3rd person's POV
Nang makarating na sila sa The langham hotel isang tanyag na hotel sa buong america. Namangha si light, sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakaranas na tumira ng pansalamantala sa isang maganda at napakagarang hotel at ang masaklap pa ang kanilang hotel na nirentahan ay 5 star hotel medyo masakit sa bulsa ni light ang maggastos at magwalwal ng pera ng ganong halaga. Pero hindi niya na iyon pinoproblema pa dahil sagot na mismo ni shiela ang kanilang bayarin sa hotel na iyon.
Sa sobrang pag kamangha ni light na pa ohhh lang ang hugis ng kanyang bibig, sina shiela at dim naman ay natatawa lang sa reaksyong ni light na para bang taong bundok na first time lang makakita nito.
" Hoy light bibig mo" natatawang saad ni shiel kay light, nakabalik naman sa ulirat si light at nahiya naman ito.
" Ang cute mo talaga kapag ganyan" puri ni shiela kay light.
" Ahhhm ang ganda kasi dito ehhh" pagrarason ni light.
" Ahhh ganon ba kaya pala nakabukas yang bibig mo wag monang ulitin yan hahhh baka may langaw na papasok diyan sa bibig mo" natatawang sabi ni shiela at pati narin si dim ay tawang tawa na rin. Puro tawa at halakhak na lang ang maririnig sa room kanilang nirentahan.
" Chehhh bilisan niyo na daw para magawa na natin ang misyon natin ngayon I'm so excited to back to our world and also I wonder what it's look like kyahhh" wika ni light habang parang isang kangaroo na nagtatalbog talbog sa sahig .
Inilagay na nila ang kanilang mga kagamitan sa gilid hindi na nila ito inayos dahil pagkatapos ng kanilang misyon na kunin ang libro ng celementum ay tutungo na sila pabalik sa airport para bumiyahe papuntang chile upang puntahan ang punta arenas airport. Sa airport na iyon ay may isang eroplano ang maghahatid sa kanila papunta sa Antarctica.
Kumain muna sila para magkaroon sila ng sapat na lakas upang gawin ang kanilang mission pero bago nila gawin ang misyon na iyon ay gagawa muna sila ng plano.
" By the way pala dim and light pag nakapunta na tayo sa chile puntahan muna natin ang mall para bumili ng mga gamit alam niyo na!! for Antarctica expedition I'm so excited" masayang saad ni shiela at tumango naman ang dalawa.
" So what's the plan on how to get the book of celementum? " Tanong ni dim sa dalawa tumingin naman ang dalawa.
Light's POV
"Ahmmm ganito mag huhood tayo and mask na rin para hindi tayo makilala and i will use my teleportation ability para makapasok tayo kaagad, diba sunday ngayon so nakasara sila and tulungan niyo akong maghanap wag puro ako, alam kong tamad kayong dalawa ." Saad ko sa kanila alam ko namang tinatamad yang dalawa na yan.
"Do you have any idea kung ano ang itsura ng library na iyon??" Mabilis kong tanong sa kanila habang kumakain.
" Ahhm yes ito siya ohhh!!" Tugon ni shiela at ipinakita niya sa akin ang picture na nakalagay sa kanyang cellphone.
"Ohhh grabe yung infrastructure design ng library na yan ang ganda, i search mo daw kung ano ang itsura sa loob so that may idea na tayo kung paano ang itsura ng loob bilis " naiinip na utos ko sa knaya at bigla naman niya itong iniscroll at binigay niya ulit sa akin woooh ang ganda ng loob.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na kami at nagsuot ng damit at sinuot din namin ang mga jacket namin na may hoods at nag mask din kami hahahah mission unstoppable talaga at para kaming mga ninja. Kinuha ko naman ang magic bag na binigay sa akin ni tita para itago ang book sa magic bag.
" Ohhh handa na ba kayo " saad ko sa kanila at nag circle form kami at tinaas naman nila ang kanilang mga kamay
" For agartha mga baklita mabuhay!!!" Sigaw namin at pinag isa at pinagpatong patong namin ang aming mga kamay hahahah parang team work lang.
Lumabas na kami ng room namin ang mga tao naman na nasa loob ng hotel halos up and down ang titig sa amin hahahah. Nagtataka ata sila kung bakit nag mumukha kaming mga ninja. Yung mga titig nila kung nakakamatay lang kanina pa kami pinaglamayan. ako naman patagong tumatawa habang suot ang mask. Lalabas na sana kami ng exit door pero yung guard tsismoso.
