Chereads / LUX IMPERIUM ACADEMY | THE SCHOOL OF MAGIC | (BXB STORY) TAGALOG / Chapter 15 - CHAPTER 12: THE BOOK OF KNOWLEDGE

Chapter 15 - CHAPTER 12: THE BOOK OF KNOWLEDGE

(Author note: Upang Inyong malaman at maintindihan ang daloy ng kwentong ito, kung maaari ay wag niyo itong palampasin, dahil sa book of knowledge na ito, dito niyo malalaman ang lahat patungkol dito.)

THE BOOK OF KNOWLEDGE.

HISTORY...

Noong unang panahon ang overseer o mas kilala bilang si mata o kataas taasang bathala o ng nilalang sa lahat ay nag iisa lang namamalagi sa kanyang lugar, dahil sa mag isa lang siyang namamalagi at walang kasama ay sobrang lungkot nito, nawawalan siya ng ganang gumawa ng kanyang gusto kung kaya't sa sobrang lungkot nito ay lumuha siya ng dalawang butil ng luha na nagmula sa kanyang mga mata.

Nagbunga ito ng dalawang batang may pakpak ang isang bata ay may kulay puting pakpak at ang isa naman ay may kulay itim na pakpak. Binigyan niya ito ng mga pangalan, ang batang may puting pakpak naman ay si Lux na sumisimbolo sa liwanag at ang batang may kulay itim na pakpak naman ay si Nox na sumisimbolo sa Kadiliman. Alam ng overseer na hindi sila mapag iisa dahil sa iba iba ang katangiang nanalaytay sa kanilang pagkatao, pero kahit ganon pa man ay binaliwala nalang niya muna ito dahil ang dalawang batang ito ay sanggol pa lamang, sasabihin nalang niya sa mga ito na hindi sila mapag iisa kapag malaki na sila.

Nang lumaki na sina Lux at Nox ay ginawan sila ni overseer ng mundo kung saan sila mamamalagi ang Divine world at niregaluhan sila ng overseer ng dalawang mesa na para kay Lux at Nox. Sinabi  ng overseer na ang mga mesa nayan ay isang dimension kung saan sila lilikha ng mga gusto nila batay sa kanilang imahinasyon. Natuwa naman ang dalawang nilalang sa sinabi ng overseer at pinangalanan ito ng dalawang nilalang, ang mesa ni Lux ay pinangalanan niyang table of lux creaturae at kay Nox naman bilang table of Nox creaturae. Samut saring mga nilikha ang kanilang ginawa kaya naman binansagan sila ng overseer bilang supreme creator at supreme angel narin dahil narin ito sa kanilang pakpak na parang anghel sa ganda. Si lux naman ay gumawa ng galaxies, mga bituin , planetang nakaikot sa bituin, mga buwan, mga anghel na mga tagasunod ni Lux , mga nilalang na buhay at mga nilalang na may kapangyarihan at walang kapangyarihan. Si Nox naman ay puro halimaw mga mababangis na nilalang at walang katapusang kadiliman at walang kabuhay buhay na paglilikha kung kaya't mas piniling purihin ni overseer ang mga nilikha ni Lux kaysa kay Nox. Sobrang matalik na magkaibigan ang dalawa sa kabila ng sinabi ng overseer na hindi sila mapag iisa, sa sobrang pagkakaibigan at pagmamahalan nila ay gumawa sila ng portal na konektado sa kani kanilang mga mesa o dimension.

Isang araw ay nagpakita muli ang overseer sa dalawa upang tignan muli ang kanilang mga nilikha ngunit nadismaya ulit si overseer sa mga nilikha ni Nox dahil wala parin itong kabuhay buhay puro dilim lang ang nakikita hindi tulad kay Lux na sobrang ganda nito na parang nahihipnotismo ka nito kapag nakikita mo ang nakikislapang mga ilaw sa kanyang mesa, dahil dun pinuri ulit ni overseer si Lux sa mga nilikha nito, dito na nagalit ng palihim si Nox pakiramdaman niya ayaw ng overseer sa kanya at sinisisi ni Nox si Lux kung bakit siya hindi pinupuri ng overseer. Sa sobrang pagkainggit nito ay nagplano itong galawin ang mesa ni Lux. Habang natutulog si Lux ng mahimbing ay tumungo si Nox sa Mesa ni Lux at lumikha siya ng samut saring mga mapanganib at mababangis na mga nilalang kagaya na lamang ng mga Dark Demons, Bampira at mga nilalang na may kapangyarihan ng kadiliman. Natuwa siya at nagagalak sa kanyang ginawa at masisilayan mula sa mesa ang digmaan sa pagitan ng kanyang mga nilikha at mga nilikha ni lux.

Nang paggising ni Lux ay pumunta siya kaagad sa kanyang mesa upang masilayan ang ganda ng kanyang mga nilikha ngunit ng makalapit na siya dito ay tumambad sa kanyang harapan na ang planetang mundi vita o mas kilala ngayon bilang earth ay nababalot ng dilim ang mga nilalang ay naglalaban laban, marami ng walang buhay at mga napaslang, kaya itinigil nito ang hidwaan ng bawat panig. Alam niyang ginalaw ito ni Nox kaya   nagkakaganito ang planetang earth, alam niya ring may galit ito sa kanya ng patago pero wala na itong pakialam dahil mahal niya ang kaibigan niya dahil parang kapatid niya na rin ito.

