katabi ko lang at umiiling ito.

" Tama ka nga kung hindi kapatid ang turing niya sa akin, kanina pa ata ako tinitigasan sa kanya parang pantasiya siya nang lahat if nagkataon na wala siyang eyeglasses perfect na perfect na talaga siya wala kanang hahanapin sa kanya" mahabang sabi ni dim gaga pala ito buti nalang kapatid ang turing sa kanya ni light, bakla siya pero lalaki parin ang galaw niya . Habang pinupunasan ito ng mga yaya pati rin ang mga yaya ay namangha sa kagandahan meron si light kitang kita sa mga mata nila ang pagkamangha natural lang sino ba naman ang hindi mamamangha amoy strawberry pa maputi pa,pink pa yung labi ,may abs pa shitt this is what we call perfect physical appearance and ang masaklap pa sa lahat hindi siya nagkaroon ng acne not like me every months hahahahah.

Nang matapos na sila ay binihisan na nila ito at lumabas na nakita ko naman si mommy na dali daling pumasok sa pintuan.

"Ok lang ba siya??" Pag aalalang tanong nito.

"Ok naman po nawalan lang po nang malay alam niyo naman namatayan yan kanina ng pusa and wait speaking of nawalan ng malay saan sina tito at tita minerva?? "Takang tanong ko habang tumingin ako sa nakahilatang si light. Narinig naman namin na para bang nananaginip ito.

" mahhh pahhh wag niyo akong iwan " sabi nito habang natutulog bakas sa mukha nito ang lungkot hayys nakakaawa na talaga siya and wait is there's something happen kina tita thomas and tita minerva??.

Dali dali naman pumunta sa higaan ni light si mommy at hinawakan nito ang kamay ni light. Gumawa naman kami ng paraan ni dim pumunta rin kami sa higaan kung saan nakahilata si light at ginising namin ito .

"Light gisiing na !!" Panggigising ko kay light gumising naman ito at bigla bigla nalang itong bumangon na parang gulat na gulat.

" Sana ako??? " Sigaw at gulat na tanong nito.

" Wag kang mag aalala light nandito ka sa bahay namin" Sabi naman ni mommy kay light at nakita ko naman sa mukha ni light ang pagkalma at ilang sandali lamang ay parang naiiyak na ito

" Tita cristine wala na po sina mommy at daddy " sabi nito at umiyak na, nabigla naman kami sa mga sinabi niya.

" Papaano at sino ang may gawa??" Tanong ni mommy at bakas sa mukha ni mommy ang lungkot kasi mag kumare kasi ang mga mommy namin ni light at dim

" Hindi ko po alam nung pagpasok kolang po sa bahay namin imbes masurprise po ako sa mga handa nila sa akin nasurprise po ako na tumambad sa aking harapan na naliligo sila sa kanilang sariling mga dugo at buti nalang po naabutan ko pa po si daddy at may sinabi siyang mga pangitain na magdedeklara daw ng martial ang gobyerno dito sa pilipinas ng dahil sa mga dark folks at kailangan na raw po naming umalis nina dim at shiela at bumalik sa mundo ng agartha para daw safe kami nina dim at shiela kasi daw hindi na daw safe dito sabi ni daddy sa akin at yun po ang huli niyang mga sinabi at parehas na po silang naging abo." Pagsasalaysay ni light habang umiiyak nagdulot naman ito ng bahagyang pagkaba sa aming mga dibdib.

"Nakikiramay kami light" pakikiramay namin kay light tumingin naman siya sa amin at tumango naman kitang kita sa dalawa nitong mga ang lungkot at halo halong emosyon

"Ganon ba wag kang mag alala gagawa ako ng paraan upang makaapak na kayo sa mundo ng agartha ito na ata ang tamang oras upang sabihin ko kay shiela ang lahat and shiela gumising ka mamayang  5pm ng madaling araw may pag uusapan tayo" saad ni mommy at kita naman ang galak sa mga mukha ni light sa wakas makaka apak na kami sa mundo namin.