" Heyyy, are the three of you will go in a party??" Natatawang sabi nito na parang nanglalait, ang tanda tanda na akala niya ikinaganda niya ang panglalait niya hahahhaha . Hindi na namin siya pinansin at itutuloy na sana namin ang naudlot na paglabas pero pinigilan kami ng matandng security na ito.
" Excuse me can you plss get out of our way " naiiritang saad ni shiela galit na ata siya.
" Ohhhh don't be so harsh, I'm just asking why the three of you wearing that kind of clothes ?? It's like the three of you, are going to a taping for an action movie hahahha" panglalait ng matandang ito buti matangkad to kung hindi sasabunutan ko talaga siya.
" Tskk, i don't care and plss stop insulting us or else i will call your manager!! " Naiinis na pagbabanta ni shiela hhahahah grabe siya. Pinadaan kami kaagad natakot si tanda gahahah.
"Hayyys tandang yun kung makapang lait akala mo ang gwapo !!! "Naiinis na wika ni shiela at parang bumubulusok na ito sa galit hahahah.
" Sinabi mo pa halina na kayo bilis sakay" saad ko at sumakay na kami ng bus papuntang beinecke rare book and manuscript library.
Habang nakasakay kami pinagtitinginan din kami ng mga tao sa loob ng bus hayyss nakaka awkward ang atmosphere dito hayys.
" Dim, light yung code pala ng book of celementum sa library na yun is beinecke ms 1000 tandaan niyo yun wag kayong maging ulyanin"seryosong wika ni shiela sa amin at tumango naman kami.
Apat na oras ang biyahe namin papuntang beinecke rare book and manuscript library, napakatagal kaya, kaya yun nakatulog ako ng wala sa oras.
" Huyy light gising na " panggigising sa akin ni dim habang ginalaw galaw at tinatapik tapik niya ako. Minulat ko naman ang aking mga mata.
" Malapit na tayo mag ayos ayos kana diyan. " Pagsasabi niya at nag ayos ayos na ako.
" Ohhh nandito na tayo"sabi niya sa amin at pinababa na kami sa bus napa ohhh naman ako grabe iba talaga kapag sa personal mo makikita ang mga bagay bagay. Napakalaki nito at hugis rectangle pa ang building wow.
Lumakad naman kami patungo sa harapan ng building pero hindi muna kami pumasok kasi may sasabihin muna ako sa kanila.
"So guys hahhh pag pasok natin doon, ako maghahanap ako ng book sa middle ng mga book shelf kayong dalawa naman ay sa dulo ok dapat mag hiwalay hiwalay muna tayo" seryosong wika ko sa kanila at bilang tugon sa aking mga sinabi ay tumngo naman sila.
" And wait pala ano yung itsura ng book" dagdag na tanong ko at kinuha naman ni shiela ang bag niya at may kinuhang isang bagay. Nang makuha niya na ito ay inilabas niya ito at ipinakita sa amin.
" Ahhhh yan so tandaan niyo hahh may diyamanteng ruby siya sa may bandang itaas ng cover niya ok" seryoso pagpapaalala ko sa kanila.
" Light wait paano kung may makahuli sa atin" seryosong tanong ni dim at tumingin din sa gawi ko si shiela bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Ano kaya ang gagawin ko?? Ahhh alam ko na!!
" Ahmmm good question ang gagawin niyo pumunta kayo o tumakbo kayo sa middle book shelf kung saan ako nag hahanap and sabihan niyo ako na may humahabol sa inyo so that agad agad kong magagamit yung teleportation ability ko para makalabas tayo. " Seryosong saad ko sa kanila, mula kanina na bakas ang pag alala sa mukha nila ay dahan dahan itong napawi.
" Kapag nakuha niyo na o sino man sa atin ang makakakuha ng libro tumakbo kayo kaagad papunta sa akin ok para maitago natin yung libro na yun sa magic bag"pagpapa alala ko at tumango naman sila .
" So hawakan niyo ako papasok na tayo bilis."Naiinip kong utos sa kanila I'm so excited na makapunta sa mundo namin, i can't wait.
Hinawakan naman nila ako at bigla nalang kaming naglaho at pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang 6th floor na palapag ng bookshelf shittt ang dami nito paano namin mahahanap yung book of celementum kung ganito kadami ang libro meron dito.