Isang araw Hindi na matiis ni Nox si Lux kaya hinamon niya ito sa isang labanan ngunit sila ay namatay. Ang mga kapangyarihan ni Lux ay nagkapira piraso ng magsimula itong maglaho at kinikilala itong mga diyos at diyosa sa mundo ng earth at wala pang nakakaalam kung ano ang nangyari kay Nox kung nagkapira piraso ba ang kapangyarihan niya o ano. Naghari ang katahimikan sa Divine world at ang overseer naman ay nalungkot sa nangyari, alam niyang mangyayari iyon kaya siya ang pumalit upang pangalagaan ang dalawang mesa, hinding hindi niya ito gagalawain babantayan niya lamang ito at susubaybayan ang mga nilikha na nilikha ng dalawa alam niyang may mangyayari pa.

Nang mawala si Lux ang ibang anghel Naman ay nag aklas laban sa kapwa nilang mga anghel na nasa matataas na posisyon ngunit nabigo sila lalo na si lucifer kaya hinulog sila sa kalupaan ang iba naman ay napunta sa impiyerno ang iba naman ay gumawa nang kani kanilang realm ang iba naman ay sumapi sa Kadiliman kagaya na lamang ni lucifer na naging hari ng impiyerno at ng kasamaan. Ang mga Anghel na sumapi sa kasamaan ay tinatawag na Dark Demons at ang mga Anghel naman na nagsisisi na sa kanilang pagtataksil sa mga anghel ng liwanag ay Tinatawag na Demons o fallen angel.

Samantala ang mga pira pirasong kapangyarihan ni Lux ay naging mga diyos at diyosa at sinasamba ng mga nilalang at kinatatakutan din.

Kalaunan ang napakalaking poryento ng populasyon ng mga diyos at diyosa na ito ay namatay dahil isinakripisyo nila ang kanilang mga buhay para lamang maisara ang bukas na lagusan na nagdurugtong sa dimension ng mesa ni Nox. Labing isa na lang ang natitirang diyos na nangangalaga sa loob ng mesa sa kasamaang palad ang isa sa kanila ay kalaban na nagngangalang Magnos ang diyos ng itim na mahika na isa sa pinaka makapangyarihang diyos sa labing isang natitirang diyos na meron sa loob ng mesa ni lux.

Sa milyong taong nagdaan, limang digmaan na rin ang naganap sa pagitan ng dalawang panig, ang light folks o ang mga nilalang sumusunod sa turo ng liwanag at sa Dark folks na sumusunod sa turo ng kadiliman. Sa limang digmaan na naganap palaging nagtatagumpay ang mga light folks ngunit nahirapan din naman ang mga light folks sa pangalawang digmaan dito bumukas ang lagusan na kumokonekta sa mesa ni Nox kung kaya't pati ang mga diyos at diyosa ay kailangang magsakripisyo ng kanilang buhay para  masara lamang ito at ngayon ang mga diyos na ito ay namamahinga na sa spiritual realm ang lugar ng mga patay na diyos at mga nilalang, pwede naman silang bumalik at masilayan ang mundo ng buhay sa isang kondisyon na sila ay magiging isang guardian at pwede silang tawagin ng mga nilalang ng tagatawag o ang mga summoner pero bihira lang sa mga diyos ang may gusto nito ang mayorya ng populasyon nila ay ayaw nito dahil sa kanilang paniniwala na ang diyos ay hindi dapat inuutusan.

Noong unang panahon pa man ay may marami ng kaharian ang nag eexist sa mundo ng agartha at sa mundo ng mga tao ngunit ang pinagkaiba ng dalawang mundong ito ay ang mundo ng mga tao ay nasa surface o nasa labas ng lupa ng earth at ang mundo ng agartha ay nasa internal ng earth o nasa loob nito at malaki din ang pinagkaiba ng dalawa ng mga nilalang dito dahil ang mga tao ay walang kapangyarihan at ang mga nilalang na nakatira sa agartha na tinatawag na agarthian ay halos 90% ng populasyon nila ay may kapangyarihan.

May 23 na kaharian meron ang agartha kasama na doon ang kaharian ng dalawang panig. May 3 council, may dalawang lost city na mula sa mundo ng mga tao ngunit ngayon ay nasa mundo na ng mga agarthian may limang advanced city at anim na sikat na paaralan ng mahika.

Sa mundo ng agartha ay walang bansang nag eexist puro kaharian lamang walang imperyo. Ang nagpapatakbo ng bawat ekonomiya ng bawat kaharian ay ang punong ministro pero mataas parin ang posisyon ng hari at reyna ang tungkulin lamang ng punong ministro ay pagandahin ang ekonomiya ng kahariang kanilang pinagtratrabahuhan. Samantala sa mga siyudad naman ay mayor ang namamahala at demokrasya ang nananalaytay, sa bawat siyudad na ito ang mga mayor ay pinagbobotohan ng mga royal family ng bawat kaharian, ang mga mamamayan naman ay responsable sa pagboto sa pipiliin nilang ipapanlaban sa kabilang panig para pagbotohan ng mga hari at reyna sa araw ng halalan, ganun ang sistema sa agartha para na rin sa kaligatasan ng lahat. Kapag nasa panahon ng digmaan ang buong agartha o ang bawat kaharian ay hindi maaaring pumanig sa kabila o sa kanan ang bawat siyudad ay dapat nasa gitna lamang tsaka lamang sila papanig kapag sobra na ang sitwasyon ng digmaan sa dalawang panig .

Abangan...