" And wait before that i just want to say that hindi kami makakasama ng daddy mo kayo lang tatlo ang pupunta and ikaw dim sabihan mo ang mommy mo na tamang panahon na sabihan mo nang ganun alam niya na yun kaagad." Sabi ni mommy at agad namang nag dial ng number si dim at tinawagan niya ito ilang sandali lamang ay  pinatay na ni dim ang kanyang cellphone at dali daling pumunta sa direksyon namin.

"Payag na daw siya sa sinasabi niyo at hindi din daw sila sasama" saad nito kita ko naman ang galak sa mukha ni dim sa wakas pati narin siya ay makakaapak narin sa mundo kung saan kami nanggaling.

" Wait lang may tatawagan lang akong mga kakilala ko na katulad din natin, tatanungin ko lang sila if may lagusan pa ang bukas" sabi ni mommy at lumabas na siya.

" Yes sa wakas makakaapak na rin tayo sa mundong yun" maligayang saad ko

" Oo nga ehh but wait if that so kailangan natin ng plan ?" Nakangiting saad ni light

" Oo nga what's the plan?" Tanong ni dim at tumango din ako na nagpapahiwatig na ganon din ang aking tanong.

Light's POV

Hayss sa wakas makakapunta na rin kami sa mundo ng agartha kung saan kami ng galing nina dim at shiela, matagal na namin yun pinangarap siguro hihinto muna ako sa pag aaral baka doon kona itutuloy ang pag aaral ko sa mundong iyon na kagaya ng ginawa nina kuya michael at kuya ethan nag aral sila doon kung paano i enhance ang kanilang kapangyarihan at magpalakas pero hindi nila binanggit sa akin kung anong paaralan sila ng mahika nag aaral i hope that sana if makapunta na kami doon sana bubungad sa harapan ko sina kuya.

" Dapat itigil muna natin ang pag aaral natin dito sa mundo ng non magical folks so that makaconcentrate tayo sa pagpunta natin doon"saad ko sa dalawa sa aking ynang hakbangin.

" I'm ready for that alangan naman pupunta tayo sa mundo ng agartha at babalik dito para mag aral hayss"tugon ni Dim na at tumawa naman kami

" Me too tama yung sinabi ni dim " natatawang singit na saad ni shiela. Ano pa kaya ang next na plano ko ???

" Ahmmm ohh before that we need to have some reasearch about our world yung totoo and reliable source of information talaga" saad ko ulit sa kanila patungkol sa pangalawa naming plano.

"Ahmmm Don't worry about that i can handle that nandyan naman si mommy magsisilbing google chrome natin hahahahh"natatawang saad ni shiela hayys gagang to nagpapatawa ba siya.

" Ok if that's so we need to packed our things right now" saad ko ulit sa dalawa.

" Don't worry ang mga yaya na ang gagawa and by the walang magdadala ng damit na noon pa niyo ginamit we need a new one i will just call yung mga yaya uutusan ko silang bumili ng mga damit and things natin for expedition" saad ni shiela na nagpangiwi sa amin ni dim.

" Hoy gaga ka anong akala mo sa pera pinupulot lang sa daan" wika ko kay shiela tumango tango din si dim at tumawa si shiela gaga siya sa bagay ang yaman yaman nila pala kaya ganyan siya kung makaasta.

"Hayyss nagpapatawa ka ba light? hindi mo ba ako kilala ? Hahahahh always spoiled " pagmamayabang ni shiela hayys shiela siguro kung maghihirap sila kagaya namin diyos ko baka isang oras palang extinct na tong si shiela.

" O sige sige na " pag susurender ko alam ko naman na hindi yan titigil sa pakikipagchukchakan sa akin if hindi ako titigil ehhh hahahah.