" Shittt ang dami paano na to ??." Pagmumura ni dim bakas sa mukha nilang dalawa na parang namumutla na sila at nakita ko namang nanginginig na ang dalawang braso ni shiela
" Wag kayong mag alala, hanapin nalang natin ang libro habang wala pang tao dito" nangangamba kong sabi sa kanila, kinakabahan ako dahil baka mahuli kami at makulong sa pinaggagawa namin.
"Kamay niyo dali magteteleport tayo sa pinakamataas na palapag" utos ko sa kanila at inilahad naman nila ang kanilang kamay at hinawakan ko naman ang dalawa nilang kamay at naglaho kami at iniluwa kami nito sa pinakataas shittt nasa side ako shitt nakakalula ang taas. Nakakaimbiyerna ang mission na ito. Hindi na kami nagdalawang isip pa itinuloy na namin ang paghahanap at naghiwalay na kami si dim at shiela naman ay pumunta sa dulo ng bookshelf at ako naman ay nasa middle lang.
3rd person's POV
Palinga linga naman ang tatlo hawak dito galaw doon ng mga libro at halos masira na ang arrangement ng mga libro dahil sa kanilang paggalugad sa bawat book shelf. Si dim naman ay walang humpay sa paghahanap sa dami ng librong kanyang ginalugad ay nawawalan na ito ng pag asa pa. Pare pareho ang nasa isipan nila ngayon na bumabagabag na wala na silang pag asa pang mahanap ang libro ng celementum. Sa dami ng libro na nagmula pa sa iba't ibang lugar at iba't ibang panahon ang nakatago dito , hingal na hingal na ang tatlo sa paghahanap. Si light naman ay hindi sumusuko halos masira na nito ang mga libro para lamang mahanap niya ang libro ng celementum. Ilang sandali lamang ay may narinig siyang parang may tumatawag sa kaniya na parang boses ng isang dalagang babae.
" Light nandito ako light" tawag sa kanya ng kung sino
" Sino yan ??" Sabi ni light at hinanap niya ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
" Light nandito ako ilang taon na akong nakatago dito sa lugar na ito" sabi ng boses na tumawag sa kanya kaniya
" Sino ka?? " Pagtatanong niya sa boses na kanyang narinig kani kanina lamang.
" Ako ito ang hinahanap mo" wika ng boses ng dalaga. Dali dali niya itong ginalugad wala na siyang pake kung may masira pang mga libro. Ang mahanap lang ang libro ay ang kanyang layunin, desperadong desperado na siyang hanapin ang pinanggagalingan ng libro. Ilang sandali lamang ay nakita niya ito sa may pinakadulong gitna ng bookshelf, agad agad niya itong kinuha at namangaha siya sa disenyo ng libro.
" Wow ang ganda mo " bulalas nito
" Who's there???" Biglang saad ng isang baritonong boses.
" Shitt narinig niya ata ako" pagmumura ni light at napakamot nalang ng ulo si light at inilagay niya kaagad ang libro sa magic bag at agad itong tumayo.
Nakarinig siya ng parang may tumatakbong yapak at papalapit ng papalapit ito sa kanyang direksyon kaya naman na alerto siya at hinanda niya na ang ninja moves Niya. Ilang sandali lang ay nakita niyang tumatakbo ang dalawa papunta sa kanya ang akala niya ay mga tagabantay ng library na ito ang tumatakbo papunta sa kanya.
" Nahanap mo na ba ? " sabay na tanong ng dalawa habang hingal na hingal bakas sa mukha nina dim at shiela ang pagod tumutulo narin ang mga butil ng pawis sa kanilang noo.
" Oo nahanap ko na wag na kayong mag alala" nakangiting saad ni light, humupa naman ang pangamba ng dalawa at ngumiti agad sila.
" Get them faster !!! " Sigaw ng kung sino at binaling ng tatlo ang tingin nila sa sigaw na kanilang narinig. Napa ohhh naman sila
" Bilis light mag teleport kana " mabilis na utos ni shiela at humawak na ang dalawa sa balikat ni light. Sinubukan na ni light ang pagteleport ngunit hindi ito gumana dahil hindi siya makaconcentrate dahil siya'y kinakabahan.
" Hindi ko magawa " nangangambang sabi ni light
" Tangina gawin mona baka mahuli nila tayo" pagmumurang sabi ni shiela nakita naman ni light na papalapit na ang mga guwardiya ng library.
"Sige i will try promise" pag papangako ni light at nagconcentrate na siya at bigla nalang silang naglaho.
"Shittt how did they do that??" Galit na tanong ng guwardiya, galit na galit ito nanlilisik ang mgamata nito, ang mga kasamahan nitong mga guwardiya ay manghang mangha sa kanilang nakita.
Light's POV
Nagconcentrate ako at inisip ang hotel at biglang nalang kaming naglaho binuksan ko ang aking dalawang bilugang mga mata at tumambad sa akin ang room ng hotel na nirentahan namin.
" Gaga ka tinakot mo kami kanina hahh akala ko mahuhuli na tayo hayyss" wika ni shiela at natawa naman si dim same with me tinawanan ko din siya.
" Ang Oa mo kasi" pang aasar ko.
" Grabe ka hah makapangyarihan kana talaga nakakapagteleport kana sa malalayo kagaya nito from beinecke library nagteleport ka papunta dito woooww" namamanghang saad ni shiela at tinawanan lang namin siya
" Wait saan na yung libro??" singit na Tanong ni dim binuksan ko naman ang magic bag at wala ito dito haisst nakalimutan ko pala na dapat pala sabihin ang magic word nayun para makita ko ang laman nito nandito din ang potion para sa tiyan ko.
"Vilaum sapartiri" pagwiwika ko sa magic bag habang hawak hawak ko ito. Bigla namang lumuwa ang potion ko at ang book of celementum kinuha ko ang book at sinara ulit ang magic bag.
" Ohh ito" sabi ko at ipinakita sa kanila.
" Wow ang ganda sa personal" namamanghang saad ni shiela at si dim naman napa ohh nalang.
"Buksan mo daw at basahin natin" utos ni shiela at umupo na kami sa couch at binuksan namin.
" The book of celementum" basa namin sa first page ng libro at inopen ang kasunod nitong pahina.
" Instructions : kung may tanong kayo ay isulat lamang sa blangkong pahina na ito ang inyong tanong. At lalabas ang sagot" basa namin sa panuto ng libro.
" Dim kumuha ka ng ballpen bilis" mabilis na utos ko sa kanya at hinalungkat naman niya ang kanyang mga gamit at binigay niya sa akin ang ballpen sinulat ko ang tanong ko
" Paano mabubuksan ang portal sa Antarctica patungong agartha?" Sabi ko sa aking isipan at isinulat ko ito sa blankong pahina ng libro. Nagliwanag ito at lumutang, sa sobrang liwanag nito ay napatakip kami ng aming mga mata. Ilang sandali lang ay nahulog ito sa mesa at nakita kong may nakasulat dito at dalidali naming itong nilapitan at basahin.
"Magtungo sa bundok ng trans Antarctica mountain at kapag narating niyo na ang bundok na iyon ay sabihin at bigkasin niyo ang salitang ito:
Aperire portas et da viam meam debet
At lagyan ng malinis na dugo ang diyamanteng ruby sa unahan ng libro, ito'y magsisilbing pasasalamat sa libro. Pagkatapos mong lagyan ang libro ng iyong malinis na dugo ay bubukas ang lagusan sa mundo ng agartha ang mundo ng hiwaga." Basa namin sa libro at sumara ito nang mag isa at nilagay ko agad agad ang book sa magic bag ko para safe . Napatingin naman kaming tatlo sa Isa't isa.
" Ohhh ano magtitinginan nalang ba tayo dito??" tanong ni shiela
" Shiela nakapagbook ka na ba ng flight papuntang chile?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin kaming tatlo sa Isa't isa na parang may pinag iisipan.
"Yes light tapos na and Don't worry about sa flight na tin papuntang Antarctica i can handle that" paninigurado ni shiela at tumayo na kami at dumiretso muna ako sa cr para lagyan ng isang patak ng potion ang tyan ko. Ilang oras nalang kasi mawawalan na ng bisa ang potion na nilagay ko nung last time. Pag katapos kong pinatakan ng potion ang tyan ko ay dali dali akong lumabas.
Kinuha ko ang mga kagamitan namin at nilagay muna sa isang place , ichecheck sana namin kung kompleto na ba para hindi kami magkakaaberya papunta ng chile kyahhhh I'm so excited tiis lang light malapit na and i hope na sana walang sagabal.