" Mga anak lahat ng mga kakilala ko na tinawagan ko kanina lang ang sagot nila ay sara na ang lahat ng lagusan.... " Biglang bungad ni tita christine at biglang itong naputol ng sumigaw si shiela hayys OA talaga nitong gagang to.

" Ano!!!!!!??" Sigaw na saad ni shiela at bigla bigla nalang itong binatukan ni tita christine at tumawa kami ni dim buti nga sa kanya hahahaha.

"Aray ko naman mommy!!" Daing nito habang sapo sapo nito ang kanyang ulo hahahah.

"Patapusin mo muna ako ok don't be so rude " kunot noo na wika ni tita christine kay shiela at tumahimik naman ang bruha.

" so yun na nga wala ng daanan papunta doon sa agartha pero meron isa pang way " tumigil muna si tita Cristine sa pagsasalita at tumikhim ito.

" Ano po yung isang way na sinasabi niyo para makapunta doon??" Pagtatanong ko habang nakatingin ako sa kanya same with dim and shiela bakas din sa mukha ng dalawa ang ekrespresiyon nila na patanong.

" So ito na nga ang way nayun mahirap siya baka ikapahamak niyo pa iyon at ayaw ko kayong mapahamak ngunit kailangan niyo nang makabalik ngayon sa mundong yun nangangamoy panganib ang mundo ng mga tao " mahabang sabi ni tita Christine na nagpangamba sa amin so totoo pala ang mga pangitain ni daddy na may panganib na darating.

" So kailangan niyong hanapin ang libro ng celementum, makikita lang ang librong ito sa beinecke rare book and manuscript library sa america " saad ulit ni tita cristine napa ohhh kami hayyss ang layo pero mabuti na rin yun kaysa sa wala.

" Ano pong gagawin namin sa book???" Patanong na sabi ni dim tumingin naman si tita christine kay dim

" Good question, nanakawin niyo ang book nayun at pag aaralan niyo ang nakasaad na spell doon ang spell na nakalagay doon ay siyang susi upang mabuksan ang lagusan. Dapat gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo dahil iyon nalang ang kaisa isang libro sa mundo ng mga tao na siyang nag iisang susi upang mabuksan ang lagusan ng walang pahintulot sa hari ng agarthi kingdom, ang hari ng agarthi lang kasi ang may hawak ng control sa mga lagusan and about pala sa mga lagusan na papunta don we just had seven ways para makapunta doon ,ang waterfalls , puno ng balete , portal, vortex, southpole and northpole pero ang bad news nga that this seven ways are totally closed na so you need get the book para mabuksan ang ways na ito pero magagamit niyo lang ang book na ito para maopen ang south pole ito lang ang use ng book ng celementum ,pasalamat tayo na meron pang ways. After niyong nakawin ang book of celementum basahin niyo ang mga nakalagay dito may instructions na nakasaad dito and after you read it you must need to hurry and go for another trip papunta sa chile and dumeretso na kayo kaagad sa punta arenas airport sa chile and mag book kayo ng flight para makapunta sa Antarctica and you need to have a long expedition sa Antarctica, you need to find the trans antactica mountain at doon sa bundok na iyon, basahin niyo yung spell na nakasaad saad sa book ng celementum at mag bubukas doon ang portal ok." Mahabang paliwanag ni tita christine hayss ang hirap naman nito shiit parang gusto ko nang sumuko.

" Any way don't worry about sa budget ako na ang bahala doon you just need to do your task" dagdag na saad ni tita at tumango naman kami.

" And matulog na kayo you need to gain your energy kasi bukas na yung flight sa hapon pa and alam ko shiela na maarte ka sa damit kaya yun pinabilhan na kita at kayo din ng damit and wag na kayong mag aral dito ok " dagdag na saad ulit ni tita christine ngumiti naman si shiela hayysss kilalang kilala na talaga siya ng mommy niya hahahahaha. Lumabas na kaagad si tita christine

" Ohhh dito nalang kami matutulog ni dim hah para may sleep over tayo hahahah missed ko na ito" masayang sabi ni shiela at tumango naman yung isa hahahahahh

" O sige mas mabuti na yun kasi hindi ako sanay sa kwartong to ang laki parang kasing laki na nang bahay namin" pagpapatawa ko sa kanila tumawa nman sila ayyyhahahahahha.

"O sige tabi tabi nalang tayo hahahah parang yung noon" sabi ni dim ahyys oo nga pala nakakamissed pala yun hahahaha. Humiga na silang dalawa

" Good night" nakangiting sagot ko hindi ko maiwasan lumuha ng isang patak ng luha at sumingot ako .

" Umiiyak ka ba light?? " Tanong ni dim at niyakap ako ayyy bata pa talaga tong gagang baklang to pero hindi porket bakla siya literal na bakla na talaga siya no!! Hindi siya ganun yun bang parang cross dresser, lalaki parin yung ayos at postura niya .

" Ahhh wala lang to sigi na matulog nalang tayo" pag aanyaya ko nakatulog naman sila si dim niyakap lang ako habang nakatulog tapos same din si shiela yumakap din sa likod ni dim na para kaming mga bata hahahah.

Hindi ko maiwasan maluha ulit dahil inaalala ko ang kasuklamsuklam na pangyayari sa araw na ito. Ang 18th birthday kona ata ang pinaka malas na birthday sa buong buhay ko nawala pa si ming ming sumunod naman sina mommy and daddy hayys anong klaseng buhay to ano pang rason para mabuhay ako.

Shiela's POV

Alam kong umiiyak si light, ramdam ko ang kanyang emosyon ngayon wala akong empathy abilities na kayang maramdaman lahat ng emosyon meron siya. Pero sa galaw niya at pagsasalita niya kanina ay ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya.

Alam kong lumuluha siya ngayon, ilang sandali lamang ay nakarinig ako ng mga butil ng tubig sa labas

" Umuulan " sabi ko sa aking isipan habang nakapikit ang aking dalawang mata. Madalas kasi kapag galit o nalulungkot si light sumasabay ang kalikasan sa emosyon na meron siya nag tataka na nga kami ni dim kung ano ba talaga siya minsan ko na ngang tinanong at sinabi kay mommy kung anong klaseng kapangyarihan meron si light ang sagot naman niya ay mahiwaga siya yun lang paulit paulit na sagot niya kapag tinatanong ko siya about sa abilities ni light na cucurious ako. sana sa pagdating namin sa agartha malalaman namin kung ano ang kanyang official abilities kasi mismo kahit siya nahihirapan narin.

Hindi din namin sinabi sa kanya ang nangyari kanina, nakakatakot siya kanina nung nakipagsuntukan at nakipag away siya kay Bernadette ayaw namin munang malaman niya iyon baka maguluhan lang siya.

Ilang sandali lamang ay nakatulog na ako.

3rd person's POV

Habang natutulog ang tatlo na parang mga bata na nasa iisang kama lang at nakayakap sa Isa't isa ay binuksan kaunti ni Cristine ang pinto ngumiti ito.

" Namissed ko talagang pagmasdan kayong tatlo na ganito" sabi niya ng mahina habang nakangiti.

" Wag kayong mag alala malapit na kayong makatapak sa mundo natin" sabi niya ulit

" Kataas taasang bathala sana ay gabayan niyo. Silang tatlo lalo na si light na isang mahiwagang nilalang na kahit kami nina thomas at minerva ay nahihiwagaan sa kanya" panalangin nito habang nakatitig sa taas ng kisame at sinara niya ulit ang pintuan at umalis na.

Shiela's POV

Nagising ako at tinignan ang orasan

" Shittt 5:00pm na may pag uuusapan pa kami ni mommy" mahinang saad ko at umalis ng dahan dahan sa kama para hindi magising ang dalawa pinagmasdan ko naman ang dalawa ang cute nilang dalawa parang mga bata na nakayakap. Ito namang si dim buti kapatid lang ang turing niya kay light kung hindi kakaltusan ko talaga sa ulo ito. Sa pagkakayakap niya kay light parang may something hahahahah manyakis hahahah.