" Ohhh !! Kompleto na. Halina na kayo " wika ni shiela sa amin at nag simula na kaming lumabas dala dala ang mga kagamitan na kailangan namin. Most especially yung book of celementum.
Nag abang muna kami ng taxi at ilang sandali lamang ay nakasakay na kami.
Fast forward...
Nakarating na kami sa santiago ang capital city ng chile. Wala namang sagabal o aberyang nangyari sa aming flight.
"Light , Dim kailangan nating bumili nang mga kagamitan na kakailanganin natin sa Antarctica. Bibili na rin tayo ng tent dome , jacket , gloves alam niyo pangontra sa lamig and also mga pagkain " mabahang wika ni shiela hayyss ito na naman siya. Alam kasi naming hindi lang yan ang bibilhin niya hahahahah.
" Hoy shiela kung anong kailangan na tin yun lang yung bibilhin na tin hahh hindi tayo nag bakasyon para gawin yan" pagpapaalala ko sa kanya, habang kami ay naglalakad papuntang mall ay may isang matandang biglang kumuha ng aking kamay at binuklat niya ang aking palad kitang kita ko na parang sinusuri niya ang aking palad.
"your life is in danger, but the danger you take will bring peace to the world."makahulugang sabi nito na nagpakaba sa akin parang may masamang pangitain itong si lola ahh!! at tiningnan ko naman sina dim at shiela na nagtataka kung bakit ito ginagawa sa akin ni lola.
"Ahmm sorry but i don't understand what you're talking about" pagpapaumanhin ko at inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinuntahan naman ako ng dalawang bruhilda kong friends.
" Light anong sinabi niya?" Nagtatakang tanong ni shiela sa akin at tumingin naman ako sa kanya.
" Hindi ko alam ang lalim lalim kasi ng sinabi niya" tugon ko sa kanya habang palinga linga ako ulit para hanapin ang matanda. Nakakapagtaka lang na ang bilis maglakad ng matanda hindi ko na siya na kita.
Fast forward...
••••
Nandito na kami ngayon sa punta arenas airport almost 2 hours ang biyahe namin papunta dito. Nabili na rin namin ang mga kinakailangan na min yung mga jacket at iba pa. Napakalamig na nga dito nanginginig na ako hindi pa nga kami nakakapunta sa Antarctica nanlalamig na kami what more nalang kaya kapag nandoon na. Sinuot na namin ang mga jacket at iba't iba pang pangontra sa lamig. Kani kaninan lang ay nagsalita muna ang magdadala sa amin doon nag salita siya patungkol sa antarctica as an introduction muna and then may mga rules na dapat sundin and so on so forth.
Nakasakay na kami sa eroplano iilan lang kaming pasahero ang nandito yung ibang pasahero mga researcher, maybe they are given task or something that's why pupunta sila doon parang lahat ata ng pasahero dito sa eroplanong ito ay may kanya kanyang purpose kung bakit sila pupunta sa antarctica. Ang alam nila sa amin ay tourist lang kami pero ang hindi nila alam we have also a mission that soon to be finish.
Walang kumikibo sa aming tatlo tahimik lang ang biyahe hanggang sa hindi kona namalayan na naidlip na pala ako dahil sa sobrang pagod simula umaga ay wala kaming rest kaya ito naidlip ako.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Bago tayo magpatayan may isang kondisyon, hindi naman ako papatay nang isang manlilikha kung walang premyo diba, kilalang kilala mo naman ako diba kapatid ko, na ang lahat ay may kapalit" sabi ng isang dilim
" Alam Ko iyon at handang handa na akong mamatay kapatid ko, ano bang kondisyon ang gusto mo?" Tanong naman ng liwanag.
" Ang gusto ko lang naman ay ang lahat ng kapangyarihan mo ay mapupunta sa akin " nakangising sabi ng dilim.
" at ba't mo naman ninanais na makuha ang aking kapangyarihan, pare pareho naman tayong binigyan ng kapangyarihan ng kataas taasang bathala kapatid ko." Pagsasabi ng liwanag
" Malalim na dahilan kapatid ko " wika ng dilim
"Kapatid ko hindi mo ba napansin na maganda ang pakikitungo ko sayo na kahit hindi tayo mapag iisa ay tinuring parin kitang kapatid. Bakit ka nagkakaganyan kapatid ko, noong una' y magkasama tayong gumagawa ng mga bagay na ating hilig " wika ng liwanag na parang naiiyak na
" Alam mo ba na kahit sinabi ng kataas taasang bathala na kailanman ay hindi tayo mapag iisa, na tayo ay magkaiba sa lahat ng bagay pinipilit kong maging malapit sayo nang sagayon ay hindi mo maramdaman na nag iisa ka tayo nalang dalawa ang magkasama sa lahat tapos gaganituhin mo ako" naiiyak na sabi ng liwanag
" Alam mo ba kapatid na ang lahat ng mga galaw at pakikitungo ko sayo ay huwad !!! " Diin na sabi ng dilim at napahagulgol ng iyak ang liwanag.