Lumabas na ako kaagad at hinanap si mommy nakita ko naman ito sa dining room namin na nagtsatsaa kasama si papa.

" Ohhh anak umupo ka dito may pag uusapan tayo ni daddy mo kasama ka about sa pagpunta niyo ngayon sa Agartha" biglang saad ni mama at dali dali akong umupo. Nag simula ng mag salita si papa at mama about sa mga impormasyon na kailangan kong malaman.

Light's POV

Paggising ko nakita ko nalang si dim Na pinagmamasdan ako yakks ang baklang ito ang manyak.

"Ang cute cute mo siguro kung hindi lang kapatid ang turing mo sa akin gagawin na kitang jowa at ipapakasal kita hahahah." Natatawang saad nito.

" Manyakkkk" bulyaw ko sa kanya tumawa naman siya.

" Totoo yun jwk hahahha" natatawang sabi niya at hinawakan niya ako sa kamay at bumitaw naman ako hahahahah shittt ang bakla

" Che halika na daw labas na tayo " saad ko at lumabas na kami at sumunod naman siya pagdating namin nakita kong nanonood ng television sina tita at tito nakita ko naman na nandon si shiela sa dining room.

"Ohhh light and dim kain na " pag aanyaya ni shiela at umupo naman kami ang dami namang pagkain ang mahal siguro nito kumain ako na para bang may boodle fight hahahahah.

" Hoyy gaga dahan dahan lang baka mabulunan ka hahahah" natatawang saad ni shiela nakita ko naman na natatawa silang dalawa shitty nakakahiya. Dinahan dahan ko naman ang pag kain.

" Hayys ang cute cute mo kapag nahihiya hahahah." Natatawang saad ni shiela. Hayys

" BELATED HAPPY BIRTHDAY IHO" biglang saad ng kung sino ng tumalikod ako nakita ko si tito ferdinand na may dalang cake.

" Tito naman nag abala pa po kayo" wika ko sa kanya.

" Ok lang yun pasensya ka na late na yung handa namin" pagpapaumanhin nito

" Ok lang naman po tito ehhheheheh" natatawang saad ko

" Salamat nga po pala sa handa"pagpapasalamat ko kay tito at kinuha ko ang cake at hinipan nagwish ako na sana maging ok ang lahat at naluha na naman ako.

Nakita ko naman na naluluha naman sina dim at shiela

" Gaga ka ba't ako umiiyak" naluluhang saad ni shiela at si dim naman tumingin lang sa akin na naluluha din.

" Abay malay ko ba ikaw naman ang umiyak hindi naman kita ininvite" natatawa kong saad habang naluluha natawa naman sila kaya yun pagkatapos ng pagluha ko ay pinunasan na namin ang mga luha namin hayys ang oa na namin

" Wag kang mag alala magiging ok lang ang lahat light nandito pa naman kami light hindi ka nag iisa simula ngayon dito kana sa puder ko ako at ang tito mo ang mag aalaga sayo" bungad na sabi ni tita christine at niyakap ako at sumunod naman ang iba at nag form kami ng group hug.

" Wag kanang umiyak uulan na naman niyan , maawa ka naman sa mga labandera dito mababasa lang ang mga nilalabhan nila" pagtatawa ni tita christine natawa naman sila waittt ganon ba talaga ako kapag umiiyak ang weird pero baka nagkataon lang hahahah.

Pagkatapos nun humiwalay na sila sa pagkakayap sa akin.

" O sige tapusin niyo nayan at pagkatapos mo light may ibibigay ako sayo ." Sabi ni tita cristine at bumalik ulit sa pagkakaupo upang manood ng telebisyon. Kumain naman kami pati yung cake kinain narin namin

" Flash report ang pangulo ng pilipinas mag dedeklara ng martial law sa  susunod na linggo pati ibang bansa susunod narin dahil sa mga teroristang pinapatay ang mga inosente. Kaya ang iba't ibang bansa na kasapi ng ASEAN ay alerto ngayon at posibleng magdedeklara na rin sila ng state of emergency." Sabi sa balita at nagpangamba sa amin ibig sabihin totoo ang sinabi ni papa na mag dedeklara ng martial law ang bansang ito at bakit terorista ang punot dulo nito hindi ba dapat mga dark folks??

" Yan na nga ba ang sinasabi ko mangangamoy panganib ang mundong ito and hindi yan mga terorista ang dahilan, mga dark folks yan they are just pretending to be a terrorist para walang makahalata na they are from agartha" mag isang sabi ni tita Christine habang nanonood ng balita so its means totoo nga ang pangitain ni daddy. Bumaling naman ang tingin ni tita cristine sa amin habang kami ay kumakain

" Kailangan niyo nang makaalis dito sa madaling panahon hindi non magical folks ang pakay ng mga dark folks nararamdaman ko iyon, ang pakay nila ay tayong mga magical folks lalo na tayong mga light folks" wika ni tita sa amin na nagpakaba sa amin

" So mom ba't ayaw niyong sumama sa amin?" nag aalalang tanong ni shiela.

" Hindi na anak may gagawin pa kami dito ng daddy mo, we can handle this wag kang mag alala baka susunod kami sa inyo maybe one year or months pa hihintayin nalang namin ang lagusan na muling magbubukas " nakangiting sabi ni tita cristine para kumalma si shiela alam kong nag alala si shiela.

" Light tapos ka naba sa pagkain" baling na tanong sa akin ni tita cristine

" Opo " tugon ko at niligpit na ng mga yaya ang mga plato at baso at utensils

" Halika dito may ibibigay ako." Saad nito at lumapit ako sa kanya at umupo sa couch at humarap sa kanya nakita ko namang nagliwanag ang mata niya at palad niya at bigla nalang lumitaw ang isang bagay sa kanyang mga palad. Napa ohhh naman ako wow anong klaseng kapangyarihan meron si tita Christine.

" Ito ohhh mga papeles at passport mo nandyan na din lahat ng kailangan mo including visa para sa flight niyo mamaya" sabi niya at binigay niya sa akin wow grabe unbelievable paano niya nagawa yun.

" Hoy bunganga mo light mapapasukan yan ng langaw ang kapangyarihan ng mommy she can make the impossible to possible in very limited way kasi mana ang mauubos niyan kapag meron ka niyan kagaya kay mommy" pagpapaliwanag ni shiela wow amazing ganito pala ang kapangyarihan ni tita cristine.

"Tama si shiela" saad naman ni dim

" Ohhh wag na kayong mag daldalan diyan mag empake na kayo dalhin niyo lang yung mga importante, yung mga damit niyo iwan niyo na dito may bago kayong damit pinabili ko pa sa mga yaya ko baka dadating na yun sila dito galing sa mall para i empake ang mga gamit niyo dahil this 3:00 pm na yung flight niyo papunta sa new york city sa America lalapag kayo sa john f. Kennedy international airport at wag na kayong mag tanong ng ano ano pa sinabi ko na lahat kanina kay shiela lahat ng mga nalalaman ko patungkol sa mundo natin and  about sa trip niyo don't worry and by the way pala kapag makapasok na kayo sa mundo natin may mag susundo sa inyo alam kong kilala niyo siya and after nun inutusan ko narin yung magsusundo sa inyo na pag aralin kayo sa  LUX IMPERIUM ACADEMY isang paaralan sa mundo ng agartha they teaches magic." Mahabang lintaya ni tita cristine napa ohhh naman kami its mean mag aaral kami dun at magic pa talaga ang pag aaralan namin yess

" Yessss" masayang saad ni shiela at dim sumabay na rin ako sa kanila hahahah. Sa wakas

Abangan....