" Hindi yan totoo kapatid ko" hagulgol na iyak ng liwanag.
" Isa sa mga pinaka ayaw ko sayo ay lahat ng atensyon na dapat sana ay ituon sa akin ng kataas taasang bathala ay napunta sayo" galit na sabi ng dilim at may tumulong isang patak ng luha sa mga mata nito at napayukom siya ng kamao.
"Ganon ba!, yun ba ang kinaiinisan mo sa akin , dapat noon pa sinabi mona para hindi lumaki ng lumaki ang hidwaan nating dalawa. Pumapayag naman akong magparaya alang ala sayo kapatid. " Iyak na sabi ng liwanag.
" Huli na ang lahat ang nagawa ay nagawa na tumigil kana sa pag iyak dahil hindi mona mababago ang isipan ko" galit na saad ng dilim sa liwanag.
" Kung gayon ituturing nalang kitang isang kalaban at kaagaw " saad ng liwanag at tumigil na ito sa pag iyak.
"Mas mabuti pa dahil ikakatuwa ko yun. Dapat na nga nating sundin ang bilin ng kataas taasang bathala na tayong dalawa ay hindi mapag iisa na tayo ay may iba ibang katangian, hindi tayo magkapareha at mas mabuti pa na ibaon mo nalang sa limot ang salitang kapatid dahil mula ngayon ay kalaban na ang turing ko sayo" galit at nanlilisik na wika ng dilim
" Ganon ba ohhh sige may kondisyon din ako na kapag mamatay ka ang kalahati ng kapangyarihan mo ay mapupunta sa akin" wika ng liwanag at tumulo ang isang butil ng luha sa mata nito.
" Ohhh sige payag ako alam ko namang ako ang malakas sa ating dalawa" sarkastikong sabi ng dilim
" Walang saysay ang iyong lakas kung wala ka namang katalinuhan" pang aasar ng liwanag hindi na nag atubiling maghintay ang dilim na susugod ang liwanag sa kanya siya na mismo ang sumugod.
Puro kalansing ng espada na lamang ang naririnig sa lugar na yun. Nagpalabas ng itim na kapangyarihan ang dilim at ginawa niya itong parang isang lubid at dali dali itong naglaho at pumunta sa likod ng liwanag. Ang liwanag naman ay nagulat hindi niya inaasahan na ganon pala ang ginawa niya, hindi na nagdalawang isip ang dilim at tinalian niya ito sa ulo. At kinuha ang kanyang espada. Itatarak na sana ng dilim ang kanyang espada sa dibdib ng liwanag subalit hindi na niya ito naituloy dahil nauna nang sinaksak ng liwanag sa tagiliran ang dilim. Hindi makagalaw ang dilim, nagpalabas ng itim na kapangyarihan ang dilim at nag anyong espada ang itim na kapangyarihan at bago pa mamatay ang dilim ay sinaksak niya sa gitnang bahagi ng katawan ang liwanag. Nawalan na ng malay ang itim ngunit ang liwanag ay nakatayo pa at namimilipt sa sakit, bago pa mawalan ng malay at mamatay ang liwanag ay nakuha na niya ang kondisyon na hiningi niya kanina na ang kalahati ng kapangyarihan ng dilim ay mapupunta sa kanya.
Naglaho na ang dilim pero ang liwanag ay maglalaho palang.
" Magkikita pa tayo aking kapatid" wika ng liwanag habang nakahilata at dahan dahan itong naglaho, nag hari naman ang katahimikan sa lugar kung saan sila nag laban kanina lang.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Shiela's POV
Habang nakikinig ako ng mga kanta sa aking cellphone ay nararamdamang kong nanginginig si light kaya dali dali ko siyang ginising baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
" Light gising light gising!!!" Panggigising ko sa kanya nag alala na talaga ako sa kanya. Nagising naman si Dim na nasa kabilang upuan at pumunta sa gawi kung saan kami nakaupo tinulungan niya akong gisingin si light.
" Light gising!!" Nag alala naming sigaw kay light habang tinatapik namin ang mukha niya.
" Is he's ok??" Tanong ng babaeng dayuhan. Naramdaman naman naming tumigil na sa panginginig si light ngunit hindi na namin naririnig ang panghinga niya kaya agad namang ginamit ni dim ang kanyang tenga at nilagay nito sa bandang dibdib ni light. Sa tingin ko chinicheck lang niya ata kung tumitibok pa ba ang puso ni light.
" Shiit ba't hindi ko marinig ang tibok ng puso ni light" nangangambang saad ni dim na nagpakaba sa akin wag naman po lord plss gusto pa po namin siyang makasama ng matagal.
"I'm a doctor i know that kind of cases, give me some space i will do something to him" biglang saad ng foreigner na babae kaya binigyan namin siya ng space para makalapit kay light. Ang una niyang ginawa ay pinosisyon niya ang dalawang kamay niya sa dibdib ni light ahh alam ko na gagawin niya ang CPR.
Habang ginagawa ng babae ang kanyang makakaya upang i revive ang pagtibok ng puso ni light ay napansin ko na ang lahat ng mga pasahero ay nag aalala sa sitwasyon ngayon ni light. Ilang sandali lamang ay nagising na si light at tumikhim siya ng hangin.
" Are you ok??" Nakangiting tanong ng babae kay light.
" Yes thank you for saving my life i thought that it would be my last breath thank you " pagpapasalamat ni light nakikita kong namumula ito. Bumalik naman sa dati ang sitwasyon. Binaling ko ang tingin kay light nakita kong nakatunganga lang ito na parang may iniisip.
" Light huyyyy ano bang nangyari sayo kanina akala ko kung ano na, pinag alala mo kami sa totoo lang!!!" Nag aalalang wika ko sa kanya at bumaling naman ang tingin nito sa akin.
" Oo nga light " wika ni dim at niyakap niya ito ng mahigpit.
Light's POV
Grabe yung panaginip ko kanina yung liwanag at dilim ay nagpatayan naaawa ako sa liwanag dahil itinuring niyang kapatid ang dilim kahit hindi sila mapag iisa subalit itong si dilim naman sobrang sama.
Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating na kami sa Antarctica parang hindi ko naramdaman ang lamig dahil sa pag alala sa aking napanaginipan.
" Huyy light ok kalang ??" Tanong nito at tinabig Niya ako.
" Ahhh oo " maikling sagot ko .
" Kanina ka pa kasi nakatunganga diyan nag alala na kami sayo ni dim" ani ni shiela
" Wag kang mag alala nuh ok lang ako" pang aassure ko.
Hindi ko namalayan na natapos na nilang ginawa ang tent dome ang laki. Sobra ang lamig dito pati yung mineral water na binili namin kanina sa mall nanigas na shittt ano kaya ang iinumin ko.
" Shiela may inumin ka ba diyan yung liquid hahhh yung inumin ko kasi naging yelo na" nanginginig kong sabi kay shiela grabe naman ang lamig dito.
" Oo meron pero mainit siya alam mo naman para makasurvive ang tubig dito dapat mainit yung tubig " sabi niya at kinuha niya ang tubig na pinagsasabi niya at ininom ko yon nawala ang uhaw sa aking lalamunan at binalik ko naman ito sa kanya. Pumasok na kami sa tent dome namin grabe napakakomportable naman dito.
"Light anong plano natin??" Seryosong Tanong ni shiela habang nakatingin sa akin. Ano kaya?? Hindi muna ako nag salita nag isip muna ako ng epektibong plano. Ahhhhh alam kona?
" Ganito kapag mag umaga o mas magandang sabihin natin na gabi palang ay aalis na tayo dito diba nakabili ka naman ng compass at map ng antarctica so that's the plan aalis na tayo bago sisilip ang haring araw at mag iiwan tayo ng sulat sa kanila" tugon ko sa kanyang tanong at umoo nalang ang dalawang ito.
Fast forward....
Nasa labas na kami at malayo na kami sa tent dome namin. Ang ganda ng kalangitan ang daming mga nagsasayawang mga southern light. Nakatingin kami sa langit habang naglalakad sa manyebeng lupain ng Antarctica I'm so excited na makapunta na doon. Nakita kona naman namamangha ang dalawa habang nakatingin ang dalawa sa langit.
" Light sigurado kana sa planong ito" pag alala ni shiela
" Oo naman mag plaplano ba ako ng hindi pinag iisipan" wika ko sa kanya.
" And alam niyo kayo ang pinaka best gift ever in my entire life " masayang sabi ni shiela at inakbayan niya kami at parang naluluha na siya.
"Lagi niyong tatandaan na kahit anong mangyari ngayon at sa future still best friends parin tayo hah sob*" naiiyak na sabi ni shiela hindi korin mapigilan umiiyak pati rin si dim nangingilid narin ang luha habang nakatingin sa kalangitan.
" Gaga ka ba't ka ba nag sasabi ng ganyan ikakasal pa tayong tatlo noh!!" Naiiyak na sabi ko ang dalawang gaga naman tumatawa ng umiiyak hayys mga timang talaga.
Fast forward....
Ilang oras kaming nag lakbay sa manyebeng lugar ng antarctica. Natagpuan narin namin ang bundok ng trans antarctica. Pumunta kami sa pinaka gitna nito. Kinuha ko sa magic bag ko ang libro ng celementum.
Binuksan ko ito at hinanap ang pahinan kung saan nakasaad ang salawikain na babasahin namin upang mabuksan ang lagusan.
" Light ready kana" nakangiting tanong ni dim at tumango naman si shiela. Napagdesisyonan ko na dugo ko nalang ang gagamitin para sa pagpapasalamat sa libro. Hinanda na ni dim ang patalim, ang gagawin niya ay susugatan niya ako mamaya. Binasa ko ang mga salawikaing nakasaad sa libro.
"Apareri portas et da viam meam debet." Malakas na basa ko sa salawikaing nakasaad sa libro. Agad namang kinuha ni dim ang aking kamay at binuklat ko ang aking palad nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na ito pero hindi ko na yon pinansin. Sinugatan naman ni dim ang aking kamay shittt ang sakit dali dali kong nilagyan ng dugo ang diyamanteng ruby sa cover ng book at ilang sandali lang ay naglaho ang libro at biglang nagliwanag ang nasa harapan namin, sa laki ng liwanag ay tinakpan namin ang aming mga mata, ilang sandali lamang ay humihina na ang liwanag sa aming harapan at inalis na namin ang aming mga kamay sa aming mga mata at bumungad sa harapan namin ang portal.
"Halina kayo I'm so excited" excited na wika ni shiela at hinawakan naman ni shiela at dim ang kamay ko at dinala naman nila ang mga kagamitan namin at lumakad na kami patungo sa portal.
Bumungad sa aming harapan ang masukal na kagubatan. Namangha kami sa ganda ng lugar kahit gubat lang ito ay napakaganda nito Parang enchanted forest. Kinuha naman ni dim ang aking kamay at binalutan nito ng bandage ang aking nasugatang palad. Sumilong muna kami sa isang napakalaking puno upang hindi kami mainitan ng araw nakakahaggard pa naman yun.
Tumingin naman ako sa kalangitan woooh nakakamangha naiiba ito sa mundong meron doon sa mundo ng mga tao at ang nakakamangha pa ay yung buwan ay nakapalibot sa araw woohh. Ang bruha naman tumatawa lang hayys diba dapat namamangha din siya kasi first time niya..
" ang ganda diba " nakangiting wika ni shiela habang nakatingin sa langit.
"Alam niyo ba na sinabi sa akin lahat lahat ni mommy ang tungkol dito sa mundong ito" saad nito ulit gaga may alam na pala siya ba't hindi niya sinabi sa amin.
" Alam niyo ba ang araw na yan ang pangalan niyan ay idalia at ang buwan naman na umiikot sa araw na yan ay selene ang tawag" pagpapaliwanag nito kita sa mukha nilang dalawa same with me sa wakas nakaapak narin kami.
"At alam niyo rin ba na kapag gumagabi dito hihina ang liwanag ng araw na yan pero hindi parin maaalis ang init niyan pero don't worry kapag gabi malamig naman sa lupa at sa gabi naman liliwanag ang buwan na yan." Pagpapaliwanag niya at na pa wohhh naman kami wooaaah first time kong malaman na may ganun pala.
" Lightttttt" sigaw ng kung sino at nang tumalikod ako ay nakita ko sina....
Abangan...